ONE
NAPATINGALA si Addie sa kalangitan. Napasimangot siya ng makitang makulimlim ang kalangitan at nagbabadya ang ulan.
Kalalabas niya lamang noon mula sa pinapasukang mall. Yes, pumasok siyang isang saleslady ng umalis siya mula sa bahay nila.
Binago niya ang anyo niya. Nagsuot siya ng makapal na eyeglasses at nagpakabit siya ng braces. She even curled her hair upang itago ang ang tunay niyang mukha.
Its been 3 months mula ng lumayas siya sa bahay nila. And its been 3 hell months for her.
Nahirapan siya sa paglayas niya dahil all her life ay namuhay siyang isang prinsesa and then suddenly nalaman niya ang isang pinakamalaking dagok sa buhay niya.
Halos gabi-gabi ay umiiyak siya noon dahil sa sama ng loob, idagdag pa na hindi niya alam ang magluto at lalong lalo na ang maglaba.
Ngunit hindi nagtagal ay natutunan niya rin lahat ng mga iyon dahil itinatak niya sa itak niya na kailanman ay hindi na siya uuwi pa. Ayaw niyang maging bayad ng utang ng mga magulang niya. She doesnt deserve that.
Humakbang siya ng mabilis upang hindi siya abutan ng ulan at makarating agad sa kaniyang inuupahang maliit na apartment. Well, marami siyang natutunan sa paglalayas niya. Natuto siyang makuntento sa isang maliit na espasyo. Natuto siyang magtipid at pagsilbihan ang sarili niya.
Napasigaw siya dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan. Tumigil siya sa pagtakbo at humanap ng pwedeng pagsilungan. Sumilong siya sa isang waiting shed.
Napayakap siya sa kaniyang sarili dahil ramdam na ramdam niya ang lamig. Halos nabasa na siya ng ulan at ang kaniyang damit. Tinakpan niya ang kaniyang dibdib dahil bumakat na ito dahil sa pagkabasa ng damit niya.
Nanatili siyang nakatayo roon at hinhintay ang pagtila ng ulan ng may isang BMW na kulay black ang tumigil sa tapat niya.
May bumabang tatlong lalaki na nakakulay itim. Nakaramdam siya bigla ng kaba at pilit na kinalma ang sarili niya.
Nagsumiksik siya sa gilid at nagkunwaring hindi siya apektado sa presensiya ng mga ito.
Kahina-hinala ang mga ito dahil panay ang sulyap sa kaniya pati sa mga cellphone na dala-dala ng mga ito.
Dala ng kaniyang instinct ay aalis na sana siya roon dahil tila masama ang kutob niya sa mga ito. Di bale na lang na magkalagnat siya.
Akmang susuong na siya sa ulan ng humarang ang mga ito sa daraanan niya.
Nahihintakutang napatingin siya sa mga ito at nayakap ang sarili.
"A-alis na ako. U-umalis kayo s-sa da-ra-raan ko..." nagkakandautal-utal na sambit niya.
Hindi tuminag ang mga ito at nakatitig lamang sa kaniya at tila pinag-aaralan siya.
"Adrianne Cueva." Bigkas nito sa pangalan niya. Hindi niya naiwasang mabigla. Dahil halos inubos niya ang ipon niya para lang mabago ang kaniyang anyo at pati ang pisikal na anyo niya.
Bakit kilala siya ng mga ito?
"S-sino iyon?" Umiiwas na tanong niya. "Please lang mga kuya kailangan ko ng umuwi." Nagmamakaawang saad niya sa mga ito. Tiningnan lang siya ng mga ito at halatang hindi naniniwala sa kaniya.
Sinubukan niyang lumusot sa gilid ng mga ito ngunit mabibilis ang nga kamay ng mga ito at iniharang ang mga kamay nila.
"Sumama ka sa amin, senyorita." Magalang na sabi ng isa.
Napataas ang kilay niya.
"Ano bang sinasabi niyo? Hindi ako ang taong hinahanap ninyo." Tanggi niya at pinilit ulit na makalampas sa mga ito.
Dahil mg lalaki ang mga ito ay mabilis nila siyang naharangang tatlo.
"Sumama ka na lang ng maayos senyorita. Ayaw ka naming pilitin at higit sa lahat ay ayaw ka naming daanin sa dahas." Malumanay na pakiusap nung nasa gitna.
Napataas naman ang kilay niya and afterwards she rolled her eyes. Siguro ay inutusan na naman ito ng Mommy at Daddy niya upang pwersahin siyang umuwi sa kanila but she already decided. Hinding-hindi na siya uuwi sa bahay nila.
In one swift movement ay pinilit niyang makalampas sa espasyo ng mga ito and to her surprise ay nakasya siya at mabilis na humakbang. Ngunit sa unang hakbang niya ay nahawakan na siya agad ng isa sa isang kamay niya at ang isa naman ay sa isang kamay niya. Wala na siyang kawala.
Nagpumiglas siya ngunit walang silbi ang lakas niya kumpara sa mga ito. She even screamed trying to call for a help pero nabigo siya. Nilamon ng buhos ng ulan ang mga sigaw niya.
At ilang sandali pa ay naipasok na siya sa loob ng kotse at unti-unti ng nagdilim ang paningin niya.
---------
Note: Next chapters will be hell for Addie. Magsisimula na ang pagiging slave niya🤗 Enjoy!♡
HINDI ALAM NI Maxene kung ilang oras nang dilat ang kanyang mga mata ngunit hindi siya makatulog. Nakailang ikot na rin siya sa kanyang higaan ngunit kahit na anong pilit niya sa sarili niya na matulog ay hindi ito nakikinig sa kaniya. Paano ba naman siya makakatulog ay anong oras na ngunit hindi pa rin umuuwi si Finn at hindi niya mapigilang isipin kung nasaan ito kahit na alam niyang wala siyang karapatan ngunit sadyang hindi niya lang talaga mapigilan ang kanyang sarili.Ilang sandali pa ay nasabunutan na lang niya ang kanyang sarili. “Bakit mo ba kasi siya iniisip ha?” pagalit niya sa kanyang sarili at pagkatapos ay marahang sinampal-sampal ang kanyang pisngi. “Gumising ka nga Maxene! Hindi ka pa natutulog pero nananaginip ka na yata!” dagdag pa niya na parang isang baliw habang kinakausap ang sarili.Paano nga kasi ang gagawin niya kung kahit na ayaw niyang isipin ito ay naiisip niya ito. Nasaan kaya ito? Hindi kaya nagkita sila ng girlfriend nito at— umiling-iling siya at pilit
HINDI NAMAMALAYAN ni Finn ang oras at nang tingnan niya ang kanyang suot na relo ay alas sais na pala ng gabi. Nang tumingin siya sa labas ng bintana ay nakita nga niya na madilim na pala sa labas. Napahilot siya sa kanyang sentido, sa dami ng iniisip niya at ginagawa ay masyado na siyang nalibang doon.Ilang sandali pa nga ay pinag-isipan niya pa kung uuwi na muna siya o didiretso na kay Beatrice. Pakiramdam niya ay gusto na niya kaagad umuwi lalo pa at may uuwian siyang mga anak niya. Kapag kinakarga niya ang mga ito ay nagiging masaya ang loob niya. Alam niya na masaya din ang mga ito katulad niya kaya ganun din siya.Pero dahil kakain lang naman sila ni Beatrice ay nagpasya na lang siya na doon na muna dumiretso. Mamaya na lang siya uuwi at didiretso na lang siya sa mga ito mamaya at siisguruhin niya na hindi siya magtatagal doon. Tumayo na siya mula sa kanyang upuan at isininop sandali ang mga papeles na nasa ibabaw ng kanyang mesa at pagkatapos ay tuluyan nang dinampot ang kanya
NAHILA SIYA MULA sa kanyang pag-iisip nang muli na namang may kumatok sa kanyang opisina. Bago pa man siya makapagsalita ay bigla na lang bumukas ang pinto at eksaktong nagmulat siya ng kanyang mga mata. Nakita niya si Beatrice na pumasok mula sa pinto. Natigilan siya sandali nang makita ito. Oo nga pala, dumating na ito. Para niyang nakalimutan bigla ang existence nito dahil kay Maxene.Agad na nalukot ang mukha ni Beatrice nang makita niya ang malamig na mga mata ni Finn na tumingin sa kaniya. Kagabi pa siya naghihintay ng tawag nito o kahit na isang text man lang para i-update sana siya kahit na hindi na siya suyuin nito ngunit wala siyang nahintay. Sobrang sama ng loob niya kaya naghintay pa siya ng maghapon ngunit wala talaga itong paramdam at dahil doon ay nagkusa na siyang pumunta sa opisina nito para siya na ang makipag-usap dahil mukhang wala itong planong kausapin siya.Ibinaba niya ang kanyang pride dahil gusto niya na hindi masira ang lahat ng pinagpaguran niya kahit na an
ALAS KWATRO na nang hapon nang may kumatok sa pinto ng opisina ni Finn. Sa dami ng kanyang ginagawa at ng kanyang iniisip ay hindi niya namamalayan ang pagdaan ng oras. Napahilot na lang siya bigla sa kanyang sentido. “Pasok.” sabi niya sa tamad na tamad na paraan.Nang magtaas siya ng kanyang ulo ay doon niya nakita na pumasok ang abogado niya. Oo nga pala. Nakalimutan niya na sinabi niya rito na mag-usap silang dalawa dahil hindi na niya kailangan pang maghabol. Ang tanging kailangan niya na lang na mapatunayan ay kung totoo ngang mga anak niya ang dalawa pero syempre, kahit na sigurado siya na anak niya na nga ang mga ito ay alam niya na hindi pa rin basta-basta maniniwala ang abogado.“Glad you're finally here attorney.” sabi niya at pagkatapos ay itinuro ang upuan sa harapan niya. “Please have a seat.”Ilang sandali pa ay umupo nga ito sa harap niya at pagkatapos ay tumingin sa kaniya. “So what is this all about Finn?” tanong nito kaagad sa kaniya. Nang sabihin niya kasi rito na
“So ang ibig mong sabihin kaya ka nagmamadaling umalis kahapon ay dahil sa nakita mo siya ulit pagkatapos ng ilang taon?” hindi makapaniwalang tanong sa kaniya ni Sam.Tumango naman siya. “Hindi ko talaga inaasahan na makikita ko siya doon. Isa pa, syempre gulat na gulat ako at takot na takot dahil nga may anak kami. Ang dami kong what ifs tapos natagpuan ko na lang yung sarili ko na tumatakbo palayo sa kaniya kahit na hindi ko pa man kayo nakaka-bonding ng matagal dahil halos kararating-rating ko lang kahapon diba tapos nakita ko siya…” sabi niya at napakagat-labi na lang.“Tapos, tapos anong nangyari? Paano kayo ulit nagkita? Hindi naman umalis si Finn kahapon ah.” sabi naman ni Vena na halos pipikit-pikit pa at napahikab pa.Hindi niya nga tuloy maiwasang hindi makonsensya lalo pa at katatapos lang ng kasal nito kahapon tiyak na dapat ay nagpapahinga pa ito dahil alam niya na pagod ito marahil sa nakakapagod na gabi sa piling ng asawa nito. Muli siyang napahugot ng mahabang bunton
“ANONG sabi mo? Totoo ba ito Maxene?” gulat na gulat na tanong ni Vena sa kaniya. Alas-diyes na nang umaga nang magising si Maxene. Wala na ang lalaki sa bahay nito dahil pumasok na raw ito sa opisina at ang mga anak niya naman ay ipinasyal ni Dorie na utos din ng lalaki. Sinabi lang sa kaniya iyon ng kasambahay na pinagtanungan niya.Dahil doon ay wala na siyang naisip pa na gawin kundi ang kontakin si Vena at sinabi sa kaniya na pupuntahan niya ito kaya ngayon ay naroon siya sa bahay nila ni Andrei. Napayuko na lang siya at hindi nagsalita. “Bakit mo itinago ang totoo sa kaniya? Tyaka, sa dami ng lalaki si Finn pa talaga? Kailangan ka niyang panagutan!” gigil na sabi nito at hindi niya maiwasang matawa sa reaksyon nito. Akala niya pa naman ay pagagalitan siya nito ngunit mas nagalit pa ito sa lalaking iyon.Hindi niya namalayan na napatingin na pala ito sa kaniya. “Ano namang nginingiti mo diyan? May nakakatawa ba?” inis na sabi nito na dahilan para mag-angat siya ng kanyang ulo at