Inisang lagok ni Hendrick ang champagne na nasa kopita niya habang ang mga tao naman sa kanyang paligid ay masigabong nagpalakpakan. Natapos na kasing kumanta ang wedding singer sa kasal nina Lorenzo at Tamara, sanhi para matapos na ring sumayaw ang bagong kasal. Bago pa tuluyang umalis sa gitna ay pinatakan pa muna ni Lorenzo ng isang halik ang mga labi ni Tamara na mas nag-ani ng hiyawan at palakpakan sa mga tao.
He smirked. Ang iba ay talagang kikiligin sa nakikitang sweetness ng mag-asawa. Nakatutuwa naman talagang malaman na natagpuan na ng kaibigan niya ang babaeng makakasama habang buhay. Maging siya man ay labis na masaya para sa mga ito. Hindi niya lang talaga magawang sumabay sa pagsasaya ng mga kasamahan niya dahil sa isang rason--- ang babaeng kumanta kanina sa kasal nina Lorenzo, maging ngayon sa reception ng mga ito. He knew her… Hendrick knew her so well. Ito ang babaeng naging dahilan kung bakit iba na ang pananaw niya sa pag-ibig. Ito ang babaeng naging dahilan kung bakit, sa kabila ng edad niya, ay hindi niya pa naiisipang lumagay sa tahimik. What she did before made him hate the word ‘love’. Habang nagpapalakpakan ang mga tao para kina Lorenzo at Tamara, siya naman ay sinundan ng tingin ng wedding singer. Nakita niyang naglakad ito patungo sa direksyon ng hotel ng resort. Hindi niya pa maiwasan ang pagdikit ng mga kilay habang nakamasid sa dalaga. Sa Davao na rin kaya ito nakatira? Nagpatuloy ang maikling programang inilaan para sa bagong kasal. Nagkaroon pa ng ilang palaro na may kaugnayan kina Lorenzo at Tamara. Sobrang ikinasaya ng mga taong naroon ang reception. Kahit nang matapos ay hindi matigil ang mga tao sa masayang kuwentuhan ng mga ito. Samantalang siya ay tahimik lamang na nagmamasid sa paligid. Nakaupo siya at kasama sa iisang mesa ang mga kaibigan niyang sina Ethan, Winston at Sergio. Ni ang masayang kuwentuhan ng mga ito ay hindi niya masabayan. Hanggang sa maya-maya ay naglakad palapit sa kanila si Lorenzo. Si Tamara naman ay nakita niyang kasama kanina ang kasintahan ni Ethan na si Rose. Kung saan man pupunta ang mga ito ay hindi niya alam. “Congratulations again, Renz,” masayang bati ni WInston, itinaas pa ang hawak na kopita bilang pagbati sa kaibigan nila. “Thanks,” pasasalamat ni Lorenzo sabay kuha ng kopitang iniabot ni Sergio. Naupo rin ito sa isang bakanteng silyang naroon. “I’m so happy for you, Renz. Cheers for your happiness and of course, for more babies to come!” panunukso ni Ethan na ikinatawa ng mga kaibigan niya. “Maraming salamat sa inyong lahat. Salamat din, Ethan, sa pagpayag na rito kami ikasal ni Tamara. Malaking parte na ng buhay naming mag-asawa ang lugar na ito.” “No problem,” tugon ni Ethan kay Lorenzo. “Anything for all of you.” “Thank you, really. Malaking bagay na para sa akin na narito kayo,” saad pa ni Lorenzo bago bumaling sa kanya. “Rick, kahit hindi ka pumayag na kumanta sa kasal namin ni Tam, at least you came.” “You know I wouldn’t miss it. Hindi ko lang talaga magawang kumanta ngayon sa kasal mo.” Nagkibit-balikat lamang si Lorenzo. Nagsisimula pa lang mag-asikaso ng kasal ay kinausap na siya nito. Humiling ito na kumanta siya para sa araw na iyon. Alam ng mga kaibigang niyang mahilig siyang kumanta at puring-puri pa ng mga ito ang magandang boses niya. But Hendrick refused to sing on Lorenzo’s wedding. Matapos ng nangyari maraming taon na ang nakalipas, nawalan na siya ng gana sa dalawang bagay--- sa pag-ibig at sa musika. Konektado sa musika ang babaeng minahal niya noon. Sa tuwing naglalaan siya ng panahon sa pagkanta, hindi maaaring hindi ito sumagi sa isipan niya. It was the reason why he stopped singing. “Is there something wrong, Rick? Kanina ka pa seryoso,” puna ni Sergio sa kanya. “Napansin kong kanina ka pa patingin-tingin sa wedding singer na nakuha para sa amin? Do you know her?” tanong naman ni Lorenzo. Hindi niya alam na napansin nito ang kanina niya pang pagsulyap sa babaeng kumanta kanina sa kasal at ngayon sa reception. “Come on, guys,” aniya, hindi pa maiwasang matawa. “Why are we talking about me? Hindi ba’t dapat ay kayo ni Tamara ang pinag-uusapan natin?” “Why can’t you answer? Kilala mo ba ang babaeng iyon?” susog pa ni Ethan sa pang-uusisa. Isang malalim na buntonghininga ang kanyang pinakawalan. Bago tuluyang sagutin ang tanong ng mga ito ay inubos niya muna ang natitirang alak sa kanyang kopita. “I know her,” saad niya sa mariing tinig. “Siya ang rason kung bakit muntik ko nang kamuhian ang musika ilang taon na ang nakararaan.” Natahimik ang mga kaibigan niya. Wala na siyang idinagdag pa pero alam niyang naunawaan na ng mga ito kung ano ang ibig niyang sabihin. Hindi niya pa nga maiwasang mapatiim-bagang nang maalala ang yugtong iyon ng buhay niya. Those days were supposed to be the happiest days of his life… but it turned out to be the opposite. ***** HALOS patakbong pumasok ng banyo si Laica. Naglikha pa ng malakas na ingay ang pagsara niya ng pinto dahil sa labis na pagmamadali. Nang makapasok sa loob ay agad niyang isinandal ang kanyang sarili sa nakapinid nang pinto saka pinakawalan ang hiningang kanina niya pa pinipigilan. Mariin niyang naipikit ang kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay ngayon lamang siya nakahinga nang maigi mula nang mag-umpisa ang kasal. Ni hindi niya pa nga alam kung paano niya naitawid ang ilang kantang kailangan niyang kantahin kanina. Unang kanta pa lang kasi ay mistula nang bibigay ang boses niya. She saw him! She saw him again! After how many years… seven years, to be exact, muling nagtagpo ang landas nila ng lalaking kahit isang araw yata ay hindi nawala sa isipan niya--- si Hendrick, ang lalaking una at tanging naging nobyo niya. Matapos nilang maghiwalay ay wala na siyang iba pang nakarelasyon. He’s part of the entourage. Ibig sabihin ay kilala nito ang mga ikinasal na halatang galing sa mayayamang pamilya. Maging ang mga bisita, lalo na iyong mga kamag-anak ng groom, ay halatang gallng sa maalwan na buhay. At kilala ni Hendrick ang mga iyon? Pagkalipas ng pitong taon, umasenso na rin ba ito? Maayos na ba ang buhay ng binata ngayon? O binata pa nga ba ito? Laica heaved out a deep sigh again and opened her eyes. He’s thirty-five right now. Alam niya iyon dahil wala siyang kinalimutan kahit isang detalye tungkol sa binata. Lahat ng tungkol dito ay naaalala niya pa… lahat-lahat. At sa edad ni Hendrick ngayon, may asawa na kaya ito? Hindi imposibleng ganoon nga. His age was just right to settle down. At ilang taon na ang lumipas mula nang magkahiwalay sila. Aasa pa ba siyang malaya pa ang binata? Naglakad na siya palapit sa lababong naroon. Binuksan niya ang gripo at naghugas ng mga kamay. Parang wala siya sa sarili habang gumagalaw. Ang kaisipan kasing baka nga may sarili na itong pamilya ay mistulang patalim na tumusok sa kanyang dibdib. Pero ano pa ba ang aasahan niya? Matapos ng mga ginawa niya, baka nga tuluyan na siyang kinalimutan ni Hendrick. Hindi na siya nagtagal pa sa banyo. Agad na rin siyang lumabas upang hanapin na sina Adrian at Mike. Balak niyang magpaalam na sa mga ito at mauuna na lamang na bumalik ng Manila. Matapos ng muli nilang pagtatagpo ni Hendrick ay parang hindi na niya kaya pang tumagal sa lugar na iyon. Hindi na niya nais pang masaksihan kung pamilyado na nga ito. Agad na siyang lumabas ng banyo at tuloy-tuloy na sanang maglalakad nang bigla siyang matigilan pagkakita sa lalaking kanina pa nagpapagulo sa buong sistema niya. Katulad niya ay natigilan din ito sa balak na pagpasok sa men’s comfort room. Mataman din itong napatitig sa kanya na halos hindi niya mahulaan kung ano ang tumatakbo sa isipan. Tumayo siya nang tuwid at pilit na kumilos nang kaswal. “H-Hendrick,” sambit niya sa pangalan nito. Marahan nitong ikiniling ang ulo saka tumikwas ang isang sulok ng mga labi. “We met again, Laica, after how many years,” anito sa malamig na tinig kasabay ng pagbaba-taas ng mga mata sa kanyang kabuuan. “You sang on my friend’s wedding. You must have an expensive talent f*e right now, haven’t you?” Hindi niya maiwasang masaktan dahil sa kaisipang punong-puno ng sarkasmo ang tinig nito nang magsalita. Kaibang-kaiba na ito sa Hendrick na nakilala niya noon. “Hindi,” tugon niya sa mahinang tinig. “Ang totoo---” “Why not? Hindi ba’t iyon ang usapan ninyo ni Rocco? He promised you fame and money, didn’t he? Kaya nga iniwan mo ako, hindi ba?” Hindi siya nakasagot. Muling nanariwa sa isipan niya ang mga nangyari noon at kung bakit ganoon na lamang ang galit sa kanya ni Hendrick ngayon. Yes, she left him. Sinaktan niya ito. Ginawa niya ang isang pasyang sumira ng relasyon nilang dalawa at kahit ano siguro ang sabihin niya ngayon ay hindi na maaalis ang galit nito sa kanya. “I know you hate me now. Ano mang paliwanag ko ngayon ay hindi na mababago ang mga nangyari noon,” aniya sa mahinang tinig. “I-I guess, I need to go. Goodbye, Hendrick.” Nagsimula siyang humakbang palayo sa kinaroroonan nila, pero ilang hakbang pa lamang ang nagagawa niya nang muli na namang magsalita ang binata dahilan para matigilan siya. “How’s Luke?” Marahas siyang napalingon dito. Hindi niya pa alam kung bakit bigla itong nagtanong tungkol sa kapatid niya. Nevertheless, she answered, “H-He’s fine.” “I see…” makahulugan nitong saad. “The operation did well, didn’t it?” Tuluyan niyang nakalimutan ang balak na iwan ito roon. Muli siyang humarap sa binata saka nagtanong. “H-How… How did you know about it?” Hendrick smirked. Sa pagkakataong iyon ay mas nang-uuyam na ang tinging iginawad nito sa kanya. “Ever since, you’ve been underestimating me, sweetheart. Iniisip mo talagang wala akong kakayahan sa lahat ng bagay. Ganoon ba talaga kaliit ang tingin mo sa akin? Hindi mo naisip na kaya kong malaman ang lahat tungkol sa iyo?” “A-Ano ang ibig mong sabihin?” “It has been seven years, Laica,” anito sa halip na sagutin ang tanong niya. “Your brother is doing fine right now. Don’t you think it’s high time that you pay me back?” “Pay you back?’ naguguluhan niyang balik dito. “Wala akong naaalalang may utang ako sa iyo---” “The hospital bills, Laica, remember?” mabilis nitong putol sa pagsasalita niya. Hindi niya maiwasang mapasinghap. Agad ding umahon ang kakaibang kaba sa kanyang dibdib. It’s been seven years since her brother was hospitalized. Kinailangan nitong maoperahan dahil sa sakit sa puso na mayroon na ito mula pa pagkabata. Iyon pa ang panahong halos hindi na niya alam kung saan babaling para lang madugtungan ang buhay ng kapatid niya. Ulila na silang dalawa ni Luke at tanging ang kanilang Tita Beth na lamang ang nagtataguyod sa kanilang dalawa. Dagdag pasanin pa ang katotohanang may sakit ang kapatid niya at kailangan niyang akuin ang gamutan nito. Pitong taon na ang lumipas… pitong taon na rin siyang napapaisip kung paanong naging bayad na ang lahat ng kailangan nilang bayaran sa ospital noon. Pagkatapos ng pakikipag-usap niya kay Rocco ay ibinalita sa kanya ng kanyang Tita Beth na maooperahan na ang kapatid niya at wala na silang kailangang problemahin sa lahat ng gastusin. Wala silang ideya kung paanong nangyari iyon, pero ang katotohanang magiging maayos na si Luke ang mas labis na umukopa ng isipan niya. Hanggang ngayon ay wala siyang maisip na maaaring tumulong sa kanya nang mga panahong iyon… not until now that she’s talking to Hendrick. “I-Ikaw?” puno ng pagkalitong tanong niya. “You never thought it’s me,” he said mockingly. “I was the last one to know about Luke’s condition because you thought you’ll get nothing from me. Ako ang nobyo mo pero mas si Rocco ang pinagkatiwalaan mo, Laica. Ako dapat ang karamay mo nang mga panahong iyon dahil ako ang nobyo mo pero mas ibang lalaki ang pinili mong makasama.” “You don’t understand---” “Why?” patuloy nito na para bang hindi siya nagsalita. “Dahil iniisip mong wala akong kakayahang tulungan ka financially? It’s all about the money, wasn’t it?” “Hendrick---” “I want my money back. Maniningil ako, Laica.” Mariin siyang napalunok. She saw nothing but hatred on his face… gone was the gentle and sweet Hendrick that she knew. Hindi na ito muli pang nagsalita. He just got his wallet from the pocket of his pants and got something from it. Agad itong may iniabot sa kanya--- tarheta kung saan nakalagay ang pangalan nito at numero. “Call me, Laica,” nag-uutos nitong sabi. “Sapat na siguro ang pitong taong hindi ko pagsingil sa iyo, hindi ba? Now, it’s payback time, sweetheart.” Hindi na siya nito hinintay pang makasagot. Agad na itong umalis at iniwan siya roon. Hindi pa maiwasan ang pamumuo ng mga luha sa kanyang mga mata habang sinusundan ng tingin ang papaalis na binata. He has changed… a lot. Wala na ang lalaking alam niyang mahal na mahal siya. Ngayon, pagkamuhi na lang ang nadarama nito para sa kanya…Abangan...SAVAGE BILLIONAIRE SERIES 9: ALTER VLADIMIR SANTILLANES(Vladimir and Shiela)Soon on Goodnovel...
ALTER VLADIMIR AND SHIELA MARIEIsang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Shiela kasabay ng pagpalinga-linga niya sa paligid. Huminto siya sa paghakbang at sadyang pinagmasdan muna ang mga tao na waring nagsisiunahan sa paglakad. Katulad niya ay mayroong hila-hilang mga maleta ang mga ito. Ang iba naman ay may mga kaagabay na sa paglalakad habang bakas ang tuwa sa mga mukha.She swallowed an imaginary lump in her throat. Natuon ang kanyang mga mata sa isang babaeng halos nagmamadali sa paghakbang palapit sa isang matandang babae at lalaki. Hindi mahirap hulaan na magulang nito ang dalawang matanda. Agad pa nga ang pagyakap ng mga ito sa anak na bagong dating na kung ilang taon na nawalay sa mga magulang ay hindi niya alam.It might be years... just like her.She heaved out a deep sigh again before she continued walking. Kasalukuyan na siyang nasa NAIA at ilang minuto pa lang ang nakalilipas mula nang lumapag ang eroplanong sinakyan niya mula sa Italy. Katulad ng ibang pasahe
“I miss this place,” nakangiting saad ni Laica habang iginagala niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng loob ng condo unit ni Hendrick. Marahan din ang ginagawa niyang paghakbang kasabay ng paghaplos sa ilang figurine at photo frame na nakapatong sa ibabaw ng bureau na malapit sa may entrada ng naturang lugar.Totoo sa loob ang mga sinabi niya. She really missed that place... his condo unit. Sa loob ng ilang buwan ay iyon ang naging tahanan nilang dalawa. Iyon ang una nilang tirahan matapos ikasal sa isa’t isa. Somehow, that place held so much memories of their married life. Kahit yaong mga araw na hindi pa sila magkasundo ni Hendrick at lagi pang nagbabangayan ay naging saksi rin ang lugar na iyon.Matapos nga nilang kumain sa restaurant na matatagpuan sa ground floor ng gusaling kinaroroonan nila ay agad na siyang inaaya ni Hendrick na umakyat sa condo unit nito. Hindi niya pa mapigilang mapailing dito habang nasa elevator sila. Wala pa man kasi pero wari bang nahuhulaan na niya kung
PAGKALIPAS NG ILANG BUWAN...Maingat na ibinaba ni Laica ang kanyang apat na buwang anak sa crib nito. Nakatulog na ito ngunit nang ibaba niya ay bahagyang naalimpungatan dahilan para marahan niya itong tapik-tapikin sa hita para muling patulugin. It took Laica how many seconds before she put her daughter to sleep again.Yes, daughter! Babae nga ang panganay nilang anak ni Hendrick--- si Leyla Montañez, ang panganay ding apo ng mga magulang ni Hendrick, ang panganay na apo sa tuhod ni Benedicto.Hindi niya pa mapigilang mapangiti habang bahagya siyang nakayuko at pinagmamasdan ito. She looked so peaceful now while sleeping. Habang pinagmamasdan ito ay wari niya pang nakikita ang mukha ng kanyang asawa. Pagkapanganak niya pa lang ay marami na ang nagsasabing kahawig ni Hendrick ang kanilang anak, bagay na hindi niya kayang salungatin. Talaga nga namang isang Montañez ang mukha ni Leyla.“Hanggang ngayon ay hindi ko talaga alam kung paanong madali lang para sa iyon patulugin si Leyla.”
Agad ang pamumuo ng mga luha sa mga mata ni Laica nang mapako na ang kanyang paningin kay Hendrick. Nakatayo na ang kanyang asawa sa may altar at naghihintay na makalapit siya. Patuloy pa ito sa pagkanta habang hindi pinuputol ang pagkakahinang ng mga mata sa kanya.Laica started to walk. Pakiramdam niya, iyon na ang pinakamatagal na paghakbang na kanyang ginawa. Habang naglalakad kasi ay kay Hendrick lamang nakatuon ang kanyang mga mata, katulad sa kung paano rin ito tumitig sa kanya. Wari bang walang ibang tao sa kanilang paligid at sila lamang ang naroon sa loob ng simbahan na iyon.“When loving you keeps me living... It’s the reason why I’m breathing. Baby, couldn’t ask for more. All I want is to love you... forevermore...I can do anything with you by my side... conquer all obstacles as long as we’re fine. Baby, loving you is the only thing that keeps me living... and I couldn’t ask for more... cause all I want is to love you... forevermore...”Patuloy sa pagkanta si Hendrick. Pat
Few more chapters to go for this story. Thank you for everyone who's reading Hendrick and Laica's story. Just some clarification, ang timeline ng Chapter 66 ay ang mga panahong umalis si Rhea at iniwan si Sergio sa SBS5:SERGIO ARGANZA. Baka lang po magkaroon ng kaunting kalituhan dahil may wakas na sa kuwento nina Sergio at Rhea (baka isipin ninyo na nag-away yung dalawa. hehe)I will add a special chapter here, showing some glimpse on my next novel, SBS9:ALTER VLADIMIR SANTILLANES. Abangan...Also, you may now add on your library my new story HIS HEART SERIES 3:HIS RUTHLESS HEART. Available na po rito sa Goodnovel.Thank you...___yvettestephanie___