Share

Ashton

"Mahal ano bang ginagawa mo? Tell me this is not true?" Nag mamakaawang sabi ko kay Celistine. 

"Ashton. Wake up to reality. Wag kang martyr, nakakapagod kang intindihin. Napapagod na ko sayo" Sigaw nya habang akay si Daniel. Wala akong nagawa kundi mag patawag ng security. Minuto lang ang binilang at inakay na rin sya papunta ng hospital.

Bagsak ang balikat kong sumunod sakanila. Labag sa loob kong tulungan si Daniel, pero kahit na ganon kaibigan ko parin sya noon, and besides fiance na pala sya ng girlfriend ko. 

"Doctor Ramirez, can you handle Daniel for a while?" Malumanay na tanong ko sa tito ko. 

"Yes Ashton. Mukhang pagod ka. You need to rest, tatawagan ko na ba ang dad mo?" He ask. Umiling ako at sinabing andito rin si Celistine. 

"Ganon ba, i handle this first para makauwi na kayo agad. Tyaka yung sugat sa mukha ni Daniel, ikaw ba gumawa?" Pag tatanong nya. I nodded. Wala na kong dahilan para i deny yon. Bagay lang naman kasi sakanya. 

"Nako Ash. Manage your temper huh, maiwan muna kita" Sambit nito bago ako iniwan sa may nurse area. 

"Umuwi Kana. Ako na mag babantay sa fiance ko" Galit na sabi ni Celistine sakin ng makalabas sya sa private room. 

"Fiance? Celine!" Galit na sumbat ko sakanya.

"Ano ba nakakaintindi ka ba ng tagalog o hindi? Tanga ka ba?" Galit na sigaw nya sakin. 

"But Celistine my love. Buhay kita alam mo yan!" Umiiyak kong sabi sakanya at pilit syang nilalapitan subalit panay rin ang layo nito saakin.

"Mahal ano bang nagawa kong mali? Nag kulang ba ko? Sumobra ba ko kaya nasasakal ka?" Mga tanong na ako rin ang nasasaktan. Ang hina ko sa harap nya. Ang hina hina ko pag dating sakanya. 

"Tigil na natin to Ash. Walang patutunguhan ang usapang ito!" Galit na sabi n'ya at itinaboy pa ko nito. She call some guards para ilayo ako sakanila. Mas nadurog ako dahil ginagawa nya mismo ito saakin. Tang ina. 

Mabilis kong pinatakbo ang kotye ko at nag tungo sa bahay nila. Bumungad sa akin ang mga maids nila. Guards at mga aso na animoy lalapain na ko dahil sa mga tahol nila. "Tito Jes" Tawag ko sa dad ni Celistine.

"What are you doing here?" Bungad nya sakin. 

"Pano po na engaged si Celine diba ako yung boyfriend nya? Pakakasalan ko pa sya tito. Ito nga po yung singsing na binili ko kanina" Umiiyak na sabi ko sabay pakita ng singsing. 

"Desperado ka talaga e nho? Lugi na ang kompanya namin Ashton kaya napilitan kaming ipakasal si Celistine kay Daniel. Kung desperado ka mas desperado kami. Ito ang bumubuhay sa pamilya ko" Sumbat nito saakin.

"Pero bakit si Celistine? Bakit si Celistine yung mag sasakripisyo? Bakit hindi kayo lumapit sakin? Tito May kompanya din kami ilan ba inofer ni Daniel sainyo? Tri-triplehin ko" Desperadong sabi ko. Everything mabawi ko lang si Celistine kay Daniel.

"Huli kana Hijo. Gustuhin man namin hindi na kami pwedeng umatras." Sambit nito na mas lalong ang pag-ihi ng mundo ko. Huli na. 

Nag paalam ako sakanila at nag simula ng mag drive. Ganito ba kalupit ang mundo sakin? Ganito ba? 

Tanaw ko ang dalampasigan na pinuntahan namin kahapon ni Celistine. Kahapon na sobrang saya pa namin. Sobrang saya na wala pang problema. 

Mula sa sasakyan ko kita ko kung paano umamin ng malakas ang tubig sa dagat. Mga puno na nag sa sayawan dahil sa malakas na hangin. Mga taong tumatawa habang kasama ang mahal nila. Kailangan ko na ba ulit syang habulin at huwag bitawan?

//

"Ashton!" Tawag ni Celistine, napalingon ako sa gawi nya. 

"Bakit ang kalat naman ng condo mo? Hindi ka ba marunong mag linis? Andaming bote ng alak oh" Pangaral nya. Natawa nalang ako dahil ang saya parin na pinapagalitan nya ko. Kahit alam kong hindi na sya sakin. 

"Mahal babalik kana ba?" Sabik kong tanong sakanya. 

Malungkot syang lumingon saakin "Ashton, kukunin ko lang yung mga gamit ko" malumanay na sabi n'ya. 

"But baby mahal mo naman ako diba?" Umiiyak kong sabi habang binubuhat ang usok ng sigarilyo. 

"Hindi na!" Matigas nyang sabi. Sinungaling.

"Masaya ka bang hinahabol kita?" Tanong ko habang nakatingin sakanya ng seryoso. 

"Kunin ko lang yung mga gamit ko" Pag iiba nya. Nag simula na itong mag lakad sa kwarto namin at nag impake na. 

Mabilis na lumipad sa pader ang hawak kong bote ng alak. Ramdam ko pa ang gulat ni Celistine dahil don. So what? Hindi na nya ko mahal. 

"Maglilinis muna ako bago ako umalis" Sabi nito ng makalabas ng kwarto. 

"Tumawag na ko ng mga babae. Sila mag lilinis nyan." Walang gana kong sagot sakanya. 

Hindi na sya umimik kaya akala ko sumang-ayon sya, pero nakita ko pa na... pinupulot nya yung mga nabasag na parte ng boteng tinapon ko kanina. Shit nasugat ba sya? Sabi kasing tatawag ako diba. 

"Tabi nga!" Iretadong sabi ko kahit na nahihilo na rin ako dahil sa alak na nainom ko. 

"Nasugat ka tuloy. Ang kulit mo kasi. Andaming dugo oh!" Sambit ko sakanya at hinawakan ang wrist nya. 

"Kaya ko naman e' ang liit lang nyan" pagmamatigas nya. Nakakaasar talaga sya, ang hina hina na nga nya nag mamatigas pa. Ano sya si super girl?

"Gagamutin ko lang yan dahil ayukong kumalat yang dugo mo sa condo ko" mas malamig kong sabi sakanya. Nag patianod naman sya pag hila ko. 

Panay ang d***g nya kaya mas magaan kong dinampian ang sugat nya. Kahit naman sinaktan nya ko. She's my girl. Sya lang. "Kelan kasal nyo?" Tanong na mas lalong nag pa iba ng sensayon sa sarili ko. Dapat sakin itinatanong yon. Dapat saaamin tinatanong yung bagay na yon. Pero ano ngayon? Sa gagong Daniel na yon?

"Next month!" Tipid nyang sahod sakin. 

"Pupunta ako!" Nakangising sabi ko sakanya. Humina ako sobrang ng hina ako sa puntong dapat ako yon!.

"Ashton wag nalang!" Pag tatanong nya. Heto na naman sya.

"Wag mo naman akong itaboy. Ang sakit sakit e" Tumatawang sabi ko. 

"Uuwi na ko! Hinahanap na ko ni Daniel" sambit nya. 

"Pwede bang dito ka muna kahit ngayon lang?" Nag mamakaawa kong sabi sakanya. 

"Ashton hindi pwede-"

"Please!" Mariin kong pag mamakaawa pero mas lalo lang syang kumalas sa hawak ko. 

"Nandito na naman ako sa punto ng buhay ko na, lahat ng darating ay aalis din" Tumatawang sabi ko at nag sindi muli ng sigarilyo. 

"Itigil mo na yang bisyong mo Ashton. Makakasama yan sa health mo" Galit na sabi nito ng lumingon muli sya.

"Kaya kong itigil kung babalik ka" sambit ko matapos kong ibigay yung usaok ng sigarilyo. 

"Hindi na ko babalik Ashton!" mariin na sabi 

"Di hindi ko ititigil." Pagmamatigas ko. 

"Tuparin mo yung 11:11 wish ko" Sambit nito bago umalis ng condo ko. Mas lalo lang sumasakit yung ulo ko dahil sa sinabi nya. Wish? Yung promise nya nga sakin di nya tinupad yung wish pa kaya nya. Shit. 

Mabilis na pumasok yung wish nya sa utak ko, at paulit-ulit na tumatak kong tutuparin ko ba o hindi. 

Medyo nahihilo na ako dahil siguro ay sa alak na iniinom ko. Mabilis akong nag tungo sa labas upang tignan kong may nakabukas pang mini store. Hindi naman ako nabigo dahil may nakikita pa kong umiilaw. Nahihilo man mas minabuti kong mag tungo roon. 

Kumuha ako ng malamig na tubig. Ramen, foot long, burger, fries tapos snacks. Mabilis kong inabot yung card ko sa casher. Hilo na ko pero pansin ko parin yung mga ngiti nya. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status