Share

SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)
SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)
Author: YNAH MENDOZA

Prologue- SIMOUN MONTALVO ( Irresistible Body Series)

“Sir, we’ll heading in New York in less than fifteen minutes.” Narinig ni Simoun na sabi sa kanya ng kanyang personal secretary na siyang kasama niya sa biyahe. Biglaan ang naging biyahe niya papuntang New York para kausapin ang mga businessman na gustong makipagpartnership sa kanya sa kasalukuyan niyang negosyo na Airlines.

“Okay, after the meeting pwede na kayong magpahinga once na makabalik na ako sa hotel.” Utos niya dito at saka niya muling itinuon ang pansin sa labas.

It’s been a year simula ng magbalik siya sa kanyang kinagisnang mundo. Ang mundo na kung saan umiikot lang ang kanyang buhay sa trabaho at pagpapalago ng mga negosyo ng kanilang pamilya. He’s the eldest son of Lorenzo Montalvo. He’s been the CEO of his own company two years pagkatapos niyang makatapos ng college sa isang exclusive University sa Manila.

Pagkalipas ng tatlong taon, mayroon isang tao na hindi na niya gusto pang makitang muli. He’s been miserable for the past three years dahil sa pag-iwan sa kanya ng babaeng ito na akala niya ay makakasama na niya habangbuhay. Nakatatak pa rin sa isip niya ang huli nilang pag-uusap bago ito tuluyang umalis papuntang Italy.

"Bea, can we just talk na hindi tayo nag-aaway?

     

"Pagod na ako Simoun,Im so sick and tired.”Nakita pa niya ang pagbuntonghininga nito habang malungkot ang mga matang nakatunghay sa kanya. “I always begging for your time, palagi ka na lang walang oras para sa ating dalawa. Hindi mo nga naalala na birthday ko kahapon, am I right?” Sarkastiko nitong tanong sa kanya. At napakamot siya sa kanyang batok ng maalala ang date kahapon. What the! Bakit nga ba hindi niya naalala na birthday ng girlfriend niya kahapon?

“Bea, I’m so sorry. I-…”

“You have nothing to sorry Simoun, sanay naman ako na palagi mong nakakalimutan ang tungkol sa akin, sa atin.” At mabilis niotng dinampot ang pouch na dala nito sa sofa ng kanyang opisina.

“Honey, wait…” Pigil niya dito na hinawakan pa niya ito sa maliit nitong baywang.

“Let me go Simoun. I want to brake-up with you. Tapusin na natin ang relasyon na mayroon tayo ngayon, pareho lang tayong nahihirapan.” Tinanggal nito ang mga kamay niyang nakayakap sa baywang nito. Para siyang nawala sa sarili at bigla niyang pinihit si Bea paharap sa kanya. Mabilis niya itong hinalikan sa labi. Marahas at madiin na paghalik ang ginawa niya dito dahil sa takot niya na tuluyan na siya nitong iwanan.

Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi matapos niyang gawin ang paghalik kay Bea na nagpagising sa kanyang katinuan.

“Is this the way how you will stop me from leaving you, huh? Simoun, we’ve been together since nasa college pa tayo. At palagi akong nasa tabi mo, iniintindi kita. But I suggest, lahat ng bagay ay dumarating din sa dulo o hangganan nito. And for our relationship, this is the right time para tapusin natin ang mayroon tayo.”

Hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan niya at naikuyom na lang niya ang kanyang mga kamay dahil sa galit na nararamdaman niya that time.  Bakit hinayaan niyang humantong sila ng babaeng pinakamamahal niya sa isang sitwasyon na kahit kailan ay hindi niya inasahang mangyayari sa kanilang dalaw? Sabay silang nangarap na magkasama para sa kanilang kinabukasan. But because of him, mas pinili siyang iwanan ni Bea na mag-isa. Unti-unti itong nawala sa paningin niya ng tuluyang magsara ang pinto na pinanggalingan nito at naiwan siyang mag-isa sa kanyang opisina, bigo at hindi napaghandaan ang sitwasyon niya ngayon.

From that day, hindi na niya hinayaang masaktan pa ng dahil sa pag-ibig na akala niya ay pang habangbuhay. Pag-ibig na nagdulot sa kanya ng galit sa puso na kailan man ay hindi niya makakalimutan.

“Sir, we are where here.” Untag sa kanya ng kanyang secretary. Binutones niya ang suot na coat saka siya tumayo. Sumunod naman ito sa kanya dala ang mga important files na kailangan nila para sa meeting.

*****

“Simoun, son…” Hinalikan siya sa pisngi ng kanyang Mama at saka nito inayos ang kuwelyo ng kanyang suot na long sleeve.

“May sasabihin mo pa ba kayo Ma?” Walang buhay niyang tanong sa ina. Kauuwe niya lang sa isang business trip kaya parang wala siyang gustong gawin kung hindi ang magkulong sa kuwarto at magpahinga.

“Nag-aalala lang ako sayo anak,baka naman masyado mong inaabuso ang sarili mo dahil sa pagtratrabaho? Can you take a break kahit ilang lingo lang? Magbakasyon ka sa rest house natin sa Pangasinan? Do you want?” Halatang nag-aalala ito sa kanya. Hinagod pa nito ang kanyang balikat na parang sa paraang iyon ay mapapawi ang pagod at lungkot niya.

“I’m okay Mom, don’t worry. Magpapahinga lang ako,” tanging nasabi niya sa kanyang ina.

 “Did you still remember her?” Pahabol na tanong nito sa kanya na ikinalingon niya dito. Alam niya kung sino ang pinapatungkulan nito.

“She’s nothing Mom, but part of my past that I totally forgot. Wala na akong pakielam sa kanya oh kung nasaan man siya ngayon,” madiin niyang sabi dito. Nagpatuloy na siya sa pag-akyat sa hagdan para pumunta sa kanyang kuwarto, leaving his mother clueless. Hindi niya gusto pang pag-usapan ang tungkol sa babaeng matagal na niyang binura sa puso niya pero sa kanyang isipan…because he will use that memories na natitira sa utak niya para mapaghandaan niya ang muli nilang pagkikita.

Nang makapasok siya sa kanyang kuwarto ay pagod niyang isinara ang pinto nito. Inihagis niya sa ibabaw ng kanyang kama ang kanyang cellphone at nagtungo siya sa walk-in closet to get some clothes to wear. Nagtungo siya sa banyo upang magshower. Paglabas niya ng banyo ay sakto namang tumunog ang kanyang cellphone. He wiggled his head to manage his wet hair. Nakahawak siya sa kanyang baywang ng sagutin niya ang taong tumatawag sa kanyang cellphone.

          

 "Rino, do you have any updates sa pinapaayos ko sayo?”

 “Yes sir. By three days ay mapapapirma na natin si Mr. Colls ng contract.” Balita ng kausap niya.  Napatingin siya sa labas ng glass window ng kuwarto niya. Isa si Mr. Colls sa mga importanteng negosyante na nangangailangan ng serbisyo ng Montalvo Airline kaya kailangan naming makuha ang pirma nito at magkaroon ng contract sa kompanya nito.

“Okay then, just inform about contract at kung kailan niya mapipirmahan ang mga iyon.” Mahigpit niyang bilin dito.

“Noted sir,ako na po ang bahala sa mga pinapagawa n’yo.”

“Alright, thank you. I’ll hang up, I have important things to do.”

Kinabukasan ay maaga siyang nagising. Gumayak siya agad upang pumasok sa opisina. He has something to do about the business kaya hindi siya pwedeng magpatanghali. Nang makababa na siya dining table ay nakita na niyang nakaupo ang kanyang mga magulang kasama si Ezekiel. Si Lucas naman ay madalang na umuwe sa kanilang bahay. Ang alam niya ay bumili na ito ng sariling bahay at doon na ito naglalagi.

 “Son…”

 “Dad. Do you have anything to say?” Agap niyang tanong sa ama habang naghila siya ng isang upuan para kumain ng umagahan.

“Its about your business. Balita ko ay maraming business partners ang may gusto na kuhanin ang serbisyo ng Airlines mo.” Balita nito sa kanya nang maibaba na nito ang hawak na tasa ng kape.

“Yeah. Ilang meetings and negotiations na lang at makukuha ko na ang partnership nila. But for the mean time ay aasikasuhin ko muna ang ilang bagay tungkol sa company.”

“That’s my son.” Natutuwang sabi nito sa kanya. At sunod naman nitong nilingon si Ezekiel na busy naman sa pagtipa sa cellphone nito.

“How about your businesses,Ezekiel?” hindi nito nakalimutang tanungin ang kanyang kapatid. Ang kanilang ina naman ay tahimik lang na nakikinig sa pag-uusap nila.

“It’s good Dad. And I’ll put up another branch in Makati next month.” Pagbabalita nito sa kanila. At nagpatuloy na ito sa pagkain ng matapos nitong sagutin ang tanong ng kanilang ama. Ever since ay palagi na lang ganoon ang routine nila sa umaga. Kahit na wala ang pangalawa nilang kapatid na si Lucas ay palagi naman nitong sinisigurado na maayos ang kalagayan nito maging ang sarili nitong negosyo na mga hotel. Kaya masasabi niyang being a Montalvo is not easy. Full of responsibility and task but in the end…being a Montalvo is a previlage that everyone is always dreaming of.Money, power and glamorous lifestyle… lahat ng iyon ay parte ng pagiging isang Montalvo.      

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status