ISABELLA:NAKAHALUKIPKIP ako na nakamata sa mga nagtataasang building na kaharap ng opisina ni Typhus. Lumabas kasi ito saglit para ihatid sa baba ang dalawang kaibigan. Napapailing na lamang ako. "Bakit ba ako kinakabahan sa mga 'yon?" piping usal ko na naipilig ang ulo.Pakiramdam ko ay iniiiwas ako ni Typhus sa kanila. Na ayaw niyang naglalalapit ako sa mga taong 'yon. Napanguso ako na malayo ang tanaw nang maramdaman ko ang pagyakap nito mula sa likuran ko. Napangiti akong napakapit sa braso niyang nasa tapat ng dibdib ko pumulupot habang nakasubsob ang baba sa balikat ko. "Okay ka lang?" malambing tanong nito."Okay lang." Kiming sagot kong nilingon ito.Napatitig ako sa mga mata nito na tila may kinakatakutan. Mababakas mo sa mga mata niya na hindi siya palagay na parang may tinatago siya sa akin.Pumihit ako paharap dito na ikinayapos naman nito sa baywang ko. Matiim akong napatitig sa kanyang mga mata na sinusubukang basahin ang reaction nito."May problema ba?" tanong nito
ISABELLA:LUMIPAS ang mga araw na naging mas magaan ang bawat araw na magkasama kami ni Typhus. Naging mas kampante at komportable ako sa piling nito na malamang siya ang kababata ko. Kahit nasa trabaho kami nito ay nanliligaw pa rin siya na tipong dinaig pa ang isang paslit sa kakulitan nito. Minsan ay nati-temp na rin akong sagutin ko siya dahil aminado naman akong nahuhulog na rin ang puso ko sa kanya. Na hindi ko nga namamalayang nakakahiligan ko na ring makahalikan ito sa araw-araw at oras-oras ba naman niyang pangmamanyak sa akin. Wala pa naman akong kawala sa tuwing ito ang. gumalaw. Ni hindi ako makatanggi sa pagtitig pa lang nito.Nakagat ko ang ibabang labi na nakahalukipkip habang nakatayo dito sa harapan ng glass wall ng opisina nito. Bigla akong kinabahan na hindi ko maipaliwanag ang dahilan. Napalunok ako na maramdamang bumukas ang pinto at may pumasok doon. Napapikit ako na pinakiramdaman ito. Hindi siya si Typhus. Sa prehensya at pabango niya pa lang ay kaagad kong na
BHELLE:KABADO AKO na naglalakad papasok ng trabaho ko sa TDM's Corporation. Ito ang unang araw na papasok ako sa kumpanya. Kaya naman hindi ko maiwasang kabahan. Bagong secretary lang ako ng magiging boss ko doon. Ini-substitute lang kasi ako ng dati kong boss sa inaanak nitong nangangailangan ng bagong secretary na magaling at pulido magtrabaho. Ayon kay Sir Dionne Di Caprio na dati kong boss ay masungit at maarte ang inaanak niya. Ayaw daw nito ng pakeme-keme sa trabaho. Laging mainitin ang ulo at gustong on time ka lagi sa trabaho. Lalo tuloy akong kinakabahan. Kahit inagahan ko na ang pagpasok ay kinakabahan pa rin ako na baka mapagalitan ako sa unang araw ko sa trabaho! Hindi ko pa alam kung sino ang magiging boss ko pero sa pagsasalarawan ng dating boss ko ay masasabi kong kailangan kong galingan sa pagtatrabaho dito kung ayaw kong masabon lagi dito!Napapahinga ako ng malalim. Pilit ngumiti na napapahid ng pawis kong namumuo sa aking noo. Kinalma ko muna ang puso kong sobra
BHELLE:PIGIL-PIGIL ko ang paghinga na nakatayo sa likuran nito. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib kong parang mayayanig na sa bilis ng pagtibok ng puso ko!Ramdam ko ang pangangatog ng mga tuhod ko na hindi ko maitayo ng diretso habang nakamata sa likuran nito. Kung dati ay napakagwapo na niya? Ngayon naman ay mas trumiple pa na nag-matured ang itsura at mas nagkalaman-laman pa ang pangangatawan! Mapait akong napangiti na maalala kung gaano ito ka-sweet, clingy, protective at loving boyfriend. Napaka-romantic niyang lalake na kahit sinong babae ay mapapa-ihi sa kilig dito. Pero ngayon? Ibang-iba na siya. Wala na ang maaliwalas niyang ngiti na umaabot sa kanyang mga matang makikinang. Napakalamig na niya kung tumitig at wala ng kakinang-kinang ang mga mata. Salubong ang makapal at itim na mga kilay, at nakabusangot lagi. Napaka-arogante niyang tignan. Pero kahit ganun ay napakagwapo niya pa rin na tila mas ikinalakas pa yata ng datingan nito ang kanyang pagsusungit.Napabalik ang ul
BHELLE:NANGINGINIG ANG katawan ko na pumara ng taxi pabalik ng apartment ko. Bahala na bukas kung mapapagalitan ako ni Tyrone. May valid reason naman ako kung bakit hindi ako nakapasok ngayon..Isa pa ay kasalanan din niya kung bakit nagka-aberya. ako sa unang araw ko sa trabaho. Kung sana isinabay niya ako. O kaya ay hindi niya ako binuhusan doon ng tubig? Maayos sana ang unang araw ko sa kanya. Pero hindi.Panay ang pagpahid ko sa luha kong nagsisilaglagan sa mga mata ko. Paano niya ba naatim gawin sa akin 'yon? Napa-iling-iling ako na pilit ngumiti at pinatahan ang sarili. Pagdating ko ng apartment ay nagulat ako na nandidito ang sportcar nito. Nakasandal siya sa harapan ng bumper na nakahalukipkip. Tila naiinip na hinihintay ako. Naglakad ako na parang normal lang ang lahat. Kahit pakiramdam ko ay bibigay na ang mga tuhod kong nangangatog. Hindi ko alam kung dahil sa kaba na kaharap ito ngayong O dahil sa nilalamig na ako at damang nanghihina ang katawan.. Magkakasakit pa yat
BHELLE:MABUTI NA LANG at may naging kaibigan na ako dito sa company ni Tyrone na mautusan kong ibili ako ng makakain at gamot. Si Aubrey.Awang-awa ito sa akin pero maging siya ay wala namang magagawa para pakiusapan si Tyrone na pauwiin na muna ako at hayaang makapagpahinga ng maayos."Kumusta? Nahihilo ka pa ba?" nag-aalalang tanong nito.Pilit akong ngumiti na marahang umiling."Mas okay na, kaysa kanina. Salamat talaga, Aubrey" saad ko na ikinangiti nitong hinahaplos ako sa ulo."Walang anuman, Bhelle. Basta kapag kailangan mo ng tulong ko? Magsabi ka lang" saad pa nito.LUMIPAS ANG buong araw na nairaos ko naman kahit paano ang trabaho ko. Kahit palagi akong sinisigawan ni Tyrone na pinapahiya ako ay hinahayaan ko na lamang. Pagod na pagod na ang katawan ko para makipagtalo pa dito. Wala din naman akong panama sa kanya dahil lagi niyang pinapamukhang mababang uring tao lang ako, kumpara sa isang katulad niya. At tama naman siya sa sinaad niyang iyon. Isa siyang multi-million are
BHELLE:HINDI NGA nagbibiro si Zayn sa sinaad nitong lilipat ako sa kanyang unit. Pinasundo niya kaagad ang mga gamit ko na ipinalipat sa unit nito. Tanging mga damit lang ang pinakuha dahil kumpleto naman na siya ng gamit sa unit niya. Sa Montereal's condominium building.Isa ang condominium na ito ang pinakamahal at pinakamagara dito sa syudad na unit. Mga kilala at sikat na tao ang halos nakatira sito. Kay's naman nakakalula na dito titira ang isang katulad ko. Pakiramdam ko ay hindi ako nababagay dito.May ngiti sa mga labi na ibinagsak ko ang katawan sa malaking kama na sobrang lambot. Napaka-komportable sa pakiramdam ang ginhawang hatid nito. Napapawi kaagad ang pagod ng katawan ko sa maghapon at agad hinihila ng antok!Matapos masiguro ni Zayn na maayos na ako dito ay saka na siya nagpaalam. Nakabakasyon lang pala siya dito sa bansa. International model kasi ito kaya madalas ay sa France ito naglalagi.Dati na niyang pangarap iyon. Ang maging international model. At ngayon ay
BHELLE:LALONG NALUKOT ang mukha ni Tyrone sa narii na sinaad ni Zayn dito. Iginiya ako ni Zayn sa sala na inalalayang maupo sa sofa. Nanginginig na kasi ang katawan ko dala ng nerbyos! Hindi ko naman akalaing nandidito pala si Tyrone!"Hey, relax. You're shaking" bulong nito na hinahaplos ako sa likod."Z-Zayn, bakit nandidito siya?" pabulong tanong ko.Napakibit-balikat naman ito na napahinga ng malalim. Maya pa'y sumunod si Tyrone sa amin na pabalang naupo sa harapan namin ni Zayn. Nagdekwatro pa ito na matamang kaming pinakatitigan. Naniningkit ang mga mata na napasulyap sa kamay ni Zayn na nakaakbay sa akin. Hindi ko naman ito maalis. "What are you doing here, Tyrone? Kailan ka pa nagkaroon ng dublicate key ko dito?" tanong ni Zayn na ikinanguso nitong pinapakibot-kibot pa."I have my own ways. Isa pa, anong ginagawa ng gold digger na 'yan dito?" saad nitong ikinanigas ko sa kinauupuan. Naramdaman naman ni Zayn ang reaction ng katawan ko sa sinaad ng pinsan nitong nang-uuyam an