Share

Chapter 4

Author: LadyAva16
last update Last Updated: 2024-11-18 18:20:09

Kahit nanghihina, pinilit kong tumayo at pumasok sa loob ng bahay. Naiwan pa ang lalaki doon para makipag-usap sa mga kapitbahay. Diritso ako sa kusina para uminom ng tubig pero may nakita akong tinakpan na pagkain sa mesa.

Pritong tuyo pero ulo na lang at pritong itlog na kalahati nalang din. May kaunting kanin na matigas na dahil basta na lang tinakpan doon. Hindi na ako nag-inarte pa, tinggal ko lang ang tinik nung tuyo, sinabay ang itlog at kanin at inisang subo ko lahat.

Halos hindi ako makapagsalita dahil sa pagkaing pinasak ko sa aking bibig. Ngayon ko naramdaman na gutom na gutom ako. Hindi ko na maalala kung anong oras ang huling kain ko kanina.

Pagkatapos kong kainin ang pagkaing nasa mesa ay uminom na ako ng tubig. Nagugutom pa ako pero wala ng pagkain.Dinamihan ko nalang ang pag-inom ng tubig. Pagkatapos pumunta na ako sa aking silid.

Magulo at may tuyong dugo pa sa sahig pero hindi ko na ito pinansin. Sinarado ko lang ang sirang pintuan at dumiritso na ako sa kama. Diritso higa. Sa sobrang pagod ko hindi ko na naisipan pang maglinis ng paa.

Kinabukasan, mataas na ang araw nang magising ako. Naalimpungatan pa ako at nagmamadaling bumangon sa kama takot na mapagalitan ni Mama. Nakalimutan kong ako nalang pala mag-isa— maliban dun sa lalaking nagngangalang Ramon.

"Nasa silid niya natutulog. Dumating kaninang madaling araw. Naawa naman ako at walang mapuntahang iba kaya pinatuloy ko na."

Mula sa silid ko narinig kong may kausap ang lalaki. Nilibot ko ang tingin sa aking silid. Ang mga damit na nakakalat ay nakatupi na at wala na rin ang mga marka nung dugo na nakita ko kagabi.

"Anong balak mo ngayon sa bata?" Narinig kong tanong nung kausap nyang lalaki. Sumagot ito pero sa sobrang hina na boses nya hindi ito klaro sa kin.

Tumayo ako at bumaba sa kama pero nagulat ako pagtingin sa mga paa ko dahil pati ito ay malinis na din. Iba na rin ang damit na suot ko.

Sino ang nagpalit sa akin?

"Oh bata gising ka na pala. Selene ba pangalan mo?" Biglang sumilip yung lalaking nagngangalang Ramon.

Hindi ako nakasagot agad sa gulat ko. Mabait naman ang ngiti nya sa akin pero ewan ko bigla akong kinabahan na hindi ko maipaliwanag. O siguro dahil hindi lang ako sanay sa ganito.

"Sinilip kita dito kagabi para tingnan ang kalagayan mo. Nadatnan kitang nanginginig at umiiyak habang tulog. Nakita kong madumi ang mga paa mo kaya pinunasan ko na. Pinalitan ko na rin ang suot mong damit dahil nagdedeliryo ka sa init." Sunod-sunod nyang sabi sa akin. Siguro napansin nya ang pagtataka at takot sa mukha ko.

"Wag kang matakot sa akin. Pagpasensyahan mo na ang mga nasabi ko kagabi. Nadala lang ako ng galit sa Nanay mo. Ramon ang pangalan ko. Pwede mo akong tawaging Uncle Ramon kung gusto mo."

Hindi ako sumagot, nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Humakbang ito palapit sa akin at inabot ang mukha ko.

Napapiksi ako, bigla parang nagsitayuan ang mga balahibo ko. Ewan ko pero bigla akong nakadama ng takot sa uri ng tingin nya sa akin.

"Lintek talaga yung Nanay mo, di man lang naawa sa 'yo." Sabi nya bago pinasadahan ng daliri ang pasa sa aking mukha. Mabait ang pagkakasabi niya doon pero nakadama ako ng takot na hindi ko maipaliwanag." Masakit pa ba?"

Hindi ako sumagot. Siguro naramdaman nya ang pagkailang ko dahil kusa na itong lumayo sa akin.

"May niluto na akong almusal kumain ka na. May gamot din akong binili para sayo, nandun sa mesa. Wag ka munang lumabas ng bahay ngayon at mukhang nanghihina ka pa." Sabi niya sa akin. Hindi niya na rin hinintay ang sagot ko at tuluyan na itong lumabas ng silid.

Lumipas ang mga araw na maayos ang pakikitungo sa akin si Uncle Ramon. Parang anak ang turing nya sa akin. Sa tuwing umuuwi sya galing sa trabaho niya may dala itong pasalubong. Hindi pa rin ako masyadong nakikipag-usap sa kanya pero sya ang madalas na nakikipag-usap sa akin. Tinatanong nya ako kung anong ginagawa ko buong maghapon dito sa bahay.

Hindi kagaya dati na ako ang naghahanap buhay para sa amin ni Mama, ngayon si Uncle Ramon ang bumibili ng pagkain namin. Siya ang nagluluto ng pagkain at sya sya rin ang naglilinis ng bahay. Hindi nya ako pinagtatrabaho. Hindi niya rin ako pinapalabas ng bahay dahil delikado daw para sa mga batang katulad ko.

Kahit papano unti-unti nyang nakuha ang tiwala ko. Madalas na rin kaming nag-uusap. Tinatanong nya ako kung gusto ko bang mag-aral sa susunod na pasukan dahil pag-aaralin nya daw ako.

Binata pa si Uncle Ramon. Wala pa daw syang asawa at anak kaya ako nalang daw muna ang magiging anak nya.

Mabait sya at hindi madamot. Madalas madami syang pera, yung nga lang minsan kung sino-sino lang ang pinapapasok niya dito sa bahay. Lalo na dun sa silid nya. Pero hindi naman nagtatagal mga isa o kalahating oras lang tapos lalabas na din naman.

Minsan natanong ko siya kung sino at anong ginagawa ng mga lalakit dito sa bahay, ang sabi nya binista lang daw sya, nagpahinga saglit kaya dun sa silid niya pumupunta. Wag lang daw akong maingay sa mga kapitbahay.

Tinanong ko din si Uncle Ramon kung saan sya nagtatrabaho sabi niya kung saan daw malaki ang kita. At sabi nya sa akin kapag magaling na ako pwede ko daw syang tulungan sa trabaho niya.

Tinanong ko sya kung anong klaseng tulong ang sabi nya magdedeliver lang daw ako. Ihahatid ko lang daw sa mga suki nya. Magaan lang naman daw. Kailangan lang daw mag-ingat.

Pumayag naman ako sa kanya. Tutal hindi pa naman pasukan ay ayaw nya naman na akong pagtrabahuin sa palengke.

Maliit na pakete na parang asin ang nakita kong binalot ni Uncle Ramon ng panyo, pagkatapos nilagay nya sa isang maliit na bag bago ito nilagay sa backpack na bigay nya sa akin.

"May kaibigan akong naghihintay doon sa labasan. Sa may waiting shed. Itim ang suot nyang damit. Lumapit ka sa kanya at sabihin mong pamangkin kita. Tapos ibigay mo itong bag mo. Hintayin mong ilagay nya ang bayad dito sa bag mo bago ka bumalik dito. Nagkakaintintidhan ba tayo?"

Ang isang utos ay nasundan ng pangalawa, pangatlo hanggang sa nakasanayan ko na. Kung sino-sinong lalaki at babae ang inaabutan ko ng bag na may lamang asin na binebenta ni Uncle Ramon ang aking nakakasalamuha. At sa bawat hatid ko ng binebenta ni Uncle Ramon may katumbas na pera, laruan at masasarap na pagkain.

Naging maalwan ang buhay ko kasama si Uncle Ramon. Nakakain ko na kung ano ang gusto kong pagkain, nabibilhan niya ako ng mga laruan at bagong damit.

Masaya ako, dahil kahit papano hindi na ako nahihirapan. Kahit papano nakaramdaman ako ng pagmamamahal na kailanman hindi ko naranasan.

Pero lahat ng yun ay nagbago. Isang gabi, nagising ako na may humahaplos sa mga binti ko. Pagtingin ko si Uncle Ramon, lasing at iba ang uri ng tingin sa akin.

"Selene...Ang ganda mong bata."

Kahit ang paraan ng pagtawag nya sa akin nakakatakot, nakakapanayo ng balahibo.

"Uncle R-Ramon wag po."

Nanginginig kong pakiusap sa kanya pero ibang tao ang nakikita ko sa kanya. Hindi itong ang Uncle Ramon na kilala ko, yung Uncle Ramon na nakakasama ko sa araw-araw.

Ang lalaking nasa harapan ko ngayon ay iba. Namumula ang mata nito at iba ang tingin sa akin. Parang hindi niya ako kilala.

"Shhh... wag kang maingay. Madali lang 'to, hindi kita sasaktan."

Umakyat ito sa kama. Natatakot akong umatras palayo sa kanya pero maliit lang ang kama ko mabilis nya akong nahawakan.

"Uncle wag po, ako po ito si Selene."

Tumulo na ang luha ko pero ngumisi lang ito sa akin. Yung tipong ng ngisi na nakakatakot. Inabot nya ang paa ko. Sinipa ko ang kamay nya pero mahigpit nyang nahawakan ang binti ko.

"Shhh wag kang matakot, hindi kita sasaktan."

Umiiyak na ako pero parang wala na ito sa isip nya. May nilabas itong kutsilyo At tinutok sa akin.

"U-uncle..."

"Wag kang maingay. Masasaktan ka."

Bumaba ang haplos nya sa katawan ko. Gusto kong sumigaw pero tinakpan nya ang bibig ko ng palad nya.

"Subukan mong sumigaw, sasaksakin kita." Tuluyan ng nag-iba ang anyo nito. Nakakatakot.

Bumaba ang ulo nya sa mukha ko. Inamoy nya ako pagkatapos hinalikan. Naramdaman ko ang dila niya, nagsimula itong dilaan ako.

Parang namanhid ang buong katawan ko.

"W-wag p-po...parang awa niyo na..." pagmamakaawa ko pero parang wala itong narinig. Paruloy ito sa pambababoy nya sa akin. Diring-diri ako.

Bumaba ang kamay nya sa aking short at akmang huhubarin niya ito pero bago niya pa ito nagawa, sa natitirang lakas ko buong lakas ko siyang tinadyakan sa harapan nya. Sapul ang kanyang pagkalalaki.

Hindi nya napaghandaan ang ginawa ko kaya nabitawan nya ang kutsilyo. Namilipit ito sa sakit.

Dadamputin niya sana ang kutsilyo pero mabilis ko itong nakuha. Lumapit sya sa akin, pumikit ako at hindi ko na alam ang sunod na nangyari.

Sa sobrang bilis ng mga pangyayari hindi ko alam kung anong nagawa ko. Ang sunod ko lang nakita ay ang duguang kong mga kamay.

Pagtingin ko kay Uncle Ramon, nakahandusay na ito sa kama, duguan at hindi na gumagalaw.

——————————————————

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Sandoval Series #3 : Beneath the Moonlight Caleb Lexus Sando   Epilogue Final Part

    "Nagmamadali silang umalis ni Chiara. Tinanong ko kung saan pupunta pero di naman ako sinasagot. Umalis kasama si Chiara? Wala syang nabanggit sa akin naalis sya kagabi. Saan sya pupunta?"Baka nagpunta lang sa bahay nina Kuya Gustavo. Si Chiara naman kasama ayos lang." I tried acting cool but deep inside I'm already panicking. At sa totoo lang sa mga oras na 'to gusto ko nang umiyak. "Waay ah! Naglakat gid. Damo dala gamit, upod niya si Wyatt. Nag-awa kamo haw?" [Hindi ah! Umalis talaga. Madaming dalang gamit sinama pa si Wyatt. Nag-away ba kayo kagabi?I look at my brother again confused. He's wearing a formal suit. Mukhang may dadaluhang importanteng pagtitipon. Pero wala na akong pakialam kung saan sya pupunta. Ang gusto kong malaman ngayon ay kung nasaan na ang asawa ko."Bakit daw sila umalis? Sumakit ba ang tiyan niya? Manganganak na ba sya? Bat di ako ginising."Tumingin ako sa labas madilim na. Anong oras na ba? Bakit ang tagal kong nakatulog?Sobrang lakas na ng kaba ng d

  • Sandoval Series #3 : Beneath the Moonlight Caleb Lexus Sando   Epilogue - Part 2

    "Kuya pwede ba akong magsleep over sa penthouse mo? Umangat ang tingin ko mula sa binabasa kong papeles dahil sa tanong ni Cairo. Pero hindi paman ako nakasagot sa tanong niya may tanong ito ulit. "Nga pala bakit mo pinalitan ng passcode mo? Pumunta ako sa penthouse mo nung isang araw pero hindi ako nakapasok. Error na yung dating passcode na binigay mo sa akin. May tinatago ka ba?"Tumaas ang isang kilay ko sa kanya. "Ano naman ang itatago ko?""Kasi dati naman hindi ka nagpapalit ng passcode eh pero simula nung—""Nung?" Lalo kong sinungitan ang mukha ko. May sariling unit kaming tatlo, binilhan kami ni Lola Asunta kaya nagtataka ako kung bakit ngayon gusto nitong makitulog sa unit ko. "Never mind. Next time na lang."Good. I acted like I'm not hiding anything pero ang totoo meron talaga. At kaya ko pinalitan ang passcode ko para walang ibang pwedeng makapunta sa penthouse ko maliban sa akin at kay Selene. Are you surprised?Yes, you read it right. Selene and I, are friends now

  • Sandoval Series #3 : Beneath the Moonlight Caleb Lexus Sando   Epilogue- Part 1

    Caleb's POV"Kuya where are you?"One. "Kuya what time are you coming?"Two."Kuya si Princess niaaway ako. Ako daw pinakapangit sa ating lahat. Diba si Hunter yun, Kuya? Pagalitan mo nga si Cooper please?"Three."Kuya ang gwapo ko daw sabi nung nurse. Sabi ko sa kanya 'I know'. Maliit na bagay lang Kuya diba? Hindi ka makakarelate noh kasi second ka lang sa akin?"Four."Kuya did you buy the bread?"Five."Kuya!!!"Six. "Gamay ka pitoy!"Seven."Pangit kabonding ah waay ga reply! Wala ka load? Pasaload gusto mo?"I don't know when he'll gonna stop bombarding my inbox with his nonsense text messages. It's the nth time I received messages from my twin brother, Cairo Ford. Hindi ko alam kung anong trip niya ngayon. Kanina nya pa ako pinapadalhan ng mensahe na puro kalokohan lang. Hindi ko sinasagot ang mga mensahe niya sa akin dahil nasa meeting ako kanina at heto nga hindi na nakatiis, tumatawag na.Cairo DPG calling... DPG stands for 'Dako Pit*y Gwapo'. The fuck yeah? Sya ang nagr

  • Sandoval Series #3 : Beneath the Moonlight Caleb Lexus Sando   Chapter 47

    The saddest part. Finally another story has come to an end. We're in the last chapter of Sandoval Series 3: Beneath the Moon! Maraming salamat sa pagsama niyo sa akin, sa iyakan, tampuhan kiligan, condo tour, house tour at hacienda tour ni Lexus at Ningning!Sana may natutunan kayong aral sa kwentong pag-ibig nina Caleb Lexus at Mary Selene. Daghang Salamat sa inyong tanan!'Til my next story. Amping ta!_________________________________Forgiveness. It takes a lot of grace and courage to forgive the person who has wronged you but forgiving that person is not only freeing them but more so of yourself, from the pain, from the trauma, from all the emotional betrayal they caused. The deep cuts that go along with being hurt by someone else, emotionally or physically is so traumatizing. That it may take years to heal, to recover, to forget and to move forward. In my case, that someone else is my mother. It's an unimaginably hard task to choose to let go of past hurts and begin to heal

  • Sandoval Series #3 : Beneath the Moonlight Caleb Lexus Sando   Chapter 46

    Weeks passed and the hacienda tour went very well. Araw-araw sagana sa kain ang monay ko. Plus may extra cleaning at massage pa with hot bath and dilig every after kainan. Talagang maganda ang pagkaka-bake sa monay. Sakto lang ang pag-alsa at paghalo.Tinotoo ni Caleb ang sinabi nitong hindi niya ako titigalan at babawiin nya ang mga taong nagkalayo kaming dalawa. Umuuwi pa nga ito mula sa trabaho para lang kumain ng monay ko. Meryenda forda gow!Araw-araw na din kasi siyang kinukulit ni Wyatt tungkol sa mga kapatid niya. Kung bakit hanggang ngayon wala pa rin. The pressure is on for both of us. Naiinggit na ang anak namin sa mga pinsan niyang maraming kapatid. Si Kuya Gustavo at Ate Chichay may kambal na, si Hera at Athena, nasundan din agad ng isang lalaki si Brooks na apat na taong gulang na at kabuwanan na rin ni Ate Chichay ngayon sa kambal ulit. Si Kuya Gaston at Ate Camilla naman ay meron ng Castor at Pollux tapos buntis na naman ngayon si Ate Cam at kambal din. "Baka kasi

  • Sandoval Series #3 : Beneath the Moonlight Caleb Lexus Sando   Chapter 45

    "Diin na ang utod ko Daddy? Hambal mo gab-i buhatan mo ko. Ngaa waay pa?" [Saan na po ang kapatid ko Daddy? Sabi mo po sa akin kagabi gagawan mo po ako. Bakit wala pa?]Nagising ako dahil sa nauulinigan kong usapan ng mag-ama ko mula sa balcony. Si Wyatt buhat ni Caleb nakalaylay ang ulo sa balikat at marahang sinasayaw-sayaw ng ama nya. Ang gandang bungad para sa umaga. Parang may humaplos sa puso ko. Isang tingin palang sa mag-ama ko kita mo na talaga kung gaano ka-close silang dalawa at kung gaano ka hands-on si Caleb kay Wyatt.This is the sight I've been dreaming of. Yung paggising ko sa umaga makikita ko agad ang mag-ama ko. Medyo nahuli lang ako ng gising ngayon dahil ang tagal naming natapos ni Caleb kagabi. At kaninang madaling araw naman umisa pa ito ulit sa akin. Sinulit niya talaga ang unang gabi naming dalawa. Mabuti na nga lang at hindi nagising si Wyatt. "Gusto ko Daddy damo-damo gid ah. Tapos dalian mo man." Hindi muna ako bumangon, pinanood ko muna ang mag-ama ko.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status