Leigh's POV
Matapos kong kutuban sa pagalis ni Annie at Yosep ay nagdesisyon kaming sundan sila. Lalo akong kinabahan nang makausap namin si Yosep. Inisip ko kung bakit hindi nagpahatid mismo si Annie sa condo niya. Nanalangin nalang ako na wala sana mangyari sa kanilang dalawa.Napagdesisyunan namin na maghati kami para parehas naming mapuntahan silang dalawa. Kami ni Chelle at Jerry ang maghahanap kay Annie at sila Vico, Sam at Louie naman ang susunod kay Yosep. Wala pa man kaming narereceived na banta, pero kelangan namin makasiguro at maprotektahan ang bawat isa.Tinanong ko si Yosep kung saan ang eksaktong lugar na pinuntahan ni Annie, at nang mabigay niya ang location agad kaming pumunta dun, pinagtanong namin siya sa lugar kung nagawi siya dun pero walang nakakaalam, napansin kong malapit na ang condo niya doon, kaya naisipan kong baka nakauwi na siya, pumunta kami sa unit niya pero wala pa din, nagdesisyon akong magpaiwan sa unit niya para mabalikan nila ang lugar upang di kami magkasalisi delikado man pero wala na kaming ibang maisip na paraan. Bumalik si Jerry at Zhelle sa lugar kung saan una kaming naghanap at ako naiwan sa unit ni Annie.Tinawagan ko si Louie kung kasama na nila si Yosep."Louie, kasama niyo na ba si Yosep? Hindi pa namin nakikita si Annie wala rin siya dito sa Condo niya.""Di namin siya naabutan, umalis din daw nang bahay pagkadating, sabi nang guard may pinuntahan daw kasama yung Daddy niya, sinabi niya naman kung saan kaya susundan namin sila""Sige balitaan mo ako pag na-kontak niyo siya." Ilang minutong pag-iintay ko dumating din si Annie sa unit niya, nagulat pa siya nang makita ako, sa sobrang pag-aalala ko nayakap ko siya ng mahigpit."San ka ba galing? kanina pa kami naghahanap sayo.""Anong ginagawa mo dito? Sabi ko naman sa inyo wag niyo na ko alalahanin""Iniisip lang naman namin kaligtasan mo Annie, nag-aalala lang kami para sayo" napatungo nalang siya at di na umimik, binuksan niya ang pinto ng kanyang unit at inakit ako pumasok sa loob."Sorry""Ha?" "I'm sorry, pinagaalala ko pa kayo, sorry talaga Leigh""It's okay, ano kaba, para san pa at naging kaibigan mo kami." muli ko siyang niyakap"Teka saan ka ba talaga nanggaling?" hindi pa niya nasasagot ang tanong ko ng tumunog ang aking phone, at wala pang isang iglap ay tumunog din ang sa kanya.Nagkatinginan kami at sabay na binuksan ang mensahe, Nang mabuksan ko tama nga ang aking hinala.
Pinindot ko ang play button at pinanood ang video, kahit kabadong-kabado at takot na takot na ko, kelangan ko malaman kung sino ang isusunod niya sa amin, habang umiikot ang bote pasikip din nang pasikip ang dibdib ko at nang tumigil ang bote sa tapat nang isa sa picture namin.
"Si Yosep!" sabay naming sigaw.Biglang pumasok sa pintuan si Jerry na kinakapos nang paghinga."Girls, si Yosep ang next target niya""Kelangan natin siya puntahan, Teka asan si Zhelle? Bakit hindi mo siya kasama?" takang tanong ko."Naghiwalay kami, para mas madali naming mahanap si Annie, kaso nung mapanood ko na ang video tumakbo na agad ako dito, tinatawagan ko siya pero diko na siya makontak""Ano? Sige na tara na kelangan natin puntahan si Yosep." Akmang aalis na sana kami nang may marinig kaming tumawag sa labas nang pintuan"Guys!" sabay-sabay kami napalingon sa kanya, si Zhelle nagmamadaling lumapit sa amin na umiiyak hanggang sa napaluhod na siya sa sahig"Zhelle! Tumayo ka diyan, Anong nangyayari?" takang tanong ni Annie, hindi siya makapagsalita at umiiyak pa din siya."T-tumawag si Vico, w-we're late, nakuha na niya si Yosep" "W-what?!" halos di ko na maibuka ang bibig ko sa hinatid niyang balita, hanggang ngayon di parin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Sobrang nakakatakot."Hindi na daw nila naabutan si Yosep, nakita nalang nila sa daan yung sasakyan niya pati yung daddy niya na nakagapos sa loob ng kotse, at kagaya nung pagkawala ni Abby may iniwan ulit siyang bote at picture ni Yosep. Anong gagawin natin? Natatakot na ko? Ano bang nangyayai?" mahabang kwento niya sa amin.Ni isa sa aming tatlo walang nakasagot sa mga tanong niya.
Nang mahimasmasan si Zhelle umalis na kami sa condo ni Annie at pumunta sa pinangyarihan ng pagkawala ni Yosep. Pagdating namin agad kaming sinalubong nung tatlo. "Kasalanan mo 'to eh, kung hindi ka sana nagpumilit umalis hindi sana mangyayari 'to" nagulat kami nang biglang salubong samin ni Vico at tinuturo si Annie"Wait! What? Bakit akong sinisisi mo? Eh kayo naman yung nag-insist na ihatid ako at samahan ni Yosep diba?" sagot ni Annie"Ang point ko dito, sana hindi ka na umalis, hindi sana nagkaroon nang pagkakataon na makuha si Yosep" "Guys tama na, ano ba!" awat ni Jerry"So ako talaga may kasalanan? Huh? Kahit na umalis ako mag-isa at kukunin niya talaga si Yosep o kahit sino pa sa ating lahat, gagawa at gagawa yan ng paraan para makuha tayo""Bakit alam mo ba mga pina-plano niya? Hindi! Kaya nga nag-iingat tayong lahat. Mahirap bang intindihin yun?""Tol, tama na yan" pigil ni Louie at Sam"Wala akong sinabing tanga ka, ang sinasabi ko lang na gumagawa kami ng paraan para maprotektahan kayong lahat, palibhasa sarili mo lang iniisip mo.""Vico! Annie ano ba! tigilan niyo na yan, hindi ito ang panahon para magtalo-talo tayo" awat ko sa tensyong namamagitan sa kanila."Kahit kelan, hindi ko inisip ang sarili kong kapakanan, dahil kaya kong gawin lahat para sa mga taong mahal ko, kasama na kayong lahat dun Vico" nang bitawan niya ang mga salitang yun ay tumalikod na siya at tumakbo palayo, hinabol siya ni Jerry at pinapasok sa kanyang sasakyan at umalis na.Naiwan kami dun at nakipagusap sa mga pulis, dahil sa mayaman sila Yosep, inisip nang mga pulis kidnapping rin lang ang motiboo sa nangyari."Guys, ito yung boteng iniwan sa kotse ni Yosep" inabot sa amin ni Sam ang boteng may nakasuksok na larawan ni Yosep sa bunganga nito, hinugot ko iyon at binasa ang nasa likod ng larawan "Nakalimutan niyo na ba? Ako Hindi Pa". Kinilabutan ako sa aking nabasa, hindi na maaari ito dalwa na ang nawawala sa amin, kelangan na naming malaman kung sinong nasa likod nito.Samantala habang pinagmamasdan ang isang larawan, masaganang pumatak ang mga luha sa mga mata ni Annie, niyakap niya ang picture ng isang tao na kanyang pinakamamahal, "Malapit na, konting panahon na lang, mahal na mahal kita".
Annie’s POV Bago ko pihitin ang seradura ng pinto ay makailang ulit kong tinanong ang aking sarili kung tama ba ang desisyon at plano na gagawin ko. Nang makita ko ang natitirang oras sa relo ko ay pinagsawalang bahala ko na lamang kung ano man ang gumugulo sa isip ko, hindi dapat ako mag-aksaya ng oras, kailangan kong doblehin ang kilos ko, lalo na at hindi ko kakayanin mag-isa na mailigtas silang lahat. Bahala na, yun na lang ang tanging nasabi ko nang buksan ko ang pinto ng kwarto. Pagkabukas ko nito ay bumungad agad sa akin ang ang isang taong nagpupumilit makalabas sa loob ng aquarium, sinusubukan nitong basagin ang malapad na salaming nakapalibot dito sa pamamagitan nang pagbangga nito nang kanyang katawan sa tila rehas na pinakukulungan nito, hindi pa man ganun kadami ang tubig sa loob ay kita sa kilos niya ang kagustuhang makaalis doon. Agad naman niyang napansin ang presensya ko. Nang magtama ang kanyang mata sa mga mata ko ay nakita ko na sumilay doon ang pag-asang may
"Pakawalan mo ko dito!!! Ano ba!!!" sigaw ko sa kanya, ngunit hindi niya parin ako pinansin. Nakatutok siyang maigi sa monitor ng laptop niya. "Hey! Take a look at them! Parang sabik na sabik na silang malaman kung sinong unang ililigtas mo." Ngayon ay nakaharap naman siya sa akin. "Ang malaking katanungan, sino nga ba sa kanila ang mas mahalaga para kay Annie??!!" Kitang-kita ko sa mga mukha niya ang excitement sa pagkakasabi niya nun. "Sisiguraduhin ko maililigtas ko sila lahat, gagawin ko lahat para mabuhay kami at makawala dito, makawala sa kabaliwan mo!" "Ssshhh, stop talking nonsense! Hahaha Paano mo nga naman magagawa yun kung nandito ka at walang magawa para mailigtas ang sarili!" Pinupuno na talaga ako nang babaeng ito. Hindi ko pa rin alam kong bakit gustong gusto niya ako pahirapan, kung bakit naging kasalanan ko ang kasalanan ng nanay ko sa pamilya niya, kung kasalanan ngang matatawag iyon. "Sige na nga, wag
"Say hello to your f*ck*ng friends!!!" Pagkasabi niya nun ay iniharap niya sa akin ang screen ng hawak niyang portable laptop. Kung hindi ako nagkakamali ay kuha iyon sa sa iba't-ibang CCTV cameras, napansin kong pamilyar ang mga lugar na iyon, at ng bigla kong napagtanto..., napanganga ako sa nakita ko, silang ngang lahat ang nasa video, at nabigla ako sa sitwasyon nilang lahat, bumuhos na lahat ng emosyon sa akin, tuloy-tuloy na pag-agos ng mga luha ko. "Hayop ka Leigh! Anong balak mong gawin sa kanila??" Halos wala nang lumabas na boses sa bibig ko dahil sa halo-halo na ang emosyong nararamdaman ko. Ang sitwasyon nila ang lubhang nakabahala sa akin, sa obserbasyon ko sa video na pinakita niya sa akin nasa magkakaibang silid sila at tama ako na pamilyar ako sa lugar dahil nadito parin sila sa abandonadong bahay nina Zhelle na kinaroroonan din namin ni Leigh, pero ang kaibahan namin ng sitwasyon ay kung ako nakatali parin sa kinauupuan
Annie's POV --------------------------------------"Mommy! Wag mo ko iwan! Please, Mommy!" Hindi ko man naiintindihan ang nangyayari ngunit alam kong ang pagalis na ito ni Mommy ay sigurado akong matagal na siyang hindi makababalik, hindi katulad nang aking nakasanayang pagalis niya araw araw ngunit nakakasama ko naman siya lagi pagsapit nang gabi. "Umalis ka na! Wag na wag ka na magpapakita sakin kahit kelan!!" nakakarinding sigaw ng Daddy ko kay Mommy. "Mommy, sasama ako sayo!!!" niyakap ko lang siya nang mahigpit gusto kong sumama sa kanya, ngunit gusto ko ding kasama si Daddy. "Annie! Go to your room now!" utos sakin ni Daddy ngunit hindi parin ako kumakawala sa Mommy ko. Hinawakan niya ako sa balikat at tiningnan, kita ko ang mga luha sa mga mata niya na lalong nagpaiyak sa akin. "Baby! Makinig ka kay Daddy! Go to your room na, don't worry, babalik si Mommy ha! Babalikan ka ni Mommy!" pag-aalo niya sa akin. "Per
Chief Diego POV "Ayon sa imbestigasyon at mga ibedensyang nakalap alam na kung sino ang suspek sa nangyayaring series of kidnapping sa isang groupo nang magkakaibigan." Panimula ko sa isinasagawa naming pagpupulong, tinipon ko ang aking mga tauhan para sa isasagawa naming operasyon para mahanap na ang nawawalang magkakaibigan at para hulihin ang suspek sa pangyayari. Nandito kami ngayon sa loob ng isang silid kung saan ay pinatawag ko lahat ng mga maaaring makatulong sa isasagawa naming operasyon. Lumapit ako sa malaking screen na nasa harapan, nag-flash doon ang mga mukha ng siyam na magkakaibigan. "Sila ang magkakaibigan nasasangkot sa series of kidnapping, si Abby Jimenez ang kauna-unahang nawala, sinundan ito ni Yosep Deguzman, Jay Sam Toledo, samantalang magkasabay namang nawala sina Jerry Ramirez at Zhelle Saavedra, at nito lang nakaraan ay naireport na nawawala na din si Annie Mendez. Sa magkakaibigan silang tatlo na
Annie's POV ...at present Lahat kami nabigla sa lahat ng mga sinabi niya, hindi makapaniwala na pinagplanuhan lahat ni Leigh pati ang pakikipagkaibigan sa amin. Ngunit sa mga rebelasyong narinig namin ay ako ang lubos na naaapektuhan, ako ang dapat sisihin kung bakit pati mga kaibigan ko ay nadamay sa galit niya sa Nanay ko. "Leigh, kung ano man ang nagawa ng Mommy ko sa pamilya mo, ako na humihingi ng tawad, ako nalang pagbayarin mo, hindi mo na kailangan idamay pa sila" pagmamakaawa ko sa kanya. "Ahahahaha, Annie! Teka lang ha! Hindi nalang basta tungkol 'to sa kasalanan ng Mommy mo sa amin, nalilimutan mo na ba ang pagkawala ni Kevin dahil din sa inyo, dahil sa inyong lahat!!!" "Kaya kung may dapat magbayad, hindi lang ikaw Annie, lahat kayo!!!" Unang pagkakataon na makita ko si Leigh sa ganoong kalagayan, na nakakasindak at punong puno ng poot at galit ang nararamdaman. Ibang-iba sa pagkakakilala