Vico's Point of View
Isang linggo na ang nakakaraan at wala parin kaming balita tungkol kay Abby, at wala pa ulit kaming natatanggap na banta mula sa nagsend sa amin ng videos. Hindi namin alam kung sino ang kaaway kaya dobleng pag-iingat ang ginagawa namin.Ilang gabi kong pinag-iisipan kung sinong pwedeng gumawa noon pero wala akong maisip, imposible namang si Kevin gaya nang iniisip nila dahil nandun kaming lahat nang ilibing siya.Habang nakatitig ako sa kawalan ay tinungga ko ang alak na laman nang basong hawak ko."Tol! May problema ba? Parang ang lalim nang iniisip mo?" tanong ni Sam sa akinNandito kaming apat na lalaki sa mini bar ng bahay. Umiinom kami kasama namin ang mga babae at nasa sala sila nang bahay.Simula nung mawala si Abby, palagi na kami dito sa bahay nagkikita-kita, mas ligtas kami pag magkakasama."Wala, iniisip ko lang si Abby" sagot ko"Ahm guys kelangan ko nang umalis, may importante lang akong kelangan gawin" dinig kong paalam ni AnnieLumapit kaming lahat sa kanila. "Annie! gaano ba kaimportante yan at kelangan mo nang umalis?" tanong ko sa kanyaHindi siya sumagot bagkus ay si Yosep ang nagsalita."Kung kailangan mo na talaga umalis, sasamahan na kita, Ako na maghahatid sayo, wala kang sasakyan diba?""H-hindi na, s-salamat nalang Yosep, wag niyo ko alalahanin, kaya ko naman sarili ko"Bigla kong naalala ang pagkawala ni Abby, wala siyang kasama nung mawala siya"Hindi ka pwedeng umalis na magisa, hindi ba pwedeng mamaya na" pigil ko sa kanya"Hindi pwede, I really need to go" sagot niya sa akin at akmang aalis na ay muli ko siyang inalok"Magpahatid ka nalang kay Yosep.""Ou nga Annie, wala naman masama kung magpahatid ka, Tsaka kelangan natin maka-siguro baka kung ano pa mangyari sayo, kelangan natin mag-ingat." paliwanag ni Louie"No! wag na, walang mangyayaring masama sakin, promise mag-iingat ako" kontra pa niyaHindi na ako umimik dahil, naiinis na ako sa kakulitan niya.Lumakad na si Yosep at naunang pumunta sa may pintuan"Yosep, wag na." pagpupumilit pa ni Annie"Sige na tara na, wag ka na magpumilit" wala na nagawa si Annie at sumunod na kay Yosep.Ilang minuto pagkatapos umalis ni Yosep at Annie, napansin kong hindi mapakali si Leigh at naglalakad pabalik-balik.Mukhang napansin din iyon ni Jerry
"Ano ba Leigh, nahihilo na ko sayo, kanina ka pa paikot-ikot diyan?" "May masama kasi akong kutob ay, di ko alam pero nag-aalala ako para dun sa dalawa" sa wakas ay nasabi niya kung anong bumabagabag sa kanya"Tawagan mo kaya nang hindi ka nag-aalala diyan" ginawa naman niya ang sinabi ni Jerry, at nang hindi niya ito ma-contact ay kinuha ko rin ang phone ko at sinubukang tawagan ang dalawa."Hello, tol asan ka na?" napalingon ako sa boses ni Sam kausap niya na si Yosep. Nilaksan niya ang volume ng phone niya para marinig naming lahat."I'm still driving pero pauwi na ko sa bahay, tinawagan kasi ako ni Daddy nagpapasama lang sakin, bakit ba?""Wala sinisigurado lang naming na safe kayo, si Annie naihatid moba?" tanong ni Sam"Ah not literally na naihatid o siya sa condo niya, kasi nagbaba na siya sa may kanto, may dadaanan lang daw siya"Nang marinig ko yun ay, napasigaw ako sa kanya"What? Iniwan mo siya kung saan lang?""Wooh! Tol, wag ka namang magalit, eh sinubukan ko naman na pilitin siya ihatid at intayin ko na, kaso nagpilit siya, sabi niya may malapit naman daw na police station dun, hihingi nalang daw siya nang tulong kung may mangyari man, nung una hindi pa ako pumayag kasi nag-aalala parin naman ako sa kanya kaso tinawagan nga ako ni Daddy."Nang marinig ko yun ay parang nahawa ako sa kabang nararamdaman ni Leigh."Kelangan natin sila sundan, kelangan makasiguro tayong safe sila" nag-agree sila sa sinabi ko at umalis na kami sa bahay. Napagdesisyunan namin na maghati kami para parehas naming mapuntahan silang dalawa. Si Zhelle at Jerry ang maghahanap kay Annie at kami naman ni Sam at Louie ang magkakasama at susunod kay Yosep. Wala pa man kaming narereceived na banta, pero kelangan namin makasiguro at maprotektahan ang bawat isa.Pumunta kami sa bahay ni Yosep tinanong namin sa mga kasambahay nila kung nakauwi na siya, at ayun sa nakausap naming security guard nang bahay nila ay nakaalis na ulit si Yosep kasama ang daddy niya, mabuti nalang at kilala kami nang tauhan sa bahay nila at sinabi sa amin kung saan sila pupunta.Papaalis na kami sa bahay nina Yosep nang makatanggap kami ng tawag mula kay LeighSi Louie ang kumausap sa kanya para ibalita ang paghahanap nila kay Annie."Louie, kasama niyo na ba si Yosep? Hindi pa namin nakikita si Annie wala rin siya dito sa Condo niya." panimula niya sa kabilang linya"Di namin siya naabutan, umalis din daw nang bahay pagkadating, sabi nang guard may pinuntahan daw kasama yung Daddy niya, sinabi niya naman kung saan kaya susundan namin sila" sagot sa kanya ni Louie"Sige balitaan mo ako pag na-kontak niyo siya."Matapos yun ay umalis na kami sa bahay na iyon at nagpunta sa lugar na sinabi ng guard.Habang nasa byahe at nagmamaneho ako ay nagsalita si Sam"Oh Sh*t! Guys Check your phone"Kinuha ko ang phone sa bulsa ko at tiningnan kung anong sinasabi niya.Muntikan ko nang maibangga ang kotse nang malaman kung ano iyon, mabuti nalang naihinto ang sasakyan."F*ck! Ano ba Vico, papatayin mo ba kami?" galit na turan ni LouieHindi ko siya pinansin at muling pinanuod ang video na nataggap ko. Si Yosep nasa panganib ang buhay niya."Kelangan natin abutan sila Yosep, baka maunahan niya tayo!" sabi ko sa kanilaMuli kong pinaandar ang kotse at nagmadali magmaneho.Ilang minuto na aking pagdadrive ay napatigil ako nang makita ko ang isang kotseng nakaparada sa gilid nang kalsada. Nanlaki ang mata ko nang makilala ko kung kanino iyon"Tol! Kotse yun ni Yosep ah" pagkasabi nun ni Louie ay inihinto ko ang sasakyan at nagmadaling bumaba.Lumapit kami sa kotse at may narinig kaming parang ungol nang isang tao na nanggangaling sa loob nang sasakyan.Binuksan iyon ni Sam at nagulat kami sa aming nakita.Ang Daddy ni Yosep nakagapos at may busal sa bibig."T-tito? Hala ano pong nangyari sa inyo?" inalis namin siya sa pagkakatali at ang nasa bibig niya."Si Yosep! May kumuha sa kanya, k-kelangan kong hanapin ang anak ko" tuliro na siya at balisa sa nangyari.Sa nasabi niya ay mukhang huli na kami, siguradong ang gumawa nito ay ang kumuha din kay Abby.Pinakalma namin ang Daddy ni Yosep at tumawag nang mga pulis.Idinial ko rin ang number ni Leigh pero hindi siya sumagot, pati si Jerry ay wala din, at nang si Zhelle ang tinawagan ko ay agad naman niya iyong sinagot."Hello Vico! Natanggap niyo rin ba ulit yung video? Nakita niyo na ba si Yosep?" tanong niya"Zhelle! m-may masama kasing balita" sagot ko sa kanya"What? N-no! Hindi pwede, wag mong sabihin-" pinutol ko ang sasabihin niya"Huli na tayo Zhelle, nakuha na niya rin si Yosep" narinig ko ang pagiyak niya sa kabilang linya"H-hindi! hindi totoo yan" humahagol na niyang sagot sa akin"I-m sorry, pero wala na kaming nagawa, naabutan nalang namin ang kotse niya wala na siya don, iniwan lang ang Daddy niya na nakagapos sa loob nang kotse" narinig ko ang mga boses niyang umiiyak"Vico, Louie, tingnan niyo ito!" napalingon ako nang tawagin ako ni SamHawak niya ang isang bote, kinuha niya ang nakasuksok na papel at nakita ko ang larawan ni Yosep."Vico, ano yun?" tanong sakin ni Zhelle sa kabilang linya"Yung boteng kagaya ng nakita natin nung mawala si Abby, meron ulit siya iniwan dito" sagot ko sa kanya."Sige na, tumawag na kami nang mga pulis, papunta na sila dito, ikaw na rin magbalita sa kanila" sumang-ayon siya sa akin at inend ko na ang tawag.Habang hawak ni Sam ang picture ni Yosep ay nakita kong biglang nagiba ang mukha niya."Bakit?" tanong ko lumapit ako sa kanya para tingnan ang picture.Nakita ko na may nakasulat sa likod noon, kagaya ng kay Abby."Nakalimutan niyo na ba? Ako Hindi Pa" basa ko sa nakasulat doon.Nagkatinginan kaming tatlo at pawang parehas kami nang naiisip.May alam nga siya sa nangyari. Pero sino? Sinong gumagawa nito?Annie’s POV Bago ko pihitin ang seradura ng pinto ay makailang ulit kong tinanong ang aking sarili kung tama ba ang desisyon at plano na gagawin ko. Nang makita ko ang natitirang oras sa relo ko ay pinagsawalang bahala ko na lamang kung ano man ang gumugulo sa isip ko, hindi dapat ako mag-aksaya ng oras, kailangan kong doblehin ang kilos ko, lalo na at hindi ko kakayanin mag-isa na mailigtas silang lahat. Bahala na, yun na lang ang tanging nasabi ko nang buksan ko ang pinto ng kwarto. Pagkabukas ko nito ay bumungad agad sa akin ang ang isang taong nagpupumilit makalabas sa loob ng aquarium, sinusubukan nitong basagin ang malapad na salaming nakapalibot dito sa pamamagitan nang pagbangga nito nang kanyang katawan sa tila rehas na pinakukulungan nito, hindi pa man ganun kadami ang tubig sa loob ay kita sa kilos niya ang kagustuhang makaalis doon. Agad naman niyang napansin ang presensya ko. Nang magtama ang kanyang mata sa mga mata ko ay nakita ko na sumilay doon ang pag-asang may
"Pakawalan mo ko dito!!! Ano ba!!!" sigaw ko sa kanya, ngunit hindi niya parin ako pinansin. Nakatutok siyang maigi sa monitor ng laptop niya. "Hey! Take a look at them! Parang sabik na sabik na silang malaman kung sinong unang ililigtas mo." Ngayon ay nakaharap naman siya sa akin. "Ang malaking katanungan, sino nga ba sa kanila ang mas mahalaga para kay Annie??!!" Kitang-kita ko sa mga mukha niya ang excitement sa pagkakasabi niya nun. "Sisiguraduhin ko maililigtas ko sila lahat, gagawin ko lahat para mabuhay kami at makawala dito, makawala sa kabaliwan mo!" "Ssshhh, stop talking nonsense! Hahaha Paano mo nga naman magagawa yun kung nandito ka at walang magawa para mailigtas ang sarili!" Pinupuno na talaga ako nang babaeng ito. Hindi ko pa rin alam kong bakit gustong gusto niya ako pahirapan, kung bakit naging kasalanan ko ang kasalanan ng nanay ko sa pamilya niya, kung kasalanan ngang matatawag iyon. "Sige na nga, wag
"Say hello to your f*ck*ng friends!!!" Pagkasabi niya nun ay iniharap niya sa akin ang screen ng hawak niyang portable laptop. Kung hindi ako nagkakamali ay kuha iyon sa sa iba't-ibang CCTV cameras, napansin kong pamilyar ang mga lugar na iyon, at ng bigla kong napagtanto..., napanganga ako sa nakita ko, silang ngang lahat ang nasa video, at nabigla ako sa sitwasyon nilang lahat, bumuhos na lahat ng emosyon sa akin, tuloy-tuloy na pag-agos ng mga luha ko. "Hayop ka Leigh! Anong balak mong gawin sa kanila??" Halos wala nang lumabas na boses sa bibig ko dahil sa halo-halo na ang emosyong nararamdaman ko. Ang sitwasyon nila ang lubhang nakabahala sa akin, sa obserbasyon ko sa video na pinakita niya sa akin nasa magkakaibang silid sila at tama ako na pamilyar ako sa lugar dahil nadito parin sila sa abandonadong bahay nina Zhelle na kinaroroonan din namin ni Leigh, pero ang kaibahan namin ng sitwasyon ay kung ako nakatali parin sa kinauupuan
Annie's POV --------------------------------------"Mommy! Wag mo ko iwan! Please, Mommy!" Hindi ko man naiintindihan ang nangyayari ngunit alam kong ang pagalis na ito ni Mommy ay sigurado akong matagal na siyang hindi makababalik, hindi katulad nang aking nakasanayang pagalis niya araw araw ngunit nakakasama ko naman siya lagi pagsapit nang gabi. "Umalis ka na! Wag na wag ka na magpapakita sakin kahit kelan!!" nakakarinding sigaw ng Daddy ko kay Mommy. "Mommy, sasama ako sayo!!!" niyakap ko lang siya nang mahigpit gusto kong sumama sa kanya, ngunit gusto ko ding kasama si Daddy. "Annie! Go to your room now!" utos sakin ni Daddy ngunit hindi parin ako kumakawala sa Mommy ko. Hinawakan niya ako sa balikat at tiningnan, kita ko ang mga luha sa mga mata niya na lalong nagpaiyak sa akin. "Baby! Makinig ka kay Daddy! Go to your room na, don't worry, babalik si Mommy ha! Babalikan ka ni Mommy!" pag-aalo niya sa akin. "Per
Chief Diego POV "Ayon sa imbestigasyon at mga ibedensyang nakalap alam na kung sino ang suspek sa nangyayaring series of kidnapping sa isang groupo nang magkakaibigan." Panimula ko sa isinasagawa naming pagpupulong, tinipon ko ang aking mga tauhan para sa isasagawa naming operasyon para mahanap na ang nawawalang magkakaibigan at para hulihin ang suspek sa pangyayari. Nandito kami ngayon sa loob ng isang silid kung saan ay pinatawag ko lahat ng mga maaaring makatulong sa isasagawa naming operasyon. Lumapit ako sa malaking screen na nasa harapan, nag-flash doon ang mga mukha ng siyam na magkakaibigan. "Sila ang magkakaibigan nasasangkot sa series of kidnapping, si Abby Jimenez ang kauna-unahang nawala, sinundan ito ni Yosep Deguzman, Jay Sam Toledo, samantalang magkasabay namang nawala sina Jerry Ramirez at Zhelle Saavedra, at nito lang nakaraan ay naireport na nawawala na din si Annie Mendez. Sa magkakaibigan silang tatlo na
Annie's POV ...at present Lahat kami nabigla sa lahat ng mga sinabi niya, hindi makapaniwala na pinagplanuhan lahat ni Leigh pati ang pakikipagkaibigan sa amin. Ngunit sa mga rebelasyong narinig namin ay ako ang lubos na naaapektuhan, ako ang dapat sisihin kung bakit pati mga kaibigan ko ay nadamay sa galit niya sa Nanay ko. "Leigh, kung ano man ang nagawa ng Mommy ko sa pamilya mo, ako na humihingi ng tawad, ako nalang pagbayarin mo, hindi mo na kailangan idamay pa sila" pagmamakaawa ko sa kanya. "Ahahahaha, Annie! Teka lang ha! Hindi nalang basta tungkol 'to sa kasalanan ng Mommy mo sa amin, nalilimutan mo na ba ang pagkawala ni Kevin dahil din sa inyo, dahil sa inyong lahat!!!" "Kaya kung may dapat magbayad, hindi lang ikaw Annie, lahat kayo!!!" Unang pagkakataon na makita ko si Leigh sa ganoong kalagayan, na nakakasindak at punong puno ng poot at galit ang nararamdaman. Ibang-iba sa pagkakakilala