salamat Readers! See you in the next chapter
Tahimik ang De La Joya mansion sa umagang iyon. Ang mga sinag ng araw ay dumaraan sa malalaking salaming bintana, tinatamaan ang marmol na sahig na parang naglalaro sa liwanag. Sa kabila ng karangyaan, may kakaibang lamig na bumabalot sa paligid — hindi galing sa aircon, kundi mula sa mga hindi masabing emosyon na unti-unting tumitibay sa pagitan nina Liza at Drake.Nasa kusina si Liza, naka-oversized shirt at short shorts, nakatali ang buhok habang nagtitimpla ng kape. Hindi pa siya sanay sa dami ng staff, kaya madalas gusto niyang siya mismo ang gumalaw. Simple lang siyang babae, kahit ngayon ay anak na siya ng isang De La Joya sa papel.“Good morning, Ma’am Liza.”Ngumiti siya sa mga maid. “Just Liza, please. Don’t call me ma’am.”Sa kabilang banda, bumukas ang pinto ng veranda. Si Drake, bagong gising, naka-white shirt at loose sweatpants, basang-basa pa ang buhok. Hawak nito ang cellphone, pero agad siyang napatigil nang makita si Liza sa kusina.“Hi,” bati niya, mababa at malali
“Hindi pa po eh. Hindi po kasi ako sanay sa ganitong katahimikan.Nakakapanibago lang po siguro at namamahay pa lang po.”“Po?” tumawa si Drake ng bahagya. “You don’t have to call me that. Drake is fine.”“Sanay lang po akong magrespeto lalo po sa nakakatanda sa akin.”“Respect doesn’t have to sound distant,” sagot niya. “I’m not your boss anymore and one thing more, hindi pa ako matanda ha.”Napayuko si Liza. “Yeah. You’re my stepdad now....and about sa huling sinabi niyo...i will not argue about that ..po,” sabi niya ng may pa-peace sign at pagyuko ngunit nakangisi.Saglit na natahimik si Drake, at sa pagitan ng mga patak ng fountain, parang huminto ang oras.“Do you hate me for marrying your mother?” tanong nito bigla.Nabitawan ni Liza ang tinitingnang petals. “No. I just… didn’t expect it. Everything happened so fast.”Lumapit si Drake at naupo sa kabilang dulo ng fountain. “Life rarely waits for us to be ready.”“Pero sa dinami dami ng mga kapareho niyo, I mean sa status niyo, pa
Makulimlim ang langit nang dumating ang araw ng kasal ni Cynthia at Drake De La Joya. Parang sinadyang sakto ang ulap sa emosyon ni Liza—hindi maipinta ang mukha habang nakatingin sa malawak na hardin ng De La Joya estate. Sa malayo, abala ang mga tao—mga florist, event planners, photographers—lahat gumagalaw na parang orkestra sa iisang kumpas. Pero sa loob ni Liza, may bagyong hindi niya maipaliwanag.“Ang ganda mo, Mama,” sabi ni Liza nang makita si Cynthia sa bridal gown, suot ang eleganteng satin gown na may pearl beads sa neckline. Para siyang diyosa—mature, classy, glowing.Ngumiti si Cynthia at hinaplos ang pisngi ng anak. “Don’t cry, sweetheart. Today isn’t the end of anything… it’s a new beginning.”Pero sa mata ni Liza, tila kabaligtaran ang sinasabi ng kanyang ina. A new beginning for whom? Kasi kung para kay Cynthia, oo. Pero para kay Liza… parang unti-unting nawawala ang dating mundo nila—yung simpleng buhay, yung tawanan sa maliit nilang apartment, yung instant ramen sa
Lumipas ang dalawang araw na parang bangungot na magkahalong ligaya at kaba.Simula nang umalis si Drake sa opisina noong araw na ‘yon, hindi na mapakali si Cynthia.Sa bawat tawag ng telepono, sa bawat dingdong ng elevator, sa bawat simpleng kaluskos ng papel — pakiramdam niya, maririnig na naman niya ang boses ni Drake na nagsasabing, “Say yes.”Pero ngayon, mas mabigat na ang iniisip niya. Hindi na lang tungkol sa alok.Tungkol na ito kay Liza.Ang anak niyang matagal na niyang itinuring na dahilan kung bakit siya lumalaban araw-araw. Ang batang naging inspirasyon niya mula noong high school pa siya — at ang nagbigay kulay sa bawat hirap ng pagiging single mom.Paano niya sasabihin sa anak na mag-aasawa siya?At hindi lang basta kung sino — kundi ang mismong boss niya.Ang lalaking halos 45 anyos na, tycoon, malamig, at lubos na iba sa mundong nakasanayan nila.Naghahanda siya ng hapunan sa maliit na condo nila habang inaantay si Liza.Habang hinihiwa niya ang sibuyas, napapahinto
“Ms. Reyes,” tawag ni Drake nang dumating ako sa office niya.Kalma ako sa labas, pero nag-aalburuto ang loob.“Yes, sir?”“You have an answer for me?”Tahimik ako.Lumapit siya sa mesa, nakatingin sa akin—hindi bilang boss, kundi parang lalaking nag-aalok ng simula.“I’ll do it,” mahina kong sabi.“Marry you.”Halos hindi siya gumalaw sa loob ng ilang segundo, then… a rare smile escaped his lips.“Good. I’ll handle everything.”“Wait—don’t I get to decide anything?”“You just did,” sagot niya, matter-of-factly. “You said yes.”“Sir, at least explain why it had to be me.”He looked at me, eyes dark but soft.“Because you calm me down, Cynthia. And that’s something money can’t buy.”Napalunok ako.Bigla kong naramdaman ‘yung tibok ng puso ko—mabilis, hindi dahil sa takot, kundi dahil alam kong may kakaibang pader sa pagitan naming dalawa na unti-unting nagkakabitak.Nasa elevator kami pareho, tahimik.Ako, nakayuko, hawak ang bag. Siya, nakasandal sa pader, nakatingin lang sa kisame.“
Kinabukasan, tila ibang-iba ang ihip ng hangin sa opisina ni Cynthia.Parang bawat kilos niya’y binabantayan ng sariling isip.Kahit tahimik lang sa paligid, pakiramdam niya, bawat tik-tak ng orasan ay parang sinasabing, “Naalala mo pa ‘yung sinabi niya, hindi ba?”Hindi siya nakatulog kagabi. Paulit-ulit sa utak niya ang tinig ni Drake—kalma, mababa, ngunit may bigat na parang hindi niya kayang tanggihan.“I want you to marry me.”“Say yes.”“Because I trust you.”Binuksan niya ang drawer. Nandoon pa rin ang maliit na kahon ng singsing na ibinigay nito. Hindi niya alam kung bakit hindi niya maibalik. Hindi niya man tinanggap, hindi rin niya nagawang isoli. Parang may invisible thread na nag-uugnay sa kanila—isang bagay na hindi niya maipaliwanag.Nang bumukas ang pinto ng opisina, pumasok si Drake, suot ang itim na suit na lalong nagpaangat sa karisma nitong hindi makakaila.Hindi pa man siya nakapagsimula sa pagsasalita, agad nang bumilis ang tibok ng puso ni Cynthia.“Good morning,