BHELLE:
LALONG NALUKOT ang mukha ni Tyrone sa narii na sinaad ni Zayn dito. Iginiya ako ni Zayn sa sala na inalalayang maupo sa sofa. Nanginginig na kasi ang katawan ko dala ng nerbyos! Hindi ko naman akalaing nandidito pala si Tyrone!"Hey, relax. You're shaking" bulong nito na hinahaplos ako sa likod."Z-Zayn, bakit nandidito siya?" pabulong tanong ko.Napakibit-balikat naman ito na napahinga ng malalim. Maya pa'y sumunod si Tyrone sa amin na pabalang naupo sa harapan namin ni Zayn. Nagdekwatro pa ito na matamang kaming pinakatitigan. Naniningkit ang mga mata na napasulyap sa kamay ni Zayn na nakaakbay sa akin. Hindi ko naman ito maalis."What are you doing here, Tyrone? Kailan ka pa nagkaroon ng dublicate key ko dito?" tanong ni Zayn na ikinanguso nitong pinapakibot-kibot pa."I have my own ways. Isa pa, anong ginagawa ng gold digger na 'yan dito?" saad nitong ikinanigas ko sa kinauupuan.Naramdaman naman ni Zayn ang reaction ng katawan ko sa sinaad ng pinsan nitong nang-uuyam ang tono at tingin sa akin.Napakuyom ako ng kamao. Pigil-pigil ang sarili kong pagsalitaan ito ng hindi maganda. Siya pa rin ang boss ko. At ayoko namang maging bastos sa harapan ni Zayn."Watch your mouth, Tyrone. Hindi gold digger ang fiancee ko. Hwag mo siyang pagsalitaan ng ganyan. Ayokong magkasamaan tayo ng loob, dude" ani Zayn."Tss. Bestfriend mo siya dati. Pero hanggang ngayon ay hindi mo pa rin nakikita ang tunay niyang kulay, huh?" pang-uuyam pa rin nito."Exactly, dude. Bestfriend mo siya dati pa. Kaya naman kilalang ko na si Bhelle" pagtatanggol sa akin nito na ikinaasim ng mukha ni Tyrone at napa-ismid."Alam mong naging bedmade ko ang babaeng 'yan. At ilang beses ko 'yan pinagparausan sa kama. Okay lang ba 'yon sayo? Saluhin mo ang tira-tira ko? Baka nakakalimutan mo, Zayn. Iisa ang dugong nananalaytay sa atin" patuloy na pangungutya nito.Napayuko ako na nag-init ang mukha sa terms na ginamit nito."Ginawa niya lang pala akong parausan dati. Kaya ganun-ganun na lang na iniwanan niya ako matapos pagsawaan at nakuha ang virginity ko" piping usal ko na tumulo ang luha.Napatayo si Zayn na napakuyom ang kamao. Nanginginig ako sa kinauupuan na hindi makakilos. Pero prenteng nakaupo lang naman si Tyrone sa harapan namin na hindi manlang mabakasan ng pagkabahala na makitang nagalit si Zayn sa sinaad nitong pangungutya sa akin. Sa pagkatao ko.Napayuko ako na tumulo ang luha. Para akong pinipiga sa puso na bedmate lang pala ako sa kanya noon. Akala ko pa naman ay totoo ang mga pinakita at pinaramdam nitong pagmamahal, pag-aaruga at kalinga sa akin. Wala lang pala ang mga iyon sa kanya. At napakalaki kong hangal na umasang maaayos pa namin balang araw ang gusot sa pagitan naming dalawa. Na makakabalik pa kami sa dati. Na mahal niya pa ako katulad ng nararamdaman ko para dito.Pero hindi. Isang malaking sampal sa akin ang sinaad nito mismo. Na harap-harapang sinabi kung naging ano niya lang ako. Bedmate pala. Parausan. Dinaig ko pa ang mababang uri ng babae sa pinagbasehan nito.Dahil ang mga bayarang babae ay nagpapabayad kapag binibigay ang sarili sa iba. Habang ako ay libre lang na ipinagkakaloob noon sa kanya ang sarili ko. Dahil mahal ko siya. Mahal na mahal. At akala ko ay ganoon din siya sa akin. Pero ngayon ay siya na mismo ang nagsabi.Hindi niya ako kailanman, minahal."I said, watch your mouth, Tyrone! Hwag mo akong sagarin!" singhal ni Zayn dito na punong-puno ng galit ang tono.Hindi ako makaangat ng mukha. Hiyang-hiya ako kay Zayn na narinig niya pa ang sinabing iyon ni Tyrone.Alam ni Zayn kung gaano ko kamahal si Tyrone noon. Lahat ng nararamdaman ko. Lahat ng ganap sa amin ay kinukwento ko sa kanya. Sobrang saya ko sa tuwing kinukwento ko dito ang nadarama ko para sa pinsan nito. At kita namang masaya din ito para sa amin noon ni Tyrone. Napaka-close nga nila noon na nagtutulungan para i-surprice ako sa mga monthsarry namin. Palagi silang magkakuntsaba para pakiligin ako.Ano nga bang nangyari sa amin?Paano kami humantong sa ganito. Ayokong sabihin ito pero.Nagsisisi akong minahal ko pa siya. Sana hindi na lang. Sana hwag na lang. Gusto ko na siyang kalimutan. Hindi ko na kaya pang, maalala ang pinagsamahan naming dalawa. Gusto ko na lamang burahin sa ala-ala ko ang nakalipas naming dalawa. Na minsan sa buhay ko. Ay minahal ko ang isang Tyrone Del Mundo.Pagak itong natawa na napapailing. Nang-uuyam ang tinging ginagawad sa akin na parang ang liit-liit kong nilalang.Hindi ko na siya kilala pa. Hindi ko na makita ng Tyrone Del Mundo na minahal ko noon sa kanya."Get the hell out of here, Tyrone. Bago ko pa makalimutang magpinsan tayo" may kadiinang banta ni Zayn dito.Pabalang itong tumayo na nandoon pa rin ang ngisi sa mga labi. Hindi ako makatingin dito. Pero dama ko ang mga mata nitong nakatutok aa akon na nang-iinsuto."Just a friendly advise, dude. Mag-ingat ka sa babaeng 'yan. Peperahan ka lang din niyan" anito na parang may malaki akong atraso ditong pinanghuhugutan nitoParang hari itong naglakad palabas ng unit. Naupo naman si Zayn pagkalabas ni Tyrone na hinawakan ang kamay kong naninigas at nanlalamig na."Hey, hwag kang paaapekto sa kanya, okay? Alam mo naman sa sarili mo kung sino at ano ka" pag-aalo nitoTumulo ang mga luha kong pinahid nito. Malungkot ang kanyang mga mata na bakas ang awa at simpatya sa mga iyon. Napahikbi ako hanggang sa napahagulhol na ikinayakap nito sa aking ikinulong ako sa kanyang bisig!Hinahagod ang likuran na panay ang halik sa ulo ko habang pinapatahan ako. Para akong pinipiga sa puso. Hindi ko lang maintindihan kung bakit parang ako pa ang nakagawa ng mali sa aming dalawa? At ang pagpaparatang niya sa akin na gold digger ako? Saan naman kayang lupalop ng mundo niya nakuha iyon? Ang kapal ng mukha niyang paratangan ako ng ganun gayong wala naman akong kinukuha sa kanya kahit piso!"Sana hindi ko na lang siya nakilala, Zayn. Sana hindi ko na lang siya minahal. Pinagsisisihan kong, minahal ko ang taong iyon. Nagsisisi akong minahal ko pa siya. Wala siyang kasingsama" bulalas ko na parang batang nagsusumbong dito."Kalimutan mo na lang siya, Bhelle. Ayokong nasasaktan ka ng ganto. Wala siyang karapatan saktan at durugin ka ng ganito. I'm sorry, dahil sa akin kaya nakilala mo ang Tyrone na 'yon" maalumanay at puno ng pait nitong saad.Mapait akong napangiti na umiling at nagpahid ng luha."Tama ka. Hi indi siya worth it para iyakan ko. Ito na ang huling beses na mapapaiyak niya ako.. Pagkatapos nito? Para na siyang hangin sa paningin ko. Nararamdaman, pero hindi nakikita" aniko. Ngumiti itong hinaplos ako sa ulo."That's my girl, Bhelle. Dahil ang bestfriend ko ay matapang, matatag at hindi mahina" nakangiting saad nitong ikinangiti ko na ring napasandal muli dito.Hinahaplos naman ako nito sa ulo na panakanakang h********n. Kahit paano ay napapawi nito ang sama ng loob kong dala ng magaling niyang pinsan. Mabuti na lang at ibang-iba si Zayn sa lalakeng iyon.Nagsisisi talaga akong minahal ko pa ang taong iyon. Nagsisisi ako.ISABELLA:LUMIPAS ang mga araw na naging mas magaan ang bawat araw na magkasama kami ni Typhus. Naging mas kampante at komportable ako sa piling nito na malamang siya ang kababata ko. Kahit nasa trabaho kami nito ay nanliligaw pa rin siya na tipong dinaig pa ang isang paslit sa kakulitan nito. Minsan ay nati-temp na rin akong sagutin ko siya dahil aminado naman akong nahuhulog na rin ang puso ko sa kanya. Na hindi ko nga namamalayang nakakahiligan ko na ring makahalikan ito sa araw-araw at oras-oras ba naman niyang pangmamanyak sa akin. Wala pa naman akong kawala sa tuwing ito ang. gumalaw. Ni hindi ako makatanggi sa pagtitig pa lang nito.Nakagat ko ang ibabang labi na nakahalukipkip habang nakatayo dito sa harapan ng glass wall ng opisina nito. Bigla akong kinabahan na hindi ko maipaliwanag ang dahilan. Napalunok ako na maramdamang bumukas ang pinto at may pumasok doon. Napapikit ako na pinakiramdaman ito. Hindi siya si Typhus. Sa prehensya at pabango niya pa lang ay kaagad kong na
ISABELLA:NAKAHALUKIPKIP ako na nakamata sa mga nagtataasang building na kaharap ng opisina ni Typhus. Lumabas kasi ito saglit para ihatid sa baba ang dalawang kaibigan. Napapailing na lamang ako. "Bakit ba ako kinakabahan sa mga 'yon?" piping usal ko na naipilig ang ulo.Pakiramdam ko ay iniiiwas ako ni Typhus sa kanila. Na ayaw niyang naglalalapit ako sa mga taong 'yon. Napanguso ako na malayo ang tanaw nang maramdaman ko ang pagyakap nito mula sa likuran ko. Napangiti akong napakapit sa braso niyang nasa tapat ng dibdib ko pumulupot habang nakasubsob ang baba sa balikat ko. "Okay ka lang?" malambing tanong nito."Okay lang." Kiming sagot kong nilingon ito.Napatitig ako sa mga mata nito na tila may kinakatakutan. Mababakas mo sa mga mata niya na hindi siya palagay na parang may tinatago siya sa akin.Pumihit ako paharap dito na ikinayapos naman nito sa baywang ko. Matiim akong napatitig sa kanyang mga mata na sinusubukang basahin ang reaction nito."May problema ba?" tanong nito
TYPHUS:PANAY ang lunok ko na tila pinipiga ang puso ko habang pinagmamasdan ang ina ng babaeng pinakamamahal kong nakaratay sa kama. May mga galos pa rin ito at kitang hindi pa maayos ang kondisyon. Gusto ko sanang mailipat sila sa hospital namin pero tumanggi naman si Isabella. "Um, Typhus, siya ang Nanay Isabelle at Tatay Ian ko. Um. . . Tay, si Typhus po, ang boss ko," ani Isabella na ikinabalik ng ulirat ko."Ahem! Good day po, Sir, I'm Typhus Del Mundo, your daughter's. . . boss," pormal kong pagpapakilala na naglahad ng kamay sa ama nito.Saglit itong napasulyap sa kamay kong nakalahad na halos hindi ko ikahinga. Akmang babawiin ko na ang kamay ko na nahihiya pero inabot nito iyon na mahigpit na hinawakan. "Magandang araw din sa'yo, Sir. Pasensiya na kayo at dito pa tayo nagkakilanlan," magalang saad nitong ikinangiti ko."Wala ho ito, uhm. . . k-kumusta na ho si. . . si Ma'am?" nahihiyang tanong ko na napasulyap sa asawa nito.Napahinga ito ng malalim na hinaplos pa sa ulo a
ISABELLA:NANGINGITI akong nakayakap dito habang pinagkakasya namin ang sarili dito sa kama ko. Nakakainis naman kasi ang lalakeng ito. Sa laki niyang tao ay halos akupado na niya ang buong kama kong pang dalawahang tao ang kasya. Nakakahiya naman kasing sa sala ko siya patulugin o sa sahig. Kahit nanliligaw pa lang siya sa akin ay nahihiya naman ako lalo na't alam ko naman kung anong uring tao siya at anong kinalakihan niya. Nakaunan ako sa braso nitong kay tigas habang magkaharap kami sa isa't-isa na magkayakap. Dinig na dinig ko na nga ang tibok ng puso nito, maging ng bawat paglunok niya. Nakakakilig din pala na may ganto kang karanasan. Kabado ako dahil ito ang unang beses na may lalake akong pinatuloy dito sa bahay at pinatulog ko pa dito sa silid ko. Kapag naabutan kami ni Tatay dito ay tiyak na malaking gulo. Pero alam ko namang matatagalan pa sila ni Nanay sa hospital kaya malakas ang loob kong patulugin si Typhus dito. "Still awake, baby?" bulong nito."Uhmm," tanging ungo
ISABELLA:PARA akong nagliliyab sa sobrang init ng nadarama ko. Saka ko lang kasi na-realize kung gaano ka-intimate ng position namin ni Typhus. Nakatayo siya sa gitna ng mga hita ko habang nakaupo pa rin ako dito sa countertop at nakalingkis sa kanyang baywang ang mga binti ko. Nakalitaw na rin ang legs ko dahil sa pagkakalihis no'n. Nakakapit naman ito sa baywang ko at nakakapit ako sa kanyang magkabilaang balikat.Hindi ako makatingin sa mga mata niyang nag-aalab. Para akong nanghihina na hindi makaangal sa kanya sa tuwing napapatitig ako sa mga matang 'yon. Na lagi na lang nagpapawala ng puso ko. "Baby," anas nito.Katulad ko ay mabibigat na rin ang kanyang paghinga. Na tila hirap na hirap na rin siyang magpigil ng nadarama. Ayoko namang bumigay sa kanya. Wala pa kaming label at natatakot din ako na ma-turn-off ko siya na hindi na ako birhen. Alam niya noong una namin na birhen pa ako. Kaya sigurado akong nagi-expect itong birhen pa rin ako hanggang ngayon. Ayoko lang na may maka
ISABELLA:HINDI pa man ako nakakasagot dito ay tuluyan ng lumapat ang mga labi nito sa aking labi na ikinanghina ng mga tuhod kong napayapos sa batok nito. Mas humigpit naman ang pagkakayapos nito na masuyong inaangkin ang mga labi ko habang paakyat ang elevator na kinasasakyan namin.Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Na parang nawalan ako ng lakas para itulak ito o kaya ay umalma sa kanyang kalapastanganan na inaangkin na naman ang mga labi ko!Napasabunot ako dito at kusang naiawang ang bibig ko sa marahan niyang pagkagat sa ibabang labi kong ikinaungol ko. Hindi ko namamalayan na napapasunod na rin ako ditong tinutugon ang kanyang halik, na ikinauungol din nito at mas pinalalalim ang aming halikan!"Uhm. . . teka, kiss lang. Ang manyak mo talaga. May palamas talaga, ha?" naghahabol hiningang asik ko dito na napabungisngis sa pagtabig ko sa kamay nitong nilalamas lang naman ang kanang dibdib ko."Sorry about that, baby. Nakakagigil ka eh, hmm? You're improving," nakangising a