Home / Mystery/Thriller / SPIN THE BOTTLE / CHAPTER X - Third Spin (The Secret)

Share

CHAPTER X - Third Spin (The Secret)

Author: Elo Arm
last update publish date: 2021-05-30 17:26:02

Leigh's POV

Makalipas ang 24 oras sinabi na nang mga pulis na pwede na si Sam ideklarang "Missing Person". 

Ilang beses kami tinanong ng parents niya kung alam namin kung nasaan siya pero wala kaming masabi.

"Nasaan si Annie at Zhelle? Hindi ba nila alam na pupunta kayo dito?" tanong ni Vico. Sa bahay niya muli kaming nagkita para pag-isipan ang mga nangyayari.

Nagkibit balikat lang kami sa tanong niya, ako man na mas madalas nilang kasama ay wala ding ideya kung bakit wala sila.Naisip naming na baka mali-late lang.

"Ano nang gagawin natin? Hanggang ngayon hindi pa din natin alam sinong gumagawa nito, baka bukas wala na rin tayo." panimula ni Jerry

"Alam niyo matagal ko na pinag-iisipan ito, kung konektado ito sa nangyari kay Kevin, maaaring may koneksiyon sa kanya ang nasa likod nito."

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko

"Tayo lang ang nakakaalam nang nangyari, at tayo lang ang nandoon sa bahay, kaya imposibleng may makakitang ibang tao sa ginawa natin, isa lang naiisip ko, pero hindi ako sigurado at ayaw kong isiping tama."

"Ano bang iniisip mo Vico?" tanong ni Jerry

"Isa sa atin ang gumagawa nito!"

"What?" sabay na tanong naming tatlo

"P-pero sino? Bakit naman niya gagawin sa atin 'to?" naguguluhang tanong ni Louie

"Paghihiganti! Yun ang pakay niya sa atin hindi ba? Dalawa lang sa atin ang may koneksiyon kay Kevin." dagdag ni Vico

"No! Hindi nila magagawa sa atin yun!" sagot ko

"Alam ko, pero kung iisipin mong mabuti, kung sino man siya, paano niya nalaman ang sikreto natin?"

"Hindi ko alam, basta ako ayaw kong isipin mga sinasabi mo, mabuti silang kaibigan sa atin, hindi nila ito magagawa." paliwanag ko

"Pero- "naputol ang pagsasalita ni Vico nang dumating ang kasambahay niya

"Sir Vico! Sorry po sa abala may nag-iwan po kasi nito sa labas nang gate, para sa inyo po yata."

"Ano yan? Sinong nagbigay?" tanong nito sa katulong at inabot ang isang rectangular box.

"Hindi ko po alam Sir, may narinig lang po akong nagdoorbell tapos pagbukas ko wala naman pong tao, yan lang po nakita ko."

"Sige salamat!"

"Ano ba yan?" tanong ni Louie, nagkibit balikat lang si Vico at sinimulang buksan ang box

Lahat kami nagulat nang lumantad sa amin ang laman nito. Isang bote, ang boteng kapalit nang katawan ni Sam, hinugot ni Vico ang larawan ni Sam na nakasuksok sa bunganga nito para tingnan kong may iniwan ulit siyang mensahe para samin. 

"Face the Consequence Now and I'll tell you the Truth Later" 

Yun lang ang tanging nakasulat sa likod nang larawan. Naisip ko na parang pamilyar ang rules na sinasabi niya at nang muli kong alalahanin ang lahat ay sumagi sa isip ko ang naging mechanics nang larong ginawa namin noon, parang may pagkakahalintulad nga ito doon, ngunit ang pinagkaiba lang ay parang baliktad ito dahil ang naalala kong mechanics na naisip noon ni Abby ay, "Tell the Truth or Face the Consequence". 

Muli kong naalala ang larong pinagmulan nang lahat......

Ang "Spin the bottle".

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • SPIN THE BOTTLE   CHAPTER XLVI - "Key of Friendship"

    Vico’s POV Naguguluhan man ako sa nangyayari ay sinunod ko nalang ang plano ni Annie, kung natiwala siya sa akin na ako ang una niyang niligtas ay ganun din ang nararapat na gawin ko ang pagtiwalaan siya. Mabilis akong nagtungo sa silid kung saan naroroon si Louie. “Vico!!!” sigaw niya nang Makita niya akong bumungad sa pintuan nang silid na kinalalagyan niya. Napansin kong hanggang pusod na niya ang tubig sa loob, ilang saglit lang at mapupuno na iyon kung hindi ko bibilisan ang kilos ko. “Pre! Ayos ka lang, I’m here to save you, wag ka na mag-alala, makakaligtas tayong lahat dito.” “Paano? Binuhos ko na ang lakas ko pero hindi ko mabasag ang aquarium na ito.” “Don’t worry, gagawin ko lahat nang makakaya ko.” Muli kong inalala kung paano ako niligtas ni Annie, ibinaba ko ang tablet at sinabi sa kanya na imonitor niya ang kung ano nang nangyari sa mga kaibigan namin nagtaka man siya kung para saan yun ngunit agad naman niyang naintindihan nang makita niya pati ang silid niya

  • SPIN THE BOTTLE   CHAPTER XLV - "Be Friends with your Enemy"

    “Vico! Nagawa ko, Nabuksan ko!” tawag ko sa pangalan niya, walang paglagyan ang saya ko nang mga oras na iyon. “Oh my God, Thank you!” dinig kong sabi ni Vico. Hindi na ako nag-aksaya pa nang oras at agad ko namang binuksan ang takip nang aquarium at tinulungan makalabas si Vico. “Kailangan natin magtulungan, para mapabilis ang pagliligtas natin sa kanila, dalhin mo ito para alam mo kung saan sila pupuntahan.” paliwanag ko sa kanya habang inabot ko ang portable tablet. Pinag-aralan muna naming dalawa kung sino ang susunod naming pupuntahan, napagdesisyunan naming maghiwalay para mas mapabilis ang oras at magawa naming na mailigtas silang lahat. Matapos iyon ay lumabas na kami sa loob ng silid na iyon, si Louie ang unang pupuntahan ni Vico at ako naman ay papunta sa silid kung saan nandon si Yosef. Pagkalapit ko sa pintuan ng silid na pinaglalagakan ni Yosef ay buong pwersa ko itong binuksan, at sa ginawa ko ay nakuha ko agad ang atensiyon niya. “Annie!!!” tulad nang reak

  • SPIN THE BOTTLE   CHAPTER XLIV - "Passcode"

    “What happened? Annie! Hey! Andyan ka pa ba?!” “Isang kataksilan, isang pagkakamaling kailanma’y hindi malalilimutan” “What? Anong sinasabi mo? Okay ka lang ba?” “May sulat siyang iniwan dito, baka sa pamamagitan nito malaman natin ang ang sagot para ma-unlocked natin ang susi.” Makailang beses kung inulit-ulit basahin at intindihin ang sulat, pero hindi ako makakuha ng kahit kaunting code na konektado dito, at isa pa kung tungkol ito sa kataksilang nangyari sa pagitan nang magulang namin, masyado pa akong bata noon para matandaan ang lahat. Sinubukan ko lahat lahat nang numero na konektado sa pamilya ko pero di umubra. Ilang saglit pa ay bigla akong may naalala. Sa pagkakaalam ko nung araw na umalis si Mommy sa bahay, yun din ang araw na namatay sa aksidente ang mga magulang ni Leigh. …one year ago “Ahm guys tara! Let’s hang out naman later, may bagong bukas na Bar sa may labas nang building namin?” akit samin ni Abby “I’m In!!” sagot ni Zhelle Nagtaas lang nama

  • SPIN THE BOTTLE   CHAPTER XLIII - "Unlocked"

    Annie’s POV Bago ko pihitin ang seradura ng pinto ay makailang ulit kong tinanong ang aking sarili kung tama ba ang desisyon at plano na gagawin ko. Nang makita ko ang natitirang oras sa relo ko ay pinagsawalang bahala ko na lamang kung ano man ang gumugulo sa isip ko, hindi dapat ako mag-aksaya ng oras, kailangan kong doblehin ang kilos ko, lalo na at hindi ko kakayanin mag-isa na mailigtas silang lahat. Bahala na, yun na lang ang tanging nasabi ko nang buksan ko ang pinto ng kwarto. Pagkabukas ko nito ay bumungad agad sa akin ang ang isang taong nagpupumilit makalabas sa loob ng aquarium, sinusubukan nitong basagin ang malapad na salaming nakapalibot dito sa pamamagitan nang pagbangga nito nang kanyang katawan sa tila rehas na pinakukulungan nito, hindi pa man ganun kadami ang tubig sa loob ay kita sa kilos niya ang kagustuhang makaalis doon. Agad naman niyang napansin ang presensya ko. Nang magtama ang kanyang mata sa mga mata ko ay nakita ko na sumilay doon ang pag-asang may

  • SPIN THE BOTTLE   CHAPTER XLII - "Who will you save?!"

    "Pakawalan mo ko dito!!! Ano ba!!!" sigaw ko sa kanya, ngunit hindi niya parin ako pinansin. Nakatutok siyang maigi sa monitor ng laptop niya. "Hey! Take a look at them! Parang sabik na sabik na silang malaman kung sinong unang ililigtas mo." Ngayon ay nakaharap naman siya sa akin. "Ang malaking katanungan, sino nga ba sa kanila ang mas mahalaga para kay Annie??!!" Kitang-kita ko sa mga mukha niya ang excitement sa pagkakasabi niya nun. "Sisiguraduhin ko maililigtas ko sila lahat, gagawin ko lahat para mabuhay kami at makawala dito, makawala sa kabaliwan mo!" "Ssshhh, stop talking nonsense! Hahaha Paano mo nga naman magagawa yun kung nandito ka at walang magawa para mailigtas ang sarili!" Pinupuno na talaga ako nang babaeng ito. Hindi ko pa rin alam kong bakit gustong gusto niya ako pahirapan, kung bakit naging kasalanan ko ang kasalanan ng nanay ko sa pamilya niya, kung kasalanan ngang matatawag iyon. "Sige na nga, wag

  • SPIN THE BOTTLE   CHAPTER XLI - "Save Me, Annie!"

    "Say hello to your f*ck*ng friends!!!" Pagkasabi niya nun ay iniharap niya sa akin ang screen ng hawak niyang portable laptop. Kung hindi ako nagkakamali ay kuha iyon sa sa iba't-ibang CCTV cameras, napansin kong pamilyar ang mga lugar na iyon, at ng bigla kong napagtanto..., napanganga ako sa nakita ko, silang ngang lahat ang nasa video, at nabigla ako sa sitwasyon nilang lahat, bumuhos na lahat ng emosyon sa akin, tuloy-tuloy na pag-agos ng mga luha ko. "Hayop ka Leigh! Anong balak mong gawin sa kanila??" Halos wala nang lumabas na boses sa bibig ko dahil sa halo-halo na ang emosyong nararamdaman ko. Ang sitwasyon nila ang lubhang nakabahala sa akin, sa obserbasyon ko sa video na pinakita niya sa akin nasa magkakaibang silid sila at tama ako na pamilyar ako sa lugar dahil nadito parin sila sa abandonadong bahay nina Zhelle na kinaroroonan din namin ni Leigh, pero ang kaibahan namin ng sitwasyon ay kung ako nakatali parin sa kinauupuan

  • SPIN THE BOTTLE   CHAPTER XXV - N

    Chief Garcia POV Ilang linggo narin ang nakakalipas buhat ng mawala isa-isa ang mga magkakaibigan at wala pa ring malinaw nasagot sa mga nangyayari. Alam kong hindi sapat ang puro hinala lang sa mga magkakaibigan, ngunit bakit napakailap ng ebidensya, nauubusan na ako ng ora

  • SPIN THE BOTTLE   CHAPTER XXIII - Annie's Secret

    Gaya nang plano, magmamatyag kami sa kanya at oobserbahan namin ang mga kilos niya, kaya wala na kaming inaksayang oras, pumunta kaming tatlo sa labas nang building nang condo unit niya at nagmasid.Alam namin sa mga oras na yun ay nandoon lang si Annie sa unit niya. Ilang oras na pag-aaban

  • SPIN THE BOTTLE   CHAPTER XXII - Trust No One

    Leigh's POV Kinabukasan, pagkagising ko, may nakita akong isang nakabalot na regalo na iniwan sa labas nang bahay, nagtaka ako kung kanino yun dahil walang pangalang nakalagay kung kanino galing at para kanino, bigla kong naalala ang kahong dinala sa bahay ni Vico pagkatapos mawala ni

  • SPIN THE BOTTLE   CHAPTER XVII - The Text Messages

    Vico's Point of view Halos nilibot ko na lahat nang lugar na pwedeng puntahan ni Zhelle pero wala akong nakita kahit anino man lang niya. Naghiwahiwalay kami sa pag-asang madali namin mahahanap si Zhelle. Nakahinga lang ako nang maluwag nang makareceive ako mga text m

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status