Share

Chapter 18

TAKOT man, itinuloy pa rin ni Sahara ang paglipat sa unit ni Karen. Sinundo siya nito ng itim nitong sasakyan umaga ng Sabado.  At nakahinga siya nang maluwag nang sa wakas ay malayo na siya sa kasumpa-sumpang bahay na iyon ni Michaela. 

“Sino ‘yong lalaki na kanina pa tingin nang tingin sa ‘yo doon?” tanong ni Karen nang sa wakas ay nakarating na sila sa unit nito sa ika-apat na palapag ng condominium.

“B-boyfriend ng pinsan ko.” Iyon na lang ang itinugon niya dahil hindi niya kayang sabihin kay Karen ang totoo. Hindi pa sa ngayon. 

“In fairness, cute ha. At ang lalaki ng muscles!” may himig na panunukso nitong sabi. “I’m sure alam mo ‘yan!”

Napailing na lang si Sahara. She knew Max more than those muscles. “Boyfriend ‘yon ng pinsan ko,” pagdidiin niya dahil alam niya ang ibig sabihin ng mga tingin ng kaibigan. 

“Sus

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status