LOGINNanginginig sa takot lahat ng katulong sa mansion ni Hercules. Pati ang mga guards and bodyguards ay walang imik na nakayuko lang sa nagwawalang amo.
Si Yana naman ay lihim na nag-aalala sa kaibigan. Kumusta na kaya ito? Sana naman okay lang ito, namimis niya si baby Hera. Ba't ba naisipan ng kaibigan niyang umalis? Malaking problema ito. Inis na tumayo si Hercules sa kanyang kinauupuan at tinungo ang secret room na nasa library room kung saan nakatago ang mga cctv monitoring sa lahat ng dako ng mansion. He opened the main monitoring, at saka niya malayang nakita kung paano tumakas si Aialyn. Umigting ang panga ni Hercules. Ngunit biglang napukaw ang atensyon niya sa cctv na nasa kanyang kwarto. Napansin niya ang oras at petsa. May taong pumasok sa kwarto niya, ang gabi kung saan may party na idinaos, in-replay niya ito sa pinaka-una? And there it goes, Aialyn was there inside cleaning his room. At pagkatapos ay pinatay nito ang ilaw at saka nagpasyang humiga sa kanyang kama. Ibinaling ni Hercules ang tingin sa isang monitor kung saan nakalabas na si Aialyn sa labas ng gate. Napamura siya nang wala ng makunan na iba pang mga footage. Dammit! Paano niya ma-trace ang babaeng iyon? Siguradong matalinong tao ang tumulong dito. Nang ibalik niya ang atensiyon sa isang cctv kung saan nakatulog si Aialyn sa kanyang kwarto ay naisipan niyang panoorin ito, tila ba may nag-udyok sa kanyang dapat niyang tingnan ang footage na iyon. Ni-max niya ang contrast para makita ang madilim na kuha. Laking gulat niya nang nakita niyang pumasok siya sa loob ng kanyang kwarto. Hindi napigilan ni Hercules ang mapangisi sa kabila nang sakit sa ulo na ibinigay sa kanya ni Aialyn ng tumakas ito kasama ang munti nitong anghel. Ang labis lang niya ipinag-aalala ay nabalitaan niyang nakabuntot dito ang mga sindikato ayon na rin sa mga source niya. Ang ikinagimbal ni Hercules nang mapanood niya ng buo ang sex scene nila ng dalaga. What the f-ck! Akala niya si Naomi ang babaeng katalik niya at birhen ito nang makuha niya, nandito na sa harapan niya ang patunay na birhen si Aialyn ng makuha niya. At ang malikot na utak ng binata ay agad na pinoproseso ang lahat ng mga pangyayari. Naikuyom niya ang dalawang kamao. So, ibig sabihin nagsinungaling ito no'ng una nilang pagkikita na buntis ito? Bullsh-t! Biglang bumangon ang inis at galit kay Hercules para sa dalaga. Isa lang ang tumimo sa utak niya. Anak niya si Hera. At gagawin niya ang lahat makita lang ang kaniyang mag-ina. Mabilis na umalis si Hercules sa kanyang library at kinontak ang mga CIA at NBI. He need to secured their safety, damn it! Malilintikan sa kanya ang babaeng 'yon. KAHARAP NGAYON ni Aialyn ang kanyang abuelo at kapatid. Nasa may pool side sila habang nasa kanyang stroller si Hera natutulog. "Gusto kong malaman kung paanong napunta ako sa mga taong kinikilala kong mga magulang?" bakas sa anyo ni Aialyn ang labis na kuryusidad. Si Nuan ang sumagot sa lahat ng mga katanungan na dapat niyang malaman habang ang kanyang abuelo naman ay mataman lang na nakikinig sa kanilang dalawa. "May lihim na galit si Mrs. Zamora kay tito Zander na kapatid ng ina natin. Kapwa sila lulong sa sugal sa Casino noon. Mom died after giving bith," pumiyok ang boses ni Nuan ng sabihin nito ang huling salita. Hindi napigilan ni Aialyn ang mapaluha. Kaya pala iba ang trato ng mga Zamora sa kanya. Iyon pala'y hindi siya totoong Zamora. "At doon nagkaro'n ng pagkakataon si Mrs. Zamora na kunin ka, pero nagpasalamat pa rin kami sa Dios nang malaman namin ni Lolo na hindi ka nila minaltrato, matagal bago namin nalaman na nasa mga Zamora ka pala, regarding our dad, he was died ng malaman niyang namatay si mommy sa panganganak sa atin, he has a heart disease, at iyon ang nag-trigger sa kanya para siya bawian ng buhay," pagpapatuloy ni Nuan, pagdakay napaluha ito. Niyakap ni Aialyn ang kapatid. Naantig ang puso niya sa mga sinasabi nito. Magkamukhang-magkamukha talaga sila ni Nuan, hindi niya akalaing ang saklap pala ng pinagdaanan ng totoo niyang pamilya, ang pinagkaiba lang nila ay ang haba ng kanilang buhok at ang kilos nila, masyadong elegante at sopistikada si Nuan kung kumilos. "HUWAG kayong magrereport sa'kin kung wala kayong magandang balita tungkol sa mag-ina ko," halata sa boses ni Hercules ang pagbabanta. He was frustrated right now, hindi niya akalaing magbunga ang isang gabi na may nangyari sa kanila ni Aialyn. "Si-sir, nandito na po ang kape ninyo," halos mangatog ang tuhod ni Yana sa takot sa amo. Tila para itong Leon na naghahanap nang lalapain. Huwag naman sana siya nitong pag-initan since best friend pa naman niya si Ailyn. Ngunit nang mailapag na niya ang kape sa mesa ng amo ay nagulat siya nang tanungin siya nito na nagpaigtad sa kaniya. "Ay butiking nakabukaka!" nasambit ni Yana, hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata ng amo. Akala niya ligtas na siya dito pero hindi pa pala. "Hindi ba't naging matalik mong kaibigan si Ms. Zamora wala ka ba talagang alam kung nasaan siya?!" bakas sa boses ng amo ang awtoridad na mas lalong nagpanginig sa mga kamay ni Yana. Pucha naman oo ba't naman napasali pa siya dito? "Sir naman, peksman sir mamatay pa ang aso ng kapitbahay natin hindi ko alam kung nasaan si Aialyn. Kung alam ko lang sasabihin ko agad sa inyo," agad na sagot niya sa binata na tila tinatantiya ang kanyang bawat ikinikilos. Ramdam ni Yana ang malakas na kabog sa kanyang dibdib dahil sa sobrang kaba. Mabuti nalang at tumunog ang cellphone ng binata at sumenyas itong pwede na siyang bumalik sa kanyang trabaho. Nagpakawala siya ng marahas na hininga. "PUT-ang ina ninyo! Isang babae lang hindi niyo pa mahanap?!" ani ng matangkad na lalaki na puno ng balbas ang mukha. Siya si Gorio, ang leader ng sindikatong pinagkakautangan ng ina ni Aia. Inis na ibinato niya ang kopita ng alak at saka mabilis na kinuha ang isang baril mula sa kanyang tagiliran at pinaputok iyon. Hintakutan namang napatakip sa tenga ang mga tauhan ng magpaputok siya niyon. Lumapit si Gorio sa isa niyang tauhan at saka itinutok ang baril sa sentido nito. Napalunok ito na tila gusto nang himatayin sa takot. "Huwag na huwag kayong babalik sa akin kung hindi ninyo madala ang babaeng iyon sa akin!" sigaw ni Gorio sa kanyang mga tauhan at saka marahas nitong itinulak sa dibdib ang lalaking tinutukan niya ng baril, napakamot ang naturang lalaki. "Yes boss," magkapanabay na sagot ng mga ito at dagling nagsitalikod at nilisan ang lugar na isang lumang bodega ng asin. Malaking pera ang nawala sa kanya at kailangan niyang makuha si Aialyn para ibenta ito sa mga mayayamang DOP. Yes, nagbebenta siya ng mga magagandang babae gamit ang kanyang Club House. NASA ISANG mall si Nuan at abala siya sa pamimili ng mga white gold necklace para iregalo sa kapatid. Nang biglang mahagip ng kanyang mga mata ang kahina-hinalang limang lalaki na tila minamanmanan ang kanyang ikinikilos. Sh-t! Sana nakinig nalang siya sa kanyang abuelo na isuot ang silicon mask niya. Paniguradong napagkamalan siya ng mga ito na si Aialyn. She must to do something, kailangan niyang linlangin ang mga ito. Pero paano? Hindi siya nagpahalata at ipinagpatuloy ang pamimili. "Excuse me, Ms. Iike this one," saad niya sa palangiting sales lady. Agad naman siyang nilapitan nito at in-assist ng maayos. Agad niyang binayaran ang biniling necklace at saka niya ito inilagay sa kanyang shoulder bag. Biglang binundol ng kaba ang dibdib ni Nuan. Nang makarating na siya sa parking lot ay agad na hinanap niya ang kanyang kotse, pero sa malas niya'y nakita pa rin siya ng mga lalaki. Damn it! "Habulin siya!" sigaw ng isang lalaki. At mabilis ang kilos ni Nuan. Tumakbo agad siya, sa inis niya'y tinanggal niya ang kanyang high heels para makatakbo siya ng maayos bahala na si Batman. Ngunit hindi niya maiwasang mapangiwi dahil sadyang malambot ang kanyang mga paa at paniguradong magkakasugat siya. NAPAMURA SI David nang muntik na niyang masagasaan ang tila mukhang hinahabol na babae. At hindi nga siya nagkamali dahil mula sa likuran nito'y hinahabol ito ng limang lalaki na may dalang baril. F-ck! Ibinaba niya ang salamin ng kotse. "Get in!" sigaw niya sa pawisang dalaga. Nang una'y tila nagdadalawang-isip pa ito pero nang mapalingon ito sa likuran ay agad na itong pumasok sa kanyang Bugatti. Halos paliparin ni David ang sariling kotse sa bilis ng kanyang takbo. Samantalang napasapo si Nuan sa kanyang dibdib at napasandal sa sandalan ng kotse ng binata. "Thank you for saving my life, I owe you a lot," pagdakay sagot ni Nuan sa binata. "Who are they, at bakit ka nila hinahabol?" takang tanong ni David sa dalaga. "It's a long story, siguro inakala nilang si Aialyn ako, I have a twin sister," sagot niya sa binata. Mabuti nalang at nailigaw ni David ang mga lalaki. Muli siyang napasulyap sa dalaga. Napangiwi ito habang napatingin sa mga sugatan nitong mga paa. "Are you okay?" tanong niya sa hindi maipintang mukha ni Nuan. "Mukha ba akong okay? Look, my feet really hurts, ouch!" daing ng dalaga. "By the way, I'm David Montenegro," pagpakilala ni David sa magandang dalaga na nasa kanyang harapan. Her face looks familiar pero hindi lang niya matandaan kung saan iyon. "Nuan Lee," tipid na sagot ni Nuan sa binata. "Where's your address so that I could drive you home," tanong ni David sa dalaga. "Please, make it sure kung hindi ba nila tayo nasundan, my life is in danger now, maybe hindi muna ako uuwi sa mansion ng lolo ko, ihatid mo nalang ako sa isang motel, magcheck-in nalang muna ako," sagot niya sa binata. Dinala ni David si Nuan sa Montenegro Hotel. In-park ng binata ang kotse sa garage at saka umibis siya ng kotse. Umikot siya para pagbuksan ang dalaga, pero hindi niya hinayaan na tumapak ulit ito sa sementadong daan. Instead he carried her in his strong bare arms na labis namang ikinagulat ni Nuan. "Please, nakakahiya naman kung bubuhatin mo pa ako," napahawak siya sa batok ng binata, ngumiti lang si David. "It's my pleasure to help a woman like you, and please don't reject this offer or else magtatampo ako sa iyo," nakangiting turan ni David sa magandang si Nuan. Naiiling na lamang ang dalaga. "YANA IHATID mo raw ito sa Montenegro Hotel," ani ni Aling Vicky sa nakabusangot na mukha ni Yana. Nasa kwarto niya siya habang nakatitig sa picture ni David Montenegro. Hinalikan niya muna ito bago tuluyang tumayo para tunguhin si Aling Vicky. "Ako na naman? Nanay Vicky naman, e, ba't 'di nalang sina Fen at Cacay?" reklamo niya. "Huwag ka ng magreklamo, bilisan mo na, ihatid mo na iyan dahil may catering sina Ma'am Celina at si Sir Lucas para sa birthday ng anak nilang si Cleo. Bilisan mo at magtatanong si Hercules niyan kung nagawa na ba natin ang pinapagawa niya," turan nito sa kanya. Napakamot sa batok si Yana. Hinanap niya agad si Mang Glen para magpahatid sa Montenegro Hotel. Nang matagpuan niya ang matanda ay agad niya itong sinabihan. Sumakay na sila sa Ford at saka tinungo ang hotel. Mabilis ang kilos na umibis si Yana mula sa kotse at saka pumasok sa loob ng hotel. Agad na lumapit siya sa front desk. Magiliw naman siya nitong in-assist. Nagpaalam siya sa receptionist at saka tinungo ang office ni Micah Montenegro. Dahil sa pagmamadali niya'y hindi niya napansin ang taong nakabangga niya. Mabuti nalang at maagaap ang naturang lalaki at maagap siya nitong nahapit sa bewang. Napahawak naman siya sa magkabilang balikat nito. Their eyes met. Tila nag-slow motion iyon para kay Yana. Sh-t si crush niya. Kung panaginip lang 'to sana 'wag muna siyang magising. Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. Ramdam niya ang sobrang kilig, akala niya sa D****e lang nangyayari ang mga feelings na tulad nito, nangyayari din pala ito sa totoong buhya, sh-t lang ang sarap yakapin, ang bango ni fafa David ko. "You? And what are you doing here? Are you stalking me?" kunot-noong tanong ni David sa nakatulala pa ring dalaga. "Artista ka ba?" wala sa sariling saad ni Yana sa supladong si David. "What? You're crazy," tila naguguluhang saad ni David at saka nito inalis ang mga brasong nakapulupot mula sa bewang ng dalaga. Napasimangot si Yana. "Kase, patay na patay ako sa ka-hotness at ka-gwapuhan mo, e," pagpapatuloy niya sa mga hugot lines niya, na para sa binata ay cheap at hindi nakakatawa. "Sungit! Akala mo naman ke-gwapo-gwapo mo!" habol na sigaw niya sa nagmamadaling binata. Saka tumalikod si Yana at saka tinungo ang elevator, pero bago pa man siya tuluyang makapasok sa elevator nang may biglang humila sa kanya at saka nito binihag ang kanyang mga labi. What the! Nanlaki ang kanyang mga mata sa pangyayari. David Montenegro kissing her like there's no tomorrow. Tila natulos siya sa kinatatayuan, hindi siya makagalaw. Pinipigilan niyang huwag huminga. Nang pakawalan na ni David ang kanyang mga labi, habol niya ang kanyang hininga. Sh-t! Ni walang namutawi na salita sa kanyang mga labi, para iyong eartquake na may after shock. "Now, tell me. Gwapo ako o hindi?" sumilay sa mga labi ng binata ang nakakalokong ngiti. Matagal bago nakasagot si Yana at saka pinukol niya ang binata nang matalim na tingin. "Damn you!" asik niya sa binata. Kumindat lang sa kanya si David sabay iling. Naiwan siyang nakatulala sabay haplos sa kanyang mga labi. Asus, kunwari ka pa, e, gusto mo naman, batukan kita diyan, e, kontra ng kanyang isipan sa kanya. Pinipigilan niya ang mapangiti, baka mapagkamalan pa siyang baliw.Nagulat si Aialyn ng may dumating na isang lalaking nakasuot ng itim na suit, dala nito ang isang Rezvani Tank, sasabak ba sila sa giyera? Hindi niya maintindihan ang lenggwaheng ginamit ng dalawang lalaki, nakikinig lang siya sa dalawa. Pero ang totoo kanina pa siya kinakabahan."Shukran jazilan lak," saad ni Hercules sa kaibigang Muslim na si Haji. Nakipag-shake hands muna si Hercules sa matalik na kaibigan bago ito nagpasya na umalis. "Ealaa alrahab walsaeat ya sadiqi," habol nito at mabilis na sumakay sa sarili nitong sasakyan."Anong lenggwahe iyon?" kunot ang noo ni Aialyn na nakatitig sa mukha ng binata. Naaliw na nakatitig lang sa kanyang maamong mukha si Hercules. "Walimadha tas'alin hdha alshay' ya habibty?" nakangising turan ni Hercules sa dalaga. "Alright, Arabic language, sweetheart. I have to change our convo into arabic, and please sweetie no more questions, okay? Saka ko na sasabihin sayo ang pinag-uusapan namin 'pag nasa safest place na tayo," ani Hercules habang p
"This is our diamond wedding dress ma'am. This collaboration between designer Rene Strauss and jeweler Martin Katz resulted this gorgeous gown. And this beautiful dress is made from the finest silk fabrics and contains 150 carats diamonds, kung kilala niyo po si Celina Del Fuego Montenegro sa amin po galing ang gown na suot niya ng minsang binigyan siya ng engrandeng party ng namayapa niyang ina na si senyora Carolina Del Fuego," masiglang sabi ng isang magandang assistant kay Aialyn. Sumulyap siya kay Hercules. Kumindat lang sa kanya ang binata. Halos hindi masikmura ni Aialyn ang napa-kamahal na wedding gown. Ilang bilyon din ang halaga nito. What the! "Dito ba talaga tayo bibili? Hanap na lang kaya tayo ng iba," suhestiyon niya kay Hercules. Kunot ang noo ng binata. Pero mahina lang ang boses na saad niya sa binata."No! come on sweetie, choose what you want at may pupuntahan pa tayo," sagot nito kay Aialyn. Saka muling ibinalik ni Hercules ang atensyon sa magazine na binabasa. N
"Aray! Yana masakit iyon, a!" reklamo ni Aialyn sa kaibigang si Yana. Balak niya kasing maging isang writer sa Dreame/StaryWriting at sinubukan niyang magsulat ng tragic love story. At sa kagagahan niya kinurot siya ni Yana sa kanyang tagiliran. Napahiyaw siya sa sakit. Pagdakay parang baliw na ngumiti. "At sa tingin mo may readers na magugustuhan ang walang kwentang love story na iyan? Naku, Aialyn magsitigil ka nga, kung gusto mong maging writer sa Dreame dapat hindi ganyang namamatay ang bida, teaser pa lang wala nang magbabasa niyan, hindi pwede iyan noh? Ikaw ang bida kaya kayo dapat ni Hercules ang magkatuluyan, gaga! Jusmiyo marimar!" mahabang litanya ni Yana sa kanya.Inis na ibinigay nito sa kanya ang kanyang maliit na notebook. Napangisi si Aialyn sa itsura ng kaibigan. Hinila na siya nito patungo sa fashion show na kasalukuyang idinaos, mabuti na lang at walang naging problema sa idinaos na fashion show, isa si Yana sa mga makeup artist niya. Busy ang lahat sa fashion sho
Sinuong ni Hercules kasama ang mga rescuers ang dagat sa kalagitnaan ng gabi. Matapos malaman ang naturang insidente nakita ang mga nagkalat na bakas ng chopper na sumabog. Walang nakitang katawan ng piloto pati ng dalaga kaya hindi naniniwala si Hercules na patay na ang dalawang sakay niyon. He can feel his heart na buhay pa si Aialyn. Mga ilang oras na din sila sa madilim na dagat. Pero makalipas ng ilang oras na paghahanap, natagpuan na rin nila ang walang-buhay na si Aialyn. May ilan na ring mga CIA at NBI na nag-imbestiga sa pangyayari. Lumapit kay Hercules ang isang head ng CIA na kanina lang ay kausap ang head ng NBI."Base in our investigation the pilot made a poor decision to fly at excessive airspeed, about 160 miles per hour - into an area of poor visibility. And the pilot lost the ability to control the chopper after losing visual contact with the ground," paliwanag ng naturang head kay Hercules. Umigting ang panga ni Hercules at napukaw ang atensyon niya sa mga divers n
"Are you okay?" nag-aalala na tanong ni Hercules kay Aialyn, panay kase ang paghilot nito sa sariling sentido. Pansin rin niyang tila namumutla ito."I'm fine, baka pagod lang ako. Busy kanina sa opisina maraming investors na kailangang asikasuhin. Isa pa, kailangan ko pang bayaran ang mga nalalabing utang ko sa iyo," sagot ni Aialyn kay Hercules. Umigting ang panga ng binata. "I've told you forget that dumb thing!" pigil ang sariling magalit sa dalaga na turan ni Hercules."No, I need to pay that debt, Hercules para wala nang iba pang usapan. Responsibilidad kong bayaran ang ninakaw na pera ng aking ina mula sa iyo," muling napahawak si Aialyn sa sariling sentido, pansin niyang tila umiikot na ang kanyang paningin. Damn it!Pinaharap siya ni Hercules, hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. Their eyes met, nakita niya ang kakaibang ningning sa mga mata ni Hercules. At saka nito ikinulong ang kanyang mukha gamit ang dalawang palad nito."Listen to me, please... I beg you to forge
Hindi magkandatuto si Aialyn. Nasa malaking mansion sila kung saan nakatira ang mag-asawang Del Fuego na ama't ina ni Hercules. Kasama nila sina Hera at Lance. Ramdam niyang tahimik lang ang kambal. "Relax, I'm sure na magugustuhan ka nila, mababait ang mga magulang ko," napaigtad si Aialyn ng bumulong sa punong-tenga niya si Hercules. Naghatid iyon ng ilang boltahe ng kiliti sa kanyang kaibuturan. Sh-t! Kakainis naman talaga itong libog niya. Damn!Pansin ni Aialyn ang istruktura ng pag-kagawa ng malaking mansion. Halatang it was constructed and finished with high-end materials and designed with uncommon architectural details. Namangha si Aialyn sa style nang landscaping ng area. It was great and amazingly grand. Tila feeling niya nasa isa silang palasyo sa modern world. Hindi niya akalaing napakayaman nga talaga ng mga Del Fuego.Naramdaman ni Aialyn ang mahigpit na kamay ni Hercules sa kanyang malamig na kamay, she was nervous. Kanina pa nga tumatambol ang kanyang dibdib sa kaba.







