FIVE
UNTI-unting iminulat ni Addie ang kaniyang mga mata at tila ba pagod na pagod siya, tila walang-wala siyang lakas. Ramdam na ramdam niyang nanghihina ang katawan niya. Sinubukan niyang igalaw ang kanyang mga kamay, naigalaw niya naman ito ngunit halos ayaw nitong kumilos dahil totoong napakasakit ng buong katawan niya. Tila ba ang pakiramdam niya ay binugbog siya ng ilang tao dahil tila nagkandalasog-lasog ang kanyang katawan.
Wala siyang magawa kundi ang tumitig sa kisame ng kwarto kung nasaan siya at napatanong sa kanyang isip.
Bakit ako?
At nagsimulang magtubig ang kanyang mga mata, hindi niya lubos maisip kung bakit nasa ganoong sitwasyon siya ngayon. Kung bakit siya pa ang napiling ipambayad ng kanyang mga magulang sa pagkakautang ng mga ito?
Hindi ba siya mahal ng mga ito? Bakit nakaya nila siyang ipaubaya sa lalaking iyon na walang ibang alam kundi ang pahirapan siya.
Walang patid ang pag-agos ng luha sa kanyang mga mata. Baka mas maigi na lamang na mamatay siya kaysa araw-araw nitong babuyin ang katawan niya.
Pinahid niya ang kanyang luha at pagkatapos ay tumitig uli sa kisame at humugot ng buntung-hininga. Kailangan niyang planuhin ng mabuti ang gagawin niya, kailangan niyang gumawa ng paraan upang makaalis at makatakas mula sa kamay ng lalaking iyon.
Sa nanghihina niyang katawan ay sinubukan niyang bumangon, nagtagumpay naman siyang gawin iyon ngunit ramdam na ramdam niya ang kirot ng kanyang katawan.
Nang makaupo siya ay hindi sinasadyang mapadako ang tingin niya sa kanyang kamay kung saan bakas ang mga pasa na natamo niya dahil sa pagtali ng lalaking iyon ng lubid sa kamay niya, muli na naman siyang nakaramdam ng awa sa para kanyang sarili dahil rito. Tila siya isang bata na walang lakas dahil sa ginagawa nito.
Pumatak ang luha sa kanyang hita na hubad pa, niyuko niya ang kanyang sarili hubad pa rin siya ng oras na iyon at kitang-kita ang mga bakas na iniwan ng lalaking iyon sa katawan niya. Hindi niya ngayon alam kung sino ang tatawagan niya, kung kanino siya magpapasaklolo dahil kung ang mga magulang niya ang hihingan niya ng tulong ay malamang na hindi nila siya tulungan manlang.
Bumaba siya sa kama at dahan-dahan siyang naglakad papunta sa banyo sa kwartong iyon. Pagpasok niya doon ay agad siyang naghanap ng damit na pwede niyang isuot. May isang cabinet doon siyang nakita, lumapit siya rito at binuksan.
Talagang pinaghandaan nito ang pagdakip sa akin.
Puno ng damit ito, mula sa damit pang itaas, shorts at mga pantulog. Isama na rin ang mga panty at bra na talaga namang tumugma sa size niya.
Agad siyang namili ng kanyang isusuot at lumapit sa shower at nag-umpisa ng patuluan ang sarili niya. Tumingala siya sa bumabagsak na tubig mula sa shower at naghilamos, pagkatapos ay napahawak sa pader at muling tumingala, hinayaan niyang tumulo ang malamig na tubig sa kanyang mukha at sa kanyang buong katawan.
She feels refreshed after taking a bath, tila rin gumaan ang nararamdaman niya pero naroroon pa rin ang kirot kapag nagkamali siya ng kilos.
Pagkatapos niyang nagbihis ay nagsuklay na siya, hindi niya na inabala pang mag-ayos ng kanyang sarili dahil nawawalan siya ng gana. Tanging ang nagsuklay na lamang ang ginawa niya pagkatapos ay lumabas ng silid.
Pagkalabas ng silid ay saka niya lamang naramdaman ang pagkalam ng sikmura niya, hindi niya na masigurado kung kailan pa siya huling kumain dahil tila gutom na gutom siya. Lumingon-lingon siya kung saan siya dapat pumunta.
Naglakad siya nasa dulo ang kanyang silid at may pasilyo na pahaba, at sa dulo ay naroon ang hagdan pababa. Habang naglalakad ay tinitingnan niya ang mga painting na nakasabit sa dingding, ang mga gamit at palamuti na nasa pasilyo.
May isang silid na nalampasan siya, tumigil siya sa tapat nito at akmang bubuksan sana ito nang magulat siya dahil bigla na lamang itong bumukas at iniluwa ang mukhang anghel pero demonyo.
Hindi siya agad nakagalaw mula sa kanyang kinatatayuan at hinayaan ang sariling tumitig rito. Ito man ay nanatili lamang na nakatitig sa kanya hanggang sa sumandal ito sa hamba ng pinto at pinagkrus ang mga kamay sa dibdib. Sumilay ang nakakalokong ngiti sa mga labi nito habang nakatitig sa kanya ngunit bago pa man bumuka ang labi nito para magsalita ay agad siyang tumalikod at umalis mula roon.
Ipinagpatuloy niya ang naglakad hanggang sa nakarating siya sa hagdan pababa. Dali-dali siyang bumaba rito ngunit nang makarating siya sa huling baitang ay narinig niya ang tinig nito kaya mapatingala siya.
Nakatayo ito sa pinakataas na baitang at nakasandal sa barandilya, nakatingin ito ng seryoso sa kanya at walang mababakas na anumang emosyon.
"Kung tinatangka mong tumakas, mas maganda na lang na huwag mong subukan. Hindi mo alam kung ano pa ang kaya kong gawin baka mas lalo ka lang masaktan." Sabi nito bago tumalikod at naglakad pabalik sa taas.
Naiwan siyang nakatingala at pagkatapos ay nagsimula na ulit maglakad.
At anong akala niya sa akin? Hindi ako natatakot sa kanya. Sinisiguro kong makakatakas ako rito at ipapakulong ko siya.
Pagkababa niya ay agad na bumungad sa kanya ang maluwang na sala, may modernong itong design at kumpleto sa mga gamit. Naglakad siya papunta sa kanang bahagi at nakita niya roon ang kusina. Mas lalo siyang nakaramdam ng gutom kaya agad siyang lumapit sa ref at tiningnan ang pwede niyang kainin. Napasambit siya ng salamat ng may makita siyang lutong ulam doon na nakalagay sa mga foodkeeper kaya agad-agad niya itong inilabas at ipinainit.
May kanin din doon na malamig na, sa sobra niyang gutom ay hindi niya na ito pinagkaabalahang initan pa at nagsimula ng kumain.
Wala na siyang pake kung nagkandahulog-hulog na ang pagkain sa lamesa, basta kumain siya. Agad siyang uminom ng tubig nang kamuntikan siyang mabilaukan.
Napahimas siya ng kanyang tiyan ng matapos siyang kumain. Napadighay rin siya sa sobrang kabusugan. Napakarami ng kinain niya.
Napagpasyahan na lamang niyang tingnan ang buong bahay at sa labas nito upang makabisa niya ang pasikot-sikot dito para rin mas madali na lamang sa kanya ang tumakas.
Isininop niya muna ang kanyang pinagkainan at hinanap ang daan palabas.
Paglabas niya sa front door ay sumalubong sa kanya ang panghapong simoy ng hangin na mula sa dagat.
Nanlulumo siyang naglakad papunta sa pampang at tinatanaw ang halos walang katapusang karagatan. Iniikot niya ang kanyang paningin, malawak ang islang kinaroroonan nila. Mula sa kinatatayuan niya ay tila may isang gubat sa kanan niya, maliit lamang ito at sa tantiya niya ay nasa isang kilometro ang lakakarin niya papunta doon.
Napasalampak siya sa buhanginan, paano siya tatakas sa islang ito? Hindi niya alam ang lumangoy, tiningnan niya ulit ang karagatan, nasisiguro niyang kilo-kilometro ang kinakailangan niyang languyin kung sakali para lamang makakita ng pinakamalapit pang isla.
Napatingala siya at hinayaan ang sariling haplusin ng hangin, hanggang sa naramdaman niya na lamang ulit ang pagbagsak ng luha sa kanyang mga mata. Paano siya tatakas mula sa lugar na ito? Tanging bangka at eroplano lamang ang nasisiguro niyang pwedeng makarating dito, at isa pa hindi niya alam kung saang lupalop ito ng mundo matatagpuan ang islang kinaroroonan niya.
Ito na ba talaga ang magiging buhay niya?
TAHIMIK na nakatanaw si Zake sa babaeng nakasalampak sa buhanginan, bagamat nakatalikod ito ay alam niyang umiiyak ito base sa itsura nito dahil yumuyugyog ang balikat nito.
Hindi ito ang plinano niya noong una, pero nung nakita niya ito ay nag-iba ang takbo ng plano niya. Hindi niya rin lubos maisip kung bakit niya ikinulong ito sa islang pagmamay-ari niya at kung bakit naroroon siya sa kabila ng napakaraming trabaho niya sa kanyang opisina.
Tila may nag-uudyok sa kanya na manatili doon kasama ang babaeng iyon o mas magandang tawagin sa pangalan nito na Adrianne.
Napangisi siya sa kanyang naisip at pagkatapos umalis na mula roon.
------
HINDI ALAM NI Maxene kung ilang oras nang dilat ang kanyang mga mata ngunit hindi siya makatulog. Nakailang ikot na rin siya sa kanyang higaan ngunit kahit na anong pilit niya sa sarili niya na matulog ay hindi ito nakikinig sa kaniya. Paano ba naman siya makakatulog ay anong oras na ngunit hindi pa rin umuuwi si Finn at hindi niya mapigilang isipin kung nasaan ito kahit na alam niyang wala siyang karapatan ngunit sadyang hindi niya lang talaga mapigilan ang kanyang sarili.Ilang sandali pa ay nasabunutan na lang niya ang kanyang sarili. “Bakit mo ba kasi siya iniisip ha?” pagalit niya sa kanyang sarili at pagkatapos ay marahang sinampal-sampal ang kanyang pisngi. “Gumising ka nga Maxene! Hindi ka pa natutulog pero nananaginip ka na yata!” dagdag pa niya na parang isang baliw habang kinakausap ang sarili.Paano nga kasi ang gagawin niya kung kahit na ayaw niyang isipin ito ay naiisip niya ito. Nasaan kaya ito? Hindi kaya nagkita sila ng girlfriend nito at— umiling-iling siya at pilit
HINDI NAMAMALAYAN ni Finn ang oras at nang tingnan niya ang kanyang suot na relo ay alas sais na pala ng gabi. Nang tumingin siya sa labas ng bintana ay nakita nga niya na madilim na pala sa labas. Napahilot siya sa kanyang sentido, sa dami ng iniisip niya at ginagawa ay masyado na siyang nalibang doon.Ilang sandali pa nga ay pinag-isipan niya pa kung uuwi na muna siya o didiretso na kay Beatrice. Pakiramdam niya ay gusto na niya kaagad umuwi lalo pa at may uuwian siyang mga anak niya. Kapag kinakarga niya ang mga ito ay nagiging masaya ang loob niya. Alam niya na masaya din ang mga ito katulad niya kaya ganun din siya.Pero dahil kakain lang naman sila ni Beatrice ay nagpasya na lang siya na doon na muna dumiretso. Mamaya na lang siya uuwi at didiretso na lang siya sa mga ito mamaya at siisguruhin niya na hindi siya magtatagal doon. Tumayo na siya mula sa kanyang upuan at isininop sandali ang mga papeles na nasa ibabaw ng kanyang mesa at pagkatapos ay tuluyan nang dinampot ang kanya
NAHILA SIYA MULA sa kanyang pag-iisip nang muli na namang may kumatok sa kanyang opisina. Bago pa man siya makapagsalita ay bigla na lang bumukas ang pinto at eksaktong nagmulat siya ng kanyang mga mata. Nakita niya si Beatrice na pumasok mula sa pinto. Natigilan siya sandali nang makita ito. Oo nga pala, dumating na ito. Para niyang nakalimutan bigla ang existence nito dahil kay Maxene.Agad na nalukot ang mukha ni Beatrice nang makita niya ang malamig na mga mata ni Finn na tumingin sa kaniya. Kagabi pa siya naghihintay ng tawag nito o kahit na isang text man lang para i-update sana siya kahit na hindi na siya suyuin nito ngunit wala siyang nahintay. Sobrang sama ng loob niya kaya naghintay pa siya ng maghapon ngunit wala talaga itong paramdam at dahil doon ay nagkusa na siyang pumunta sa opisina nito para siya na ang makipag-usap dahil mukhang wala itong planong kausapin siya.Ibinaba niya ang kanyang pride dahil gusto niya na hindi masira ang lahat ng pinagpaguran niya kahit na an
ALAS KWATRO na nang hapon nang may kumatok sa pinto ng opisina ni Finn. Sa dami ng kanyang ginagawa at ng kanyang iniisip ay hindi niya namamalayan ang pagdaan ng oras. Napahilot na lang siya bigla sa kanyang sentido. “Pasok.” sabi niya sa tamad na tamad na paraan.Nang magtaas siya ng kanyang ulo ay doon niya nakita na pumasok ang abogado niya. Oo nga pala. Nakalimutan niya na sinabi niya rito na mag-usap silang dalawa dahil hindi na niya kailangan pang maghabol. Ang tanging kailangan niya na lang na mapatunayan ay kung totoo ngang mga anak niya ang dalawa pero syempre, kahit na sigurado siya na anak niya na nga ang mga ito ay alam niya na hindi pa rin basta-basta maniniwala ang abogado.“Glad you're finally here attorney.” sabi niya at pagkatapos ay itinuro ang upuan sa harapan niya. “Please have a seat.”Ilang sandali pa ay umupo nga ito sa harap niya at pagkatapos ay tumingin sa kaniya. “So what is this all about Finn?” tanong nito kaagad sa kaniya. Nang sabihin niya kasi rito na
“So ang ibig mong sabihin kaya ka nagmamadaling umalis kahapon ay dahil sa nakita mo siya ulit pagkatapos ng ilang taon?” hindi makapaniwalang tanong sa kaniya ni Sam.Tumango naman siya. “Hindi ko talaga inaasahan na makikita ko siya doon. Isa pa, syempre gulat na gulat ako at takot na takot dahil nga may anak kami. Ang dami kong what ifs tapos natagpuan ko na lang yung sarili ko na tumatakbo palayo sa kaniya kahit na hindi ko pa man kayo nakaka-bonding ng matagal dahil halos kararating-rating ko lang kahapon diba tapos nakita ko siya…” sabi niya at napakagat-labi na lang.“Tapos, tapos anong nangyari? Paano kayo ulit nagkita? Hindi naman umalis si Finn kahapon ah.” sabi naman ni Vena na halos pipikit-pikit pa at napahikab pa.Hindi niya nga tuloy maiwasang hindi makonsensya lalo pa at katatapos lang ng kasal nito kahapon tiyak na dapat ay nagpapahinga pa ito dahil alam niya na pagod ito marahil sa nakakapagod na gabi sa piling ng asawa nito. Muli siyang napahugot ng mahabang bunton
“ANONG sabi mo? Totoo ba ito Maxene?” gulat na gulat na tanong ni Vena sa kaniya. Alas-diyes na nang umaga nang magising si Maxene. Wala na ang lalaki sa bahay nito dahil pumasok na raw ito sa opisina at ang mga anak niya naman ay ipinasyal ni Dorie na utos din ng lalaki. Sinabi lang sa kaniya iyon ng kasambahay na pinagtanungan niya.Dahil doon ay wala na siyang naisip pa na gawin kundi ang kontakin si Vena at sinabi sa kaniya na pupuntahan niya ito kaya ngayon ay naroon siya sa bahay nila ni Andrei. Napayuko na lang siya at hindi nagsalita. “Bakit mo itinago ang totoo sa kaniya? Tyaka, sa dami ng lalaki si Finn pa talaga? Kailangan ka niyang panagutan!” gigil na sabi nito at hindi niya maiwasang matawa sa reaksyon nito. Akala niya pa naman ay pagagalitan siya nito ngunit mas nagalit pa ito sa lalaking iyon.Hindi niya namalayan na napatingin na pala ito sa kaniya. “Ano namang nginingiti mo diyan? May nakakatawa ba?” inis na sabi nito na dahilan para mag-angat siya ng kanyang ulo at