Share

"CHAPTER 03"

Author: rhitscine
last update Last Updated: 2025-11-03 12:40:18

"ALLISON P.O.V"

Hindi pa man ganap na sumisikat ang araw ay naisipan ko ng bumangon upang ipagtimpla ng

gatas ang aking prinsipe na ngayon ay payapang natutulog sa aking tabi. Hininaan ko na rin ang aircon dahil baka manigas na siya sa sobrang lamig ng buong lugar.Humalik rin muna ako sa kanyang noo at maingat na tumayo upang hindi makagawa ng ingay.Pero bago paman ako ganap na makalabas ay bigla nalang akong napatingin sa cellphone ko ng bigla itong magring ng malakas.Nataranta ako dahil gumalaw ang baby ko. Kinuha ko agad ang cellphone at hininaan ang volume nito, mabuti na lamang ay hindi nagising ang bata.

UNKNOWN NUMBER CALLLING +639xxxxxxxx............

Lumabas ako ng pintuan bago ko ito sagutin. "Hello, Sino po sila?" magalang na tanong ko.

"Hi Ms. Allison Del Fierro, This is Mary Katie of Sandoval Corporation. We are inviting you to take a special interview for the position of Personal Assistant. We are very excited to meet you. Please be with us at exactly 11 Am. Thank you so much and have a nice day."

"Po?" Hindi paman nagsisink-in ang mga sinasabi niya ay pinatay na niya ang tawag.

Totototototttttttttttt..................

"Ah basta hindi ako pupunta, baka kung anong gawin nila sakin pero sayang din yun huhuhu."

"Sino bang kausap mo diyan allison? Nababaliw kana ba?" Lumingon ako sa nanay ko na kanina pa pala ako pinapanuod mula sa may hagdanan.

"Ah eh... Tumawag po kasi yung Sandoval Corporation, pinapapunta po ako doon for interview daw po.” Nakakamot na sabi ko.

"Sandoval? Iyong kalabang kompanya ng dati mong pinapasukan?" Tanong niya na parang may malalim na iniisip. Napabuntong-hininga nalang ako dahil pinaalala na naman niya sa akin kung gaano kabantot ang kumpanyang pinapasukan ko dati. Puro pagpaparami ng lahi ang inaatupag ng mga tao doon. Nakakadiri...

"Opo, Iyon nga po yun." sabi ko at mabilis na dumiretso sa kusina upang magtimpla ng gatas.

"Ano pang hinihintay mo, mag-asikaso kana. Trabaho na ang lumalapit sa iyo tatanggihan mo pa?" Panenermon na naman ng nanay ko. Ni hindi nga niya alam kung anong ginawa ko kahapon para ipatawag nila ako ngayon. What if hindi work yun? Isasalvage na pala nila ako? Ang Oa masiyado. Pero deep inside gusto ko din kasi magtrabaho doon dahil magandang opportunity yun hindi lang para sakin kundi para na rin sa anak ko.

Nakapagdesisyon na ako... Pupunta ako.

"Ma, ikaw na munang bahala kay Drake." Tumango naman ang nanay ko.

Mabilis akong tumalima at agad na pumasok ng Cr. Habang naliligo ay iniisip ko parin kung anong mangyayari sa araw na ito. Sana naman ay maayos ang kahihinatnan nito.

Nagbihis ako ng maayos, isang formal attire na palaging sinusuot ko tuwing nag-aapply. Iniwan kong nakaladlad ang buhok ko , naglagay ng natural na lipstick-iyong hindi gaanong mapula and viola ang ganda ko.Hindi rin naman halata na may anak na ako dahil pagka-panganak ko ay agad rin namang bumalik ang katawan ko sa dating hitsura nito. Hindi ko rin naman pinabayaan dahil lagi akong tambay sa gym noong mga nakaraang araw.

"Angelo , pahiram naman ng kotse mo." Naka-pout na sabi ko ngunit inisnob ako ng kapatid ko. Busy ito sa paglalaro ng mobile legend.

"S-sige na." Pangungulit ko pero inismiran lang ako ng loko.

"Ayoko nga, Kaka-paayos ko lang nun baka kung saan mo na naman ibangga- tsk!" Masungit na sabi niya.

"Hindi na.. Sige na, libre kita ng skin mamaya." Nakita ko ang pangingislap ng mga mata niya sa sinabi ko.

"S-sure ba yan ?" Paniniguro niya na tinanguan ko naman habang nakataas ang kanang kamay na parang sinasabing "pangako".

"Sige, Ingatan mo yan ha! " Sabi niya sabay itcha sakin ng susi na nasalo ko naman. "Thank you brother."

Patakbo kong tinungo ang garahe dahil ayoko namang malate. May kasalanan na nga akong ginawa kahapon dadagdagan ko pa. Mabilis ko itong pinaandar at wala pang 30 minutes ay nakarating na ako sa Sandoval Corporation. Mabuti na lamang ay hindi gaanong malayo ang lugar nito mula sa aming tinitirhan.Sa Legazpi Village Makati City lang kasi kami nakatira at ito namang kompanya ay nasa Poblete St. Binondo Manila lang. Mabuti na rin ay hindi ako naabutan ng traffic pero alam ko mamayang hapon sa kalsada na naman ako tatambay dahil sa traffic.

Papasok palang ako ng malaking building ng bigla nalang bumitaw ang takong ng sandals ko. Kamalasan na naman!

Luminga-linga ako at nakita ko ang iilan na nakatingin sa akin habang natatawa.Wala tuloy akong nagawa kundi kunin ang sandals at maglakad ng nakayapak. Inirapan ko nalang sila at mabilis na pumasok ng elevator.

Tiningnan ko rin ang cellphone ko ng bigla itong magvibrate. 1 MESSAGE FROM UNKOWN NUMBER +63999xxxxxxxx...

"18th Floor Miss. Thank you!"

Huminga ako ng malalim at mabilis na pinindot ang 18th floor. Antaas naman ng building na to.Hindi ba nalulula ang mga nasa taas?Mabuti na lamang ay mag-isa lang ako kaya hindi na rin masiyadong nakakahiya kahit naka-paa pa ako. Hindi ko maiwasang mag-isip sa anak ko, ilang oras palang naman simula ng malayo ako sa kanya ay namimiss ko na kaagad siya.

Tingggggg..... (18th floor)

Palabas palang ako ng bigla akong makaramdam ng hilo. Ang taas naman kasi nitong building. Mabuti na lamang ay may sumalubong sa akking isang napaka-tangkad at napaka-gandang babae.

"Hi Ma'am , I think you are Ms. Allison?" Nakangiting sabi niya sa akin.

Ngumiti ako pabalik at bahagyang itinago ang sandals na hawak ko sa aking likuran.

"Hindi ka makakalakad ng maayos kung isa lang ang gagamitin mong sandals. Here! " May inabot siya sa aking isang supot at nagulat ako ng makitang isang pares ito ng sandals.Ang mas nakakagulat dito ay ang brand na nakasulat sa box.

Amina Muaddi Belgium PVC Clear Transparent Buckle Crystal Embellished Pumps Glass 95MM Heel Size 37.

"No, Hindi ko po ito matatanggap ma'am. Ang mahal po." Nahihiyang sabi ko pero ngumiti lang siya.

"Gift yan Ma'am from our Boss. Ako po ang mapapagalitan if ever di niyo yan kunin." Tila kinakabahang sabi niya.

"Sigurado ka? Ang galante naman ng boss niyo." Sabi ko pa habang sinisipat ang napakagandang sandals sa loob.

"Sige na Ma'am suotin niyo na yan dahil malelate na tayo." Sabi niya kaya napatingin ako sa orasan. 5 minutes nalang pala bago mag 11. Dali-dali ko itong sinuot at talaga namang natuwa ako dahil ang ganda na nga saktong-sakto pa ang sukat sa akin.

Kahit malasin ako sa araw-araw kung may swerteng kapalit ay why not diba?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • SWEET PUNISHMENT   "CHAPTER 40'

    DWAYNE P.O.V Pinilit kong makauwe ng maaga dahil gusto ko nang magpahinga but Greg told me to go to the office dahil nandoon daw si Papa (step-dad). Hindi ko alam kung anong meron, bakit kailangan pa niyang pumunta doon, pwede naman niya akong tawagan or sabihan na dumaan sa bahay. Pagdating sa office ay sinalubong agad ako ng mga matatalim na tingin nang matanda, habang nakaupo sa mismong upuan ko. "It seems like you're just having fun and neglecting the company — is this how you take care of my company?" nakangiti, ngunit batid ang inis sa mga tinig nito. "My father's company, not yours," inis kong balik sa kanya. Bakit kailangan pa niyang pumunta rito, wala rin naman siyang ambag rito. "Baka nakakalimutan mo, your father is my best friend at dalawa kaming nag-alaga sa kompanyang to, that is why, he gave this to me before he died," nakangiti paring sabi niya na gustong-gusto ko nang burahin ngayon. "Hindi niya ito kusang ibinigay sayo, kung di dahil kay mom, wala ang pan

  • SWEET PUNISHMENT   "CHAPTER 39"

    ALLISON P.O.V Tanghali na nang magising ako, tumingin ako sa orasan at nanlaki ang mga mata ko. Pasado alas-dose na pala. Hinanap agad ng mga mata ko ang anak ko, mahimbing itong natutulog sa tabi ko. Maingat ko siyang binuhat at nilagay sa crib, maliligo muna ako saglit at pupunta kami ng hospital para dalawin si Ate Cassandra. Baka kasi kapag hindi ako pumunta ay sabihin ni Mom na wala man lang akong konsiderasyon sa kapatid ko. Wala pang 20 minutes ay natapos na ako sa pagligo, ni hindi ko na nagawang maghilod kakamadali. Pagbalik ko ng kwarto ay mulat na mulat na ang mata ni Drake habang linalaro ang mga bolang nagkalat sa loob ng crib niya. Mabilis akong nagbihis, simpleng shirt at pantalon lang, hindi naman mall ang pupuntahan ko para mag-ayos ng bongga. Binuhat ko na si Drake at pinunasan, paniguradong maaga itong pinapaliguan ni Mom. Pagkatapos ko siyang bihisan ay tinawagan ko na si Manong Julio, para sunduin at ipagdrive kami hanggang hospital. After 10 minutes....

  • SWEET PUNISHMENT   "CHAPTER 38"

    ALLISON P.O.VMataas na ang araw nang iuwe ako ni Dwayne sa bahay, naabutan ko pa si Angelo na nakabusangot sa labas habang hinihintay ang pagdating ng kotse niya, hindi ako. Nakauniform ito, at malamang ay late na siya sa school dahil tanghali na. Nginitian ko siya, pero sinungitan niya agad ako."Ano ba yan ate, late na kami ni Annika." nakabusangot na sabi nito at inagaw ang susi ng kotse sa kamay ko. Hindi niya na rin ako kinausap dahil umalis na agad siya. Napakamot na lamang ako ng ulo at nagtuloy-tuloy na sa pagpasok ng bahay. "Saan ka galing allison? Saan ka natulog?" magkasunod ang naging tanong sa akin ng aking nanay na noo'y mataman akong tiningnan habang karga-karga ang anak ko. "Sa kaibigan po, mom," tipid na sagot ko. "Sobra namang importante ng kaibigan mo para iwan ang anak mo't doon ka magpalipas ng gabi." kahit mahinahon ang boses niya ay bakas parin ang galit mula rito. "Importante yun mom, may ginagawa kasi kaming presentation para sa new project namin sa compa

  • SWEET PUNISHMENT   "CHAPTER 37"

    DWAYNE P.O.VI couldn't stop smiling because she agreed to let me court her. We shared the little food on the table and talked about everything in our lives. It's 3:00 AM, but I still don't have plan to take her home because I want to be with her."Ihatid mo na ko, Dwayne. Umaga na, baka di ako makapasok bukas, kasalanan mo." nakabusangot na sabi niya. Ang cute-cute naman talaga ng future girlfriend ko."Bukas ka nalang umuwi, ihahatid kita, kahit wag kanang pumasok." nakangiting sabi ko habang kinukumbinsi siya na wag na munang umuwi. "Ang mga ngiti mong ganyan, alam ko na ang kahihinatnan niyan." pinanlakihan niya ako ng mata kaya agad ko siyang linapitan. Hinapit ko ang bewang niya at tumingin sa kanyang mga mata. "You are mine, always mine." I said with a hoarse voice, and I just felt my dick slowly getting hard."Hoy! Nagsisimula na namang tumayo yang alaga mo. Iuwe mo na ako, at pwede naman yan sa office bukas." Tinulak niya ako at nakangusong tinuro ang nakatayo kong ari. Bah

  • SWEET PUNISHMENT   "CHAPTER 36"

    ALLISON P.O.V Nakauwe ako ng bahay na parang tinakasan ako ng kaluluwa dahil sa nangyari buong maghapon. Mas lalo pang nadagdagan nang makita ko kung paano mabaliw ang nanay ko ng malamang naaksidente si Ate Cassandra. "Mom, kumalma ka naman, natatakot na sayo si Drake eh." Karga-karga ko si Drake habang inaalo dahil si Mom ay pabalik-balik na naglalakad na parang nababaliw na. " Pero Allison, kapatid mo iyon. Paanong hindi ako mag-aalala?" Parang ako pa ang naging mali sa mga sinabi ko. "Kapatid kay papa, Mom, hindi sayo. Kung umasta ka ay parang ikaw ang nanay niya." seryosong sabi ko at hindi ko maiwasang mainis dahil sa pagka-praning niya. Natahimik siya bigla at nangapa ng sasabihin kaya mas lalo akong nagtaka. "N-napamahal n-na kasi ang batang iyon sa akin." uutal-utal na sabi niya na lalong ikinakunot ng noo ko. May hindi ba siya sinasabi sa amin? "Pwede niyo naman siyang puntahan Mom, pero bukas na dahil gabi na. Mamaya niyan, may mangyari pa sayo sa daan." sery

  • SWEET PUNISHMENT   "CHAPTER 35"

    DWAYNE P.O.V Sinadya kong puntahan si Tita Vina, dahil hindi na rin naman siya sumasagot sa tawag. Ngayon niya pa talaga inabala ang sarili sa pagsusugal 'gayong nanganganib ang buhay ng kanyang anak sa hospital. Kahit kailan talaga ay hindi na siya nagbago. Anak ang nagbibigay sa kanya ng pera, ngunit winawaldas lamang niya. Pagkarating ko sa Okada ay sinalubong ako ng nakangiting bantay. "Good afternoon, Sir, maglalaro po ba kayo?" tanong niya sa akin kaya agad akong umiling. "May sadya lang ako sa loob," seryosong sabi ko. Kilala na din kasi ako dito dahil minsan na rin akong nalulong sa pagsusugal dito. Wala rin namang balik, dahil madalas ay tabla, minsan naman ay talo. Suntok sa buwan ang panalo, palagi nalang napupunta sa bangkero. "Sige, Sir, pasok po kayo." nakangiting sabi niya ngunit pagpasok ko ay hindi ko siya nakita. Mas lalo lamang akong nabadtrip. Kaya naisip ko na lamang siyang puntahan sa kanilang bahay. Isang oras ang itinagal ng byahe ko papunta sa Quez

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status