Share

Chapter 20 - past

MULA sa bumubukas na pinto ng bathroom ay iniluwal si Safhire na katatapos lamang nag-half bath. Nilapitan ng dalaga ang dalawang traveling bags na hinatid kanina ng head servant kasama na ang iba pa niyang gamit na dinala ni Vhendice. Binitbit niya ang isa sa mga iyon at dinala sa kama. Binuksan niya ang bag at tumambad sa kanya ang baril na ginamit niya sa firing lesson. Mayroon ding dalawang magazine ng bala at isang note. Kinuha niya ang baril, kinargahan ng bala at ibinaba sa kama. Sinilip niya ang note.

Honey,

Your firing lesson is not yet complete. Continue practicing and next time try the moving targets. If you still need my assistance, I'm just around."

Vhendice

Who needs his assistance? Kinuyumos ni Safhire ang papel. Ang lalaking iyon! Napakabalasubas!! Hindi man lang nag-sorry. Kumuha siya ng jeans mula sa bag at hanging blouse. At nagbihis. Nag-ayos siya ng sarili sa harap ng tokador. Maputla pa rin siya. Inabot niya ang make-up set at naglagay ng kunti sa kanyang mukha.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status