LOGIN"ALLISON P.O.V"
"Wala kapa rin bang trabaho Allison? Paano na itong anak mo?"
Ayan na naman po ang nanay kong daig pa ang gong sa lakas ng panenermon.
"Pasensya na mom, wala pong gustong tumanggap sa akin." Nakangusong sabi ko.Eh sa totoo naman, parang ayaw sakin ng lahat ng kompanya.Maganda naman ako pero ayaw talaga nila. Ilang kompanya na ang nangreject sakin, meron namang tumatanggap pero hindi rin naman ako tumatagal. Hindi dahil sa pasahod nila kundi dahil sa mga ugali ng boss at ibang empleyado.
"Paanong matatanggap ka, eh kung umasta ka ay parang ikaw ang boss sa kanila." highblood na sabi ni mom. Well, totoo naman talaga kasi konti lang ang pasensya ko sa mga katrabaho kaya pag di kami nagkaintindihan kahit maliit na bagay pa yan, lalaki yan hanggang sa pare- parehas kaming matanggal.Alangan naman magpatalo ako sa kanila-Sino ba sila?
"Tanda mo, noong tinanggal mo yung isang helper without the permission of your CEO, hindi ba’t ikaw pa ang natanggal?”
Naalala ko nga yun. Sinubukan ko lang naman kung paano maging boss sa isang kumpanya eh at isa pa hindi ko naman alam na seseryosohin ng helper na yun.Hindi ko rin naman inaasahan na magsusumbong siya.Ayun, naterminate ako.
Ang saklap...
Minsan nalang kasi ako mantrip, sineryoso pa ng gago.
"Ayus-ayusin mo naman yang buhay mo honey may anak kana't lahat dika parin nagtitino." Alam ko naman yun.Ginagawa ko naman ang lahat para sa anak ko pero parang ayaw parin pumabor sa amin ng tadhana.
"Sorry mom."Yun nalang ang nasabi ko dahil may point naman siya kahit papano. Hindi rin naman habang buhay ay nandito ako sa puder nila. Kailangan ko din bumukod para sa anak ko.
Binuhat ko nalang ang anak kong mag-dalawang taon na ngayong June 9.
"Kumusta ang maghapon ng baby ko?" Gigil na gigil ako sa anak ko dahil ang taba-taba nito.Pasalamat nalang ako dahil malusog ang anak ko kahit papano. Hindi rin siya madalas magka-sakit at talaga namang napaka-bibo.
"Ma-me." Cute na sabi ng anak ko.Bulol pa kasi ito at talagang nagpaka-masayahin. Noon, wala talagang patutunguhan itong buhay ko.Ang alam ko lang pumarty at magbulakbol pero ng mabuo si Drake sa sinapupunan ko, nagbago ang lahat sakin. Nagkaroon ako ng rason para tumino at magsumikap pa sa buhay.
Siya lang naman ang kayamanan na meron ako. Hinding-hindi ako papayag na mawala siya sa buhay ko.
"Hindi mo ba hahanapin ang daddy niyan? Lumalaki na kasi si Drake at alam nating dalawa na mag- uusisa yan tungkol sa ama niya." Bigla nalang akong kinabahan sa sinabi ni mom.
"Ma naman! Kaya ko namang maging tatay sa kanya, diba? Napagsasabay ko naman,diba?" Malungkot na sabi ko.Ayokong malaman ng lalaking yun na may anak siya dahil baka kunin niya sa akin ang anak ko.Si Drake nalang ang yaman na meron ako at hindi ako makakapayag na may umagaw sakin nito.
"Magtitimpla lang po ako ng gatas.Excuse me po." Malumanay na sabi ko habang karga-karga ang anak ko.
Pagkatapos kong maitimpla siya ng gatas ay agad ko siyang pinadede hanggang sa makatulog siya.Kailangan ko kasing umalis ulit para maghanap ng trabaho.
"Angelo,bantayan mo muna si Drake!" Sigaw ko sa kapatid kong busy na naman sa paglalaro ng mobile legend.
“Hanep to si karina, palagi nalang kill steal. Ang bobo ng mga kakampi ko.” “Ano ba yan? Bakit reconnecting?”
“Ate!”
Pinatay ko lang naman ang wifi dahil hindi naman siya nakikinig sa akin.
"Ang sabi ko bantayan mo muna si Drake, hindi yang puro pag-aattack yang inaatupag mo.Buti sana kung nakakaalis ka sa grand master. Ni hindi ka nga makaalis sa rank ng mga bobo.”
"Ang yabang mo naman! Eh ikaw nga Elite palang. " Inirapan ko nalang siya dahil wala akong panahon para makipagtalo sa kanya.
"Atleast tumataas rank ko, warrior ako nung isang linggo eh." Tinapunan ko siya ng masamang tingin ng humagalpak siya ng tawa.
"Hahaha-Patawa to si ate.Sige na umalis kana, ako na bahala sa pamangkin ko."sabay agaw niya sa akin ng saksakan.
"Pahiram muna ng kotse mo." Biglang nagbago ang hitsura nito. Namilog ang mga mata niya at iiling na sana nang batukan ko siya.
"A-aray naman! Wag ang bago kong kotse baka ibangga mo na naman." Naiiyak na sabi nito. Wala naman siyang magagawa dahil hawak ko na ang susi niya.Actually, hindi naman kami mahirap.Sa totoo lang mayaman ang pamilya ko pero since kailangan ko ng magsettle kasama ang anak ko kailangan ko ng mag-ipon at magpatayo ng sariling bahay.Ayoko namang habang
buhay ay aasa nalang ako sa mga magulang ko.Hindi habang buhay ay nandito sila para sa akin.
"GREG P.O.V"
"F*ckshit talaga, Hindi na ako babalik sa kompanya mo! Kita mo to-” sabay turo ko sa pisngi ko na namumula.
“Nasapak lang naman ako." Hindi ko alam kung kanino ba dapat ako mainis. Dito ba sa pinsan ko o doon sa babaeng ginawang punching bag ang mukha ko.
"Easy bro,sino bang may gawa niyan?" Tanong niya habang natatawa.Galing pa niyang mang- asar samantalang iniinda ko ang sakit ng pisngi at mata ko.
"Isa sa mga aplikante mo.” Nakabusangot na sabi ko.
“Bumalik kana kasi Dwayne, ayoko ng magpanggap na ikaw." Inis kong sabi sa kanya na tinawan lang niya.
"Bakit hindi mo gantihan yung gumawa niyan sayo?" Tanong niya habang abala sa pagsimsim ng alak.
Kung pwede nga lang bakit hindi.hmmmm
"Babae yun, Paano ko yan gagantihan? Bakit kasi nasa cr siya ng mga lalaki? Nakakasira siya ng araw."Halos magsilabasan lahat ng ugat ko sa mukha dahil sa galit.
"Baka naman kasi sinilipan mo hahaha." "Gago, Hindi ako manyak kagaya mo!"
"Oyy Gregorio, Baka nakakalimutan mo kung sino ang boss mo." Ayun,Ganon naman talaga dahil laging panakot ang salitang "Boss"
"Oo na, hindi ko nakakalimutan .Pero ang pangalan ko huwag mong papangitin.Hindi bagay sa gwapo kong mukha" mayabang na sabi ko pero umismid lang ang katabi ko.
"Pwede ko bang malaman ang pangalan ng babae" Interesadong tanong nito kaya napabuntong-hininga nalang ako.
"ALLISON RUSO DEL FIERRO" Matabang na sabi ko pero bigla nalang itong natigilan.Balak ko sana siyang tanungin ng bigla siyang magsalita .
"Hire her." Tila may kasabikan sa mga tinig nito."I want her to be my personal assistant." Parang bangag na sabi niya habang nakangisi.
Hindi ko alam kung anong plano niya pero iba talaga ang timpla ng hangin kapag ganito siya. Parang may binabalak siyang masama sa babae.
Pero wala akong pakialam dahil binira niya ang mukha ko. Kung pwede nga lang, halik nalang igaganti ko sa kanya.
DWAYNE P.O.V Pinilit kong makauwe ng maaga dahil gusto ko nang magpahinga but Greg told me to go to the office dahil nandoon daw si Papa (step-dad). Hindi ko alam kung anong meron, bakit kailangan pa niyang pumunta doon, pwede naman niya akong tawagan or sabihan na dumaan sa bahay. Pagdating sa office ay sinalubong agad ako ng mga matatalim na tingin nang matanda, habang nakaupo sa mismong upuan ko. "It seems like you're just having fun and neglecting the company — is this how you take care of my company?" nakangiti, ngunit batid ang inis sa mga tinig nito. "My father's company, not yours," inis kong balik sa kanya. Bakit kailangan pa niyang pumunta rito, wala rin naman siyang ambag rito. "Baka nakakalimutan mo, your father is my best friend at dalawa kaming nag-alaga sa kompanyang to, that is why, he gave this to me before he died," nakangiti paring sabi niya na gustong-gusto ko nang burahin ngayon. "Hindi niya ito kusang ibinigay sayo, kung di dahil kay mom, wala ang pan
ALLISON P.O.V Tanghali na nang magising ako, tumingin ako sa orasan at nanlaki ang mga mata ko. Pasado alas-dose na pala. Hinanap agad ng mga mata ko ang anak ko, mahimbing itong natutulog sa tabi ko. Maingat ko siyang binuhat at nilagay sa crib, maliligo muna ako saglit at pupunta kami ng hospital para dalawin si Ate Cassandra. Baka kasi kapag hindi ako pumunta ay sabihin ni Mom na wala man lang akong konsiderasyon sa kapatid ko. Wala pang 20 minutes ay natapos na ako sa pagligo, ni hindi ko na nagawang maghilod kakamadali. Pagbalik ko ng kwarto ay mulat na mulat na ang mata ni Drake habang linalaro ang mga bolang nagkalat sa loob ng crib niya. Mabilis akong nagbihis, simpleng shirt at pantalon lang, hindi naman mall ang pupuntahan ko para mag-ayos ng bongga. Binuhat ko na si Drake at pinunasan, paniguradong maaga itong pinapaliguan ni Mom. Pagkatapos ko siyang bihisan ay tinawagan ko na si Manong Julio, para sunduin at ipagdrive kami hanggang hospital. After 10 minutes....
ALLISON P.O.VMataas na ang araw nang iuwe ako ni Dwayne sa bahay, naabutan ko pa si Angelo na nakabusangot sa labas habang hinihintay ang pagdating ng kotse niya, hindi ako. Nakauniform ito, at malamang ay late na siya sa school dahil tanghali na. Nginitian ko siya, pero sinungitan niya agad ako."Ano ba yan ate, late na kami ni Annika." nakabusangot na sabi nito at inagaw ang susi ng kotse sa kamay ko. Hindi niya na rin ako kinausap dahil umalis na agad siya. Napakamot na lamang ako ng ulo at nagtuloy-tuloy na sa pagpasok ng bahay. "Saan ka galing allison? Saan ka natulog?" magkasunod ang naging tanong sa akin ng aking nanay na noo'y mataman akong tiningnan habang karga-karga ang anak ko. "Sa kaibigan po, mom," tipid na sagot ko. "Sobra namang importante ng kaibigan mo para iwan ang anak mo't doon ka magpalipas ng gabi." kahit mahinahon ang boses niya ay bakas parin ang galit mula rito. "Importante yun mom, may ginagawa kasi kaming presentation para sa new project namin sa compa
DWAYNE P.O.VI couldn't stop smiling because she agreed to let me court her. We shared the little food on the table and talked about everything in our lives. It's 3:00 AM, but I still don't have plan to take her home because I want to be with her."Ihatid mo na ko, Dwayne. Umaga na, baka di ako makapasok bukas, kasalanan mo." nakabusangot na sabi niya. Ang cute-cute naman talaga ng future girlfriend ko."Bukas ka nalang umuwi, ihahatid kita, kahit wag kanang pumasok." nakangiting sabi ko habang kinukumbinsi siya na wag na munang umuwi. "Ang mga ngiti mong ganyan, alam ko na ang kahihinatnan niyan." pinanlakihan niya ako ng mata kaya agad ko siyang linapitan. Hinapit ko ang bewang niya at tumingin sa kanyang mga mata. "You are mine, always mine." I said with a hoarse voice, and I just felt my dick slowly getting hard."Hoy! Nagsisimula na namang tumayo yang alaga mo. Iuwe mo na ako, at pwede naman yan sa office bukas." Tinulak niya ako at nakangusong tinuro ang nakatayo kong ari. Bah
ALLISON P.O.V Nakauwe ako ng bahay na parang tinakasan ako ng kaluluwa dahil sa nangyari buong maghapon. Mas lalo pang nadagdagan nang makita ko kung paano mabaliw ang nanay ko ng malamang naaksidente si Ate Cassandra. "Mom, kumalma ka naman, natatakot na sayo si Drake eh." Karga-karga ko si Drake habang inaalo dahil si Mom ay pabalik-balik na naglalakad na parang nababaliw na. " Pero Allison, kapatid mo iyon. Paanong hindi ako mag-aalala?" Parang ako pa ang naging mali sa mga sinabi ko. "Kapatid kay papa, Mom, hindi sayo. Kung umasta ka ay parang ikaw ang nanay niya." seryosong sabi ko at hindi ko maiwasang mainis dahil sa pagka-praning niya. Natahimik siya bigla at nangapa ng sasabihin kaya mas lalo akong nagtaka. "N-napamahal n-na kasi ang batang iyon sa akin." uutal-utal na sabi niya na lalong ikinakunot ng noo ko. May hindi ba siya sinasabi sa amin? "Pwede niyo naman siyang puntahan Mom, pero bukas na dahil gabi na. Mamaya niyan, may mangyari pa sayo sa daan." sery
DWAYNE P.O.V Sinadya kong puntahan si Tita Vina, dahil hindi na rin naman siya sumasagot sa tawag. Ngayon niya pa talaga inabala ang sarili sa pagsusugal 'gayong nanganganib ang buhay ng kanyang anak sa hospital. Kahit kailan talaga ay hindi na siya nagbago. Anak ang nagbibigay sa kanya ng pera, ngunit winawaldas lamang niya. Pagkarating ko sa Okada ay sinalubong ako ng nakangiting bantay. "Good afternoon, Sir, maglalaro po ba kayo?" tanong niya sa akin kaya agad akong umiling. "May sadya lang ako sa loob," seryosong sabi ko. Kilala na din kasi ako dito dahil minsan na rin akong nalulong sa pagsusugal dito. Wala rin namang balik, dahil madalas ay tabla, minsan naman ay talo. Suntok sa buwan ang panalo, palagi nalang napupunta sa bangkero. "Sige, Sir, pasok po kayo." nakangiting sabi niya ngunit pagpasok ko ay hindi ko siya nakita. Mas lalo lamang akong nabadtrip. Kaya naisip ko na lamang siyang puntahan sa kanilang bahay. Isang oras ang itinagal ng byahe ko papunta sa Quez







