Share

Chapter 27 - escape

MULA SA kanyang silid ay natagpuan ni Safhire ang sarili sa open-garden sa likod ng mansion. Hindi niya alam kung paano siya nakarating doon matapos ang mahabang kwento ni Vhendice na gumulantang ng labis sa kanya. Kinikilabutan pa rin siya sa mga rebelasyon.

Hindi niya ubos-maisip na sina Athrun at Ray ay biological brothers. Na ginustong mamatay ni Ray para mabuhay si Athrun. Sa dinami-rami ng bahagi ng katawan nito na pwede, ang puso pa ang napili nitong ibigay sa kapatid. Ang puso nito kungsaan sa mahabang panahon ay siya lamang ang laman at inaalagaan. Ngunit ngayon ay kasalukuyang tumitibok sa loob ng katawan ng ibang lalaki. Sa lalaki na minsan niyang inalagaan at ginising mula sa mahimbing na pagkakatulog.

Huminto ang dalaga at niyakap ang sarili. Pinahid ang mga luhang nanlandas sa pisngi. Hindi niya kayang tumigil sa pag-iyak hanggang sa niyakap siya ng panlalamig. Kahit papaano ay nauunawaan niya kung bakit mas pinili ni Ray na isakripisyo ang kinabukasan nito kasama siya.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status