Share

Cheat

Penulis: Nelia
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-03 11:13:02

Excited na umuwi ng bahay si Dos bitbit ang positibong pag-iisip na baka nga tama ang kaibigan niyang si James. Na baka buntis ang kaniyang asawang si Zahara. kumbaga, naka-program na sa isip niya ang magandang balita at nag-iisip na para sa magiging selebrasyon.

Nasa bulsa niya ang PT o pregnancy test na pibabili niya sa tauhan. Punong-puno ng kasiyahan ang puso ni Dos hindi pa man din niya nakukumpirma.

Pasado alas singko ng makauwi siya sa mansyon. Maaga kumpara sa normal na uwi niya. Dumiretso kaagad siya sa kwarto nila ng asawa at hinanap ang magandang ngiti na laging sumasalubong sa kaniya. Pagdating niya sa loob, nilibot niya ang kabuuan ng malawak na masters bedroom. Wala doon ang kaniyang asawa. Nilapag niya ang kaniyang attachecase sa kama at nagulat siya sa nakita. May pulang dugo sa puting sapin ng kama nila. Wala sa loob niyang hinawakan ito. Mamasa-masa pa. Ibig sabihin----

"Anong ibig sabihin nito? ibig ba nitong sabihin...." Biglang nakaramdam nang panghihina si Dos. Para bang lahat ng exitement at kasiyahan na nararamdaman niya kanina ay bigla na lang napalitan nang pagkadismaya. Isang malaking pagkadismaya. Umasa agad siya na may nabuo na ngunit dahil sa pulang mantsa na nakita niya ay nawala ang pag-asang buntis ang asawa. Halo-halong emosyon ang nasa puso niya ngayon. Naroon yung pagkabitin, inis, at pagkaawa sa sarili.

Sakto namang lumabas si Zahara mula sa banyo. bagong ligo. bitbit pa ang isang balot na napkin. Nakita niya kaagad ang asawang si Dos na seryosong nakatingin sa bedsheets na may tagos.

"S-sorry.... h-hindi ko kaagad napapalitan. Sorry din hindi tayo makakapag-s*x mamaya. Biglang dumating yung regla ko. Dapat pala pumayag na ako kagabi." Paliwanag ni Zahara sa asawa. Halata kasi masyado ang mukha nito kaya inisip agad ni Zahara ang tungkol sa usapan nila kanina. Nangako kasi siya sa asawa.

"Okay lang. Marami pa namang next time." sabi na lang ni Dos pero sa loob-loob nito ay gusto niyang kagalitan ang asawa. Kung bakit nga ba kasi hindi pa ito pumayag sa aya niya kagabi. Kung bakit nagsusuot ito ng mga damit na kaakit-akit sa paningin niya pero lagi naman itong tumatanggi sa kaniya. Ang pinaka kinaiinis pa ni Dos ay hindi pala ito buntis. kumbaga hindi pa rin niya makuha kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit lately ay ganoon ang mga kinikilos nito. Sa tagal nilang magkarelasyon ay ngayon lang napuno si Dos. Inis na inis siya pero ayaw niya lang ipakita sa asawa niya.

"Sure ka, hindi ka galit?"

"Bakit naman ako magagalit?" kabaliktaran sa totoong nararamdaman niya ang kaniyang sagot.

"K-kasi...." nahihiya rin si Zahara sa asawa.

"Kasi lagi mo akong tinatanggihan? hindi, ah. Ano ka ba, lalaki ako, hindi big deal 'yon. Isa pa pwede naman akong magsarili. Nga pala, aattend na lang pala ako sa birthday ni Dina. 'Yung gf ni James. Okay lang ba?" Naisip ni Dos na pumunta na lang sa birthday ng kasintahan ni James para magpalipas ng inis. Nauna na niyang tinangggihan ang aya ng kaibigan dahil nga masyadong mahal ni Dos ang asawa at ito ang gusto niyang i-priority bago pa nan ang ibang bagay. Pero ngayon kasi sobra talaga ang pagka-disappoint niya. Gusto niyang magkuwento sa kaibigan niyang si James.

"S-sige. P-pero kumain ka na muna...."

"Hindi na. doon na lang siguro." malamig na tugon ni Dos sa asawa. Hindi na siya namahinga. Kaagad na siyang nagpalit ng damit at nagmamadaling lumabas ng kwarto. Sa tagal ng kanilang pagsasama ay ngayon lang nakitaan ng ganitong pag-uugali ang asawa. Hindi naman niya ito masisisi dahil alam niyang nagkukulang siya rito lately. Kung kailan pa naikasal na sila.

______________________

"Badtrip puta! para akong aso sa ginagawa niya! Para niya akong tinataranrado nito. Nakakainis!" Hanggang sa loob ng sasakyan ay dala pa rin ni Dos ang inis sa asawa. Panay ang hampas niya ng manibela. Ikaw ba naman kasi yung pinangakuan tapos biglang niregla? Ang dami-daming gabi na wala itong regla pero tinatanggihan siya tas kung kailan siya pinangakuan saka naman---- "Bullshit! Nakakagago lang..."

Mabilis na pinatakbo ni Dos ang kaniyang sasakyan patungo sa Bar kung saan naroon ginaganap ang kaarawan ng nobya ni James. Hindi na siya nag-text o tumawag. Basta na lang siya dumating kaya naman laking gulat ng lahat lalo na si James. Napatayo pa ito sa kinauupuan. "A-anong ginagawa mo rito? b-bakit nandito ka?" Expected na kasi ni James na hindi pupunta ang kaibigan/boss nila ni Dina.

"Ano ka ba?! bakit ganiyang ang tanong mo kay boss? malamang nandito siya para maki-celebrate sa atin." saway ni Dina sa nobyo. "Boss, salamat po sa pagpunta. Hindi naman po kayo nagpasabi ng mapaghandaan. Upo po kayo."

"Salamat!"

Sa naturang birthday party, tanging malalapit lang na kaibigan ni Dina at James ang imbitado at isa na nga roon si Dos na kanilang boss. Kumbaga, simpleng party lang pero sa isang high end na Bar ginanap kung saan tanging ang mayayaman lang ang may afford na mag-celebrate ng birthday dito. Si Dina, hindi siya mayaman pero si James oo. At sagot ni James ang birthday party niya na ito.

Kaya lang, nang dumating si Dos ay dito na nabaling ang atensyon ni James. Tumayo siya at inihiwalay ng table ang kaibigan. "Brad, ayokong magtanong pero kailangan kitang tanungin--- anong ginagawa mo dito? hindi ba may usapan kayo ng asawa mo? Ano? Ano ang naging resulta ng pregnancy test? possitive ba?"

"I'm here, aren't I? So, I guess you know the answer to your question."

"Damn! you mean... you mean hindi siya buntis? Damn, Bro! Eh, bakit ayaw niya makipag-sex?"

"Hindi ko alam. Kanina inaaya niya ako tas may regla pala siya. Hindi ba nakakagago?"

Natawa nang malakas si James sa sumbong ng kaibigan. Nakukuha niya naman yung side nito pero hindi niya talaga mapigilan ang tawa. "Sorry, Brad, ha! Nakakatawa lang talaga. Nakakainis nga 'yon. Kaya may mga lalaking nagloloko sa asawa, eh. Kasi ganiyan yan sila. Imagine sa guwapo mo na yan, tinatanggihan ka? hindi kaya may iba na ang asawa mo?"

"Baliw! Malabo 'yan. Mahal na mahal ako non, noh!"

"Biro lang. Pero bakit nga kaya cold siya sa 'yo?"

Inabutan na lang ni James ang kaibigan ng baso na puno ng alak. Dinadaan lang ni James sa biro pero nalulungkot siya sa tuwing nagsusumbong ang kaibigan lalo pa at sa tingin din niya ay may mali na sa nangyayari. "Idaan mo na lang sa inom 'yan, Brad!"

Buong gabi nakinig si James sa sumbong ng kaibigan. Sa mga hinanakit nito na ngayon lang sinasabi sa kaniya. Uminom sila nang uminom hanggang sa malasing. "Ihahatid na kita. Hindi mo na kaya." wika ni Jamaes sa kaibigan na lasing.

"Hindi. Ayokong umuwi. Gusto ko pang uminom. Uminom pa tayo!"

"Kung ganun, sige, uminom pa tayo. Lumipat tayo ng bar. Pauuwiin ko lang si Dina. Antayin mo 'ko dito."

Iniwan na muna mi James ang kaibigan sandali at inihatid ang nobya sa sasakyan. Nagpaalam siya rito na iinom pa sila ng kaibigan at dadamayan niya ito.

"Sige, mag-iingat lang kayo, ha! I love you!" Wika naman ni Dina sa nobyo. Isang mabilisang halik at pagkatapos ay bumalik na sa loob si James at umalis na si Dina.

Gaya nang napag-usapan ay lumipat nga ng Bar ang dalawa at doon pa itinuloy ang inuman. Inabot sila ng umaga sa pag-inom.

Samantala, buong magdamag nag-intay si Zahara sa pag-uwi ng kaniyang asawa. Alam niyang sumama ang loob nito kaya gusto niyang bumawi kaya lang ay wrong timing lang talaga dahil may regla siya.

Buong gabi hindi nakatulog si Zahara sa pag-aalala. Hanggang sa inabot na nga ng umaga at ngayon lang umuwi si Dos. Halos susuray-suray itong maglakad at mukhang may tama pa ng alak.

"N-napasarap ka ata ng inom? Saan ka natulog? bakit ganiyan ang itsura mo?" sunod-sunod na tanong ni Zahara sa asawa. Amoy na amoy ang matapang na alcohol dito. Dos looks wasted. Nakayuko lang ito at sobrang sakit ng ulo. "Ano ba? Tinatanong kita! SAAN KA KAKO NANGGALING? HUWAG MONG SABIHIN SA AKIN NA NAMBABAE KA NA AGAD DAHIL LANG HINDI KITA NAPAGBIBIGYAN?" Diretsahang sabi ni Zahara. Ngayon lang siya nagtaas ng boses sa asawa. Iniintindi niya ito pero hindi na talaga niya napigilan. Hindi naman kasi ang pag-inom nito ang problema kung hindi ang pulang mantsa ng lipstick sa kwelyo nito.

"Ano? 'yan ba ang tingin mo sa akin? masyadong hayok? Ganiyan bang kababaw ang tingin mo sa akin?" Mediyo na-offend si Dos sa sinabi ni Zahara dahilan para madagdagan ang inis niya rito. "Ang hirap kasi sa akin, sinanay kita, naging sobrang bait ko sa 'yo to the point na nagmumukha na akong tanga."

"Anong mukhang tanga? Sino ba dito ang nagmumukhang tanga? Sige nga ipaliwanag mo kung bakit may mantsa sa kwelyo mo?" Nagsimula nang maging emosyonal si Zahara.

"Hindi ko alam! Wala akong ginawang masama kagabi! Wala akong naging babae! Bahala ka kung ano ang gusto mong isipin. Gusto kong magpahinga!" Hindi na pinahaba Dos ang kanilang usapan. Hindi na siya nakipagtalo. Ang ginawa na lang niya ay lumipat na lang siya sa guest room para doon matulog. Naiwan si Zahara sa kanilang kwarto na iyak nang iyak.

Kaagad na nahiga si Dos sa malambot na kama. Papikit pa lamang siya nang biglang tumunog ang cellphone niya. Dali-dali niya itong sinagot dahil pangalan ni James ang nakita niyang tumatawag sa screen.

* *

"Oh, Brad, napatawag ka?" tanong niya habang hinihilot ang sintido.

"Anong oras ka umuwi? tawag nang tawag sa akin si Zahara at hinahanap ka. Saan ka pa ba nakarating?"

"Brad, may nangyari sa amin noong babaeng pinapunta mo. Yung kagabi. Brad, pwede bang huwag na lang makakalabas kung hindi yari ako sa asawa ko."

"Ha? Akala ko ayaw mo? Paanong nangyari yon? Bumalik ba siya? Hindi ba tinanggihan mo?"

"Hindi ko na alam, Brad. Wala akong matandaan sa mga nangyari. Basta ang alam ko dinala ko siya sa hotel tapos nagkasala ako sa asawa ko. Nagi-guilty ako, Brad. Putcha na 'yan!"

"What? Gago ka, Brad! tinetesting lang kita bakit pumatol ka? Akala ko hindi mo papatulan yung mga ganung uri. Shit, kakakasal mo lang!"

"Yun na nga, eh. kaya sana huwag na lang may makakaalam. Alam mo kung gaano ko kamahal ang asawa ko. It's just a mistake. Hindi na mauulit!"

"Dapat lang! pero kumusta? nag-enjoy ka naman ba?"

"Tang ina, ayoko nang pag-usapan. Gusto ko nang kalimutan ang nangyari kagabi."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • SINNER (wild feelings SPG 3)   Lesson learned

    DOS ENRIQUEZ POINT OF VIEW Para akong binuhusan ng tubig na malamig nang makatanggap ako ng isang tawag mula sa nagpakilalang doktor daw at sinabing nasa ospital ang asawa ko. Dali-dali akong nagmadali para kaagad na puntahan ito. Puno nang pag-aalala ang puso ko at takot. "Bakit? Ano ang nangyari? Bakit siya nasa ospital?" tanong ko sa hangin habang mabilis na pinapatakbo ang sasakyan. "NASAAN SIYA? NASAAN ANG ASAWA KO? ANONG NANGYARI? BAKIT SIYA NANDITO?" Malakas na pagkakatanong ko sa mga nasa information desk sa ospital. Iba ang kaba ko. Kung bakit napakalayo ng ospital na ito at dito pa sinugod ang asawa ko. Nasa manila siya pero anong ginagawa niya dito sa ospital ng bulacan? "Zahara. Zahara Enriquez ang pangalan ng asawa ko." humahangos na sabi ko. "Sir, nasa E.R. pa po siya." sagot ng isa sa dalawang nurse ba naka upo sa Information desk. "E-e R? a-anong ginagawa niya doon? b-bakit siya nandoon?" mautal utal na pagkausap ko sa mga nurse. Naiirita ako dahil hindi nila

  • SINNER (wild feelings SPG 3)   Blood

    He said “I LOVE YOU” while cheating on me. _________________________________________ Straight to my face. No shame. No guilt. Just lies wrapped in sweet words. That’s not love, that’s pure disrespect. Yung tipong okay kayo. okay ns okay kayo tapos ganito yung makikita ko? Yung magdamag at maghapon niya akong pinaligaya tapos makikita ko mismo sa mga mata ko na ibang puke ang kinakain niya? Napakababoy! He wanted the benefits of my loyalty while living like he was single. He wanted my trust while breaking it over and over behind my back. And the worst part? I am now questioning my self. Like I am the problem. Like I needed to do more, love harder, give more of myself just to keep him. "No. Im gonna stop right there." wika ko habang naglalakad palayo mula sa lugar kung saan nagaganap ngayon ang pangbababoy sa pagsasama namin. Hilam ng luha ang mga mata ko habang sapu-sapo ko ang dibdib ko. Nahihirapan akong huminga. Hindi ako makapaniwala na ang asawa kong mahal n

  • SINNER (wild feelings SPG 3)   Spg

    MARIYA MARIA Lahat ng selos ko sa asawa niya ay tinanggal niyang lahat dahil sa kung anong sarap nang ginagawa niya sa akin. I admit it na talagang nababaliw na ako sa sarap. tuwing kinakain niya ako ay para niya akong dinadala sa isang paraiso. Mayroong kapanatagan at kasiyahan. Yun nga lang, hindi ko na malaman kung saan ko ipapaling ang ulo ko. Sa kanan ba o sa kaliwa. Napapaangat ako ng ulo sa tuwing sinisipsip niya ang tinggggil ko. I can't stop my self to moan and beg for more. "Ugggghhhh..... ahhhh.... I want to Fuck you now, Mariya. I badly want to fuck you now but I can't stop my self to Eat ykur sweet pussy. Fuck you! Ahhhh.... this is paradise..." he said with a sexy voice. He looks so fucking Hot. nakapatong pa rin ang mga hita ko sa balikat niya. Aatakihin na ata ako sa libog. Hindi ko alam. basang basa na ako pero ayaw niya pa rin akong tigilan. Sa mga oras din na ito ay nakalimutan kong nagluluksa nga pala ako sa pagkamatay ng kapatid ko. As in, wala akong ib

  • SINNER (wild feelings SPG 3)   Favorite sin

    Sigurado si Dos na sasakyan nila ang nakita at malakas ang kutob niya na asawa niya ang sakay nito. Na sinusundan siya nito. Dali-dali niyang pinaharurot ang sasakyan palayo sa lugar nila Mariya. "Damn! naghihinala talaga siya!" wika niya sa hangin. Pagkatapos kasi ng pagpapaligaya niya rito buong araw ay naghihinala pa rin ito. "Buti na lang at hindi lumabas si Mariya!" dagdag pa niya. Nagloloko si Dos sa kaniyang asawa ngunit natatakot siyang mahuli. Ngayon ay litong Lito na ang puso ni Dos kung sino ba talaga sa dalawa. Habang nagmamaneho ay naisip niyang tawagan ang kaibigan na si louie na kilala ng asawa niya na lagi niya ring nakakainuman. Naisip niyang makipagkita dito upang gawing dahilan. Na kunwari ay ito ang kikitain niya. Mabuti na lang at sakto na umiinom ito sa labas kaya nakahinga nang maluwag si Dos. Hanggang sa makarating siya ng nasabing bar na kinaroroonan ng kaibigan na si louie ay nakasunod pa rin ang sasakyan ni Zahara. Bumaba siya ng sasakyan na parang

  • SINNER (wild feelings SPG 3)   karamay

    MARIYA MARIA POINT OF VIEW ANG SAKIT! SOBRANG SAKIT! Natulog lang ako at isang masamang balita na ang gumising sa akin. Wala na si Andeng! Hindi ko alam kung bakit at paano dahil okay na siya bago ko ipikit ang mata ko. tumawag pa ako sa kanila at ganito na ngayon. Wala na si Andeng. Hindi ko alam kung paanong iyak ang gagawin ko. Umiiyak ako nang walang boses. Humahagulgol ako ng tahimik at sobrang naninikip ang dibdib ko. Paano na lang kung natuloy ako sa team building? Paano na lang? Paano na lang ang iba ko pang kapatid kung natuloy ako? Kahit durog at talagang iniinda ko ang sakit ng pagkamatay ng kapatid ko ay pinilit kong bumangon at dali-dali silang pinuntahan. Niyakap agad ako ng inay pagkakita na pagkakita pa lang sa akin pero ako ay tulala lang habang tahimik na tumutulo ang luha. Hindi ko alam. Wala akong masisisi. Kahit masama ang loob ko sa Inay ay alam kong hindi naman niya ginusto ang nangyari sa kapatid ko. Alam kong Ina siya at doble ng sakit

  • SINNER (wild feelings SPG 3)   Badnews

    DOS silent his phone. Kinabahan siya kanina dahil akala niya ay mababasa ng kaniyang asawa ang pangalan ng tunatawag. 'mahal ko' kasi ang nakalagay sa name ng kontak niya at ang naturang caller ay si Mariya. Mabuti na lang at hindi. Sa ngayon kasi ay hindi pa makapili si Dos sa dalawa. Pareho niyang gusto si Zahara at Mariya. Pareho niya itong mahal. Mahal niya ang asawa niya pero hindi niya kayang makipag hiwalay dito para lang kay Mariya. Ayaw niyang magdesisyon muna sa ngayon. Ayaw niyang itapon ang matagal nilang pagsasama ng kaniyang asawa para lang sa isang babae na kailan niya lang nakilala. Hindi rin kasi alam ni Dos kung hanggang kailan niya gusto si Mariya. Na baka bukas magising na lang siyang hindi na niya ito mahal. Basta masaya siya sa kung anong naibibigay ni Maria sa kaniya at ganun din ang asawa niya na nag-level up ng performance sa kama. Sobrang na-satisfy si Dos sa early sex nila. He ignores mariya the whole day dahil prior niya ang asawa niya. He is cheat

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status