Share

CHAPTER XLIII - "Unlocked"

Annie’s POV

Bago ko pihitin ang seradura ng pinto ay makailang ulit kong tinanong ang aking sarili kung tama ba ang desisyon at plano na gagawin ko.

Nang makita ko ang natitirang oras sa relo ko ay pinagsawalang bahala ko na lamang kung ano man ang gumugulo sa isip ko, hindi dapat ako mag-aksaya ng oras, kailangan kong doblehin ang kilos ko, lalo na at hindi ko kakayanin mag-isa na mailigtas silang lahat.

Bahala na, yun na lang ang tanging nasabi ko nang buksan ko ang pinto ng kwarto.

Pagkabukas ko nito ay bumungad agad sa akin ang ang isang taong nagpupumilit makalabas sa loob ng aquarium, sinusubukan nitong basagin ang malapad na salaming nakapalibot dito sa pamamagitan nang pagbangga nito nang kanyang katawan sa tila rehas na pinakukulungan nito, hindi pa man ganun kadami ang tubig sa loob ay kita sa kilos niya ang kagustuhang makaalis doon.

Agad naman niyang napansin ang presensya ko. Nang magtama ang kanyang mata sa mga mata ko ay nakita ko na sumilay doon ang pag-asang may
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status