Share

KABANATA 31 "AFTER HIGH SCHOOL"

"BAKIT dito mo ako dinala Erik?" hindi makatingin si Mia ng diretso kay Erik pero hindi parin niya naitago ang pagtutol na kalakip ng sinabi niyang iyon.

Ang tinutukoy niya ay ang bahay ng binata. Inasahan kasi niya na sa bahay niya siya ihahatid nito pero iba ang nangyari. Hindi naman dahil sa ayaw niyang makasama ang lalaki. Ang totoo, nahihiya siya rito dahil sa pagkakatuklas nito ngayon sa totoong hanapbuhay niya.

"Ano bang problema kung dito kita dinala? Wala naman akong planong gawan ka nang masama," sagot ng binata saka kinalas ang suot nitong seatbelt. 

"Alam ko naman iyon," aniyang nagbuntong hininga saka narin minabuting tanggaling ang pagkaka-buckle ng seatbelt niya.

"Mia," untag sa kaniya ng binata. "Look at me," utos pa nito sa karaniwan na nitong mabait na tono at iyon ang sa tingin niyang dahilan kaya siya parang kusang napasunod dito.

"Pasensya ka na kung nadamay ka pa," iyon ang sa halip ay sinambit niya.

Jessica Adams

"May iba akong gusto nung high school, at siya ang first love ko. Ang totoo kahit kailan hindi siya nawala sa puso ko, lalo na sa mga panahong nagkakaroon kami ng problema noon ni Bernie at higit pang nagtumindi iyon nang malaman ko ang lahat ng ginagawa niyang panloloko sa akin. Kaya lang noon high school parang hindi niya ako nakikita, pero okay lang iyon, masaya ako na siya ang una kong minahal, at alam ko sa sarili ko na hanggang sa mamatay ako ang pagmamahal ko sa kanya ay mananatili na sa puso ko at babaunin ko iyon hanggang sa kabilang buhay," -MIA-

| Sukai
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status