Umusok ang dinaanan ng aking motor ng pihitin ko ang preno. Makalipas ang dalawang oras na byahe ay nakarating na rin ako sa aking pupuntahan. Ang simenteryo kung saan nakalibing ang aking ina at ang aking kapatid.
Pinatay ko ang makina. Inalis ko ang aking helmet at inilagay sa aking harapan. Saglit akong nanatili sa pagkakaupo at nilanghap ang masarap na simoy ng hangin.
Nang makuntento ako sa aking ginagawa ay agad akong tumayo. Pagtapak ng aking paa sa damuhan ay siyang pagliingon ko sa paligid. Kagaya ng aking inaasahan. Walang tao bukod sa akin. Napakatahimik. Tanging mga tuyot na dahon lang na nililipad sa sahig ang siyang maririnig mong ingay.
Kinuha ko ang shades na nakasabit sa aking damit. Ala-una palang ng tanghali kaya bidang bida pa rin ang sikat ng araw na pilit tumatakas sa mga nagtataasang puno. Isinuot ko ang shades sa aking mata at nagsimula ng maglakad.
Hindi pa man ako nakakalapit sa puntod ng aking ina ay agad na sumilay ang pagtataka sa aking mukha. Nang tuluyan akong makalapit ay agad kong itinukod ang aking isang tuhod sa lupa. Kinuha ko ang boquet of roses na katabi ng isang kandila. Nilingon ko ang katabi ng puntod ni mama at kagaya nito ay mayroon din itong mga bulaklak.
Agad akong napalingon sa aking paligid. Nangangalahati pa lamang ang kandila at mukhang hindi pa nakakalayo ang nagsindi nito.
Pero nakakapagtaka dahil wala ng tao nang dumating ako rito.
Kinapa ko ang aking bulsa. Kinuha ko ang aking cellphone at agad na tinawagan si Cyirl.
"Bitch! Ang sabi ko ala-singko! Hindi naman halatang miss na miss mo ako, 'no?" bungad nito.
"Shut up!" singhal ko.
Muli kong tinignan ang mga rosas na hawak hawak ko. "Pakitanong nga si Nicko kung dumalaw siya ngayong araw sa puntod nila mama," sabi ko nang hindi inaalis ang tingin sa mga rosas.
Muli itong sumigaw. "Boba! Nasa Batanes si Nicko! Paano pupunta dito 'yon?" tanong nito na nagpakunot sa aking noo.
Nakakapagtaka.
Sino naman kaya ang maglalagay nito rito?
Hindi kaya si Papa? Agad na tanong ko sa aking isipan.
Pero imposible.
Kung nandito lang si Papa sa lugar na ito ay matagal na dapat siyang nakita ni Tito. Matagal na dapat namin siyang kasama.
Muli kong tinignan ang hawak hawak ko. Nakakapagtaka dahil sa dinamirami ng bulaklak ay talagang rosas pa ang inilagay na siyang paborito nila Mama at Ate.
"Alam mo, susumbong kita kay mama mamaya kapag nagdasal ako," sabi nito na nagpabalik sa akin sa realidad. "Tanghaling tapat nag-aadik ka," dagdag nito bago patayin ang tawag.
Napabuntong hininga na lang ako.
Siguro kung sinabi ko kaagad sa kanya ang mga nakita ko ngayon ay baka nagmamadali itong pumunta rito. Pero ayoko, alam kong busy ang kapatid ko. Kahit hindi niya sabihin ay alam kong marami siyang ginagawa. Simula kasi nang mawala si Papa at mamatay sila Mama at Ate ay tinuon na niya ang buong atensyon sa trabaho. Kaya kahit nag-iba ang ugali ng kapatid ko ay inuunawa ko na lang. Siya ang bunso. Siya ang paborito nila Mama. Kaya alam ko na siya ang pinaka nasaktan sa aming lahat.
Ibinalik ko sa aking bulsa ang cellphone. Muli kong tinignan ang bulaklak. Muli kong naalala ang mga masasayang ala-ala naming dalawa ni Mama. Namumuo na ang luha sa aking mata. Hinawakan ko ang lapida ni mama at sinundan ang mga nakaukit dito.
Ma. Keziah Peralta.
Napakagandang pangalan na sinira lang ng mga Perez. Napatiimbagang ako nang maalala ko ang nakahandusay na katawan ni Mama. Wala silang awa. Hindi sila nakuntento sa isang baril. Pinaulanan nila si Mama mula sa kanyang dibdib hanggang sa kanyang ulo.
Napatingala ako nang pumatak ang isang butil ng luha sa aking mata. Inilabas ko ang kwintas na laging nakatago sa aking wallet. Iniingat-ingatan ko ito dahil ito ang unang binigay sa akin ni Mama.
"Malapit na, ma," saad ko habang nakatingala pa rin sa itaas. "Malapit ko na kayong maipaghiganti ni Ate."
Tumayo ako at muli kong pinasadahan ng tingin ang kanilang lapida. Nang makuntento ako ay agad akong tumalikod.
Pabalik na ako sa aking motor nang makarinig ako ng malakas na putok ng baril. Hindi ko alam kung saan galing 'yon pero ramdam ko ang hapdi sa aking braso. Tinignan ko iyon at doon ko nakita ang punit at ang pag-agos ng ilang dugo.
Agad akong yumuko. Dali dali kong kinuha ang baril sa aking likuran. Nilingon ko ang paligid at nang makita ko ang isang bulto ng tao sa di kalayuang puno ay agad ko itong pinaputukan. Agad naman itong tumakbo at sumakay sa kanyang motor.
Mabilis kong tinungo ang lugar kung saan nakaparada ang kulay itim kong motor. Mabilis kong binuhay ang makina at agad itong pinaandar.
Nakipag-unahan ako sa mga sasakyan. Sinundan ko ito sa abot ng aking makakaya. Nakailang liko pa ito sa mga sasakyan hanggang sa tuluyan ko itong hindi makita.
Bwisit!
Hindi ko ito nahabol na siyang kinainit ng ulo ko. Imbes na dumiretso sa korporasyon ay nagtungo ako sa clinic na hawak ni Panot. Pinalinis ko ang sugat at agad ring umalis doon.
Tinignan ko ang aking relo. Sakto lang ako sa oras ng aming pagkikita ni Cyril. Pagpasok ko ng building ay agad na bumungad sa akin ang pamilyar na likod ni Cyril.
"Gosh! Totoo? Hindi pa ako nakakapunta sa ganong lugar!" ani nito sa katawagan. Hawak niya ang cellphone at nakatapat iyon sa kanyang tainga.
"Hala! Send mo nga sa email ko! Para naman makita ko!" dagdag nito.
Tinapik ko ang kanyang balikat na siyang kinagulat niya. Dali dali niyang pinatay ang tawag at alinlangang tumingin sa aking mata.
"Kailan ka pa nakikipag-usap sa iba?" tanong ko bago umupo. "Alam mong bawal 'yan, Cyril. Kailan mo pa natutunang suwayin ang batas ng korporasyon?" muli kong tanong.
"W-Wala, 'no!" Pagtanggi nito na halata namang nagsisinungaling. "K-Kaklase ko lang 'yon nung elementary," dagdag nito at napatingin sa braso ko. Kunot noo itong nagtanong. "Anong nangyari d'yan?"
Hindi ko ito sinagot.
Nagtungo ako sa sa unit ko. Habang siya ay nagtungo sa headquarters para kunin ang mga pinili ko kanina. Pag-akyat ko ng unit ay agad akong nag-asikaso.
Ilang minuto pa ang binilang bago ako makarinig ng katok mula sa pinto. Pagbukas ko ay agad na sumilay sa akin si Cyril na may bitbit na itim na maleta. Umupo ito sa kama na siya namang tinabihan ko.
Inilabas nito sa kanyang bulsa ang may kalakihan na kulay itim na pouch. Inilapag niya iyon sa kama at binuksan. Tumambad sa akin ang isang laptop, isang cellphone at dalawang earpiece.
"Bitch, magagamit mo 'yan kapag nandun ka na," sabi nito na siyang itinango ko. "Tayong dalawa lang ang makakapag-usap d'yan. Nakakonekta na ang earpiece kaya dapat maging maingat ka."
Tanging tango lang ang nasagot ko.
"Nasa baba na rin ang gagamitin mong kotse. Nakokenekta na rin iyon sa laptop ko para makasigurado akong makakapunta ka ng ligtas doon," sabi nito habang inaabot sa akin ang isang susi.
Hinawakan n'ya nang mahigpit ang kamay ko. "Bitch, mag-iingat ka,"
Hindi ko maiwasang mapangiti. Hindi pa rin talaga lubusang nagbabago ang kapatid ko. Napakalambot pa rin ng puso nito. Kahit anong pagtatakip ng kamalditahan sa kanyang katauhan ay hindi pa rin nito maitatago ang maaalalahanin na Cyril na kilala ko.
Binitbit ko ang maleta at ang itim na bag. Bumaba ako at hinatid niya ako sa parking lot ng building na ito.
"Bitch, mangako ka na babalik ka," sabi nito habang ibinubuka ang kanyang kamay para sa isang yakap.
"Babalik ako, ang kailangan mo lang gawin ay gabayan ako," hinagod ko ang kanyang likod. "Mag-iingat ka, Cy."
Umiling ito. Ramdam ko na ang panginginig ng balikat nito. "Bitch, kaya ko ang sarili ko. Ikaw ang mag-ingat dahil hindi ko na kakayanin kapag nawala ka pa."
JACOB PEREZ"Son? Where are you?" That is the exact words that I heard to my father a years ago. Rinig ko pa ang malalim nitong paghinga. Na tila ba takot na takot at kinakabahan."School," simpleng sagot ko.Napatingin pa ako sa mga estudyanteng nakakasalubong ko sa hallway. They keep on staring at me and as usual, I always put my devilish smirk. "Come here, track my phone. Son, please, do your best to come here on time," aniya bago patayin ang tawag. And that is my go signal. Nagmadali akong naglakad at pumunta s
"A-Ano pang kailangan mong sabihin, Rebecca? Alam kong meron pa," ani ko na nagtitimpi.Para akong naduduwal. Hindi ako mapakali sa kung ano man ang maririnig ko. Para akong isang bata na nag-aabang ng candy.Napailing siya bago magsalita. "Mel. . . Jacob is planning to kill you. Kaya ngayon pa lang lumayo ka na."Natawa ako ng mahina sa mga narinig ko. Papatayin niya ako? Sana noon pa. Pero may kung ano sa dibdib ko na tila ba nasaktan dahil sa kirot na narinig ko."Hindi ka ba nagtataka? In a short periodof time ay naging mabait siya sa'yo. Nakapasok ka sa bahay nila kahit na full security ang bahay. Hindi ka pa hinanapan ng resume or tinanong ang back ground mo."Hindi ko magawang maniwala. Umaasa ako na nagbibiro lang siya pero napakaseryoso ng mukha niya. Tila ba hindi mabibiro."Alam kong hindi ka manini
"Mel, may gagawin ka ba mamaya? Let's have a bake session. I will teach the both of you the basics recipe na alam ko." Nagtaas baba ang kilay nito. Nagtataka naman akong tumingin sa kaniya. "Di ba may pasok ka?" Nagkibit balikat lang ito. "I already did the things that I need to do for today. Natapos ko na lahat kahapon," sagot niya."Ok, sige."Nakita ko kung paano magliwanag ang mukha ng mag-ama. Oo nga pala. Hindi nga pala noon masyadong naaasikaso ni Jacob ang anak niya. Ito lang ang ilan sa mga pagkakataon na makakapagbonding sila. At ang mas nakakaloka ay kasama pa talaga ako.Matapos kumain ay tinuruan ko muna si Kyro. Nakatingin lang sa amin si Jacob na tila ba tuwang tuwa na makita ang anak niya na nakangiti. Kahit naman sino ay mapapangiti kay Kyro. Bibo ito sa akin ewan ko lang sa kaniya. Naalala ko tuloy yung sinigawan ni
"Wow, anong meron at ang saya mo?" bungad sa 'kin ni Cyril pagbaba niya ng sasakyan niya.Nakat-shirt itong itim. Nakakagulat dahil mas makinis siya sa personal. Medyo pangit kasi ang kapatid kong ito lalo na kapag nagvivideo call kami. Para siyang isang hapones sa itsura niya dahil sa singkit niyang mata. Nakakapagtaka dahil hindi niya kasama si Ryan.Nasa labas ako ngayon ng mansyon ni Jacob. Nasa kusina siya at magluluto raw siya ng kung ano para sa movie marathon mamaya. Ewan, pero kinilig ako kanina. Hindi na mawala ang ngiti sa labi ko at napakagaan na ng pakiramdam ko."Wala naman," sagot ko at kinuha ang isang paperbag sa kamay niya.Napangisi siya sa sagot ko. Tinignan niya ang kabuuan ko na tila ba sinusuri ang bawat detalye."Umuwi ka nang hindi nagsasabi tapos maabutan kitang nakangiti? Sagutin mo nga ako kuya..."Muli siyang ngumisi at sinundot pa ang tagilira
"Hey," bati nito. Hindi ko siya nilingon hanggang sa maramdaman ko ang pag-upo nito sa aking tabi. "You look unfamiliar. You must be new here." Tumango ako. Ngayon lang naman kasi talaga ako napadpad dito. "You--." Inangat ko ang daliri ko at tinapat sa kanyang bibig. "Wag mo na lang akong kausapin kung mag-eenglish ka." Napairap ako na siya namang kinatawa niya. Tinaas nito ang dalawang kamay. "Ok, fine." Tumawa pa ito ng bahagya bago umorder sa lalaking nag-aalog ng kung ano sa aming harapan. "Margarita, please.""I'm the--." Muli itong napatigil dahil sa aking pagharap. "Ok, hmm s-sorry.." Muli itong natawa. "Marcus Peralta, you can me Marcus."Mukhang galing ibang bansa ang isang to. At mukhang siya ang nawawalang tatay ng mga estudyante ko. Siya siguro si daddy pig. Mga englishero. Sasakit niyo sa ulo
"Let's go." Tumingin ito sa kanyang relo. "It's already 7:30, late na tayo Ky. Napakabagal naman kasing kumilos ng teacher mo," ani ng demonyo bago lumabas ng bahay. "Teacher your face," bulong ko na siyang tinawanan ni Kyro. "I'm asking you! Where is your father! Tell me!" Maririnig din ang pag hikbi. Si Kyro. Nilagpasan ko ang maid at nakita si Rebecca na nakaduro kay Kyro na ngayon ay humihikbi na."Answer me!" muling sigaw nito.Hindi ko maiwasang mapairap. Bobo pala tong manananggal na 'to. Alam nang hindi nagsasalita yung bata tapos sisigawan pa."Hoy! Anong karapatan mong sigawan si Kyro?" tanong ko at dahan dahang naglakad papunta sa kanya.Nakita ako ni Kyro kaya dali dali siyang pumunta sa akin. Nagtago ito sa aking likuran."Ikaw na naman? What are yo