Share

Chapter 11 Kiss

BHELLE:

PAGDATING namin sa burol ay inalalayan pa ako nitong makababa sa kanyang bigbike. Namamangha itong iginala ang paningin sa kapaligiran.

Tahimik kasi dito. May isang malaking puno ng mangga na nadidito sa taas ng burol. Tanaw mula dito ang malawak na bayan. At dahil gabi ngayon? Napakagandang pagmasdan ang mga kailawan sa ibaba namin. Na parang mga bituing nagkukumpulan.

Malamig ang simoy ng hangin at walang kabahayan. Kaya tanging mga kulisap lang ang naririnig mong ingay sa paligid. Mabuti na lang at bilog ang buwan ngayon. Nakadagdag ito sa ganda ng lugar. Wala na kasing street light dito kaya madilim ang lugar.

Nagpamulsa ito na nakatanaw sa ibaba. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na mapatitig dito. Sa tangkad niyang lalake ay hanggang kili-kili niya lang ako. Para tuloy akong nananaginip sa mga sandaling ito na may kasamang mala-Greek-God ang itsura.

Naupo ako na nagtanggal ng sandal. Mataas kasi ang takong ng sandal ko kaya nangangawit na ang paa ko. Napaupo na r
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status