Share

San Andres Agents: Rui Grymes
San Andres Agents: Rui Grymes
Author: Alliyahmae22

Chapter 1

   CHAPTER 1

       "CAN YOU PLEASE STOP PESTERING ME!" sigaw ni rui sa lalaking panay ang sunod sa kanya. 

      "I told you, i wont.!" Seryosong sagot nito sa kanya.

     "Mahirap bang gawin yon? wag mo na kong sundan at wag mo na akong kulitin! i really hate people like you!" sigaw niya dito.

      "sagutin mo lang naman ang tanong ko. About Mark San Andres. Pagtapos okay na, hindi na kita kukulitin pa." wika nito kay Rui na nakikita na niyang naiinis na talaga sa kanya. 

       "Please? Don't be mad. by the way im Maynard Sabastian Gutierrez. I'm a Lawyer. And sometimes a judge, sometimes investigator." Nakangiting saad niya kay Rui. "Buwiset! bakit ba ako nagpapakilala sa kanya ng ganito. Ano ba ang nangyayari sa akin? Naku maynard, awatin mo ang sarili mo nag-iimbestiga ka hindi ka nambababae!” Wika ni Maynard sa kanyang sarili.

      "Excuse me im not interested and i will not saying anything about the person your asking!,  so back off! before i break all your bones, fucker!" At naglakad na si Rui palayo kay Maynard. 

     Ngunit bago pa siya makalayo dito, humarap siya rito at ipinakita ang gitnang daliri. Sabay ngumisi lang ng nakakaloko at sumakay na nang kanyang sasakyan

     "Kakaiba talaga ang babaeng iyon. magkikita pa tayo Miss Ruianne Grymes." Wika niya sa kanyang sarili. kaya sumakay na siya nang kanyang sasakyan at agad na umalis.

KINABUKASAN, maaga nagising si Rui, dahil sa isang tawag. 

      "Hello who's this?" inaantok pa niyang tanong. 

      "Good morning sunshine! rise and up. Ingat ka mamaya pagpasok sa trabaho mo." Wika nang nasa kabilng linya. 

Nagulat si Rui sa mga pinagsasabi nito. Kaya inilayo niya ang cellphone sa kanyang tainga at tinignan ang caller ID. Ngunit unknown number ang nakaregister. 

       "Kung sino ka man nambu-buwiset nang ganito kaaga. Spare me inaantok pa ako." At agad niyang in-end ang call.  ilang saglit lang ay nakatanggap siya nang text mula sa unknown number. 

        "Nakalimutan mo na ba ako?, remember magkikita pa tayo" at may smiling emoji pa ito sa huli. Sa gigil nireplayan niya ito nang isang nanggagalaiting "FUCK YOU!" at inihagis sa side table ang cellphone.

      "Arrrggghhhh!!!" gigil na itinakip ang unan sa ulo, dahil hindi na makatulog. Sa inis, Bumangon na lang siya at nag asikaso na upang pumasok sa trabaho.

     "SINO ba siya sa tingin niya." Galit pa din na wika ni rui habang mabilis na nagmamaneho nang sasakyan papasok nang agency. dahil may ipapagawa ang boss niya.

      "Ang kapal talaga nang mukha niya. Wag ko lang talagang makita na pakalat-kalat ang pagmumukha nang buwiset na iyon humanda talaga siya sa akin, patitikimin ko talaga siya nang hindi pa niya natitikman buong buhay niya." kahapon pa nangyari ang pagkikita nila ni maynard ngunit hanggang ngayon ang nanggagalaiti pa din siya sa galit.

       Mabilis siyang nagmamaneho nang biglang may tumawid na kung sino at mabilis siyang nagpreno agad niyang ikinabig ang sasakyan upang hindi niya tamaan kung sino man ang biglang tumawid.

Nang tumigil na ang kotse, mabilis siya lumabas nang sasakyan at pinuntahan ang tao na muntikan na niyang masagasaan. 

       "What the fuck are you thinking, bigla ka na lang tumawid! may utak ka b.." napatigil siya sa pagsasalita nang makilala kung sino ang kamuntikan na niyang masagasaan. 

      "You again!" Sigaw niya rito. Ngunit sa halip na magalit din ito sa kanya ay isang matamis na ngiti ang sumilay sa guwapo nitong mukha. "Unbelievable, nagagawa mo pang ngumiti samantalang muntikan na kitang masagasaan dahil sa katangahan mo!"

      NAGLALAKAD-LAKAD si Maynard upang maghanap nang makakainan. Nakakita siya nang isang fastfood chain na gusto niya, kaya naman agad siyang tumawid. Dahil nagmamadali, hindi niya napansin na nakagreen light na pala at may sasakyan na humaharurot papalapit sa kaniya ngunit mabilis itong kumabig upang hindi siya tamaan o mahagip. 

     "Wow, ang galing naman ng driver. Kung sa akin yun sa ospital ko na makikita ang mababangga ko." at nang makita niyang tumigil ang sasakyan ay biglang bumaba ang driver at sinigawan kaagad siya. Ngunit laking gulat niya nang makita kug sino ang driver. Kaya isang matamis na ngiti ang kaagad na sumilay sa kanyang guwapong mukha.

"ANO ba sa tingin mo ang ginagawa mo? Mr. who ever you are!" galit na sigaw ni Rui rito. Isang nakakalokong ngiti lang ang ipinakita nito sa kanya. Sa inis niya ay lumakad na siya palayo at sumakay na ito nang sasakyan. 

Nagulat na lamang siya nang biglang bumukas ang pintuan nang passenger sit at nakita niyang sumakay ang binatang kinaiinisan niya.

      "What the fuck are you doing? get out of my car." galit na wika niya dito.

    "Muntikan mo na akong mabundol kanina, kaya dapat pakainin mo ko" mahinahong wika nito.

    "Anong koneksyon noon sa muntikang ko nang pagkabundol sayo?" hasik niya rito.

    "Nagugutom kasi ako kanina kaya patawid ako papunta sa kabilang kalye, para pumunta sa isang fastfood, dahil sa'yo hindi na ako nakakain sa gusto kong kainan kaya dapat pakainin mo ako." anito, habang nakatigin sa mukha ng dalaga.

    "So, kasalanan ko kung bakit hindi ka nakakain? grabe. Ikaw na nga itong tatanga-tanga na biglang tumatawid nang green light, tapos..." hindi na niya natuloy ang kaniyang sasabihin nang bigla siyang halikan nito sa mga labi. 

      Hindi kaagad nakakibo si Rui dahil sa pagkabigla. Hindi rin niya malaman kung bakit, nang gumalaw ang mga labi nito, ay kusang tumugon ang mga labi niya. 

     "Hell no!, what am i doing? anong nangyayari sa akin?" Wika niya sa sarili. nang maramdaman niyang gumagapang na ang mga kamay nito sa kanyang katawan kaya agad niya itong itinulak at matalim niya itong tinitigan.

      "Im sorry, hindi ko lang napigilan. I can't resist on those red lips of yours." Wika nito.

Kaya mabilis itong bumaba ng kanyang sasakyan at naglakad na palayo, habang naiwan naman si Rui na sinusundan ng tingin ang palayong binata. 

"WHAT was just happen?" wika ni maynard sa sarili. Habang naglalakad pabalik sa sariling sasakyan. Nang makasakay ay yumuko siya sa manibela habang iniisip ang nangyari. "Those lips, para akong namagnet. Ano ba ang nangyayari sa akin. Babae lang siya bakit ako nagkakaganito?" tanong niya sa sarili, at sinabunutan niya ang kanyang buhok. 

      Nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Agad niya itong sinagot nang makita kung sino ang tumatawag.

      "Hello sir," sagot niya.

      "Did you got any information?" tanong nang nasa kabilang linya. 

      "Sorry sir, nothing for now." Hingi niya ng paumanhin.

      "That's a first, ngayon lang nangyari na hindi ka kaagad nakakalap nang impormasyon tungkol sa pinatatrabaho ko Mr. Guttierez." anito, 

     “Sorry sir, it wont happen again. I promise i will give you all the information you need sir." paliwanag niya.

     "As you said. I'll wait for it till the next day. I'll call you again bye." At agad na nawala ang kausap.

     "Dammit! hindi na dapat maulit ang nangyari, trabaho muna bago ang ibang bagay." Kaya agad niyang binuhay ang makina nang kanyang sasakyan at mabilis niya itong pinaharurot.

      "THAT PERVERT! " basta na lang niya akong hinalikan." Gigil na pinupunasan ni Rui nang tissue ang mga labi. 

       "Ang siraulong iyon anong tingin niya sa akin! Argh!" galit na galit na wika ni Rui. "May araw din sa akin ang lalaki na iyon. Mayabang na, manyakis pa, nakakainis ano ba iyan pakiramdam ko nakadikit pa din yung labi niya sa labi ko." Panay ang kudkod niya sa mga labi niya, pero habang pinupunasan niya bumabalik sa isip niya ang paraan nang paghalik nito sa kanya.  

Nang mapatingin siya sa salamin ay nakita niyang namumula ang kanyang mukha.

     "No this can't be" wika niya sa sarili nang makitang namumula ang kanyang mga pisngi. "Shit, im dead!" 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status