Share

Chapter 44

"Hyujin, kailangan natin mag-usap." Nakasunod lang ako sa likod niya habang naglalakad siya patungo sa kuwarto niya.

Pagkatapos niyang ihatid sa labas ng bahay ang bago niyang girlfriend ay agad ko siyang nilapitan pero nilagpasan niya lang ako at tinalikuran. Ilang beses ko siyang tinawag pero hindi niya ako ni lilingon. Ang cold treatment niya sa akin ay mas lumala.

"Wala na tayong dapat pang pag-usapan," sagot niya ng hindi ako ni lilingon. Binuksan niya ang pinto ng kuwarto niya at saka siya pumasok sa loob. Sumunod naman ako at saka ko isinara ang pinto.

"May dapat tayong pag-usapan. Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo?" tanong ko habang nakatalikod siya sa akin.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa bago siya lumingon sa akin. May ngisi sa kaniyang mga labi. "Talagang sinundan mo ako hanggang dito? Hindi ka ba natatakot sa kaya kong gawin?" taas kilay niyang tanong.

&nbs

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status