Mag-log in"Congratulations, Ms. Sullivan. Buntis ka." Gumuho ang mundo ni Elowen ng marinig ang sinabi ng doctor. Paanong nangyari iyon? Wala siyang maalala na may nakatalik sya. Hanggang sa bumalik ang alaala ng gabing nakapiling niya ang kanyang strikto at kinatatakutang boss—si Grayson Hale. Pero hindi lang iyon ang problema. Handa si Martha, ang ex ni Grayson, na gawin ang lahat para makuha ang lalaki. Upang agawin ang pwesto ni Elowen, pinagpalit nito ang resulta ng DNA test ng kanilang mga sanggol. Ngayong nakataya ang kinabukasan ng kanyang anak, kaya bang harapin ni Elowen ang kanyang boss? O hahayaan na lang niyang agawin ni Martha ang lahat ng dapat sana ay para sa kanya at sa kanyang baby? A secret night, a swapped DNA, a father stolen and pushed away. Will she fight for her child’s rightful name, or let the lies put their future to shame?
view moreELOWEN
Alas sais pa lamang ng umaga ay nagising na ako dahil sa paulit-ulit na tilaok ng mga manok at sa banayad na huni ng mga ibon sa paligid. Hindi agad ako bumangon. Ilang segundo pa akong nakahiga habang nakatitig sa kisame, hinihintay na mawala ang antok na dahan-dahang kumakapit sa mata ko.
Pero nang tuluyan akong makaramdam ng gising, marahan akong bumangon at nag-unat ng braso. Ramdam ko pa ang lamig ng umagang hangin na pumapasok mula sa siwang ng bintana.
Kinuha ko ang tsinelas ko at dahan-dahang lumabas ng bahay.
Paglabas ko, sinalubong ako ng sariwang hangin ng baryo-hindi maingay, hindi magulo, kundi yung klase ng katahimikan na may halong buhay. Amoy lupa pa ang paligid dahil sa hamog ng gabi, at sa malayo, maririnig mo na ang unti-unting pagbangon ng araw.
Diretso akong pumunta sa terrace.
Walang bubong iyon, simpleng bahagi lang ng bahay na gawa sa kahoy at kawayan. Nandoon ang pamilyar na upuan na gawa rin sa kawayan-ang gawa ng tatay niya, hindi man pulido pero matibay at puno ng alaala. Dito sila madalas maghapunan bilang pamilya kapag maganda ang panahon, at dito rin nagkukwentuhan tuwing gabi kapag hindi pa sila inaantok.
Umupo ako sandali, hinayaan ang hangin na dumampi sa mukha ko.
Sa ganitong oras, unti-unti nang nagiging abala ang baryo.
Sa ibaba ng kalsada, may mga dumadaang traysikel na nagbubusina nang mahina. May mga kapitbahay na nagwawalis ng bakuran, ang iba naman ay nagbubukas na ng tindahan sa gilid ng daan. Naririnig mo na rin ang tunog ng kaldero mula sa ibang bahay-senyales na nagsisimula na ang almusal.
Huminga ako nang malalim habang pinagmamasdan ang paligid.
Simple lang ang lahat.
Pero may kakaibang bigat na hindi ko maipaliwanag-yung pakiramdam na kahit payapa ang umaga, may parte pa rin ng isip ko na hindi mapakali. Hinila ko ang tuhod ko papalapit sa dibdib habang nakatingin sa malayo, sa mga bahay na isa-isang nagkakaroon ng ilaw. At sa gitna ng katahimikan ng umagang iyon, hindi ko maiwasang isipin kung gaano kabilis magbago ang lahat sa isang tao-mula sa simpleng umagang ganito, hanggang sa mga gabing hindi mo na alam kung paano ka nakarating sa punto kung nasaan ka ngayon.
Naaamoy ko na ang ginagawang kapeng bigas ni Ate Elona sa kusina, sabay ang mabangong usok ng bagong lutong tinapay na putok na may palamang peanut butter na gawa rin ni Nanay. Kahit simpleng almusal lang iyon, sapat na para maramdaman kong unti-unting nagigising ang buong bahay.
Mula sa terrace, bahagya akong napangiti habang hinahagod ng hangin ang umagang katahimikan. Ilang sandali pa, narinig ko ang mahinang yabag ng paa papalapit sa akin.
"Hoy, Elowen, natutulog pa ata ang diwa mo," sigaw ni Ate Elona habang nakangisi.
Napanguso ako at kunwaring naiinis, pero hindi ko rin napigilang mapangiti. "Ate naman..."
Tumawa siya habang dala-dala ang isang platito ng tinapay at kape, saka umupo sa kahoy na bangko sa tabi ko.
Si Ate Elona-mas matanda sa akin ng ilang taon, kasalukuyang nag-aaral sa kolehiyo at sabay nagta-trabaho sa munisipyo bilang tagalinis. Kahit pagod sa maghapon, lagi pa rin siyang may lakas ngumiti at magbiro, parang hindi nauubusan ng pasensya sa mundo.
Tahimik ko siyang pinagmamasdan habang inaabot niya sa akin ang tinapay.
"Ang aga-aga mo na namang lutang," dagdag pa niya habang hinihigop ang kape.
"Ay hindi ah," sagot ko agad kahit alam naming pareho na totoo. "Nag-iisip lang ako."
"Hmm," mapanuring tingin niya, saka bahagyang tumango. "Muli na namang malalim ang iniisip ng kapatid kong artista."
Napairap ako pero natawa rin.
Alam ko sa sarili ko na hindi ako katulad niya. Hindi ako kasing talino, hindi kasing sipag, at hindi rin kasing linaw ang direksyon sa buhay. Pero kahit ganoon, hindi kailanman ipinaramdam ni Ate na kulang ako.
Ako ang nagbabantay ng tindahan ni Aling Bonita sa baryo. Limang daan ang sahod ko sa isang araw, sapat lang para may pang-araw-araw kami, at libre pa ang pagkain tuwing tanghali. Hindi man malaki, maayos na rin iyon para sa amin.
"Okay na 'yan," lagi niyang sinasabi. "Basta may ginagawa ka at hindi ka sumusuko."
Kumuha ako ng tinapay at kumagat, habang tahimik na pinapakinggan ang mga tunog ng umaga-ang manok sa malayo, ang traysikel sa kalsada, at ang mga kapitbahay na unti-unti nang nagigising.
Minsan, pinapahiram niya ako ng mga libro niya mula sa kolehiyo. Mga pahinang puno ng highlight, sulat-kamay, at minsan may mga doodle sa gilid. Binabasa ko iyon sa gabi kahit hindi ko lubos naiintindihan lahat.
Pag-uwi niya, siya ang nagtuturo sa akin.
"Matututo ka din, Elowen," lagi niyang sabi habang tumatawa. "Hindi naman karera ang pagiging successful. Ganda mo pa naman, pwede ka pang mag-artista!"
Napairap ako pero hindi ko rin napigilang mapangiti. Ganyan si Ate Elona-kahit simpleng usapan lang, laging may konting pang-aasar pero may kasamang paniniwala sa'kin na minsan ako mismo hindi ko makita sa sarili ko.
At sa mga ganung sandali, kahit gaano ka-simple ang buhay namin, parang may tahimik na pag-asa na nakaupo lang sa pagitan naming magkapatid-hindi maingay, hindi pilit, pero nandiyan. Parang sapat na para ipaalala sa'kin na kahit mabagal ang takbo ko, may direksyon pa rin.
"Nay, kailan ba tayo magkakaroon ng instant coffee?" biglang singit ni Rowen mula sa gilid habang nakangiwi sa hawak niyang basong kapeng bigas.
Napatingin kami ni Ate sa kaniya.
"Paniguradong marami nanaman akong hangin na mailalabas nito," dugtong niya habang kunwaring seryoso ang mukha.
Sandaling katahimikan.
Pagkatapos ay sabay kaming napatawa.
"Rowen naman," sabi ni Nanay mula sa kusina habang tumatawa rin. "Wala pa tayong budget para sa sosyal na kape!"
"Eh, Nay kasi!" reklamo ni Rowen habang nakangiwi pa rin. "Pag ito ininom ko sa school, siguradong pati grades ko lumulutang din sa hangin!"
Mas lumakas ang tawa namin noon. Si Ate Elona halos mapahawak pa sa tiyan niya kakatawa, habang ako naman ay napailing na lang pero ramdam ko rin ang gaan ng umaga.
Ganito kami madalas sa bahay-simple, maingay sa tawanan, at kahit minsan kulang sa gamit, hindi kulang sa kwento.
Kahit ang kapeng bigas na sinasabi ni Rowen na "nakaka-hangin," ay nagiging parte ng araw namin na hindi pwedeng mawala.
"Mag-aral ka na lang kasi mabuti," sabi ni Ate habang pinapahid ang luha sa mata niya sa kakatawa. "Hindi yung kape ang sinisisi mo."
"Eto na nga eh!" sagot ni Rowen. "Ginagawa ko naman best ko, Ate!"
Umiling ako habang nakangiti, hawak pa rin ang tinapay sa kamay ko.
Sa gitna ng ingay, tawanan, at simpleng umaga, doon ko mas naramdaman kung gaano kahalaga yung mga maliliit na bagay-yung almusal na sabay-sabay, yung biruan na paulit-ulit, at yung pakiramdam na kahit walang sobra, buo pa rin kami.
"Elowen, anak... sigurado ka na ba sa desisyon mo?" Napatingin ako kay Nanay nang magsalita siya, mabigat ang boses niya pero halatang pilit pinipigilan ang panginginig.
"Nay naman... ngayon na nga ako aalis, tsaka niyo pa ako tinanong," sagot ko habang bahagyang napipilitan ang ngiti.
Biglang natahimik ang paligid.
Kanina lang maingay ang umaga-tawanan, biruan, kaluskos ng mga pinggan-pero ngayon, para bang humina ang lahat. Yung dating magaan na hangin sa terrace, biglang naging mabigat, parang may nakadagan sa dibdib naming lahat.
Ngayon kasi ang alis ko.
Aalis ako ng baryo para makipagsapalaran sa siyudad, kasama ang kaibigan kong si Nadine. Matagal naming pinagplanuhan iyon, matagal ko ring kinimkim bago ko inamin sa sarili ko na kailangan kong subukan.
Hindi dahil gusto ko.
Kundi dahil kailangan.
Hindi sapat ang kinikita sa bukid. Hindi rin sapat ang pagbebenta ni Nanay ng gulay at paggawa ng peanut butter para sa araw-araw naming gastusin. Si Rowen, nasa elementarya pa lang-marami pang taon ang kailangan niyang pag-aralin. At kahit gusto kong manatili, alam kong habang tumatagal, mas lalo lang kaming mahihirapan.
Kaya kahit mabigat, pinili kong umalis.
"Hindi naman sa ayaw kitang payagan," mahinang sabi ni Nanay habang nakatingin sa akin. "Nag-aalala lang ako, anak. Siyudad 'yon..."
Hindi niya naituloy. Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin-malayo, magulo, at hindi tulad ng baryo na alam namin ang bawat sulok at bawat tao.
"Baka kung anong mangyari sa inyo ni Nadine," dugtong ni Tatay habang nakaupo sa kahoy na bangko, hawak ang tasa ng kapeng bigas. Dahan-dahan siyang humigop bago tumingin sa akin nang diretso. Mas seryoso siya ngayon kaysa kanina. Hindi siya palaging madaldal, pero kapag nagsalita siya, ramdam mong mabigat ang bawat salita.
"Hindi naman namin kayo pipigilan," dagdag niya pagkatapos ng maikling katahimikan. "Gusto lang namin masiguro na handa ka."
Napayuko ako sandali.
Handa ba ako?
Sa totoo lang, hindi ko alam.
Pero mas alam ko na hindi na ako pwedeng manatili lang dito habang unti-unting kinukulang kami sa lahat ng bagay.
"Magiging maayos po kami ni Nadine," sagot ko sa mababang boses. "Mag-iingat po kami."
Tahimik pa rin.
Hanggang sa marinig ko ang mahihinang kaluskos sa gilid.
Si Rowen, nakatayo lang, hawak ang maliit niyang bag.
"Ate..." mahinang tawag niya, gamit ang boses na pilit pinapalakas pero halatang malungkot.
Ngumiti ako sa kaniya kahit mabigat ang dibdib ko.
"Mag-aaral ka mabuti, ha?" sabi ko habang nilalapit ang kamay ko sa ulo niya at ginugulo ang buhok niya. "Wag ka muna magreklamo sa kapeng bigas."
Napangiti siya nang konti, pero hindi niya maitago ang lungkot.
"Babalik ka agad, diba?"
Natigilan ako.
Sandaling katahimikan.
Pagkatapos ay tumango ako, kahit hindi ko alam kung gaano katagal ang "agad" na iyon.
"Oo," mahina kong sagot. "Babalik ako."
Sa likod ko, narinig ko ang mabigat na paghinga ni Nanay. At sa sandaling iyon, habang nakatayo ako sa gitna ng pamilyang ayaw akong bitawan pero kailangang pakawalan, ramdam ko kung gaano kabigat ang unang hakbang ng pag-alis-hindi dahil sa daang tatahakin, kundi dahil sa mga taong iiwan mo sa bawat hakbang mo palayo.
Hawak hawak ni tatay ang maleta kong dala na hiniram pa namin dahil wala naman kaming pambili ng ganung bagay, maging ang tatay ni Nadine ay naroon na at naghihintay sa min. Kinakailangan naming sumakay sa traysikel para makarating sa bus station papuntang siyuad.
"Elowen, mag-iingat ka, pangako pag nakapagtapos si Ate ako na ang bahala sa iyo"napangiti na lamang ako dahil sa sinabi ni Ate Elona, kahit simple man ang kanilang buhay isa lang ang sigurado sya, swerte sya sa pamilya nya.
"Ate, mukhang ikaw yung pwede mag-artista, ang drama mo eh!" medyo pilit kong biniro ang sarili ko habang nakangiti sa pamilya ko, pero mabigat pa rin ang naging pamamaalam. Halos lumuluha ang mga mata ko, at alam kong pareho kaming nadarama ni Nadine ang bigat ng sandaling iyon. Ang tricycle na aming sinasakyan, ngayon ay masyado nang siksikan para sa amin, kaya nagpasya na lang ang aming mga pamilya namin na manatili sa kalsada habang kami ay umaalis na.
Muling tumanaw ako sa aking mga magulang. Si Nanay, may halong ngiti at lungkot sa mga mata, hawak ang kamay ni tatay na tila sinasabi nang hindi nagsasalita, "Mag-ingat ka, anak." Napakapit ko ang mga mata ko sa kanilang mukha, iniimprinta sa isip ang bawat detalye-ang mga linya sa mukha ni nanay at tatay.
Parang tumigil ang oras. Napakabigat sa damdamin-halo-halo ng lungkot, kaba, at pangungulila. Mabilis akong huminga, sinusubukang kalmahin ang sarili, habang ang kaibigan kong si Nadine ay tahimik na nakatingin sa bintana ng tricycle, pinupunas ang mga luha na hindi na maitago. Napaka-ironiko, sa dami ng plano namin sa siyudad, tila ang pag-alis lang sa baryo ang pinakamahirap na hakbang.
"Hanggang sa muli, Baryo Isla..."
ELOWENIsang buwan na ang lumipas mula noong unang beses kong pumasok sa Velvet Noir.Hindi ko alam kung paano eksaktong dumaan ang mga araw, basta ang alam ko lang ay naging routine na ang lahat-pila, briefing, clients, report, at tahimik na pagbabalik sa accommodation tuwing gabi.Mas sanay na ako ngayon.Konti lang.Hindi pa rin nawawala ang kaba, pero hindi na siya kasing tindi noong una.Mas naiintindihan ko na rin ang English. Hindi pa perfect, pero hindi na ako parang nalulunod sa bawat salita. Si Nadine ganun din, pareho kaming may improvement.At higit sa lahat, may bago na kaming mundo sa loob ng maliit naming kwarto.Cellphone.Nakabili kami pagkatapos ng ilang sessions.Simple lang, hindi mamahalin, pero para sa amin parang malaking bagay na iyon. May Facebook na kami, may access sa labas, at sa unang pagkakataon mula nang pumasok kami rito, nakakapag-message kami sa pamilya."Okay ka lang?" message ng nanay ko."Opo," sagot ko kahit hindi ko masabi lahat.May mga gabi na
ELOWENTahimik muna kami pagkatapos ng tanong niya."Do you actually want to be there... at Velvet Noir?"Hindi ako agad nakasagot.Hindi dahil hindi ko alam ang English niya, kundi dahil kahit sa isip ko, magulo pa rin ang sagot.Kaya imbes na magsalita, umiwas ako ng tingin.Sandaling katahimikan.Si Dominique naman ay hindi nagpumilit. Umupo lang siya ulit sa couch, bahagyang sumandal, parang tinatantya kung hanggang saan lang ako komportable."Forget it," sabi niya kalaunan, mas mabagal na ang English niya ngayon. "You don't have to answer."Tumango lang ako, mahina.At para ma-divert ang kaba ko, napatingin ako sa paligid.Mas malinaw ko nang nakikita ngayon ang gulo sa condo.May mga basag na bote sa sahig, may mga damit na nakasampay lang kung saan, may mga lata at papel sa mesa. Parang hindi naman ito normal na tirahan ng isang taong tulad niya.Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong napatayo.Napatingin siya sa akin."Where are you going?" tanong niya."Linisin ko lang po,
ELOWENPagkapasok ko sa VIP briefing room, agad bumungad sa akin si Madame Glory.Mas malamig pa rin ang presensya niya kaysa sa buong hallway."Sit," maikli niyang utos.Umupo ako sa harap ng isang glass table habang ang ID ko-EL REYES-ay tila mas mabigat tingnan sa ilalim ng ilaw.Sandaling katahimikan.Tapos binuksan niya ang folder sa harap niya."Your first assignment," sabi niya.Parang huminto ang paghinga ko.Hindi ko alam kung bakit pero kahit inaasahan ko na iyon, parang mas lalo pa rin akong kinabahan kapag narinig ko na."Client profile: Dominique Hudson."Napakurap ako."Hudson?" ulit ko, hindi ko alam kung bakit ko kinailangan ulitin.Tumango siya."Thirty-two. Business investor. Half-American. Frequent VIP guest."Ipinakita niya sa akin ang tablet.At doon ko siya nakita.Matangkad.Malawak ang balikat.Matalim ang jawline, parang modelo sa magazine pero mas "real"-yung tipo ng itsura na alam mong sanay sa mga lugar na hindi mo kayang pasukin basta-basta.6'4 ang taas,
ELOWENNapahigpit ang hawak ko sa sarili kong kamay habang nakatayo sa harap ng VIP escort.Hindi ko pa rin lubos na maintindihan kung bakit ganito kabilis ang lahat. Kanina lang, nasa training room kami ni Nadine na pareho lang namang nangangapa kung anong klaseng lugar ang Velvet Noir. Ngayon, hinihila na ako palayo, papunta sa mas mataas na palapag na parang hindi na para sa mga tulad ko."Name," ulit ng staff na nag-aabot ng laminated card.Dahan-dahan ko iyong kinuha.Pagtingin ko pa lang, parang may bumigat agad sa dibdib ko.EL REYES"Stage name assigned. VIP classification," malamig niyang sabi.VIP.Iyon na naman ang salitang paulit-ulit na tumatama sa utak ko mula kanina.Mas mataas. Mas pribado. Mas restricted.Mas hindi ko naiintindihan.Isinabit ko ang ID card sa lanyard na ibinigay nila sa akin. Sa bawat galaw ko, pakiramdam ko may ibang taong unti-unting ipinipilit sa akin. Hindi Elowen ang nakasulat. Hindi na rin Sullivan na tunay kong apelyido.El Reyes.Parang bagong












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.