"Sige na, sumama ka na, birthday ko naman!" paulit-ulit na pakiusap ni Dina kay Mariya. Hindi na iba ang turing ni Dina kay Mariya at kaibigan na niya itong maituturing. Gusto niyang makasama ito sa birthday celebration niya mamaya.
"Naku, hindi na. Hindi naman ako mahilig sa mga ganiyan. Isa pa, hindi ako umiinom." pagtanggi ni Mariya. Akala niya ay simpleng party lang 'yon at hindi para pag-aksayahan niya ng oras. Mas gusto niya pang matulog kesa magpuyat. "Luh, sige na! bilang lang kayong inimbita ko tapos hindi ka pa sasama. Parang hindi naman friends ang turing mo niyan sa 'kin." Pangungunsensya ni Dina. Bukod sa gusto niyang makasama si Mariya ay gusto rin niyang ma-relax man lang ito. Kahit higit isang linggo pa lang niyang nakakasama si Mariya ay ramdam na niya ang bigat na pinapasan nito. Alam niyang malaki ang problema nito sa pera at higit sa lahat ay alam din niya ang tungkol sa pag-uuwi nito ng mga pagkain sa Pantree. "Sige ka, Kapag hindi ka sumama ipagkakalat ko na inuuwi mo ang mga pagkain dito sa----" Hindi na natapos ang sasabihin ni Dina dahil Dali-dali nang tinakpan ni Mariya ang bibig niya. "huyy, may makarinig sa 'yo! Anong sinasabi mong nag-uuwi ako ng pagkain?" "Naku, Mariya! Idedeny mo pa? Paanong hindi ko malalaman, eh, tuwing lalabas ka ng pantree umbok yung bulsa mo. Hindi lang 'yon, alam kong bago ka umuwi, pinupuno mo yun bag mo." Tila nakaramdam ng hiya si Mariya. As in gusto niyang matunaw na lang ngayon na parang yelo. Hindi niya alam na matagal na palang alam ni Dina ang tungkol sa pag-uuwi niya ng pagkain. "Kasi naman marami akong kapatid. Nag-iintay lagi sila ng uwi ko. Pwede bang huwag mo na lang ipagkalat? hindi ko na lang uulitin." pakiusap ni Mariya. Tinawanan lang siya ni Dina nang malakas. "Baliw! bakit ko naman ipagsasabi edi natanggal ka. Oo. Huwag mo na lang ulitin kasi bawal 'yon. Pwede naman kitang pahiramin kung kailangan na kailangan mo talaga. Magkano ba ang kailangan mo?" "Talaga? hindi ba nakakahiya? Kahit 50k, pwede na. Ano, mapapahiram mo ako ng ganung kalaki?" "Luh, ang laki naman pala. Wala akong ganun. Hanggang 5k lang ang pwedeng ipahiram ko sa 'yo. Sa isang kundisyon. Sasama ka mamaya." Para kay Mariya ay malaking tulong na rin ang limang libo pang kain at pambayad ng kuryente at tubig. Kaso problema pa rin niya ang bayad sa upa. Sobrang sakit na ng ulo niya sa kakaisip ng paraan kung paano pa kikita ng pera pero sa ngayon, tinanggap niya muna ang alok ng kaibigan. "Sige. Sasama na ako." "Ayos! see you later!" "Akin na muna yung 5k." At dahil nga napahiram siya ni Dina ng pera ay napilitan tuloy siyang umattend ng birthday party nito. Mahirap man sila Mariya pero hindi ko mahahalata sa kaniyang pananamit dahil kahit ukay-ukay lang ang damit nito ay dalang-dala niya at nagmimistulang mamahalin. Isa pa ay biniyayaan si Mariya ng magandang mukha. Isang inosente ar maamong mukha na akala mong hindi makagagawa ng masama. Hindi na niya kailangang maglagay ng make up dahil natural na maputi ang kaniyang kutis at maganda ang pagkakapal ng kaniyang kilay. Mapula rin ang kaniyang labi kaya lip gloss lang ay sapat na. Bago umalis ay inabot muna niya sa ina niya ang perang na hiram kay Dina. "Kayo na po ang bahala diyan, 'Nay. Budgetin niyo sa pagkain at pambayad ng bills. Alis na po ako." At nagmamadali na si Mariya patungo sa nasabing bar na paggaganapan ng nasabing party. MARIYA MARIA POINT OF VIEW Pasado alas otso nang makarating ako sa bar na sinasabi ni Dina. Medyo kinakabahan pa nga akong pumasok sa loob dahil pakiramdam ko ay hindi ako nababagay dito. Masyadong high end ang lugar ba ito at puro mga de kotse ang mga dumarating. Parang ako lang yung pumunta rito na nag-commute lang. "Hindi bale, hindi naman nila siguro ako tatanungin ng estado ko sa buhay. Imbitado lang naman ako." pagpapalakas ko sa aking loob. Isang bunying hininga muna ang aking ginawa bago pumasok sa loob. "Ganito pala ang bar ng mayayaman." sa isip-isip ko. Ang inaasahan ko kasing dadatnan ko ay maingay at madilim tapos maraming lasing na nagsasayawan, hindi pala. Hindi ganoong kadiliman dito sa loob at wala ring mga nakatayong nagsasayawan. kalmado lang yung music at good vibes lang yung paligid. Hindi pa man din ako lubos na nakakapasok sa loob ay kaagad ko nang natanaw ang birthday girl na si Dina. Nakita ko na kaunti nga lang ang bisita niya kaya kaagad na akong lumapit sa lamesa. Sobrang saya ni Dina sa pagdating ko. Niyakap niya pa ako at b****o. "Akala ko talaga hindi ka na dadating! Why so pretty, Mariya? Mas maganda ka pala kapag wala sa office, ha! oh, by the way, meet my friends." ipinakilala niya ako sa mga kaibigan niya na kapwa ko bisita din. Dalawa sa mga 'yon ay katrabaho namin at ang anim naman ay mga ngayon ko lang nakita. Kumbaga, partner partner sila kaya kami lang ni Dina ang mostly nag-chichikahan. Maya maya pa ay itinuro na niya sa akin ang kabilang table at nagulat ako sa aking nakita. Nandito rin pala ang nobyo niyang si James at ang--- "Gagi ka, Dina! Si Sir Dos ba yun? Hala, bakit hindi mo sinabing invited din pala siya?" bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Ngayon ko lang kasi personal na nakita ang CEO/boss namin. Dati ay sa Billboard at tarp ko lang siya nakikita. Para akong na-starstruck. "Ang pogi niya pala sa personal. Kaso bakit ganun, para siyang malungkot?" sa isip-isip ko. Hindi na naalis ang tingin ko sa boss namin. Parang na-magnet na ang paningin ko sa kaniya. "Nagulat nga lang din ako biglang dumating. I mean, inimbitahan siya ni James pero tumanggi siya. Tapos biglang dumating." sagot ni Dina sa kanina kong tanong. maya maya pa ay marahan niya akong tinapik sa pisngi. "Huyy, natulala ka na riyan!" napansin niya pala ang pagkatulala ko. "Malamang ang guwapo kaya niya." Wala sa sariling nasabi ko. "Sinabi mo pa. Sayang lang at kasal na, noh! pwede sana kayo." "Baliw, as if naman. Hindi ganiyan ang type ko. Ayoko sa masyadong guwapo, ang gusto ko ay yung saktuhang guwapo lang." pagbibiro ko rin. Nakabukod sila ng table kaya naman malaya akong nakakilos ng hindi naiilang. Binigyan ako ni Dina nh alak at bilang pakikisama ay ininom ko ang lahat ng binibigay niya sa akin. Hanggang sa parang hindi ako malasing-lasing. Yung ibang bisita ni Dina ay mga nagpaalam at nagsiuwian na pero ako tamang manhid lang. Bigla kong na-enjoy ang pag-inom. Tuwang-tuwa si Dina dahil masarap daw pala ako kasama sa inuman ang hindi niya napapansin ay doon ako nakatingin sa isang masarap. Doon sa kabilang table. Panay pa rin ang panakaw tingin ko sa boss namin na mukhang lasing na rin. Sayang lang at nag-aya ng umuwi si Dina. Hinatid naman kami ni James palabas yun nga lang hindi na raw niya maihahatid si Dina dahil iinom pa raw sila ng CEO. Narinig kong pumayag naman si Dina pero pagkaalis ni James ay kabaliktaran pala ang nararamdaman niya. "Gagu na 'yon, sinong niloloko niya? Kung hindi ko pa alam mambababae pa ang mga 'yan." sabi ba naman ni Dina. Nagtaka tuloy ako. "Ha? Paano mo naman nasabi? Eh, di ba nga, sabi mo bagong kasal kamo yung boss natin. Sa tingin ko hindi naman sila mambababae. Saka, sa tingin mo ba magagawa sa 'yo ni James 'yon?" Paliwanag ko kay Dina. feeling ko nagtatamang hinala lang si Dina dahil ma-oy na. "Basta! makikita mo mamaya. Pustahan pa tayo!" nakakatakot ang ngiti ng lasing na si Dina. "Ano? a-anong ibig mong sabihin?" Bigla akong kinabahan. Lasing na lasing na si Dina. "Susundan natin sila." Hindi kami umalis hanggang hindi niya nakikitang lumabas ang nobyo niya at ang boss namin. Nang makita niyang mga nagsisakay na ito sa kani-kanilang kotse ay saka niya lang pinaandar ang sasakyan. Grabe ang kaba ko. Lasing na si Dina at kung ano-ano na ang lumalabas sa bibig niya. Mabilis din ang pagpapatakbo niya. Parang gusto kong pagsisihan na sumama ako sa kaniya. Hanggang sa maayos naman naming nasundan ang dalawa. Disidido talaga si Dina na mambababae ang dalawa. Nakita naming mga nagsipasok ito sa bar. Hindi muna kami agad sumunod ni Dina. Hanggang sa maya maya maya ay niyaya na niya ako na pumasok sa loob. Para kaming nga tanga na nagtatago para lang hindi makita ng nobyo niya. Ewan ko din talaga kay Dina. Iba rin yung trip. "Ayan. Ayan na! Sinasabi ko na. Tignan mo, Mariya. Nakita mo may babae. Palagay ko kontak nila yan!" Nakita ko ngang may isang sexy na babae ang lumapit at naupo sa table nila. Infairness mukhang tama nga itong si Dina. Sa tingin ko nga ay contact nila ang babaeng 'yon. Nakuha ko tuloy inumin nang staright ang inorder ni Dina na alak. Tiyak na magkakagulo! Hanggang sa inakbayan ni James ang nasabing babae. Ramdam ko ang pag-iinit ng katabi ko. Maya maya pa ay naupo na yung babae sa tabi ng boss namin kaya medyo kumalma itong si Dina. "Sa tingin ko, para yun sa boss natin hindi sa jowa mo." pinalalakas ko ang loob ni Dina at pinakakalma na rin. Totoo naman, eh. Medyo nasasaktan lang ako sa nakikita ko. Babae rin ako at alam kong may asawa na yung boss namin. kawawa naman yung asawa niya. The CEO is cheating on her. Nakita ko na tumayo si James at iniwan yung dalawa. Napatagay akong muli dahil ang sakit sa mata ng aking nakikita. Maya maya pa ay nalaman ko na lang na wala na sa tabi ko si Dina. Dali-dali akong tumayo at tinangkang habukin siya hanggang sa nakita ko na lang na mabilis na kumakaripas na ang kaniyang sasakyan. What worst here is may nakita akong tumatakbong waiter. Bigla kong naisip na baka ako yung hinahabol dahil hindi pa kami bayad. Wala pa naman akong dalang cash dito este wala talaga akong cash. Nagtago na lang ako sa gilid ng isang sasakyan. Tiyak na malaki itong kahihiyan Kapag nagkataon. Nakita kong papalapit na sa pinagtataguan ko yung waiter at takot na takot ako. Hindi ko alam kung ano na ang sumunod na nangyari at bakit nandito na ako sa loob ng kotse kasama ang isang lalaki. Sa loob ng kotse aking boss! "Talagang sinundan mo pa talaga ako. Talagang gustong mo kong matikman, huh? p'wes, pagbibigyan kita!"THIRD POINT OF VIEW. I'm starting to feel guilty because I feel like even my parents are being affected by how broken I am. So, I've decided to finally let Shonee go. I love her, but she can't reciprocate my love. She feels suffocated by the way I show her my love. I thought there was a chance for us, but she rejected me, and the reason she's transferring schools is because of me. Wala naman talaga may Shonee yung problema kung hindi nasa akin. I knew from the start that she only saw me as a friend, but I was the one who assumed that her feelings for me could be more than that. I was wrong because I made her my whole world. Wala akong ibang nakikita maliban sa kagandahan niya. Its not Shonee's problem kung hindi niya ako kayang gustuhin. Ako itong masyadong naging obsessed sa kaniya. Ngayong araw, aking kaarawan, nag-desisyon ako na mag-move on na. Ayoko na kasing umiyak sa isang taong wala namang paki sa akin. Naaawa na rin ako sa mga magulang ko dahil nalulungkot sila kapag m
Dos Enriquez POINT OF VIEW Hindi ko alam kung ano bang mararamdaman ko ngayon. Ngayon na nandito kami sa eskwelahan ng anak ko at nakahuna na ang kasagutan sa malaking katanungan sa isipan naming mag-asawa. Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa na sa wakas ay masasabi kong mali kami. Mali kami ng iniisip na mag-asawa at hindi talaga bakla ang anak naming si Third. Lalaki siya na nagkakagusto sa isang babae. Dinig na dinig naming mag-asawa ang lahat at sapat na ang aming mga nakita at narinig upang sabihin na hindi bakla ang anak namin. Lalaki siya. Isang matapang na lalaki na nagmamahal sa babaeng tinitibok ng kaniyang puso. Nakakalungkot lang sa part ko bilang magulang na marinig kung paano madurog ang puso ng anak ko. Narinig ko kung paano siya bastedin ng babaeng nagugustuhan. Masakit. Sobrang sakit. Hindi ko ito inasahan na isang araw ay maririnig ko ang ganito. Isang Enriquez na tinanggihan ng babae? Ang anak kong guwapo at sobrang bait? Nahahati din ang puso ko ngay
Bilang magulang, naiintindihan ni Mariya ang naging reaksyon ng asawa. Talagang masakit sa isang ama kung ang kaisa-isa pa nitong anak na lalaki ay magiging pusong babae pa. Kaya naman agad na kumilos si Dos. Kasama ang asawang si Mariya ay agad silang nagtungo sa eskwelahan na pinag-aaralan ng anak. Isang eskwelahan na puro anak ng mayayaman ang nag-aaral. Isang ekslusibong paaralan na milyon ang halaga ng tuition. Ang mga nag-aaral dito ay mga anak din ng mga kaibigan ni Dos sa negosyo kaya isang malaking kahihiyan din para sa kaniya kung totoo ngang pusong babae ang anak. Ilan kasi sa kumpare niya ay biniro niyang ipagkakasundo sa kaniyang ka-isa isang anak. "Babe, just be soft to him. Don't shout at him. Kausapin mo siya sa bahay na lang. huwag dito. Huwag mong ipapahiya ang anak natin. Tandaan mo hinala pa lang natin ito. Hindi pa napapatunayan." mahigpit na paalala ni Mariya sa asawang si Dos bago sila bumaba ng sasakyan. Isang malalim na bugtong hininga ang ginawa ni Dos
Ipinanganak na ang taga pagmana ni Dos. Ang unang maswerteng bata na magpapatuloy ng apelyido na Enriquez. Tinawag na maswerte ang batang ito pagkapanganak na pagkapanganak pa lamang dahil hindi biro ang kayamanan na meron ang kaniyang ama. At dahil siya pa lang ang anak ay sa kaniya lahat mapupunta ang kayamanan at ari-arian ng mga Enriquez. At kahit magkaroon pa siya ng kapatid ay hindi pa rin matatawaran ang halaga ng kanilang paghahatian dahil na rin sa sobrang yaman ng kaniyang ama. Si Third ang unang anak ng mag-asawang Mariya at Dos. Kasalukuyan siyang ngayong grade 6 at hindi pa rin siya nasusundan kaya naman ang lahat ng atensyon at pagmamahal mula sa kaniyang magulang ay nasa kaniya lang. Gaya ng kaniyang lolo at ng kaniyang ama, si Third ay biniyayaan ng magandang mukha. Isang guwapong mukha na hindi maikakaila na namana niya sa kaniyang lolo at ama. Kaya naman abot-abot ang dasal ni Mariya na huwag sanang magaya sa kaniyang lolo si third paglaki niya na kung saan ay na
MARIYA MARIA POINT OF VIEW Hindi ko maipaliwanag yung sakit as in sobrang sakit. Parang nahahati sa apat ang balakang ko. Hindi ko akalain na sa araw pa talaga ng kasal namin ako manganganak at hindi talaga ako handa dahil kanina lang ay lumulutang ako sa kasiyahan tapos ngayon ay panay na ang tulo ng luha ko dahil sa sobrang sakit. Ganun pa man, alam kong matatapos rin ang sakit na ito at magiging sulit ang pagluha ko dahil ang kapalit nito ay masisilayan na namin ang anak ko. Punong-puno ng takot ang dibdib ko ngayong ako at mga nurse na lang at dakawang doktor ang nandito sa loob ng E.R. ewan ko kung bakit hindi na nila pinayagan na pumasok ang asawa ko gayong sa iba ay umuubra naman. Iba kasi kapag nasa tabi ko si Dos. lumalakas ang loob ko. ito pala yung mangyayari na sinasabi niya kanina. Akala ko sa honeymoon pa namin ko isisigaw ang pangalan niya pero ngayon na pala. "Aray ko dosssss!!!! Ayoko na!!!! Ahhhh..... sobrang sakit!!!! Dos!!!!" Sigaw ko. "Misis kalma lang po. Ib
Hindi na mapipigilan ang dalawang pusong nagmamahalan dahil ngayon ay isa na silang ganap na mag-asawa. "Mariya, wala na akong ibang mahihiling pa. Ang tanging masasabi ko lang ngayon ay salamat! Maraming salamat dahil pinatawad mo ako at minahal pa rin sa kabila ng mga pangit kong nagawa. Pangako ko na simula sa araw na ito ay araw-araw kitang mamahalin at magiging tapat sa 'yo sa lahat ng oras. Ibibigay ko sa 'yo ang lahat ng mayroon ako ngayon at hanggang sa huling hininga ko ay pangalan mo lang ang babanggitin ko. I love you, Mariya!" "Dos, ako itong dapat na magpasalamat dahil sa pagdating mo sa buhay ko. Wala na akong masasabi dahil sobrang pinasaya mo ako sa araw na ito. Pangako, magiging mabuti akong may bahay sa 'yo. Mamahalin ko kayo ng magiging anak natin ng higit pa sa buhay ko. I love you, Dos! I love you more than you ever know." "You may now kiss your bride!" Sa harap ng pari, ng mga tao, at ng Diyos, si Mariya at Dos ay isa ng ganap na mag-asawa. Sa pinagtibay