“HI, may I join you?”
Nilingon ni Sahara ang lalaking biglang lumitaw mula kung saan. Hinahanap niya noon ang lighter sa loob ng kanyang maliit na bag kaya hindi niya napansin na may umupo na pala sa bar stool sa kanyang tabi.
“I’m Ace…you are?”
Kumuha siya ng isang stick ng sigarilyo at inilagay iyon sa kanyang labi. Without looking at the man, she introduced herself, “Sarah.”
“You were great back there,” sabi nito sabay alok ng sarili nitong Zippo. Binuksan nito iyon at itinapat sa kanyang sigarilyo.
“Thanks,” simple niyang sabi. Wala siya sa mood makipag-usap sa kahit na sino, lalo na ngayong pagod siya. She just finished five songs and still had to perform on stage but she already felt exhausted. She’s not even supposed to have a cigarette but she’s got to calm her nerves. Hindi niya inaasahan na napakaraming tao pala an
“HEY!”Nasa loob na siya ng elevator at pasara na ang pinto nang biglang may kamay na pumigil doon. Malaki ang pagkakangiti nito na pumasok at tumayo sa tabi niya.“Late dinner?” tanong nito nang sumara nang muli ang pinto.Umiling siya nang hindi tumitingin sa kaharap. Kung sabagay, hindi naman niya kailangang tumingin rito dahil kita niya ang repleksyon nilang dalawa sa kanyang harapan dahil sa salamin na pinto ng elevator.“Coffee? Come on, just one cup of coffee,” muli nitong sabi. Tulad niya, doon na rin siya nito tiningnan sa salamin. At nang muli siyang umiling ay nagulat siya nang lumuhod ito sa kanyang harapan. “A couple of drinks? I know a great place…please?”At eksaktong bukas ng elevator. Maraming tao roon na naghihintay, at kita sa mga mukha ng mga ito ang sobrang pagkabigla dahil sa nasaksihan. Pilit na pinatayo ni Sahara ang binata pero hindi i
“SAHARA.”Isang hakbang na lamang ay nasa labas na siya ng condominium nang marinig niyang may tumawag sa kanyang pangalan. Papunta na siya noon sa The Lounge para kumanta. Lumingun-lingon siya pero wala siyang nakitang tao sa paligid, maliban na lamang sa security guard na nakatayo sa di kalayuan.“Sahara.”Naka-itim na T-shirt, itim na baseball cap, faded jeans, rubbershoes. Nakasuot rin ito ng sunglasses kahit pa gabing-gabi na. Pero kahit madilim ay aninag niya kung sino iyon. Hinding-hindi siya maaaring magkamali dahil hinding-hindi niya kailanman malilimutan ang pagmumukhang iyon.“Max?”“Akala ko nakalimutan mo na ‘ko.” Dahan-dahan itong lumapit sa kanya at bigla siyang hinalikan sa pisngi. “Kumusta na ang baby ko? Ang tagal nating hindi nagkita, ah.”Pilit na tinanggal ni Sahara ang kamay nito sa kanyang baywang. “A-anong ginagawa mo rito?&
SHIT. If she could only kill, she’d definitely put Max on her priority list.Inisip ni Sahara ang mga maari niyang gawin para mawala sa landas niya si Max. Una, ang isumbong ito sa pulis. Pero sigurado siyang ang kapalit noon ay ang sarili niyang pagkakakulong. Pangalawa, ang ipagtapat ang lahat kay Baste. Alam niyang mahal siya nito at pilit nitong iintindihin ang sitwasyon niya pero alam rin niyang kaligtasan ni Baste ang nakataya roon. Pangatlo, tatakas siya, iyong malayung-malayo, iyong hindi na siya kailanman makikita ni Max. Pero paano? At babalik lang siya sa umpisa, matatakot siya sa maaaring mangyari kay Baste, at sa sariling kaligtasan.Ganoon siguro ang ginawa ni Max kay Del Mundo. Emotional blackmail.Kailangan na ba niyang hiwalayan si Baste? Kung mawawala si Baste sa buhay niya, kahit paano ay mababasawan ang mga kinakatakot niya. Tama. Makikipaghiwalay siya kay Baste, at hindi na makikipagkita kay Max. She could
NANG makasigurong tulog na si Max ay sinamantala niya ang pagkakataon para makapag-shower. Pagkatapos noon ay mabilis siyang nagbihis at kinuha na ang shoulder bag sa ibabaw ng nightstand. Aalis na siya sa lugar na iyon hangga’t mahimbing ang hayop na iyon. It’s almost ten in the evening and she’s late for her gig.“Oh, bakit nagmamadali kang umalis? May problema ba, baby?”Napapikit si Sahara at napailing. Hindi na pala dapat siya nagshower at basta umalis na lang. Tiningnan ni Sahara ang sariling repleksiyon sa malaking pabilog na salamin habang sinusuklay ang mahabang buhok. Kita niya mula roon si Max na prenteng-prenteng nakaupo sa kama habang naninigarilyo at nakatingin sa kanya.“Ano, bukas uli?” tanong ni Max. Nakakaloko ang ngiti nito.“Huli na ‘to, Max. At huwag na huwag mo na ‘kong pupuntahan sa condo, dahil kung hindi-““Kung hindi, ano?
GRADUATION. Iyon ang matagal nang pinapangarap ni Sahara at ngayong natupad na niya iyon, pakiramdam niya ay handang-handa na niyang harapin ang kahit na ano pang darating sa kanyang buhay. Ito dapat ang pinakamasayang araw para sa kanya pero parang kabaligtaran niyon ang lahat.Ang dami nang nangyari at sa totoo lang ay mas nanaisin na niyang kalimutan ang karamihan sa mga iyon. Oo nga’t tapos na siya sa kursong Mass Communications at maraming oportunidad ang naghihintay sa kanya pero pakiramdam niya ay hindi siya bagay doon.Karamihan sa mga kaibigan at kaklase niya ay magte-training sa opisina ng mga kilala at malalaking kumpanya bilang mga writers, editors, reporters, researchers. Tanggap na si Baste na mag-OJT sa publishing company na in-apply-an nito bilang isang writer. Noon pa man ay hanga na siya rito pagdating sa pagsusulat kaya naman hindi na nakapagtataka na sa publishing ito napadpad.Siya? Sinubukan niyang m
“KUMUSTA na ang pinsan mo?” nag-aalalang tanong ni Baste nang magkita sila sa coffee shop malapit sa opisina ng in-apply-an niyang modeling agency. Nabanggit niya rito ang tungkol kay Michaela, na kailangan niya itong dalawin paminsan-minsan sa bahay nito para malaman na rin ang kalagayan nito matapos ang insidente.“Okay na siya. Nagpapagaling na lang.”Ilang buwan na rin ang nakakaraan mula nang makalabas si Michaela sa ospital. Maayus-ayos na ang kalagayan nito, nakakalakad na nang mag-isa at kaunti na lamang ang bakas ng pambubugbog sa katawan.“Gusto mo samahan kita sa susunod na pagbisita mo sa kanya? Baka may maitulong ako.”Tumango siya at ngumiti. “Sige. Dalhan natin siya ng prutas at bulaklak kapag dumalaw tayo.”“Kawawa rin ‘yung pinsan mo, ano. Grabe naman pala ‘yung Max na ‘yon,” napapailing na sabi ni Baste. “Teka nga pala,
ANG araw na iyon ang muling pagkikita nila ni Baste mula nang makabalik ito galing Cebu, ang araw kung kailan nila pag-uusapan ang tungkol sa plano nilang bakasyon kaya naman hindi niya maiwasang ma-excite. Bukod doon, napagpasyahan niyang sabihin na kay Baste ang tungkol kay Max.Mula sa kabilang kalsada ay tanaw na ni Sahara si Baste doon sa paborito nilang fast food restaurant. Pero hindi ito nag-iisa. Alas onse noon ng umaga, mainit ang sikat ng araw kaya kinailangan pa niyang takpan ang sinag ng araw sa pamamagitan ng kanyang kamay para lamang makita nang husto kung sino ang kausap ng kasintahan. Mabilis siyang tumawid nang humudyat ang traffic officer na maaari na siyang tumawid. Nagpasalamat pa siya sa opisyal nang alalayan siya nito hanggang sa makarating siya sa kabilang kalsada.“Baste!”Agad na lumingon si Baste sa direksiyon niya, kasabay rin ng paglingon ng kausap nito. Nginitian siya nito at kinawayan.
“IYON si Sebastian, hindi ba?”Paano pa niya iyon ikakaila ni Sahara? “Max, huwag mo siyang idamay dito,”“Okay, sige. Madali naman akong kausap…kiss muna.” mahina nitong sabi.Ibinaling-baling ni Sahara ang mukha para hindi mahalikan ni Max pero wala rin namang naitulong iyon dahil hinawakan nito nang mariin ang kanyang lee at mariin siya nitong hinalikan.“Max…huwag dito…please,” Dahil naroon lang si Baste sa sinehan, hinihintay siya. Hindi siya maaaring mawala nang matagal dahil tiyak na mag-aalala ito.And he kissed her again. Wala nang nagawa si Sahara kundi ang magpaubaya. Hinayaan niyang itaas nito ang kanyang blouse at bra, hinayaan niyang gawin nito ang gusto nitong gawin sa kanyang malulusog na dibdib. Ang mga impit niyang ungol ay may kasamang hikbi nang simulang halik-halikan ni Max ang mga iyon.“Talikod.”Mahina