Share

CHAPTER 6

Agad na nanlaki ang mga mata ni Tamara dahil sa ginawa ni Lorenzo. Sa loob ng ilang saglit ay hindi siya nakahuma sa kanyang kinatatayuan habang sakop pa rin nito ang kanyang mga labi. Isang mariing halik nga ang ibinigay nito sa kanya habang ang isang kamay ay mahigpit na nakapigil sa kanyang batok. Ang kabilang kamay naman nito ay nakahawak pa rin sa kanyang palapulsuhan.

Until Tamara gasped softly as his lips moved on hers. Mistula itong nag-uudyok na ibuka niya ang kanyang bibig at tanggapin ang halik na binibigay nito. And because of what he did, Tamara was able to taste the alcohol that he had a while ago.

Sanay naman siyang makakita ng mga lalaking umiinom. Sa lugar nila, waring normal na sa kanilang mga kapitbahay ang mag-inuman. Kahit walang okasyon at sa kabila ng hirap ng buhay ay nakakakuha ng pagkakataon ng ilan nilang mga kapitbahay na magkaroon ng inuman session.

At aaminin niyang hindi niya gusto ang amoy ng alak sa ibang tao. Lalo na sa tuwing humahalo ang amoy ng inumin sa bibig ng mga ito. She did not like it just as much as she didn't want the smoke of the cigarette.

But how come she didn't find Lorenzo's mouth disgusting? Amoy alak ito pero hindi masangsang sa ilong. Ganito ba talaga kapag mayaman?

Hindi niya pa maiwasang mainis sa kanyang sarili. Paanong naisip niya pa ang bagay na iyon gayung sinasamantala na siya ng lalaking ito?

Waring natauhan na agad niyang inipon ang lahat ng katinuan sa kanyang sarili. Inangat niya ang kanyang dalawang kamay at dahil sa hindi iyon inasahan ng binata ay wala itong nagawa nang ubod lakas niyang itinulak ito sa dibdib.

Naging mabuway ang pagtayo ni Lorenzo at sanhi ng ginawa niya ay agad pa itong napaatras ng dalawang hakbang palayo sa kanya. Hindi pa man ito nakakabawi sa kanyang ginawa ay mabilis nang kumilos si Tamara. Umangat ang kanyang kanang kamay at ipinadapo ang palad niyon sa pisngi ni Lorenzo.

Nagagalit siya dahil sa ginawa nito. Sa kabila ng katotohanan na napansin niya pa ang amoy ng bibig nito ay hindi niya itatanggi ang galit na agad ay umahon mula sa kanyang dibdib dahil sa kapangahasang ginawa ng binata--- ninakaw nito ang kanyang unang halik!

At isiping ipinangako niya pa man din sa kanyang sarili na dapat ay karelasyon niya ang magbibigay sa kanya ng unang halik sa kanyang mga labi. Pero heto ang lalaking ito na hindi niya man lang boyfriend. Ni hindi niya nga ito maituturing na kaibigan man lang.

Iyon ang dahilan kaya hindi niya napigilan ang kanyang sarili na sampalin ito. Wala itong karapatang halikan siya. Sobra na nga ito kung makainsulto sa pagkababae niya kahit wala naman itong alam, tapos heto pa at nangahas na angkinin ang kanyang mga labi.

Lorenzo's head was tilted because of what she did. Bahagya pang natigilan ang binata nang dumapo ang kanyang palad sa pisngi nito. Sa wari pa ni Tamara ay saka lamang natauhan si Lorenzo at bumalik sa katinuan nito.

He looked at her intently. Akmang aabutin siya nito ngunit mabilis na umatras si Tamara at galit na nagsalita.

"Huwag mo akong hahawakan!" nangangalaiti niyang saad dito.

"Tamara, I didn't mean to upset you. I-I... I mean---"

"What? You are sorry?" putol niya sa ano mang sasabihin ng binata. "Hindi pa ba sapat ang mga insulto mo, Mr. Olivar? Talaga bang ipaggigiitan mo ang gusto mo?"

"I am not sorry for kissing you," sansala nito sa kanya. "What my point was, I didn't mean to upset you. At hindi ko ugaling ipilit ang sarili ko sa babae, Tamara. I just don't know why I lost control a while ago."

Paismid siyang ngumiti. "Talaga lang? Ang sabihin mo ang taas ng tingin mo sa sarili mo. You think you can dominate anyone. Iniinsulto mo ako at si Roberto, gayung kung iisipin ay mas madumi pa ang pagkatao mo kaysa sa aming dalawa."

Ramdam ni Tamara ang paglabasan ng mga ugat sa kanyang leeg dahil sa galit na kanyang nararamdaman para dito. Kung posible lang na saktan niya pa ito ay ginawa niya na.

But instead, Tamara chose to turn around and leave the place. Tinalikuran niya na nga si Lorenzo at halos lakad-takbong lumayo dito.

"Tamara!" narinig niya pang pagtawag sa kanya ng binata.

Hindi na niya ito nilingon pa. Dire-diretso siyang humakbang palayo dito. Nang makarating sa lugar kung saan kausap niya kanina ang kanyang kaibigan ay wala na ito roon. Hindi niya na rin naman pinagkaabalahan pang hanapin ito at agad na lamang nilisan ang lugar.

Nakalabas na siya sa solar ng resort ng bigla ay huminto si Tamara sa kanyang paglalakad. Binigyan niya rin muna ng isang sulyap ang lugar na pinanggalingan niya bago siya nagpakawala ng isang malalim na hininga. Maging ang ilang butil ng luha mula sa kanyang mga mata ay hindi na niya napigilan pang pumatak.

She was filled with mixed emotions. Una na nga roon ang galit para kay Lorenzo Olivar. Lumabis na ito sa pang-iinsulto sa pagkatao niya. Alam niyang maduming babae ang tingin nito sa kanya dahil na rin sa kaalaman na may relasyon siya kay Roberto. And now, she knew very well why he kissed her just like that--- iniisip nitong mabilis naman siyang bibigay sapagkat ganoong uri ng babae nga ang tingin nito sa kanya.

And damn him for that!

Mariin siyang napapikit. Kasabay kasi ng galit sa kanyang dibdib ay hindi niya rin maitatanggi ang sakit at lungkot na umahon mula roon. Dahil sa lihim nila ni Roberto ay kailangan niya pang tiisin ang masamang tingin sa kanya ng ibang tao.

And she did not have a choice but to accept it. Hindi niya man lang magawang ipagtanggol ang kanyang sarili. Paano niya nga naman gagawin iyon nang hindi nabubunyag ang totoo?

Matapos ng gabing iyon ay pinilit ni Tamara na maging abala. Iniwasan niya rin munang magtungo sa resort kung saan naroon si Lorenzo upang hindi niya makita ang binata, kahit pa ang katumbas niyon ay ang ilang araw ding hindi niya pakikipagtagpo kay Roberto.

Sa kabila ng binulabog ang isipan niya ng halik na ginawa nito ay kinailangan niya pa ring ipagpatuloy ang mga kailangan niyang gawin. At isa na nga roon ay ang magtungo sa pinagkukuhanan nila ng panindang saging.

Karaniwan na ay mga gulay at prutas ang mga paninda nila sa palengke. May pinagkukuhanan silang supplier ng mga naturang paninda ay iyon ang inilalagay nila sa kanilang pwesto. At ang saging na mabenta sa kanila ay nanggagaling pa sa malawak na sagingan ng pamilya ni Ethan Villaver.

Maliban sa resort na pag-aari ng mga ito ay ang malalawak na pataniman ng mga saging ang pangunahing pinagkakakitaan ng pamilya Villaver. Hindi lang sa iba't ibang probinsiya sa Pilipinas dinadala ang produkto ng mga ito, maging sa ibang bansa ay nakararating din ang mga iyon.

At ngayong araw nga ay kailangan niyang magtungo sa sagingan ng mga Villaver para kumuha ng paninda. Malapit lamang iyon sa resort kaya at hindi rin naman nalalayo sa kanilang tinitirhan.

Ang totoo ay hindi lang iyon ang lupain ng mga Villaver. Sa ibang lugar ay mayroon pa ang mga ito. Dine-deliver ang mga produkto sa mga kliyente nito. Ngunit dahil sa maliit na pwesto lang naman ang mayroon silang mag-ina ay siya na mismo ang sumasadya sa naturang pataniman upang kumuha ng mga paninda. Gasino lang naman kasi ang kapital na mayroon sila ng kanyang ina kumpara sa naglalakihang kliyente ng mga Villaver.

"Magandang umaga, ate," masigla niyang bati sa isa sa mga tauhan na lagi na ay nag-eestima sa kanya sa tuwing paparoon siya.

"Mas maganda ka sa umaga, Tamara," ganting-bati nito na agad niya namang ikinangiti.

"Naku, ate, nambola ka pa."

Tumawa lamang ito habang patuloy lang sa pagsalansan ng mga saging na pahinog na. Ang ilan naman ay sadyang handa nang kainin. "Dating gawi ba?" usisa nito sa kanya.

"Oo, ate. Katulad lang ho ng dati kong kinukuha," wika niya.

"Sandali at aayusin ko," tugon nito sabay kilos na upang ayusin ang kanyang mga kukunin.

Dahil nga sa matagal na rin silang kumukuha ng produkto sa mga Villaver ay alam na alam na ng ilang tauhan roon kung gaano kadami ang kinukuha niyang saging. Sa tuwing naroon na siya ay hindi na niya kailangan pang idetalye ang bibilhin niya. Alam na agad ng mga ito.

Hindi nga nagtagal ay nasa dalawang naglalakihang plastic na ang ilang kilo ng saging na ibebenta niya naman sa pwesto nila sa palengke. Agad niya na rin iyong binayaran at magalang nang nagpaalam sa mga ito.

Naglalakad na siya paalis nang maulanigan niya ang mga pamilyar na tinig. Agad pa siyang napalingon sa pinanggalingan niyon at halos matigilan nang masilayan ang mukha ng lalaking sa loob ng ilang araw ay gumulo sa sistema niya--- si Lorenzo. Kasalukuyan nitong kausap ang kaibigang si Ethan.

*****

"YOU HAVE a wide banana plantation, pre. Maayos pa magtrabaho ang mga tauhan niyo," totoo sa loob na papuri ni Lorenzo sa lupain ng kaibigan niya.

Ilang araw na nga siyang namamalagi sa naturang probinsiya at sa pagkakataon na iyon ay naisipan ni Ethan na dalhin siya sa malawak na taniman ng mga ito ng saging.

He was amazed by their business. Alam niyang malaki ang kinikita ng mga Villaver sa negosyong iyon. Bakit nga ba hindi gayung maging sa ibang bansa ay nakararating ang produkto ng mga ito?

"Salamat, pre," tugon naman ni Ethan. "We really see to it na maayos ang lahat sa negosyong ito. Mahirap nang mapuna ng mga customer."

He smiled. Akmang magsasalita siya nang lumapit ang isa sa matatandang tauhan roon.

"Excuse me, sir. May customer ho na gusto kang makausap," anito kay Ethan.

Lumingon sa kanya ang kaibigan niya. Bago pa man maibuka ni Ethan ang bibig ay inunahan niya na itong magsalita.

"It's okay, pre. Maglalakad-lakad na lang muna ako."

"Are you sure?"

"Of course," anito na sadyang tinapik pa ito sa balikat.

Nagpaalam nga muna si Ethan sa kanya at sumama sa matandang lalaki. Sinundan niya pa ang mga ito ng tanaw bago nagpasya na mag-ikot muna sa lugar. Kahit papaano ay gusto niya ang kaisipan na makalayo pansamantala sa magulong siyudad kung saan pawang mga gusali at maraming sasakyan ang nakikita.

At least sa lugar na ito, maliban sa magandang dagat sa resort ng kaibigan niya ay mga halaman naman ang natatanaw ng kanyang mga mata.

Ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ni Lorenzo nang agad rin siyang natigilan. Hindi nalalayo sa kanya ay naroon si Tamara. Nasa akto itong bubuhatin nang muli ang dalawang naglalakihang plastic na puno ng ilang piling ng saging.

If he was not mistaken, she's in a hurry to leave. Naatraso lang ang pag-alis nito sapagkat nasira ang isang hawakan ng plastic.

"Tamara..."

She abruptly looked at him. Nasa mukha nito ang animosity and he knew the reason why. Hindi nito nagustuhan ang paghalik na ginawa niya dito nang nakaraan.

Maging si Lorenzo ay hindi rin maunawaan sa kanyang sarili kung bakit niya iyon ginawa. Hindi niya ugaling mamilit ng babae. Women just come and go in his life. He does not need to force anyone just to have them.

Pero ang babaeng nasa harap niya ngayon... hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang kagustuhan niyang pumayag ito sa kanyang alok. The urge that he felt to have her was so strong that he, himself, didn't understand why.

Mas lalo pang umigting ang kagustuhan niyang mapalapit dito nang mahagkan niya ang mga labi ng dalaga. Hindi naman ito ang unang babaeng nahagkan niya pero hindi niya maunawaan kung bakit naligalig na siya mula nang gabing iyon.

He knew he wanted more than just kissing.

"What are you doing here?" tanong niya sa kawalan ng masabi.

"Isn't it obvious?" paasik nitong tanong habang patuloy sa pagtatali ng hawakan ng plastic.

"Let me help you---"

"Kaya ko," mabilis nitong turan dahilan para mahinto siya sa kanyang paglalakad.

"Papalitan mo na lang sa tauhan nina Ethan," suhestiyon niya pa.

Hindi ito sumagot at pinagpatuloy lamang ang ginagawa. Because she was busy on what she's doing, Lorenzo got the chance to roam his eyes on her. Maganda si Tamara, no doubt about that. Though, aminado si Lorenzo na marami na rin siyang nakahalubilong magagandang babae katulad nito. Those socialites that he has dated, for example.

Pero kung siya ang tatanungin ay mas humahanga siya sa gandang taglay ng babaeng nasa harap niya. Natural at hindi na kailangan pang lagyan ng makeup upang mangibabaw. Hindi rin nakakasawang pagmasdan kahit matagal.

"Tamara, about what happened---"

"Ayokong pag-usapan ang ginawa mo, Mr. Olivar," mabilis nitong saad. Tumayo pa ito nang tuwid upang harapin siya at saglit na tinigilan ang ginagawa.

"Look, Tamara... Okay, I'm sorry," agap niya pa. "That's what you want to hear, hindi ba? Well, I'm sorry."

Napaismid ito. "Wala sa loob mo," puna nito sa paghingi niya ng tawad. Bubulong-bulong pa ito at halata ang inis sa mukha. Muli ding kinuha ng dalaga ang mga dala at inilapit sa paanan nito.

"You're selling bananas?" aniya pa.

"Oo, hindi kasi sapat ang nahuhuthot ko mula kay Roberto," sarkastiko nitong saad.

"Why don't you look for a job?"

Pinanliitan siya nito ng mga mata. Hindi ito tumugon ngunit base sa titig na iginawad nito sa kanya, wari bang nagsasabi itong wala siyang pakialam sa buhay nito.

Pero hindi nagpatinag si Lorenzo. Sa muli, sa hindi maintindihang rason, isang ideya ang bigla na lang ay pumasok sa kanyang isipan.

"I can offer you a job. I own a furniture company in Manila. You can check it on internet. Kung papayag kang magtrabaho roon ay hindi bababa sa bente mil ang kikitain mo buwan-buwan. What can you say?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status