Leigh's POV
Kinabukasan pumunta kami sa ospital para kausapin ang Daddy ni Yosep tungkol sa nangyari, maaaring nakita niya kung sino ang may gawa ng pagkawala nang anak niya. Habang nasa pasilyo nang ospital halata na hindi parin nagpapansinan sina Vico at Annie at mapapansing may kakaiba parin sa pagitan nang dalawa."Ah Vico, pwede ba kita makausap?" hindi na natiis ni Annie ng tawagin ang pansin ni Vico, tumango siya bilang pagsangayon."Gusto ko lang humingi nang Sorry sa nangyari kagabi""Hindi mo kailangan mag-sorry, ako dapat ang humingi ng sorry sayo dahil ako naman nagsimula. Pasensya ka na Annie, marami lang ako iniisip dahil sa nangyari, wala naman ako sinisisi sa nangyari, gusto ko lang talaga ligtas tayong lahat, kaya I'm sorry talaga sa mga nasabi ko.""Tama ka naman eh, may mali naman talaga ako sa nangyari. Wag kayo mag-alala mula ngayon mag-iingat na ko.""Kalimutan mo na yun, ang mahalaga makagawa tayo ng paraan pa'no mahahanap si Abby at Yosep.""Salamat, I'm sorry talaga." napangiti kami nang magyakap sila. Mabuti nalang nagka-ayos din sila. Alam naming hindi nila matitiis ang isa't isa, sanay naman na kami sa ganitong sitwasyon pag may hindi pagkakaintindihan ang sino man sa amin ay hindi namin pinapatagal at nagkakaayos din.Nang makarating kami sa tapat nang kwarto ng daddy ni Yosep, dinig kong pawang may nag-uusap sa loob, nakita kong nakaawang ang pinto, sinilip ko kaya't nakita ko ang isang pulis na kinakausap niya si Tito.Naghintay kami sa labas bago pumasok, at maya-maya pa ay lumabas na rin siya, bumati lang kaming lahat sa kanila at tsaka pumasok sa loob.Napansin kong naiwan si Vico sa labas at mukhang kinakausap niya ang pulis."Ahm Jerry dito lang kayo ha, samahan ko lang si Vico sa labas, kausap niya yung pulis.""Sige, dito lang kami, ako na bahala dito." paglabas ko nang kwarto, napansin kong sumunod din si Annie"Samahan ko na kayo." tumango nalang ako bilang pagsangayon.Napalingon sila parehas sa amin, nang mapansin nila kami lumabas nang pintuan."Sorry po Sir, ako po si Leigh at ito naman po si Annie gusto lang po namin magtanong, may balita narin po ba kayo tungkol sa pagkawala ni Abby Jimenez?""By the way ako nga pala si SPO3 Diego Garcia, ako ang may hawak nang kaso nang pagkawala ng mga kaibigan niyo, tungkol sa pagkawala ni Ms. Abby Jimenez sa totoo lang wala pa kami malinaw na imbestigasyon, pero pinagtataka namin, isang linggo na mahigit ang nangyari pero wala pa narereceived na tawag ang pamilya niya sa mga kidnapper's para humingi nang randsome money, maaaring hindi lang ito kidnapping, lalo nang umigting ang paniniwala ko ngayon sa sumunod na pagkawala ni Mr. Yosep De Guzman, kayo po ba? wala po ba kayong alam na pwedeng gumawa nito? "Ah, w-wala naman po." Sagot ni Vico"Pero kayo ang madalas na kasama ng dalawa, maaaring may alam kayo o nabanggit sila bago ang kanilang pagkawala.""W-wala po talaga, w-wala po silang nabanggit samin, nagtataka rin po kami bakit nangyayari 'to." sagot ni Annie"Tama po siya, wala po talaga sila naikwento samin." dagdag ko"Sige po, kung may malalaman man po kayo makipag-ugnayan lang po kayo samin para mas madali po natin masolved ang kaso at mahanap ang kaibigan niyo.""Sige po maraming salamat po!" muling sagot ko, nagpaalam na siya at bumalik kami sa kwarto ng daddy ni Yosep"Kasalanan ko 'to, kung hindi ko sana isinama si Yosep hindi sana nangyari 'to, sana ako nalang kinuha niya at hindi ang anak ko."Nang makapasok ako sa loob ay naabutan kong kausap nila ang Daddy ni YosepRamdam kong sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari, mabuti nandito kami kahit papaano ay napagaan namin ang kalooban niya.Inintay namin siyang makatulog bago kami umalis sa ospital."Ahm guys pwede bang mauna na ako sa inyo? Pinapapunta kasi ako ni Daddy sa office." Paaalam ni Sam"Samahan na kita, sabay na ako sayo, parehas lang naman way natin pauwi, nagmamadali din kasi ako may kailangan lang ako gawin, Kung okay lang naman sayo" tanong ni Annie"Sige, No Problem! tara! Guys' sorry ha, baka masabon na naman ako ni Daddy pag hindi ako nakarating""Sige, basta mag-iingat kayo ha!" paalala ko.Nang makaalis si Annie at Sam, nagpaalam na din kami sa isa't-isa at nagdesisyong umuwi muna sa aming mga bahay.Ilang oras ang lumipas pagkadating ko sa bahay, tinawagan ako ni Louie."Hello, Leigh nagtext ba sayo si Sam kung nasaan siya? Tinawagan kasi ako nang Mommy niya di pa daw umuuwi, Nagalitan ata ng Daddy niya kanina, umalis daw sa office at hanggang ngayon hindi pa daw umuuwi, hindi kaya, nakuha na din siya?""Diyos ko, wag naman sana! Natanung mo na ba sila baka alam nila kung nasaan si Sam, Si Annie, baka alam niya kung nasaan si Sam, siya ang huling kasama niya diba?""Ou, natawagan ko na silang lahat, hindi rin nila alam, Si Annie nauna daw siyang ihatid bago pumunta nang opisina, at yun narin huling kita niya kay Sam, ikaw na nga ang panghuli kong nakausap, anong gagawi natin.""Hindi ko alam, sa ngayon umasa nalang tayo na sana ligtas siya.""Sige tawagan ulit kita pag may balita na tungkol kay Sam."Dumaan ang mahabang oras, hindi ko alam pero umiral na naman ang kaba sa dibdib ko, sana naman walang nangyari kay Sam.Ilang beses ako nanalangin na sana hindi, wala, walang kasunod na masamang mensahe, pero mali ako.Ilang minuto palang ang nakakaraan, dumating ang mensaheng hinding-hindi ko hihilingin na matanggap.
Parang hinigop lahat nang lakas ko nang natanggap ang mensahe at mapanood ito, wala na, wala na talaga kami magagawa, uubusin niya kami.Ngayon ang buhay namin ay naka-depende nalang lahat sa bawat pag-ikot nang bote, na iniintay nalang naming matapatan kami nang pagtigil nito at doon na magtatapos ang buhay namin.Sa nangyayari isa lang ang napatunayan ko, totoo ang karma at nangyayari na sa amin ngayon. Hindi ko akalaing sa ganitong paraan namin pagbabayaran ang nagawa namin.
Annie’s POV Bago ko pihitin ang seradura ng pinto ay makailang ulit kong tinanong ang aking sarili kung tama ba ang desisyon at plano na gagawin ko. Nang makita ko ang natitirang oras sa relo ko ay pinagsawalang bahala ko na lamang kung ano man ang gumugulo sa isip ko, hindi dapat ako mag-aksaya ng oras, kailangan kong doblehin ang kilos ko, lalo na at hindi ko kakayanin mag-isa na mailigtas silang lahat. Bahala na, yun na lang ang tanging nasabi ko nang buksan ko ang pinto ng kwarto. Pagkabukas ko nito ay bumungad agad sa akin ang ang isang taong nagpupumilit makalabas sa loob ng aquarium, sinusubukan nitong basagin ang malapad na salaming nakapalibot dito sa pamamagitan nang pagbangga nito nang kanyang katawan sa tila rehas na pinakukulungan nito, hindi pa man ganun kadami ang tubig sa loob ay kita sa kilos niya ang kagustuhang makaalis doon. Agad naman niyang napansin ang presensya ko. Nang magtama ang kanyang mata sa mga mata ko ay nakita ko na sumilay doon ang pag-asang may
"Pakawalan mo ko dito!!! Ano ba!!!" sigaw ko sa kanya, ngunit hindi niya parin ako pinansin. Nakatutok siyang maigi sa monitor ng laptop niya. "Hey! Take a look at them! Parang sabik na sabik na silang malaman kung sinong unang ililigtas mo." Ngayon ay nakaharap naman siya sa akin. "Ang malaking katanungan, sino nga ba sa kanila ang mas mahalaga para kay Annie??!!" Kitang-kita ko sa mga mukha niya ang excitement sa pagkakasabi niya nun. "Sisiguraduhin ko maililigtas ko sila lahat, gagawin ko lahat para mabuhay kami at makawala dito, makawala sa kabaliwan mo!" "Ssshhh, stop talking nonsense! Hahaha Paano mo nga naman magagawa yun kung nandito ka at walang magawa para mailigtas ang sarili!" Pinupuno na talaga ako nang babaeng ito. Hindi ko pa rin alam kong bakit gustong gusto niya ako pahirapan, kung bakit naging kasalanan ko ang kasalanan ng nanay ko sa pamilya niya, kung kasalanan ngang matatawag iyon. "Sige na nga, wag
"Say hello to your f*ck*ng friends!!!" Pagkasabi niya nun ay iniharap niya sa akin ang screen ng hawak niyang portable laptop. Kung hindi ako nagkakamali ay kuha iyon sa sa iba't-ibang CCTV cameras, napansin kong pamilyar ang mga lugar na iyon, at ng bigla kong napagtanto..., napanganga ako sa nakita ko, silang ngang lahat ang nasa video, at nabigla ako sa sitwasyon nilang lahat, bumuhos na lahat ng emosyon sa akin, tuloy-tuloy na pag-agos ng mga luha ko. "Hayop ka Leigh! Anong balak mong gawin sa kanila??" Halos wala nang lumabas na boses sa bibig ko dahil sa halo-halo na ang emosyong nararamdaman ko. Ang sitwasyon nila ang lubhang nakabahala sa akin, sa obserbasyon ko sa video na pinakita niya sa akin nasa magkakaibang silid sila at tama ako na pamilyar ako sa lugar dahil nadito parin sila sa abandonadong bahay nina Zhelle na kinaroroonan din namin ni Leigh, pero ang kaibahan namin ng sitwasyon ay kung ako nakatali parin sa kinauupuan
Annie's POV --------------------------------------"Mommy! Wag mo ko iwan! Please, Mommy!" Hindi ko man naiintindihan ang nangyayari ngunit alam kong ang pagalis na ito ni Mommy ay sigurado akong matagal na siyang hindi makababalik, hindi katulad nang aking nakasanayang pagalis niya araw araw ngunit nakakasama ko naman siya lagi pagsapit nang gabi. "Umalis ka na! Wag na wag ka na magpapakita sakin kahit kelan!!" nakakarinding sigaw ng Daddy ko kay Mommy. "Mommy, sasama ako sayo!!!" niyakap ko lang siya nang mahigpit gusto kong sumama sa kanya, ngunit gusto ko ding kasama si Daddy. "Annie! Go to your room now!" utos sakin ni Daddy ngunit hindi parin ako kumakawala sa Mommy ko. Hinawakan niya ako sa balikat at tiningnan, kita ko ang mga luha sa mga mata niya na lalong nagpaiyak sa akin. "Baby! Makinig ka kay Daddy! Go to your room na, don't worry, babalik si Mommy ha! Babalikan ka ni Mommy!" pag-aalo niya sa akin. "Per
Chief Diego POV "Ayon sa imbestigasyon at mga ibedensyang nakalap alam na kung sino ang suspek sa nangyayaring series of kidnapping sa isang groupo nang magkakaibigan." Panimula ko sa isinasagawa naming pagpupulong, tinipon ko ang aking mga tauhan para sa isasagawa naming operasyon para mahanap na ang nawawalang magkakaibigan at para hulihin ang suspek sa pangyayari. Nandito kami ngayon sa loob ng isang silid kung saan ay pinatawag ko lahat ng mga maaaring makatulong sa isasagawa naming operasyon. Lumapit ako sa malaking screen na nasa harapan, nag-flash doon ang mga mukha ng siyam na magkakaibigan. "Sila ang magkakaibigan nasasangkot sa series of kidnapping, si Abby Jimenez ang kauna-unahang nawala, sinundan ito ni Yosep Deguzman, Jay Sam Toledo, samantalang magkasabay namang nawala sina Jerry Ramirez at Zhelle Saavedra, at nito lang nakaraan ay naireport na nawawala na din si Annie Mendez. Sa magkakaibigan silang tatlo na
Annie's POV ...at present Lahat kami nabigla sa lahat ng mga sinabi niya, hindi makapaniwala na pinagplanuhan lahat ni Leigh pati ang pakikipagkaibigan sa amin. Ngunit sa mga rebelasyong narinig namin ay ako ang lubos na naaapektuhan, ako ang dapat sisihin kung bakit pati mga kaibigan ko ay nadamay sa galit niya sa Nanay ko. "Leigh, kung ano man ang nagawa ng Mommy ko sa pamilya mo, ako na humihingi ng tawad, ako nalang pagbayarin mo, hindi mo na kailangan idamay pa sila" pagmamakaawa ko sa kanya. "Ahahahaha, Annie! Teka lang ha! Hindi nalang basta tungkol 'to sa kasalanan ng Mommy mo sa amin, nalilimutan mo na ba ang pagkawala ni Kevin dahil din sa inyo, dahil sa inyong lahat!!!" "Kaya kung may dapat magbayad, hindi lang ikaw Annie, lahat kayo!!!" Unang pagkakataon na makita ko si Leigh sa ganoong kalagayan, na nakakasindak at punong puno ng poot at galit ang nararamdaman. Ibang-iba sa pagkakakilala