Share

Chapter 26.11

Hindi siya kaagad nakasagot sa tanong nito at pagkatapos ay lumunok na lamang habang nag- aapuhap ng pwede niyang isagot sa tanong nito. Para siyang na- corner ng mga oras na iyon dahil sa tanong nito, paano niya ba ipapaliwanag ang sarili rito.

“Mahal—” pinilit niyang abutin ito ngunit mas umatras lamang ito.

Kitang- kita niya ang sakit sa mga mata nito ng mga oras na iyon. Parang pinipiga ang kaniyang puso habang nakikita niya na tumutulo ang mga luha nito sa mata. Ni minsan ay hindi niya naisip na malalaman nito ang tungkol sa pagtataksil niya.

Halos magtatatlong taon na rin naman ang nakalipas noong panahong nakipaghiwalay siya sa babaeng iyon at nangako naman ito na hindi manggugulo sa kanila kaya naging malinis ang paghihiwalay nila noon. Sa katunayan dahil nga sa maselang pagbubuntis noon ng kaniyang asawa sa pangatlo nilang anak na si Thirdy ay napilitan siyang hindi tabihan ito at halos ayaw din naman siya nitong makita noong panahong iyon dahil sa paglilihi nito.

At dahil sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status