LOGINAnnie's POV
Nang magising ako ay, agad kong dinampot ang cellphone sa katabing table nang kama ko.Binasa ko ang mensahe sa akin ni Leigh na pupunta kami sa ospital, dahil bibisitahin namin ang Daddy ni Yosep.Bigla kong naalala ang nangyaring pagtatalo sa pagitan namin ni Vico kagabi, napatingin ako sa litratong nakapatong sa table na katabi nang kama ko. Kinuha ko yun at niyakap.Pagkatapos nun ay binalik ko iyon sa dati nitong kinalalagyan at bumangon at nag-ayos nang sarili.Pumunta ako sa ospital gaya nang napag-usapan, pagkadating ko doon ay nakita ko silang nagiipon-ipon sa lobby, sinalubong nila ako at sabay-sabay na pumasok sa loob.Habang nasa pasilyo nang ospital napansin kong naiilang si Vico sa akin at hindi ako pinapansin, ganun din ako sa kanya, pero hindi ko matitis na may tensyong namamagitan sa amin kaya naisip kong wala naman sigurong masama kung kakausapin ko siya."Ah Vico, pwede ba kita makausap?" hindi ko na natiis kaya tinawag ko siya, napangiti ako nang tumango siya bilang pagsangayon."Gusto ko lang humingi nang Sorry sa nangyari kagabi" panimula koNapatingin silang lahat sa akin at tumigil sa paglalakad"Hindi mo kailangan mag-sorry, ako dapat ang humingi ng sorry sayo dahil ako naman nagsimula. Pasensya ka na Annie, marami lang ako iniisip dahil sa nangyari, wala naman ako sinisisi sa nangyari, gusto ko lang talaga ligtas tayong lahat, kaya I'm sorry talaga sa mga nasabi ko."Alam kong parehas kami na nahihirapan sa mga nangyayari pero alam kong may point parin siya sa mga nasabi niya sa akin kagabi."Tama ka naman eh, may mali naman talaga ako sa nangyari. Wag kayo mag-alala mula ngayon mag-iingat na ko." seryosong paliwanag ko"Kalimutan mo na yun, ang mahalaga makagawa tayo ng paraan pa'no mahahanap si Abby at Yosep."Nang sabihin niya yun ay hindi ko napigilang yakapin siya."Salamat, I'm sorry talaga." Masaya akong nagkaayos na ulit kami ni Vico, nang magpatuloy na kaming maglakad papunta sa kwarto ng daddy ni Yosep, nagpahuli ako sa kanila, hindi ko napigilang pagmasdan silang lahat.I'm sorry guys, hindi ko naman kagustuhang mangyari 'to kung alam niyo lang, sabi ko sa isip ko at tsaka ako nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.Nang makarating kami sa tapat ng kwarto ng ospital kung saan nadoon ang Daddy ni Yosep, naulinigan naming na may kausap siya at nang silipin ko sa nakaawang na pinto, kinakausap siya nang isang lalaking naka-uniporme nang pulis na pawang nagtatanong sa mga nangyari, naghintay kami sa labas at nakinig."Papunta sana kami sa isang restaurant para makipagkita sa isa sa bagong investor ng kumpanya ko, may nabangga ang sasakyan naming isang tao, lumabas kami nang kotse para sana tingnan kung sino at kung nasaktan ba siya, pero pagbaba namin ng sasakyan walang bakas nang katawan ng tao sa sahig, sinubukan kong silipin sa ilalim nang kotse pero bigla nalang may pumalo sa ulo ko at sumunod noon hindi ko na alam ang nangyari, nagising nalang ako na nakatali sa loob nang sasakyan at wala na si Yosep." Dinig naming mula sa labas ang mga sinabi niya."Hindi niyo po ba talaga nakilala o nakita kung sino yung taong nabangga niyo? Maaari po kasi na siya ang kumuha sa anak niyo." tanong nang pulis"Hindi, sobrang bilis nang pangyayari, ni hindi ko nakita ang mukha niya.""Wala po ba kayong alam na pwedeng gumawa nito? May tao po ba kayong nakagalit o nakaaway na may kakayahang gumawa nito?" dagdag na tanong ng pulis"Wala, wala akong naaalala, maayos ang relasyon ko sa mga business partner at mga empleyado ko, kahit sa mga kaibigan ko, at wala ding nakakaaway ang pamilya namin, kaya hindi ko alam kung bakit nangyari 'to." napatungo nalang kaming lahat sa kanyang sinabi, kung alam lang niya."Sige po Sir, maraming salamat po, wag po kayong mag-alala, gagawin po namin lahat para maimbestigahan ang nangyari. Sige po Mr. De Guzman, maraming salamat po, babalitaan nalang po namin kayo sa magiging imbestigasyon namin, tuloy na rin po ako" Nagpaalam na siya at lumabas ng kwarto, bumati kami sa kanya at pumasok na sa loob, pero napansin kong hindi pumasok sa kwarto si Vico at kinausap ang pulis."Ahm Jerry dito lang kayo ha, samahan ko lang si Vico sa labas, kausap niya yung pulis." dinig kong pagpapaalam sa kanya ni Leigh"Sige, dito lang kami, ako na bahala dito." sagot sa kanya ni JerryPaglabas niya ng kwarto, alam kong kakausapin nila ang pulis at makikibalita, kaya sumunood din ako sa kanila."Samahan ko na kayo." sabi ko sa kanya, tumango lang siya bilang pagsangayon.Napalingon sila parehas sa amin, nang mapansin nila kami lumabas nang pintuan."Sorry po Sir, ako po si Leigh at ito naman po si Annie gusto lang po namin magtanong, may balita narin po ba kayo tungkol sa pagkawala ni Abby Jimenez?" tanong ni Leigh sa lalaking pulis na kaharap ni Vico"By the way ako nga pala si Chief Diego Garcia, ako ang may hawak nang kaso nang pagkawala ng mga kaibigan niyo, tungkol sa pagkawala ni Ms. Abby Jimenez sa totoo lang wala pa kami malinaw na imbestigasyon, pero pinagtataka namin, isang linggo na mahigit ang nangyari pero wala pa narereceived na tawag ang pamilya niya sa mga kidnapper's para humingi nang randsome money, maaaring hindi lang ito kidnapping, lalo nang umigting ang paniniwala ko ngayon sa sumunod na pagkawala ni Mr. Yosep De Guzman, kayo po ba? wala po ba kayong alam na pwedeng gumawa nito? "Ah, w-wala naman po." sagot ni Vico"Pero kayo ang madalas na kasama ng dalawa, maaaring may alam kayo o nabanggit sila bago ang kanilang pagkawala."Kinabahan ako sa pagtatanong niya sa amin."W-wala po talaga, w-wala po silang nabanggit samin, nagtataka rin po kami bakit nangyayari 'to." sagot ko"Tama po siya, wala po talaga sila naikwento samin." dagdag pa ni Leigh"Sige po, kung may malalaman man po kayo makipag-ugnayan lang po kayo samin para mas madali po natin masolved ang kaso at mahanap ang kaibigan niyo.""Sige po maraming salamat po!" muling sagot ni Leigh Nagpaalam na siya at bumalik kami sa kwarto ng daddy ni Yosep"Kasalanan ko 'to, kung hindi ko sana isinama si Yosep hindi sana nangyari 'to, sana ako nalang kinuha niya at hindi ang anak ko." Pagkapasok namin sa loob kausap pa nila si Tito at mukhang sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari. Sa mga sinabi niya ay parang na-guilty ako, dahil kung hindi sana ako umalis ay hindi mangyayari 'to sa kanya at hindi mawawala si Yosep."Wag niyo po sisihin sarili niyo Tito, wala pong may kasalanan sa nangyari, hindi naman po natin ito kagustuhan, wag po kayo mag-alala tutulong po kami para mahanap si Yosep." paliwanag ni Louie."Salamat, salamat sa inyo.""Sige Tito, magpahinga na po kayo, kami na po bahala." tumango lang siya sa sinabi ni Zhelle at pinikit na ang kanyang mga mata. Inintay namin siya makatulog at umalis na sa ospital.Vico’s POV Naguguluhan man ako sa nangyayari ay sinunod ko nalang ang plano ni Annie, kung natiwala siya sa akin na ako ang una niyang niligtas ay ganun din ang nararapat na gawin ko ang pagtiwalaan siya. Mabilis akong nagtungo sa silid kung saan naroroon si Louie. “Vico!!!” sigaw niya nang Makita niya akong bumungad sa pintuan nang silid na kinalalagyan niya. Napansin kong hanggang pusod na niya ang tubig sa loob, ilang saglit lang at mapupuno na iyon kung hindi ko bibilisan ang kilos ko. “Pre! Ayos ka lang, I’m here to save you, wag ka na mag-alala, makakaligtas tayong lahat dito.” “Paano? Binuhos ko na ang lakas ko pero hindi ko mabasag ang aquarium na ito.” “Don’t worry, gagawin ko lahat nang makakaya ko.” Muli kong inalala kung paano ako niligtas ni Annie, ibinaba ko ang tablet at sinabi sa kanya na imonitor niya ang kung ano nang nangyari sa mga kaibigan namin nagtaka man siya kung para saan yun ngunit agad naman niyang naintindihan nang makita niya pati ang silid niya
“Vico! Nagawa ko, Nabuksan ko!” tawag ko sa pangalan niya, walang paglagyan ang saya ko nang mga oras na iyon. “Oh my God, Thank you!” dinig kong sabi ni Vico. Hindi na ako nag-aksaya pa nang oras at agad ko namang binuksan ang takip nang aquarium at tinulungan makalabas si Vico. “Kailangan natin magtulungan, para mapabilis ang pagliligtas natin sa kanila, dalhin mo ito para alam mo kung saan sila pupuntahan.” paliwanag ko sa kanya habang inabot ko ang portable tablet. Pinag-aralan muna naming dalawa kung sino ang susunod naming pupuntahan, napagdesisyunan naming maghiwalay para mas mapabilis ang oras at magawa naming na mailigtas silang lahat. Matapos iyon ay lumabas na kami sa loob ng silid na iyon, si Louie ang unang pupuntahan ni Vico at ako naman ay papunta sa silid kung saan nandon si Yosef. Pagkalapit ko sa pintuan ng silid na pinaglalagakan ni Yosef ay buong pwersa ko itong binuksan, at sa ginawa ko ay nakuha ko agad ang atensiyon niya. “Annie!!!” tulad nang reak
“What happened? Annie! Hey! Andyan ka pa ba?!” “Isang kataksilan, isang pagkakamaling kailanma’y hindi malalilimutan” “What? Anong sinasabi mo? Okay ka lang ba?” “May sulat siyang iniwan dito, baka sa pamamagitan nito malaman natin ang ang sagot para ma-unlocked natin ang susi.” Makailang beses kung inulit-ulit basahin at intindihin ang sulat, pero hindi ako makakuha ng kahit kaunting code na konektado dito, at isa pa kung tungkol ito sa kataksilang nangyari sa pagitan nang magulang namin, masyado pa akong bata noon para matandaan ang lahat. Sinubukan ko lahat lahat nang numero na konektado sa pamilya ko pero di umubra. Ilang saglit pa ay bigla akong may naalala. Sa pagkakaalam ko nung araw na umalis si Mommy sa bahay, yun din ang araw na namatay sa aksidente ang mga magulang ni Leigh. …one year ago “Ahm guys tara! Let’s hang out naman later, may bagong bukas na Bar sa may labas nang building namin?” akit samin ni Abby “I’m In!!” sagot ni Zhelle Nagtaas lang nama
Annie’s POV Bago ko pihitin ang seradura ng pinto ay makailang ulit kong tinanong ang aking sarili kung tama ba ang desisyon at plano na gagawin ko. Nang makita ko ang natitirang oras sa relo ko ay pinagsawalang bahala ko na lamang kung ano man ang gumugulo sa isip ko, hindi dapat ako mag-aksaya ng oras, kailangan kong doblehin ang kilos ko, lalo na at hindi ko kakayanin mag-isa na mailigtas silang lahat. Bahala na, yun na lang ang tanging nasabi ko nang buksan ko ang pinto ng kwarto. Pagkabukas ko nito ay bumungad agad sa akin ang ang isang taong nagpupumilit makalabas sa loob ng aquarium, sinusubukan nitong basagin ang malapad na salaming nakapalibot dito sa pamamagitan nang pagbangga nito nang kanyang katawan sa tila rehas na pinakukulungan nito, hindi pa man ganun kadami ang tubig sa loob ay kita sa kilos niya ang kagustuhang makaalis doon. Agad naman niyang napansin ang presensya ko. Nang magtama ang kanyang mata sa mga mata ko ay nakita ko na sumilay doon ang pag-asang may
"Pakawalan mo ko dito!!! Ano ba!!!" sigaw ko sa kanya, ngunit hindi niya parin ako pinansin. Nakatutok siyang maigi sa monitor ng laptop niya. "Hey! Take a look at them! Parang sabik na sabik na silang malaman kung sinong unang ililigtas mo." Ngayon ay nakaharap naman siya sa akin. "Ang malaking katanungan, sino nga ba sa kanila ang mas mahalaga para kay Annie??!!" Kitang-kita ko sa mga mukha niya ang excitement sa pagkakasabi niya nun. "Sisiguraduhin ko maililigtas ko sila lahat, gagawin ko lahat para mabuhay kami at makawala dito, makawala sa kabaliwan mo!" "Ssshhh, stop talking nonsense! Hahaha Paano mo nga naman magagawa yun kung nandito ka at walang magawa para mailigtas ang sarili!" Pinupuno na talaga ako nang babaeng ito. Hindi ko pa rin alam kong bakit gustong gusto niya ako pahirapan, kung bakit naging kasalanan ko ang kasalanan ng nanay ko sa pamilya niya, kung kasalanan ngang matatawag iyon. "Sige na nga, wag
"Say hello to your f*ck*ng friends!!!" Pagkasabi niya nun ay iniharap niya sa akin ang screen ng hawak niyang portable laptop. Kung hindi ako nagkakamali ay kuha iyon sa sa iba't-ibang CCTV cameras, napansin kong pamilyar ang mga lugar na iyon, at ng bigla kong napagtanto..., napanganga ako sa nakita ko, silang ngang lahat ang nasa video, at nabigla ako sa sitwasyon nilang lahat, bumuhos na lahat ng emosyon sa akin, tuloy-tuloy na pag-agos ng mga luha ko. "Hayop ka Leigh! Anong balak mong gawin sa kanila??" Halos wala nang lumabas na boses sa bibig ko dahil sa halo-halo na ang emosyong nararamdaman ko. Ang sitwasyon nila ang lubhang nakabahala sa akin, sa obserbasyon ko sa video na pinakita niya sa akin nasa magkakaibang silid sila at tama ako na pamilyar ako sa lugar dahil nadito parin sila sa abandonadong bahay nina Zhelle na kinaroroonan din namin ni Leigh, pero ang kaibahan namin ng sitwasyon ay kung ako nakatali parin sa kinauupuan
"Leigh stop! Hindi ka pwedeng pumasok sa loob, masyado nang malakas ang apoy" pigil sakin ni Vico"No! hindi natin pwedeng hayaan nalang sila sa loob, kelangan natin iligtas si Zhelle at Kevin"Hindi ko alam kung paano pero nakawala ako sa pagkakayakap sakin ni Vico at h
Kahit na wala naman kami masyado ginawa sa bahay ni Abby, nakaramdam din ako ng pagod, mag-aalas otso palang ng gabi, nagpasya na ako magpahinga, pero hindi pa ako nakahihiga nang mag-ring ang phone ko.Tiningnan ko kung kaninong number ang tumatawag, nang mabasa ko ang pangala
"Hayss grabe, hanggang ngayon di parin ako makamove-on sa nangyari sa party ni Sab, grabe lasing na lasing tayo, ni hindi ko na nga matandaan kung ano nangyari"Nandito kaming mga girls including Jerry sa bahay ni Abby, nag-akit siya para magmovie marathon total wala naman daw
"Hi Sab, Happy Birthday! thanks for inviting us ha" bati ko sa sister ni Louie."Thanks Ate Leigh, wala yun hindi naman na kayo iba samin, and you're my Kuya's friends' kaya parang mga kapatid ko na din kayo, ahm sige ate ha entertain ko lang ibang bisita ko""Oh yah, si