Share

Chapter 3

Author: LadyAva16
last update Huling Na-update: 2024-04-23 15:29:50

"Sky hindi ka pa ba matutulog?"

Tumigil ako saglit sa pag-aayos ng mga dadalhin ko bukas sa school na mga projects at assignments ng mga nagpagawa sa akin. Bukod kasi sa pagtitinda ng kung ano-anong sa school kailangan ko pang maghanap ng ibang pwede kong pagkakitaan.

Hindi sapat ang perang kinikita namin sa maliit naming kainan sa mga pang araw-araw namin na pangangailangan. Dahil bukod sa pagkain kailangan pa naming bumili ng maintainance ni Lola.

Mabuti na nga lang at nagbigay daan sa akin so Lotlot at ako muna ang nagpatuloy sa pag-aaral dahil kung dalawa kami baka mas mahirap pa. Ang mahal na rin kasi ng mga bilihin ngayon. Halos lahat ata bawat linggo nagmahal, ako na lang ang hindi. Char!

"Matutulog na ako pagkatapos nito. Kailangan ko lang ma-double check kung kumpleto ba lahat ng mga dadalhin ko bukas. Alam mo na kailangan natin ng pera pandagdag sa pambili natin ng gamot ni Lola."

Ngayong college na ako ang paggawa naman ng mga projects at assignments ng mga kaklase at kakilala ko ang pinagkakakitaan ko. Madami kasing mga anak mayaman na tamad gumawa ng mga projects nila pero gustong makapagtapos. And since masipag naman ak at tama lang ang presyuhan, go ako.

Bukas nga may collectible akong one thousand eight hundred. Tatlong tig pa-five hundred para sa projects nung mga kaklase kong tourism students at dalawang tig one fifty naman para sa research nun mga kaklase ko sa Filipino. Ang perang kikitain ko bukas ay sapat para sa pang dalawahang linggong gamot ni Lola. Sa susunod na araw ko na lang din iisipin kung saan naman ako kukuha ng pambili para sa mga susunod pang linggo.

"Ikaw, bakit gising ka pa?"

Kanina ko pa napapansin na busy ito sa cellphone niya.

"Ka-chat ko si Buboy." Aniya tapos matamis itong ngumiti, kinikilig.

Tinapos ko ang pagligpit ng mga gamit ko saka ako lumapit sa kanya.

"Anong balita? Kayo na ba?"

"Hoy hindi ah. Hindi ko pa sinasagot yun. Magkaibigan pa lang kami." Tanggi niya pero kita ko naman ang kilig sa mga mata niya.

Hindi sinasagot pero gabi-gabing ka text at kachikahan, ano yun landian as a friend? Ito talagang pinsan ko pa-showbiz palagi ang sagot.

Speaking of Kuya Buboy gusto kong itanong kung anong nangyari sa Senyorito niya. Gusto ko din kasing ibalik yung card na naiwan niya dito. At syempre gust ko din singilin yung five hundred na pinan-load ko sa kanya.

"Anong balita dun sa masungit niyang amo na may utang sa aking five hundred?"

Kung hindi ako babayaran ng ungas na yun mag-aabono na naman ako para sa load. Magkano lang yung pinapatong ko nalugi pa ako. Akala ko pa naman tiba-tiba na ako.

Gwapo nga pero di naman nagbabayad. Anong gagawin ko sa card niya? I*****k sa baga ko? Hindi niya ba alam na hindi uso dito sa probinsya ang card na yan? Alam niyang magpapaload siya pero wala siyang dalang cash? Kautas siya ah! Kahit gwapo siya ayoko nang nalulugi ang negosyo ko. Ang laking halaga din nung five hundred pero sana mas pinahalagahan niya ako. Char ulit!

"Akala ko ba crush mo yun?" May halong panunuksong tanong ni Lotlot sa akin pero umismid ako. Oo nga crush ko yun pero five hundred ang pinag-uusapan dito. Hindi ko yun hiningi.

"Akala ko libre nalang yung load?"

"Libre? Sinong may sabing libre? May puhunan yun. Hindi pwedeng libre. Yung overload lang ang libre pambawi ko sa kanya pero yung load hindi. Crush na kong crush pero ibang usapan pagdating sa negosyo. Hindi ako pwedeng malugi dahil madami tayong bayarin. Sabihin mo kay Kuya Buboy na sinisingil ko ang utang nung amo niya sa akin. Walang gwapo gwapo, walang pogi pogi pagdating sa business. Wag niya akong takbuhan dahil kahit saan siya magpunta hahabulin ko siya."

"Kahit sa Amerika?"

"Oo, kahit sa Amerika o saang lupalop pa yan ng mundo! Hmp!"

Baka nagkukunwari lang ang ungas na yun. Style yun ng mga studyante doon sa labas ng university eh, kunwari walang cash o barya pero ang totoo wala talagang pambayad.

Makita ko lang ulit ang lalaking yun, matitikman ko yun. Ay mali! Makakatikim sa akin yun.

"Na-ospital daw si Senyorito Hunter sabi ni Buboy. Wag ka munang high blood diyan. Gigil na gigil ka ah."

Ako naman ngayon ang natigilan.Pero sino ang hindi manggigil dun, diba? Siguro naman yung mga nagpapa-load dyan makakarelate sa gigil ko?

"Na-dehydrate daw. Nawalan pa nga daw ng malay."

Kapagkway binalik nito ang tingin sa cellphone niya. Nagtype ulit.

"Paano nangyari yun? Hinayaan niya lang sumakit ang tiyan niya?

"Sumama daw kasi sa kuya niya sa Maynila kahapon pero na-ospital dahil sumakit ang tiyan. Wala naman daw kasing sinabi na masakit ang tiyan niya. Hindi nga raw natuloy ang meeting ng Kuya niya dahil sa nangyari. Pero uuwi din daw sila bukas ng umaga sa hacienda. Doon mo na lang ibalik ang card. Para masingil mo na rin ang utang niya sa load."

Hindi ako nakasagot. Parang bigla akong nag-alangan. Paano kung magalit siya sa akin? Paano kung ako pagbintangan niya. Hindi ko naman kasalanan na ganun ka-sensitive ang tiyan niya. Tsaka hindi ko kasalanan kung bakit dun niya sinawsaw sa babaran ng sandok yung kikiYum. Ano first time niya lang makakain ng kikiYum at hindi niya alam na hindi na sause yung sinasawsawan niya? Utas!

"Hindi ba pwedeng ipadala ko na lang kay Kuya Buboy ang card niya? Ayokong magpakitadun baka ano pa gawin sa akin nun."

Isa pa natatakot ako na baka mas malaki ang sisingilin niya sa akin sa pampa-ospital niya kesa sa five hundred na utang niya sa akin.

"Sinabi ko na kay Buboy, pero sabi niya sa akin ikaw daw ang maghatid."

Lalo akong sumimangot. Isa pa tong si Kuya Buboy ayaw makisama.

"Bakit kailangang ako pa?"

"Aba malay ko. Baka gusto kang singilin nung crush mo."

"Singilin? Siya ang may utang sa akin, bakit siya ang maniningil? Ako dapat. Kapal niya ah!" Medyo tumaas ang boses ko kaya napakatok si Lola sa division namin.

"Pangatulog namo Sky, Lotlot. Sayo pa mo ugma." [Matulog na kayo Sky,Lotlot. Maaga pa kayo bukas.]

Sinenyasan ako ni Lotlot na hinaan ang boses.

"Puntahan mo na lang, pagkatapos unahan mo na. Angasan mo agad, 'wag mong ipakita na masisindak ka niya. Sanay ka naman dun diba?"

Kung sa mga nangungutang sa akin na kaklase ako sanay ako manindak pero hindi ko alam kung kaya ko ba ang kumag na yun. Ang sungit ng mukha nun baka bugahan ako ng apoy nun. Buti sana kung iba ang bubuga keri lang. Tatanggapin ko ng buong puso. Char lang!

"Sa palagay mo masisingil ko pa kaya yun?"

Nagkibit balikat si Lotlot. "Hindi ko alam, pero subukan mo lang."

"Baka ipa-refund niya pa sa akin ang nabayad niya sa ospital eh. Wag na lang kaya? Pilitin mo nalang si Kuya Buboy na kunin ang card dito sa bahay."

Bahala na lang siguro na malugi ako ng five hundred. Sa sungit ng lalaking yun baka ako pagbayarin niya sa opsital bills niya. Baka isisi niya sa akin ang panankit ng tiyan niya, diba?

Okay lang sa akin na pagbayarin ako sa ibang paraan, I mean pwede kong pagtrabahuan pero kung cash ang hihingin nya sa akin wala akong ganun. Sa arte nang lalaking yun, baka nagpa-private pa yun ng room tiyak sobrang laki ng babayaran ko.

"Hindi niya daw niya kukunin, yun daw ang bilin sa kanya."

Bilin? Pinakita niya sa akin ang chat ni Kuya Buboy sa kanya.

Buboy forwarded a message:

[Let her come.]

"Let her come?! Bakit niya pa ako papuntahin? Hindi niya ba alam na busy akong tao? Anong akala niya sa akin nakahilata lang dito sa bahay buong araw. Tsaka hindi ko kasalanan bakit naiwan ang card niya dito."

Sobrang taas na ng emosyon ko pero kibit balikat lang ang sagot ni Lotlot sa akin. Wala man lang kasupport-support.

"Sabihin mo kay Kuya Buboy ayoko."

Muli na naman itong nagtipa sa cellphone niya.

Isang malakas na buntong hininga ang aking pinakawalan. Ako pa tuloy ngayon ang namo-mroblema.

Ano ngayon ang gagawin ko kung hindi niya kununin ang card dito. Hindi ko naman pwedeng itago to at baka magreklamo sya na ninakaw ko ang card niya. Wala pa naman kaming cctv na makakapagpatunay na naiwan niya itong card dito sa amin.

Lintek talaga ang ungas na yun. Gwapo nga pero saksakan naman ng sama ng ugali.

"Patay ka Sky, tingnan mo ang reply."

At ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko pagkabasa ng reply ng ungas na pinorward ni Kuya Buboy kay Lotlot.

Buboy forwarded a message:

[Then, wait for the police to come.]

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Carlyn Samillano
............sungit tlga nitong baby hunter
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Sandoval Series 6: Rhythm of the Troubled Sky   Epilogue-Last Part

    Ito ang last part ng epilogue ng ating pinaka bunsong Blue Eyed Maligno.Sana may napulot kayong aral sa pagmamahalan nina Hunter at Sky. Maraming salamat sa suporta ninyong lahat.See you in my next story, Avangers!Life is short always choose to be happy!Labyu! Amping mong tanan! :)_________________________I'll do everything to win Harriet back. That I promised. "Why didn't you tell me?" Para akong batang nanghihinang umupo sa gitna ng mga kapatid ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong magtanim ng sama ng loob kay Thunder na hindi niya sinabi sa akin kung nasaan si Harriet o hindi. I mean, not directly na hindi niya pinaalam sa akin kasi madalas ko naman silang naririnig ng mga kapatid ko na nag-uusap tungkol kay Harriet. Pero hindi na ako naniniwala dahil palagi na lang kasi nila akong niloloko. "You're so slow, until now hindi mo pa rin alam na para kay Sky ang mga ginagawa mo?" Kuya Ford said laughing. Mukhang tuwang-tuwa pa ito na naisahan nila ako. "Haayyy kalooy man sa ba

  • Sandoval Series 6: Rhythm of the Troubled Sky   Epilogue - Part 3

    Ginawa ko ang sana ay matagal ko nang ginawa, ang magtrabaho bilang professor sa university kung saan pumapasok si Harriet. I am now Harriet's professor and through this way hindi na siya makakatakas sa akin. Hindi siya pwedeng mapunta sa iba. I waited for her for five years, I respected Lola Val's request but I can't let her slipped away this time. Until now I am still smiling every time I remember the first day she saw me in their class. My Baby is so cute. She still didn't change. The way she dress, she talks, she acts, she's still the same Harriet I knew before. Masayahin at palakaibigan pa rin ito. Almost all her classmates are her friends. And when I say all, that includes the boys at doon ako naiirita. Dahil mabuti sana kung nakikipagkaibigan lang sa kanya, yung iba nalaman kong pinopormahan din pala siya. "You are crazy you know that?" I looked at my brother who is staring at me as I prepared all the materials needed for my class. "Will you just support me? I'm not the o

  • Sandoval Series 6: Rhythm of the Troubled Sky   Epilogue-Part 2

    "I thought you don't want to go out today why are you dressed up like that?"I looked at my twin who's here in my room now annoying me again. Katatapos ko lang magbihis dahil lalabas ako ngayon. Pero hindi ko sasabihin kung saan ako pupunta dahil alam kong pagchi-chismisan na naman nila ako ng iba ko pang mga kuya. Lalo na si Kuya Ford na sobrang chismoso. Gusto atang masagap lahat ng balita tungkol sa aming mga kapatid niya. Ang nakakainis pa kapag may nabalitaan ito pino-post sa gc. Hindi na lang sarilinin, gusto pa talaga magpabida. Ang now I noticed that Thunder is becoming like him too. Kunwari lang ito walang pakialam pero ang totoo he is lowkey chismoso too. "Where are you going?" O diba kasasabi ko lang. "Wala! Dito sa lang sa hacienda. I just want to have a breath of fresh air and away from you."Malakas itong tumawa dahil sa sinabi ko. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuhan ko pagkatapos nanunukso itong tumingin sa akin. "Oh, I know. You are going somewhere. I knew it

  • Sandoval Series 6: Rhythm of the Troubled Sky   Epilogue-Part 1

    "Don't play with grandpa, if you get caught he will disown you."I looked at my twin brother frowning kasi totoo ang sinabi niya. Kung bakit kasi hindi na lang siya ang magma-manage ng business na gustong ipamana sa amin ng lolo namin? Siya ang mas matanda sa aming dalawa ah."I'm not playing." I said with creased forehead but he just shrugged his shoulder like he already knew what I was thinking."What?" I scoffed, getting more annoyed. "You are my twin Hunter Cole. I know what's running in your head that's why I am warning you. "Warning you. As if naman may maitutulong ang warning niya sa problema ko ngayon. Si Lolo kasi pinapahirapan pa ako. I don't know where did he get that idea that a CEO should be married. Is that a kind of practice to make sure that CEO is leading a company better? Like, what's his basis?I don't know what he is up to. Does he want to have grand children? Or he just want me to settle down.This marriage thing is the reason why my grandfather is giving me a h

  • Sandoval Series 6: Rhythm of the Troubled Sky   Chapter 63

    Once again, another story has reached an end. This is the sixth installment of my Sandoval Series. 5/7 completed.Thank you so much AVAngers for being with me in Sky and Hunter's journey! Salamat sa iyakan at tawanan, sa mga tampuhan at walang sawang pagsuporta nyo sa akin.Thank you for the votes, comments and for sharing my stories. Most of all, thank you for being patient with me and for not leaving me wherever I go. I wouldn't reach this far if not all because of you and I will be forever grateful for that.Maraming, maraming salamat sa patuloy na pagmamahal at pagsuporta sa akin. Sana may nakuha kayong aral sa pagmamahalan nina Hunter at Sky. See you in my next story..Another series will be posted soon.Labyu all mga Langga! Amping mong tanan sa kanunay. Life is short always choose to be happy. God Bless us all!_____________________________Pagkapasok pa lang nami ni Hunter sa mansion ng mga Sandoval, bumungad agad sa amin ang isang napaka gandang tanawin. Si Senyor Gideon at

  • Sandoval Series 6: Rhythm of the Troubled Sky   Chapter 62

    "Siraulo ka kasing gago ka! Kung sana sinabi mo na lang kaagad hindi yung nagda-drama ka pa! Ngayon anong gagawim mo hinamatay yan si Sky! Malilintikan ka talaga kay Derick siraulo ka!"Nagising ako dahil sa mahihinang bulungan ng mga tao sa paligid. Unti-unti kong dinilat ang mga mata at agad bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ng mga anak ko. "Mummy, are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Chase. Maliit akong tumango at inilibot ang tingin sa paligid. Nandito sa silid ibang mga kapatid ni Hunter pero ang mga Kuya Brutes ko ay wala. Nadako ang mga mata ko pinaka sulok dahil sa dalawang taong nagbabangayan doon, si Kuya Calyx at RN. Na agad din lumapit sa akin nang mapansing gising na ako. Pero teka bakit nga ba ako nawalan ng malay? Oh shit!Muling binundol ng kaba ang aking dibdib nang maalala kung bakit ako hinimatay. Si Hunter. "Si Hunter. N-nasaan si Hunter?" Kinakabahan kong tanong. Nagsimula na akong magpanic. Pakiramdam ko nanginginig angaking kalamnan at naninikip

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status