Share

Chapter 4

"Wait for the police to come? Gago ba siya? Bakit niya ako ipapu-pulis? Wala akong ninakaw sa kanya."

Lumakas ang boses ko kaya muling kumatok si Lola sa amin.

Yung gigil ko sa ungas lagpas ulo ko na. Lahat ng kilig na naramdaman ko nung unang kita ko sa kanya ay napalitan na ngayon ng inis. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana pala hinayaan ko na lang siyang umalis.

"Punta ka nalang daw doon diritso, nasabihan na daw ni Baby I mean ni Buboy ang security nila. Tsaka malay mo, bet ka din ni pog. Kunwari lang nagsusungit pero ang totoo gusto lang din na mapansin mo."

Aba ibang style yan! Baliktad.

Kung gusto niyang mapansin ko dapat hindi niya ako sinusungitan. Madali naman akong kausap.

"Alam mo feeling ko crush ka ni Senyorito. Alam mo ba kanina nung tinitingnan ko yung reaksyon niya habang nagsasalita ka, kunwari nakakunot yung kilay niya pero halata namang pinipigilan niya lang ngumiti. Tsaka kung hindi ka niya type hindi yun magpapapigil sayo."

Oo nga noh?

"Saka nung hinawakan mo hindi naman pumalag diba? Sinabi niya lang 'let go' kasi yung mga kumakain ay nakatingin sa inyo. Ayaw niya sigurong mapahiya ka."

Tama again. Bakit kaya hindi ko yun naapansin? Buti pa si Lotlot napansin yun.

"At alam mo ba, nung nagluluto ka, grabe ang titig niya sa mukha mo. Yung titig na alam mong parang gandang-ganda siya sayo?"

Konti na lang talaga maniniwala na ako.

"At higit sa lahat feeling ko, first time kumain nun nang street foods. Hindi pa siguro sanay ang tiyan kaya sumakit. Sa dami ba namang kikiYum at fishball ang naubos niya."

Madami ba? Hindi ko na napansin sa sobrang kadaldalan ko eh.

"Basta pinsan malakas talaga ang kutob ko na may gusto sa 'yo si Senyorito."

"Talaga? Baka binobola mo lang ako."

Mahina nitong hinampas ang balikat ko. "Gaga! Sa ganda mong yan wala kang tiwala? Ang dami kayang may crush sayo dito pero ayaw mo lang pansinin."

Hindi naman sa ayaw, iba lang talaga yung hinahanap ko.

"Alam ko tsina-charot mo lang ako pero sige na, pupunta ako bukas."

"Hoy! Wag ka nga! Hindi kita binobola ah. Totoo naman talagang maganda ka. Kutis palang panalo na. Partida, safeguard lang ang sabon mo. Tsaka ang kinis kaya ng balat mo pinsan. Shny din ang buhok mo. At itong mukhang 'to," Hinawakan niya ang mukha ko. "Saan ka makakakita ng babaeng ganito kaganda? Mapupungay ang kulay tsokolateng mga mata, mahaba at malantik ang pilik mata, matangos ang ilong at natural na mamula mula ang labi."

Feeling ko ang ganda ko sa pagkakabigkas sa akin ng pinsan ko. Andun na eh, lagpas ulo ko na, malapit na talaga akong maniwala pero bigla itong kumambyo.

"Basta ba wag ka lang maglagay ng madaming ipit sa buhok. Tsaka yung damit mo wag yung masyadong colorful."

Kunot noo akong tumingin sa kanya. Anong problema sa ipi ko?

"Masyadong matingkad sa mata ang mga kulay pinsan eh. Baka hindi bet ni pogi ang ganung style."

Wala namang masama sa style ko ah. Sabi nga ni Lola sa akin bagay yung mga colorful na damit kasi maputi ako.

"Sa mga kaedaran natin ikaw na lang ang mahilig sa matitingkad na kulay. Uso na ngayon yung mga pastel at nude colors Sky. Estetik era na tayo diba? Yung mga matitingkad na kulay mga pang batang 80's lang yan."

Anong pambatang 80's hindi kaya! Depende naman yun sa tao kung anong gusto niya. Ako, nagkataon na ito ang gusto ko. Yung matitingkad ang kulay at wala akong nakikitang mali doon.

"Wash day naman bukas diba? Magpantalon ka lang tsaka puting blouse."

Humaba ang nguso ko saka parang batang umiling sa kanya. Mas bet ko nga matitingkad na kulay ng damit.

Pero knowing Lotlot may katigasan din ang ulo nito palibhasa alam niyang mas matanda siya sa akin. Tumayo ito at binuksan ang lumang cabinet na lagayan ko ng mga damit. Mula doon may kinuha itong puting blouse. Minsan ko lang ginamit yun, regalo niya sa akin nung birthday ko.

"I swear mas bagay sayo itong puting blouse, Sky." Hinagis niya sa akin ang blouse. Maganda yung cut ng blouse, hapit nga lang sa katawan ko. Kahit maliit akong babae pero medyo malaki yung hinaharap ko, may pagka bilugan din ang aking katawan.

"Yan ang suotin mo bukas ha? Wag matigas ang ulo. First impressions last pa naman. Gusto mo ba unang maalala sa 'yo ni Senyorito ay yung lime green mong blouse at kulay orange mong pantalon?"

Anong mali? Yun ang suot ko kanina ah. Ang ganda ko kaya tingnan sa color combination na yun.

"Sky please, wag matigas ang ulo."

Parang batang nakasimangot akong tumingin sa kanya.

"Bakit baduy ba ang style ko?"

"H-ha? H-hindi naman," lumabi ako sa kanya. Alam ko naman na medyo wirdo yung mga color choices ko pero nagagandahan talaga ko sa mga matitingkad na kulay eh. "Medyo lang..."

Hmp!

"Kasi naman Sky, minsan hindi na color coordinated. Tapos lalo ka pang nakakaagaw pansin sa dami ng ipit na nilalagay mo sa buhok. Saan mo naman kasi nakuha ang pauso mong ganyan? Pwede naman maglagay ng ipit pero siguro isa lang, wag naman yung halos punuin mo na yung ulo mo."

Hindi ko kasi mapagdesisyunan kung alin ang gagamitin kong ipit sa dami nila. Tsaka lahat nagagandahan ako.

"Bukas isang ipit lang ang gamitin mo, at please wag yung bibe!"

I therefore conclude, baduy nga siguro talaga ako. Kasi hindi lang naman si Lotlot ang nagsabi nito sa akin, pati mga kaklase ko din. Minsan nga nahuhuli ko pa silang pinag-uusapan ang suot ko. Lalo na ang mga ipit ko sa buhok.

"Sige na, matulog ka na maaga ka pa bukas. Tsaka yung card ni Senyorito Pogi itago mong maigi at baka mawala, tiyak malaking problema. Tandaan mo wala tayong ari-arian na pwedeng ibenta 'pag nawala mo yan. Makukulong ka talaga."

Grabe naman yung kulong agad. Okay lang kung makululong sa puso niya. Achecheche!

Kinabukasan pagkatapos ng klase, agad akong dumiritso sa hacienda ng mga Sandoval para isauli ang card na naiwan ni Sir Hunter sa akin.

Ang ganda ng pangalan niya noh? Hunter Cole Sandoval. Lakas makagwapo. Pangalan pa lang lumuluwag na garter ng panty ko.

Siguro feeling niyo ang landi ko talaga. First ko lang kasi nagka-crush ng ganito eh. Muntik pang mapurnada. Madaming gwapo sa skul, may nakita na rin akong blue, green at gray ang mata pero iba yung dating ni Hunter Cole Sandoval.

Yung tingin niya parang nagmamagnet. Paraa kong hinihigop at ayaw pakawalan.

Kagabi pa lang pinag-isipan ko na kung paano ang magiging approach ko sa kanya. Dapat kalmado lang ako, dapat hindi ako makulit at baka marindi siya sa akin.

Dapat rin behave ako, ikalma ang bibig at baka kung ano-anong salita ang lumabas dito. Baka maturn-off siya sa akin. Baka isipin niyang isip bata ako.

Ilang taon na kaya siya noh? Siguro nasa tamang edad na ito para ipaglaban ako. Haha! Charot lang! Pinapakalma ko lang ang sarili ko dahil sa totoo lang, kinakabahan talaga ako.

Mag-isa lang pala ako dahil hindi na ako dumaan sa bahay. Mula sa school, diritso na ako dito. Sinubukan ko pang pakiusapan si Lotlot kanina na samahan ako pero madami daw customer sa kainan. Hindi niya naman pwedeng iwan si Lola mag-isa doon.

"Kaya ko 'to." Malakas akong bumuntong hininga pagkakita sa gwardyang tumayo at tumingin sa akin. "Maayong hapon, Kol. Pwede ko mosulod? [Magandang hapon po, Manong. Pwede pong pumasok?"

Sabi ni Lotlot sa akin sabihin ko lang daw ang pangalan ko dahil naitawag na ni Kuya Buboy na darating ako ngayon.

"Unsay pangalan nimo? Kinsa may tuyo nimo sa sulod? Naa kay ID?" [Anong pangalan mo, sinong kailangan? May ID?]

"Sky po." Tipid kong sagot.

May nilabas itong logbook at binigay sa akin. " Isulat mo pangalan mo dito at anong pakay mo?"

Kinuha ko ang logbook at ballpen kay Manong at sinulat ang pangalan ko doon.

"Sinong pakay mo sa loob, Ineng?"

"Si Hunter po ang pakay ko, Manong."

Hunter lang para feeling close.

"Si Senyorito Hunter? Uy naa na diay amiga among Senyorito diri? Apo man ka ni Nang Elyang noh?"

Biglang sumabot yung isang gwardya na medyo may kaedaran na at ngumiti sa akin. Ngumiti din ako pabalik kay Manong guard. "O Kol, apo ko ni Lola Valeria."

"Tagna pa lagi ko, ikaw tong mestisa nga apo ni Nang Elyang. Kabalo si Sir Hunter na muabot ka?" [Sabi ko na nga ba ikaw yung mestisang apo ni Nang Elyang. Alam ba ni Sir Hunter na pupunta ka?]

"Tinawag na yan ni Buboy sa akin Nong Pedring." Sagot nung isang gwardya kay Manong. "Sky kamo diba? " Tumango ako.

"Paano mo nakilala si Sir Hunter? Girlfriend ka ba niya?"

Girlfriend? Soon. Sa ngayong manliligaw pa lang. Pero syempre sa utak ko lang yun sinabi.

Sasagot na sana ako na may isasauli lang ako kay Senyorito pero narinig ko ang serbato ng sasakyan na papalapit sa amin. Napalingon kami doon. Ang mga gwardya ay umayos ng tayo.

Kulay itim na sasakyan ang dumating. Kagaya nung sasakyan na ginamit nila Kuya Buboy nung pumunta sila sa pwesto namin kahapon. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko, hindi ko alam kung sa excitement ba o ano. Magkahalong emosyon.

Bumakas ang bintana. Pigil hininga ako. Akala ko si Kuya Buboy at si Senyorito pogi ang nasa loob pero hindi pala. Sa halip, ibang senyorito ang nagmamaneho nun, si Senyorito Gustavo.

Hindi ko alam kung natandaan pa ba ako ni Senyorito pero maliit akong ngumiti sa kanya. Si Senyorito Gustavo pala ang panganay na anak ni Senyor Gideon at Senyora Elizabeth. Medyo strikto ang mukha nito pero alam kong mabait siya. Minsan nagawi ito sa kainan namin at narinig kong nag-usap sila ni Lola Valeria.

"Manong, let her in." Ma-otoridad nitong utos sa mga gwardya. Hindi man lang tinanong kung sino ako.

Pinagbuksan ako ng gate nina Manong. Nakahihiya man ay pumasok na ako at lumapit sa sasakyan ni Senyorito Gustavo.

"Magandang hapon po Senyorito." Magalang kong bati sa kanya. Bahagya pa akong yumukod.

"Good afternoon, kid. You are Lola Valeria's grand daughter right?" Naalala niya pa pala ako.

Tumango ako sa kanya. "Opo, Senyorito." Tipid din itong tumango sa akin.

Pero wag niyo naman po akong tawaging kid, eighteen na po ako. Magiging girlfriend po ako ng kapatid niyo.

"Why are you here? You need anything?" Malumanay niyang tanong.

"Ahm, may ibibigay lang po sana ako sa kapatid niyo po." Huminto ako saglit para kunin ang card na nasa bag--shit!

Wala sa bag ko ang card ni Sir Hunter. "Wait lang po, Senyorito."

Dito lang yun nilagay sa loob ng bag ko. Sigurado ako dahil bago ako pumasok kanina sa university ilang beses ko itong tsinek kung nadala ko ba. At sigurado akong dala ko nung umalis ako kaya alam kong nandito lang yun.

Nilapag ko ang bag sa semento at isa-isa kong nilabas ang mga gamit ko doon. Narinig kong bumaba din si Senyorito Gustavo sa sasakyan niya. Pati ang dalawang gwardya at lumapit din sa amin.

"What's wrong?"

Hindi ko alam kung paano sagutin ang tanong ni Senyorito Gustavo. Pinagpapawisan na ako. Ang kaba sa king dibdib ay hindi ko na mawari. Kabilin bilinan pa naman ng pinsan ko na ingatan ko yung card ni Senyorito Hunter. Black card yun, hindi basta basta nakakakuha ng ganung klaseng card.

"Saglit lang po, Senyorito hinahanap ko lang po yung isasauli ko sa kapatid mo." Pati ang boses ko ay nanginginig na rin.

Hinalungkat ko ang loob ng bag ko. Nilabas ko na lahat ng mga gamit ko. Binaliktad ko na ito pero wala ang card doon. Yung maliit na secret pocket sa loob ng bag ko ay tiningnan ko na din, nakabukas na ang zipper nito. Ang kamay ko ay nanginginig na pero hindi ako pwedeng mawalan ng pag-asa. Hindi pwedeng mawala ang card dito sa bag ko.

Isa-isa kong binulatlat ang mga libro ko. Winasiwas ko pa ito sa ere at baka sakaling nahulog ang card at naipit lang doon pero wala talaga. Kahit ang mga notebooks ko, wala ding naipit doon. Ang purse na lagayan ko ng ballpen at lapis ay tiningnan ko na rin, wala din.

Naiiyak na ako.

Anong gagawin ko ngayon?

"Did you lost something?"

Hindi ko namalayan na nakaluhod na rin pala si Senyorito Gustavo sa harapan ko. Sa pagkakataong ito hindi ko na maitagao ang takot at kaba ko. Nawala ko ang card ng kapatid niya. Baka pagbintangan ako na ninakaw ko yun, baka ipakulong nila ako.

Paano na si Lola Valeria 'pag nakulong ako?

Paano na ang pag-aaral ko?

"Hey why are you crying?"

Hindi ko napansin na isa-isa na palang nahulog ang mga luha ko. Mabilis ko itong pinunasan at muli kong binalik ang atensyon sa mga gamit kong nagkalat sa semento. Muli kong iwinasiwas ko ang pahina ng mga libro ko sa ere pero walang nahulog na card mula doon.

"Nandito lang yun, hindi yun pwedeng mawala." Halos hindi ko na marinig ang boses ko. Hindi ko na rin makita ang librong hawak ko sa daming luhang nag-uunahan sa mga mata ko. Nanginginig na ang labi ko sa pigil na pag-iyak.

Ayokong makulong. Walang tutulong kay Lotlot para alagaan si Lola. Hindi ako pwedeng malayo sa kanila.

Hindi pwedeng mawala ang card na yun.

Hindi ko yun ninakaw.

"Hey, calm down. Tell me what's going on, I'll help you."

Pinigilan na ako ni Senyorito Gustavo sa pagbuklat sa mga gamit ko. Halos mapunit ko na ang ibang pahina ng mga libro sa pagwawasiwas ko.

"S-Saglit lang po, senyorito. May h-hinahanap lang po ako."

Dadamputin ko na sana ang mga libro ko pero nahawakan ni Senyorito Gustavo ang kamay ko para pigilan ako.

"Tell me what's missing so that I can help you."

Sasagot na sana ako sa kanya pero isang malakas na busina ng sasakyan ang nagpatigil sa akin. Kasunod nun ay ang malakas na lagabog ng pintuan ng sasakyan.

"Kuya!" Sabay kaming napalingon ni Senyorito Gustavo sa pinanggalingan ng boses.

Mula sa itim na sasakyan naglakad palapit sa amin ang isang lalaking magkasampok ang kilay at mukhang galit sa amin. Walang iba kundi ang nagmamay-ari ng black card na nawala ko, si Hunter Cole Sandoval.

"What are you doing?" Galit nitong tanong at sa isang iglap ay nakalapit na ito sa amin. "Let her go."

Hindi paman nakasagot ang Kuya niya ay nahawakan niya ang kamay ko. Gulat akong napatingin sa kanya. Walang emosyon ang kulay asul niyang mga matang tumingin sa akin.

"Let's go." Aniya sabay hila sa akin mula sa kuya niya.

Comments (7)
goodnovel comment avatar
Ateloiv Mansanades
wow nice story. pls update more
goodnovel comment avatar
Meazzy Skyliegh
nakaka.galet yarn.tnx dam
goodnovel comment avatar
Mush keh la
thank you author , seloso c hunter haha
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status