Share

Chapter 2

Penulis: LadyAva16
last update Terakhir Diperbarui: 2024-11-05 19:54:41

"Ay bet ko yun, ang talino mo Luningning! Hindi ako nagkakamaling maging bff ka!" 

Sa lakas ng hampasan nila, sigurado akong malalamog ang mga braso ng mga ito mamaya. Pwede namang magtawanan lang bakit kailangan pang maghampasan?

Ang weird lang tingnan na kahit parang nagkakasakitan na silang tatlo, tawang-tawa pa rin ang mga ito. Meron palang ganun? Pwede pala ang ganun?

"Ikaw naman Milagring, anong kaya mong gawin 'pag nangyari yun?" Tanong ni Mariposa.

 Nag-isip pa si Milagring pagkatapos pilya itong ngumiti.  "Hindi mangyayari sa akin yun Mariposa dahil yung forever ko mismo ang pipigil. Alam niyo naman ako, palaban ako. Kaya kong gawin lahat, kaya kung lunukin yung mga hindi dapat nilulunok." 

Gago! Ano daw? 

Nanlaki ang mga mata kong nakatingin sa kanila. Parang nagloading ang utak ko saglit. Tama ba ang narinig ko. Si Milagring pa talagaa ng nagsabi nun? Hindi naman ako inosente sa mga ganung bagay dahil dito sa lansangan kung ano-ano ang mga nakikita namin. Pero hindi pa rin tama dahil sobrang bata pa nila. 

Nagtatawanan silang tatlo, naghahampasan at naghihilahan pa ng buhok. 

"Saan mo natutunan yun Milagring."Seryosong tanong ko. Nagtatakang tumingin ang mga ito sa akin pero kapagkway lumawak ang ngiti nilang tatlo. Makahulugan pa itong nagkatinginan.

"Ang alin Ate?" Inosente nitong tanong. 

"Yung huling sinabi mo." Nanatiling seryoso ang mukha ko at lalong kumunot ang noo ko ng sabay na nagtawanan ang tatlo.

"Hala! Si Ate Chichay, dirty minded. Buto ng santol ang tinutukoy ko ate. Ang hirap kaya lunukin nun. Nung minsang nilunok ko yun, kung di pa ako nadala ni Mariposa at Luningning sa ospital siguradong tigok na ako ngayon. Bakit ate ano ba ang nasa isip mo?" Ako naman ngayon ang hindi nakasagot. 

"Ikaw ate ha. Kung ano-ano yang pumapasok sa utak mo. Bawal pa kami sa mga ganun ate. Saka na 'pag nahanap na naming tatlo ang mga forever namin na mag-aahon sa amin dito sa lansangan."

"Yung blue ang mata,  gwapo, maginoo pero medyo bastos at nambabalibag." Si Milagring.

"Na haciendero at may-ari ng kumpanya." Si Mariposa.

Saka nagkulitan ulit silaNG tatlo. Naiiling nalang akong tumingin sa kanila bago binalik ang tingin sa gitara ko.

Walang ganyan sa totoong buhay, sa palabas at pocketbooks lang ang mga yan. Dito sa mundo ng mga tao ang mayayaman ay para lang sa mayayaman at ang mga mahihirap ay para lang sa mga mahihirap. 

There's no such thing like that. It only exist in fairytales.

Binalik ko ang atensyon sa paggigitara. Ito lang ang nakakapagpawala ng pagod ko buong maghapon. Kapag hawak ko ang gitara ko pakiramdam ko ayos na ang lahat. Itong gitara na regalo ng tatay ko at  ang bracelet na regalo sa akin ni ate ang dalawang bagay na hindi pweden mawala sa akin. 

"Ate Chichay, may crush ka na?" Kapagkway tanong ulit ni Mariposa.

Sa edad kong ito normal lang na magkaroon ng crush pero hindi ko alam kung may kakayahan ba akong makadama ng ganun. Itong puso ko pakiramdam ko parte lang sya ng katawan ko, tumitibok at tumutulong sa pagpump ng dugo pero maliban dun wala na akong maisip na ibang silbi nito. 

"Alam mo ate kanina may nakita kaming gwapo. Kamukhang-kamukha nung dinedescribe naming tatlo, gulat nga kami eh. Akala namin cover yun ng magazine na biglang nagkatawang tao."

"Yung mata niya Ate Chichay kulay blue.  Mahaba at makapal ang pilik mata, matangos ang ilong, mapula  ang mga labi. Para syang artista sa kagwapohan nya Ate. Alam mo yung sa mga telenobela? Yung mga nakasakay sa kabayo? Ganun yung mukha niya Ate."

"Sa palagay ko mayaman yun, ang gara  nung sasakyan eh. Kulay itim na bukas ang atip. Astig!"

Natigilan ako pero hindi ko pinahalata sa kanila. Ayokong magpahalata na ang lalaking sinasabi nila ay yung lalaking nagasgas ko ang sasakyan at nasira  ang side mirror kanina. At kaya nagawi yun dito dahil hinahanap ako. 

Talagang tinotoo nya ang sinabi niya sa aking hahanapin niya ako. Ang kapal ng pagmumukha nyang hanapin ako, eh, sya ang may kasalanan sa akin. 

Sa susunod na magkita kami ulit baka hindi lang yun ang aabutin niya. Wag niya lang talaga akong subukan at baka yung utak nya na ang kumalat. 

No! I didn't say that. You're not like that Chiara. You're not a criminal.

"Kaso mukhang masungit Ate. Tinitingnan lang ang sasakyan nagagalet agad. Buti nga sa kanya nagasgasan yung sasakyan nya."

Talagang masungit. Sobrang sungit na akala niya sya lang ang may karapatan dito sa mundo. Ang yabang pa na akala mo kung sinong kagwapohan! 

Pwe!

Hindi ko naman sinadyang banggain sya. Tsaka kasalanan niya nakita nyang papalapit ako binuksan nya pa ang sasakyan niya. Ang kapal ng mukha! Singkapal na kilay niya. 

Gurang na Dragon! Bwesit! 

Hindi ko kasalanan kung bakit natapon sa kanya ang isang baldeng bagoong!

OO ISANG BALDE NA PUNO NG BAGOONG!

"What the fuck, kid?!" Parang kulog sa lakas na dumagundong  ang boses ng isang lalaki habang nakatingin sa damit nyang basang-basa ng  bagoong.

"What the hell did you do?" Mula sa kahalati ng mukha nya hanggang bandang leeg  tumutulo ang bagoong na natapon ko sa kanya. 

 Lahat ng tao ay napatingin sa amin. Ang iba napapatakip na sa kanilang ilong dahil umaalingasaw ang amoy ng bagoong na nakakalat sa katawan niya at sa kalsada. 

Habang ako ay parang naestatwa sa kinatatyuan ko. Parang nagloading ang utak ko. 

Ang bagoong ko. 

Paano ko ito babayaran ngayon? 

Patay ako kay Aling Arseng. Delivery ko yun ngayong araw.

"Fuck! What the fuck is this stinky shit?" Pinagpag nya ang mga isdang sumabit sa necktie niya. Ang katas ng bagoong ay tumutulo sa suot niyang itim na parang uniporme nung mga nagtatrabaho sa bangko. May dinukot itong panyo sa bulsa at pinahid sa kalahati ng pinsgi nyang natapunan hanggang sa leeg. 

"It's fucking itchy!" sigaw nito ulit. Sa dami ng bagoong na natapon sa kanya kahit pinahid nya na ito gamit ang panyo nya ay parang wala pa rin. Pati ang sasakyan niyang walang atip ay natilamsikan din sa loob. 

Hindi ko sinasadyang maitapon sa kanya ang isang baldeng buhat ko sa aking ulo. Saktong tumapat ako sa sasakyan niya ng walang lingon-tingin niyang binuksan ang pintuan nito. Muntik tumama sa p**e ko ang pintuin niya at sa pag-ilag ko nawalan ako ng balanse dahil may naapakan akong bato.

Kung tutuusin kasalan niya dahil hindi sya nakatingin. Wala sya sa tamang paradahan. Andito sya sa loob ng palengke. Hindi niya ito pagmamay-ari at malayo palang nakita nya ako. Kung hindi man niya ako nakita, dapat nagtingin-tingin sya dahil maraming tao dito.

Paano kung di ako nakailag at natamaan ang p**e ko? Tapos maapetukah ang matris ko, tapos nagka-cancer ako? Edi namatay ako?"

Idiot! What are you thinking, Chiara!?

Ah basta hindi ko kasalanan. Pero ang nangyari, sya pa ang galit! Ang kapal ng mukha. Ako na nga ang naabala nya. Ako pa ang tapada.Limang daan din ang bubunuin ko para mabayaran ang bagoong na yun. Kung sana di niya ako muntik masagi at kung sana nagtingin-tingin muna sya sa paligid bago magbukas ng sasakyan niya hindi ko maitapon ang bagoong sa kanya.

"Pasensya na Boss, hindi ko sinasadya." Sabi ko sa patag na boses. 

"Fuck! Are you stupid ? Have you seen where you are? This is a road. Who the hell in their fucking mind would carry that mud in their head while walking here in the road? Are you crazy!?" Sunod-sunod niyang mura. 

Marahas akong napalunok dahil naintindihan ko lahat ng sinabi nya. 

Chill, Chiara.

"Dumb!" Sigaw niya sa akin at nagsimula na naman itong punasan ang damit nya gamit ang kanyang panyo. 

One. 

"How can I attend my meeting now? Do you know how much money I lose now because of you? Fuck!"

Two. 

" Ang tanga mo kasi! You stupid peoplreonly cause trouble. Dapat sa inyo wag pakalat-kalat dito."

Doon ko na hindi napigilan ang galit ko. Gusto kong bunutin ang ang kutsilyo ko at i*****k sa leeg niya hanggang sa maubos ang dugo niya pero pinigilan ko ang aking sarili.

Sa halip kinuha ko ang baldeng nasira na at tinapon ko ang laman sa loob ng sasakyan niya. Pagtapos pinaghahamapas ko ito sa sasakyan nya. Ang natirang laman ay nagkalat. Yung iba tumilamsik pa sa kanya.

"Fuck! Stop! My car, Fuck!" sigaw niya sa akin pero hindi ko siya pinakinggan. Nanginginig ang laman ko sa galit. 

"Ang kapal ng mukha mong murahain ako. Wala kang karapatan insultuhin ako! Hindi ikaw ang nagpapakain sa akin!" 

Hinampas ko ng hinampas ang balde sa sasakyan nya hanggang sa masira ito.Binuhos ko doon lahat ng galit ko. Hindi pa ako nakuntento. Inikot ko ang side mirror niya at yun naman ang pinagbuntunan ko ng galit. 

Nang matanggal ko ang salamin,hinampas ko ito sa hood nya. Hindi ako tumigil nang hindi ko makitang masira ito. Pagkapatos ang matulis na parte ng basag na salamin ay pinanggasgas ko sa sasakyan nya. Nanginginig ang buong katawan ko pagkatapos kong gawin yun. 

Binalingan ko sya. "Ngayon? Sino sa atin ang tanga!?" Sigaw ko sa kanya. Parang gustong lumabas ng puso ko sa sobrang galit. 

"Ikaw ang bobo! Ikaw ang tanga! Pakyu mo rin!" Tinapon ko pa ang basag na salamin sa kanya pero nakailag ito. "Wala ka sa paradahan! Hindi mo pagmamay-ari ang palengkeng ito kaya wag ka magyabang!"

Hindi ito nakagalaw sa sobrang gulat niya. Ilang minuto itong nakatingin sa sasakayan niyang puno ng gasgas at nangangamoy bagoong. 

"What did you fucking do to my car?!" Nagngangalit nag mag panga nitong sabi. Ang kulay asul niyang mga mata ay matalim na nakatingin sa akin pero malakas ang loob ko dahil may bonet akong suot. Mata, ilong at bibig ko lang ang nakikita. Sinusuot ko yun kapag sobrang init. 

Kilala na ako dito sa palengke dahil nagbubuhat ako ng kung ano-anong pwede kong e deliver. Kaya kahit magsuot man ako ng bonnet walang sumisita sa akin. 

"Hindi mo ba nakikita?"

"You'll fucking pay for this."

Hah! Pay-hin mo mukha mo! Pero hindi ko napaghandaan ang biglang paglapit nya sa akin. Mahigpit nyang nahawakan ang kamay ko. 

"Bitiwan.mo.ako."  Mahina pero may diing sabi ko sa kanya. Nagkasukatan kami ng tingin. Inaaninag nya ang mukha ko tapos nakita ko ang pag-angat ng isang sulok ng labi nya. 

"Feisty, huh?" 

Tatanggalin nya sana ang bonnet na suot ko pero bago niya pa nagawa yun sinipa ko sya sa harapan at natamaan ang hindi dapat matamaan. Nabitawan niya ako at namilipit ito sa sakit. Sa sa sobrang takot ko, mabilis akong tumakbo palayo sa kanya.

Sinundan nya pa ako pero hindi nya na ako nahabol. "I will find you, kid. I will find you!"

I smirked raising my middle finger at him even if he didn't see me. 

"See you in hell, monster!"  Bulong ko sabay ngiti pero napawi ang ngiti ko nang pagtingin ko sa aking palapulsuhan wala na doon ang kaisa-kaisang alaalang iniwan sa akin ng Ate Jing-jing ko. 

___________________________

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Sandoval Series #2 : A BEAUTIFUL NIGHTMARE    Epilogue Last Part

    "Pandiwa."I saw how Andromeda stopped from making her assignment and shifted her gaze at the three kids. She also looked at me but I pretended that I didn't hear them. I lowered my head acting like I'm busy reading her assignments. Milagring read that word 'pandiwa' from her notebook out loud facing the two other girls, Luningning and Mariposa, whose face were now plastered with a playful grin. Alam kong may kalokohan na namang pumasok sa isipan ng mga batang 'to. Sila yung mga batang hindi nauubusan ng kalokohan. Probably because they grow up in the street. Kung ano-ano ang mga naririnig at nakikita nila sa paligid. But other than being maloko at palabiro, they are the sweetest and very respectful kids.I saw how they treated my baby with so much love and respect. They treated each other like family. They're so adorable and amazing children. Despite the hardships they've been through they never gave up on life.Andromeda and the kids are going to school now and every night after

  • Sandoval Series #2 : A BEAUTIFUL NIGHTMARE    Epilogue Part-2

    "Dragustavo what?" Gaston Pierre exclaimed laughing. The brute saw me already and he smiled even more." Oo dragustavo dahil mukha siyang dragon na pangit."Dragustavo?D-dragustavo what?! Same reaction with my brother when I heard that word clearly coming from her mouth. Seems like she's mad at me but I don't even know her. Sabagay hindi na ako magtataka kung madaming galit sa akin.The fuck he called me? Pangit? This face? "Dragustavong pangit? Si Kuya Gustavo ko?"Gaston repeated looking at me while asking those questions. Really Gaston Pierre are you really confirming in front of me that I am pangit?I'm way more handsome than the five of you combined. You all didn't even made it to one fourth."May iba pa ba? Malamang yung kuya mong dragon! Kulang nalang bugahan ako ng apoy ng kapatid mong pinaglihi ata sa dragon na masama ang loob."What the hell is happening right now? Can someone explain this to me? Did this young miss just called me dragon?What did I do to her? I don't reme

  • Sandoval Series #2 : A BEAUTIFUL NIGHTMARE    Epilogue Part-1

    "Gagi Kuya, seryoso? Nasira daw ang vintage car mo? Sinong gumawa?" I looked at my brother annoyed. Ke aga-aga alam niya na agad ang chismis? Wala bang ibang pinagkakaabalahan ang lalaking 'to? "Bat mo kasi dinala sa palengke Kuya? Anong akala mo nasa BGC ka? Tsaka anong ginagawa mo dun?" Oh about that, I couldn't tell him my reason dahil alam kong di niya ako titigilan sa mga tanong nya. But I was there dahil may nakapagsabi sa aking may lead na daw sila dun sa nawawalang bata nung magsasakang pinatay. Ang batang naging dahilan kung bakit ako nakulong ng anim na buwan. I've been looking for that kid, for a while now. But I am not sure if I can still recognize her face. By now, if I'm not mistaken maybe she's teenager already. Fourteen, fifteen or sixteen perhaps. "What are you doing here Gaston Pierre? Tapos mo na ba ang trabaho mo?" I ask him instead but the spoiled brute just pouted his lips like a kid. Pumunta pa ito sa harapan ko at umupo na akala mo talaga ang laking abala

  • Sandoval Series #2 : A BEAUTIFUL NIGHTMARE    Chapter 49

    Hinayaan ko siyang umiyak at ilabas lahat ng mga nagpapabigat sa puso niya. Kahit sa gAnung paraan man lang maibsan ang sakit na dinadala niya. That night Gustavo slept with a heavy heart. Nakatulugan nito ang pag-iyak habang yakap ako. Nalulungkot ako sa nangyayari sa pamilya nila pero wala naman akong magagawa. Tanging magagawa ko lang ay ang suportahan ang asawa ko. Kinabukasan maaga na naman itong gumising. Balik sa pag-aasikaso sa negosyo nila. It was like a routine for him. But despite his busy schedule he never fails to take care of me. He still finds way to go with me for my check ups. He still wakes up in the middle of the night checking if I am okay and the babies inside my tummy. He knew about my pregnancy already. It was supposed to be a surprised but one time he had a breakdown and I don't know what to do with him anymore. Hindi ko na napigilan ang sarili kong sabihin sa kanya. I gave him something he could look forward to. And I can say that it helped him. May surp

  • Sandoval Series #2 : A BEAUTIFUL NIGHTMARE    Chapter 48

    Once again, another story has reached an end. This is the second installment of my Sandoval Series. 2/7 completed. Thank you so much AVAngers for being with me in Baba and Chichay's journey! Salamat sa iyakan at tawanan, sa mga tampuhan at walang sawang pagsuporta nyo sa akin. Thank you for the votes, comments and for sharing my stories. Most of all, thank you for being patient with me and for not leaving me. I wouldn't reach this far if not all because of you and I will be forever grateful for that. Maraming, maraming salamat sa patuloy na pagmamahal at pagsuporta sa akin. Sana may nakuha kayong aral sa pagmamahalan nina Gustavo at Chiara. See you in my next story. Who do you think? Another series will be posted soon. Labyu all mga Langga! Amping mong tanan sa kanunay. Life is short always choose to be happy. God Bless us all! ________________________________ Sunod-sunod ang mga pagsubok na dumating sa pamilya namin ni Gustavo. Namatay si Lolo Ignacio, ang lolo ni Camilla a

  • Sandoval Series #2 : A BEAUTIFUL NIGHTMARE    Chapter 47

    "Thank you Atty. Gonzales—"I was cut off from thanking our lawyer Atty. Tristan Angelo Gonzales when a soft grip touched my wrist. Pagtingin ko sa may -ari ng kamay na nakahawak sa akin, nasalubong ko ang luhaang mukha ng doktora. Hindi paman ako nakapagsalita nang dahan-dahan nitong binaba ang katawan para lumuhod sa aking harapan. "What are you doing Miss Gatchalian? Stand up.""Chiara..." Lumakas ang pag-iyak nito ang lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Agad naman akong inalalayan ni Gustavo para ilayo sa kanya. "Let's go, Baby." Sabi ni Gustavo sa akin pero hindi ko maalis ang tingin sa babaeng nakaluhod sa harapan ko. "Please G, I just want to ask something. Nakikiusap ako wag muna kayong umalis.""Stand up, Dra. Gatchalian." Mahina kong sabi sa kanya. Ang mga tao sa paligid ay nabaling na ang tingin sa amin. "Your dad admitted to his crimes. If you want to file a petition our lawyer will see you in court."Sunod-sunod itong umiling. Humahagulhol na pero wala akong na

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status