Share

Chapter 27.4

Dahan- dahang pumasok sa silid si Ceazar. Halos maghapon siyang wala doon dahil inasikaso niya ang kanilang passport ni Vena maging ang kanilang plane ticket. Hindi na niya kailangang mag- aksaya pa ng oras pa, isa pa ay nag- withdraw na rin siya ng pera para sa pag- alis nila.

May naihanda na siyang bahay na tutuluyan nila sa ibang bansa at sapat na rin ang pera na hawak niya para sa ilang taon ngunit alam niya na kukulangin iyon kaya doon na lang niya proproblemahin, kaysa ngayon niya pa iisipin baka maubos na ang oras niya kakaisip.

Pagkapasok na pagkapasok niya ay tahimik ang buong silid. Agad niyang nakita si Vena na payapang natutulog sa kama kaya maingat siyang lumapit rito at pagkatapos ay tinanggal niya ang ilang hibla ng buhok nito na bumabagsak sa mukha nito.

Agad niyang napansin na may natuyong luha pa sa pisngi nito at bakas rin ang mamumugto ng mata nito. Nangingitim rin ang ilalim ng mga mata nito at ang mas lalong nakaagaw ng atensiyon niya ay ang maputlang mga labi ni
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status