แชร์

Chapter 16

ผู้เขียน: eleb_heart
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-02-03 14:00:55

HINDI ALAM NI Maxene kung ilang oras nang dilat ang kanyang mga mata ngunit hindi siya makatulog. Nakailang ikot na rin siya sa kanyang higaan ngunit kahit na anong pilit niya sa sarili niya na matulog ay hindi ito nakikinig sa kaniya. Paano ba naman siya makakatulog ay anong oras na ngunit hindi pa rin umuuwi si Finn at hindi niya mapigilang isipin kung nasaan ito kahit na alam niyang wala siyang karapatan ngunit sadyang hindi niya lang talaga mapigilan ang kanyang sarili.

Ilang sandali pa ay nasabunutan na lang niya ang kanyang sarili. “Bakit mo ba kasi siya iniisip ha?” pagalit niya sa kanyang sarili at pagkatapos ay marahang sinampal-sampal ang kanyang pisngi. “Gumising ka nga Maxene! Hindi ka pa natutulog pero nananaginip ka na yata!” dagdag pa niya na parang isang baliw habang kinakausap ang sarili.

Paano nga kasi ang gagawin niya kung kahit na ayaw niyang isipin ito ay naiisip niya ito. Nasaan kaya ito? Hindi kaya nagkita sila ng girlfriend nito at— umiling-iling siya at pilit
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก
ความคิดเห็น (18)
goodnovel comment avatar
eleb_heart
Tapusin ko po muna yung CARRYING THE ZILLIONAIRE TRIPLETS bago ko po ituloy ito. Pasensya na po talaga. Salamat po sa pag intindi in advance<3
goodnovel comment avatar
Roselle Rafael Santiago
wala pa ring update
goodnovel comment avatar
Mayeth Roldan
update pls
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • SOLD TO BE THE BILLIONARES WIFE|FILIPINO|   Chapter 16

    HINDI ALAM NI Maxene kung ilang oras nang dilat ang kanyang mga mata ngunit hindi siya makatulog. Nakailang ikot na rin siya sa kanyang higaan ngunit kahit na anong pilit niya sa sarili niya na matulog ay hindi ito nakikinig sa kaniya. Paano ba naman siya makakatulog ay anong oras na ngunit hindi pa rin umuuwi si Finn at hindi niya mapigilang isipin kung nasaan ito kahit na alam niyang wala siyang karapatan ngunit sadyang hindi niya lang talaga mapigilan ang kanyang sarili.Ilang sandali pa ay nasabunutan na lang niya ang kanyang sarili. “Bakit mo ba kasi siya iniisip ha?” pagalit niya sa kanyang sarili at pagkatapos ay marahang sinampal-sampal ang kanyang pisngi. “Gumising ka nga Maxene! Hindi ka pa natutulog pero nananaginip ka na yata!” dagdag pa niya na parang isang baliw habang kinakausap ang sarili.Paano nga kasi ang gagawin niya kung kahit na ayaw niyang isipin ito ay naiisip niya ito. Nasaan kaya ito? Hindi kaya nagkita sila ng girlfriend nito at— umiling-iling siya at pilit

  • SOLD TO BE THE BILLIONARES WIFE|FILIPINO|   Chapter 15

    HINDI NAMAMALAYAN ni Finn ang oras at nang tingnan niya ang kanyang suot na relo ay alas sais na pala ng gabi. Nang tumingin siya sa labas ng bintana ay nakita nga niya na madilim na pala sa labas. Napahilot siya sa kanyang sentido, sa dami ng iniisip niya at ginagawa ay masyado na siyang nalibang doon.Ilang sandali pa nga ay pinag-isipan niya pa kung uuwi na muna siya o didiretso na kay Beatrice. Pakiramdam niya ay gusto na niya kaagad umuwi lalo pa at may uuwian siyang mga anak niya. Kapag kinakarga niya ang mga ito ay nagiging masaya ang loob niya. Alam niya na masaya din ang mga ito katulad niya kaya ganun din siya.Pero dahil kakain lang naman sila ni Beatrice ay nagpasya na lang siya na doon na muna dumiretso. Mamaya na lang siya uuwi at didiretso na lang siya sa mga ito mamaya at siisguruhin niya na hindi siya magtatagal doon. Tumayo na siya mula sa kanyang upuan at isininop sandali ang mga papeles na nasa ibabaw ng kanyang mesa at pagkatapos ay tuluyan nang dinampot ang kanya

  • SOLD TO BE THE BILLIONARES WIFE|FILIPINO|   Chapter 14

    NAHILA SIYA MULA sa kanyang pag-iisip nang muli na namang may kumatok sa kanyang opisina. Bago pa man siya makapagsalita ay bigla na lang bumukas ang pinto at eksaktong nagmulat siya ng kanyang mga mata. Nakita niya si Beatrice na pumasok mula sa pinto. Natigilan siya sandali nang makita ito. Oo nga pala, dumating na ito. Para niyang nakalimutan bigla ang existence nito dahil kay Maxene.Agad na nalukot ang mukha ni Beatrice nang makita niya ang malamig na mga mata ni Finn na tumingin sa kaniya. Kagabi pa siya naghihintay ng tawag nito o kahit na isang text man lang para i-update sana siya kahit na hindi na siya suyuin nito ngunit wala siyang nahintay. Sobrang sama ng loob niya kaya naghintay pa siya ng maghapon ngunit wala talaga itong paramdam at dahil doon ay nagkusa na siyang pumunta sa opisina nito para siya na ang makipag-usap dahil mukhang wala itong planong kausapin siya.Ibinaba niya ang kanyang pride dahil gusto niya na hindi masira ang lahat ng pinagpaguran niya kahit na an

  • SOLD TO BE THE BILLIONARES WIFE|FILIPINO|   Chapter 13

    ALAS KWATRO na nang hapon nang may kumatok sa pinto ng opisina ni Finn. Sa dami ng kanyang ginagawa at ng kanyang iniisip ay hindi niya namamalayan ang pagdaan ng oras. Napahilot na lang siya bigla sa kanyang sentido. “Pasok.” sabi niya sa tamad na tamad na paraan.Nang magtaas siya ng kanyang ulo ay doon niya nakita na pumasok ang abogado niya. Oo nga pala. Nakalimutan niya na sinabi niya rito na mag-usap silang dalawa dahil hindi na niya kailangan pang maghabol. Ang tanging kailangan niya na lang na mapatunayan ay kung totoo ngang mga anak niya ang dalawa pero syempre, kahit na sigurado siya na anak niya na nga ang mga ito ay alam niya na hindi pa rin basta-basta maniniwala ang abogado.“Glad you're finally here attorney.” sabi niya at pagkatapos ay itinuro ang upuan sa harapan niya. “Please have a seat.”Ilang sandali pa ay umupo nga ito sa harap niya at pagkatapos ay tumingin sa kaniya. “So what is this all about Finn?” tanong nito kaagad sa kaniya. Nang sabihin niya kasi rito na

  • SOLD TO BE THE BILLIONARES WIFE|FILIPINO|   Chapter 12

    “So ang ibig mong sabihin kaya ka nagmamadaling umalis kahapon ay dahil sa nakita mo siya ulit pagkatapos ng ilang taon?” hindi makapaniwalang tanong sa kaniya ni Sam.Tumango naman siya. “Hindi ko talaga inaasahan na makikita ko siya doon. Isa pa, syempre gulat na gulat ako at takot na takot dahil nga may anak kami. Ang dami kong what ifs tapos natagpuan ko na lang yung sarili ko na tumatakbo palayo sa kaniya kahit na hindi ko pa man kayo nakaka-bonding ng matagal dahil halos kararating-rating ko lang kahapon diba tapos nakita ko siya…” sabi niya at napakagat-labi na lang.“Tapos, tapos anong nangyari? Paano kayo ulit nagkita? Hindi naman umalis si Finn kahapon ah.” sabi naman ni Vena na halos pipikit-pikit pa at napahikab pa.Hindi niya nga tuloy maiwasang hindi makonsensya lalo pa at katatapos lang ng kasal nito kahapon tiyak na dapat ay nagpapahinga pa ito dahil alam niya na pagod ito marahil sa nakakapagod na gabi sa piling ng asawa nito. Muli siyang napahugot ng mahabang bunton

  • SOLD TO BE THE BILLIONARES WIFE|FILIPINO|   Chapter 11

    “ANONG sabi mo? Totoo ba ito Maxene?” gulat na gulat na tanong ni Vena sa kaniya. Alas-diyes na nang umaga nang magising si Maxene. Wala na ang lalaki sa bahay nito dahil pumasok na raw ito sa opisina at ang mga anak niya naman ay ipinasyal ni Dorie na utos din ng lalaki. Sinabi lang sa kaniya iyon ng kasambahay na pinagtanungan niya.Dahil doon ay wala na siyang naisip pa na gawin kundi ang kontakin si Vena at sinabi sa kaniya na pupuntahan niya ito kaya ngayon ay naroon siya sa bahay nila ni Andrei. Napayuko na lang siya at hindi nagsalita. “Bakit mo itinago ang totoo sa kaniya? Tyaka, sa dami ng lalaki si Finn pa talaga? Kailangan ka niyang panagutan!” gigil na sabi nito at hindi niya maiwasang matawa sa reaksyon nito. Akala niya pa naman ay pagagalitan siya nito ngunit mas nagalit pa ito sa lalaking iyon.Hindi niya namalayan na napatingin na pala ito sa kaniya. “Ano namang nginingiti mo diyan? May nakakatawa ba?” inis na sabi nito na dahilan para mag-angat siya ng kanyang ulo at

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status