Share

Chapter 2

                                        

    "MAYNARD, kamusta ang ipinagagawa ko sa'yo?." Tanong sa kanya ni Don Ronaldo Leviste sa binatang Attorney,  

    "Sir, malinis ang record nitong si Mark San Andres, sa abroad na nakatira ang mga magulang niya, nagpaiwan siya dito sa pilipinas, dahil mas nais nitong makapagtapos nang pag-aaral dito bilang pulis. Nagtapos din siya bilang BS Psycologist in Polytechnic University of the Philippines. Matalino ang taong ito. Ilang courses din ang kinuha niya na related sa kanyang pagpupulis. At may dalawa siyang matalik na kaibigan, si Ms. Glaze Dela Torre, isang executive secretary. at ang anak niyo na si Joan. Ilang taon matapos nitong maka-graduate at makapasok sa serbisyo bilang pulis, Nagtayo ito nang isang buisness. Isang Security Agency, at hindi ito basta security agency. He secretly build something na hindi mo aakalaing mayroon sila doon." Wika nito, at nagpalakad-lakad ito habang sinasabi sa Don ang lahat nang impormasyo na kanyang nakalap.

    

    "And believed me Don Ronaldo, He only trained four women. Can you believed that? They are fully trained in all aspect, Combat, Self defence, Gun Shooting, It looks like they've been trained for something." bakas sa mukha ni Don Ronaldo ang paghanga, Habang ipinapakita sa kanya ang lahat nang files tungkol kay Mark San Andres At sa apat na larawan ng babae. Mababakas din ang paghanga sa mukha nito.

    "Ano ba ang iniisip nitong si Mark San Andres, At nag sanay siya nang mga ganitong agents." wika ni Don Ronaldo. saglit itong tumahimik at nag-isip. Maya-maya'y tumayo ito at nagwika, "I have an idea, tutal i fired Joan's last Bodyguard, Why dont we go to Mark. Humingi tayo nang tulong sa kanya. kailangan ko na nang bagong magbabantay sa anak ko. Alam mo naman ang sitwasyon natin ngayon.  

    "Very well, Sir. Bukas po ba tayo pupunta?" tanong ni Maynard,

    "Now!, I don't want to waste time." At naglakad na ito palabas nang study room kasunod si Maynard.

    

    Nakarating sila kung saan ang Agency na sinasabi ni Maynard. Nakita niyang parang walang espesyal sa Agency na nasa harap nila ngayon.

    "Maynard, Are you sure this is the right Agency that we are looking for?" tanong nang Don kay Maynard.

    "Yes Sir, this is the place." at iniligid ni maynard ang ang paningin sa paligid. "Walang kakaiba, mukhang normal na Agency lang." Nang may nahagip ang kanyang paningin. Ang babae na ilang araw nang gumugulo sa kanyang isipan. 

    

    

    "RUI, aalis ako, may mga kailangan lang akong asikasuhin, ikaw na muna ang bahala dito sa opisina, parating na din sila Scarlett at Jade. Sabihin mo yung mga ibinilin ko. Kailangan na nang mga kliyente natin ang mga impormasyon na dala nila. at si case, naroon sa Hide out, Ano man ang mangyari, Alam niyo na ang gagawin." Bilin ni Mark kay Rui.

    "Yes, boss!" At sumaludo pa ito. Natawa lang si mark kay Rui at ganoon din ito. 

    pagka-alis ni Mark, Agad na tumawag si Rui kay Case.

    "Hey girl, Can you back me up here, alam mo naman na ayokong nai-stock dito sa opisina. 

    "I know nakita ko si boss na umalis, saan daw ang punta? "

    "I don't know, kilala mo naman si boss, may mga sariling lakad yun. hindi natin siya pwedeng paki-alaman. And your so unbelievable, Case. putting cameras on Boss Mark's office? pagnalaman ni boss na naglagay ka dito sa office niya, Lagot ka sa kanya!" Saad niya sa kaibigan.

    "Yeah, okay! It's a security purposes. sige, hintayin mo na lang ako diyan, Just give me twenty minutes."

    "Mabagal ka pa din, kaya kong pumunta dyan sa H.O in ten minutes." pagmamalaki nito sa kaibigan. natawa lang si case sa sinabi niya.

    "Sa ating apat, alam naming ikaw ang pinakamagaling pagdating sa pagmamaneho. Sige na aalis na ako. Just wait me there." and the call ended. 

    Wala pang dalawampung minuto ay nakarating na kaagad si case sa opisina. 

    "Impressive!, nakarating ka nang wala pang twenty minutes." at tumayo na ito sa  sofa kung saan ito nakaupo. "Ikaw na bahala dito, hindi ko talaga kaya ang nandito lang sa opisina. tawagan mo ko kung ano man ang mangyari." 

    "Sige ako na ang bahala dito, " Nakangiting wika ni Case.

    "Yeah, right" at lumabas na siya nang opisina.    

    

     PALABAS na nang building si Rui, nang bigla siyang natigilan. kahit malayo ay kilalang-kilala niya ang bultong iyon. 

    "What the fuck is he doing here?" Nang makita niyang napatingin ito sa kanya, Nagmamadali siyang bumalik sa loob nang opisina. Nagulat pa si case sa pagpasok niya. 

    "Akala ko ba aalis ka, Bakit napabalik ka? Tanong nito sa kanya.

    "Mamaya na ko aalis, may masamang espirito sa labas!." Wika niya habang papalapit sa sofa. Agad itong naupo at isinandal ang likod sa upuan at napapikit. Alam niyang nakatingin sa kanya ang kaibigan. kaya tumingin siya rito. "what?" tanong niya. Natatawa na lang si case sa sinabi ni Rui. 

    "Para ka kasing bata, Anong espirito? Ikaw yata ang sinapian nang masamang espirito!" natatawang wika nito sa kanya. 

    "shut up just let me be” Galit na wika niya kay case. “Ang buwiset na lalaking iyon ano ba kasi ang ginagawa dito?." 

    "Sino ba kasi ang pinagtataguan mo?. Ohh, wait! Don't tell me lalaki yan?!" Excited na tanong nito sa kanya.   

    "Shut up, Case! ayoko talaga s'yang makita. Naba-bad trip ako sa pagmumukha niya." 

    "Fine!, hide whenever you want." tatawa-tawa lang si Case kay Rui.

   Habang naka-upo sa sofa, iniisip niya kung baket naroon si Maynard.

    "At sino naman ang kasama niyang matandang lalaki? Hindi kaya tatay niya yun?" Tanong niya sa sarili.

Ilang minuto na ang nakakalipas, May narinig silang katok sa pinto. Agad na tumayo si Case upang tignan kung sino ang nasa pintuan. Ngunit bago niya binuksan ay inihanda muna niya ang baril na nakalagay sa kanyang likuran. 

    Isang katok pa ang narinig at binuksan na ni Case ang pinto. Nakita niyang dalawang lalaki ang nakatayo doon. Isang matanda ngunit may taglay pa din itong kakisigan at karisma. At isang binata na tila nasa twenties pa lang or mid thirties na ang edad. Guwapo, Matangkad, amber eyes, At walang babae na hindi mapapatingin sa kanya. "Yes, Is there anything i can do?" tanong ni Case.

    "Good day!, May i ask. Is this the office of Mr. Mark San Andres?" tanong ni Maynard.

    "Yes, Do you have an appointment, Sir?" Magalang na tanong ni Case.

    "Actually wala. Hindi namin alam na kailangan pa. But can we just talk to him personally, Is he there?" wika ni Maynard

    "As of now, he's not here. he has an Important thing to do at mukhang mamaya pa po ang dating niya." sagot ni Case

    "Sige Iha, Paki sabi na lang na pumunta kami dito. Tell him, Don Ronaldo Leviste needed his help. He knows who i am, Pumunta siya sa bahay asap." saad nang matanda kay Case.

    " Okay sir,  Noted po." magalang na wika ni Case. 

    "Salamat Hija." At naglakad na ang mga ito palayo.

    Nang makita ni Case na malayo na ang dalawa. Isinara na niya ang pinto nang opisina. 

    "Wala na sila? tanong ni rui sa kaibigan.

    "Sino ba doon ang tinataguan mo yung oldies o yung gwapong lalaki?" pabirong wika ni Case kay Rui.

    "None of your buisness, Mabuti na lang at hindi ako nakitang pumasok dito." at sabay hinga nang malalim. Nakita niyang nakatingin sa kanya ang kaibigan. "Why?, Marumi ba mukha ko?"

    "Alam mo Ru, Kahit magtago ka nang magtago ka, kapag ang tadhana na ang gumawa nang paraan, magkikita pa din kayo." wika ni Case kay Rui.

    "Iyan na naman tayo sa mga kasabihan mo Case. Alam mong hindi ako naniniwala diyan sa mga sinasabi mo." Inis niyang wika sa kaibigan.

    "Huwag kang maniwala, Its up to you. Well, wala na naman sila puwede ka nang umalis para naman masolo ko na dito." At bumaik si Case sa pagkakaupo sa sofa kung saan naka upo din si Rui.

    "Just give me five minutes, Baka mamaya nasa labas pa iyon at hindi pa nakaka alis."

    "Ikaw ang bahala." Wika ni Case habang nagtitipa sa kanyang laptop.

    Isinandal ni Rui ang likod sa sofa at pumikit. Nang biglang nag-flash back sa isip niya ang nakaraang nangyari sa kanila ni Maynard, Pati ang itsura nito kanina nang makita niya ito sa labas nang building.

    "He's so handsome today" Nang mapatigil siya. "Fuck wait!, Bakit ko nasabi iyon, no, no, no!" wika niya sa sarili. Kaya tumayo na siya at naglakad na palabas nang opisina. 

    "Aalis ka na?" tanong ni Case sa kanya. 

    "Yeah, ikaw na ang bahala dito." At sabay sara nang pinto.

    

    

     MALALIM ang kanyang iniisip nang may biglang yumakap sa kanyang matipunong bisig. Ngunit hindi takot o kaba ang naramdaman niya, nang nilingon niya ito, isang matamis na ngiti ang sumalubong sa kanya.

    "A-anong?" Pautal niyang sambit.

    "Miss me?" wika nito.

    "Bitawan mo ako." Utos niya rito. Maaari naman niya itong itulak, ngunit bakit hindi niya magawa. 

    "I can't." Sagot nito sa kanya

    "Why?" Balik tanong niya.

    "Kasi nakayakap, Paano kita bibitawan kung nakayakap ka din sa akin." 

    Nakatingin lang sila sa isa't isa nang mabilis na inilapat ni Maynard ang kanyang mga labi sa kanya. Aminado si Rui na hinanap-hanap niya ang mga halik na iyon. Nararamdaman niyang lumalalim na ang halik nito, Kaya bigla na naman niyang itinulak ito,  At mabilis na tumakbo palayo rito. hindi na niya ito narinig na tawagin siya, Ngunit isang text message ang kanyang natanggap mula rito. 

    "I miss you, Sorry if i kiss you again. It will never gonna happen." Iyon lang at agad niyang binura ang text message nito. 

    Ang totoo, ang lakas nang kabog nang kanyang dibdib, Trinaydor na naman siya nang kanya katawan. "nagawa na naman tuloy akong manyakin nang lalaking yon!" wika niya habang sapo ang kanyang dibdib. Pumikit siya saglit at huminga nang malalim, upang maibalik sa normal ang pagtibok nang kanyang puso. 

    "Hindi na dapat mangyari ito, kailangan ko talaga siyang iwasan. Hindi ko na hahayang makalapit pa siya sa akin." at agad siyang sumakay sa kanyang sasakyan at mabilis niya itong pinaandar. 

    habang nagmamaneho ay pumapasok pa din sa isip iya ang nangyari kanina. 

    "This can be happening to me, ang mayabang na iyon!, Ano ba ang ginawa niya sa akin at nagkakaganito ako, Ayoko nang ganito, Ayoko!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status