“When are you coming home, Hendrick? I just want to remind you about the family meeting that your Lolo Benedicto is conducting. You have to be here before that day, hijo,” mahabang pahayag ni Teresa, ang kanyang ina. Kasalukuyan niya itong kausap sa kanyang cell phone habang abala siyang inaayos ang mga damit na isusuot niya para sa okasyon sa araw na iyon.
Hendrick sighed heavily. Inilapag niya muna ang tuxedo sa ibabaw ng kama saka itinuon ang buong atensyon sa pag-uusap nilang mag-ina. Dala ang kanyang cell phone na nakatapat pa rin sa kanyang tainga ay humakbang si Hendrick patungo sa verandah ng silid na kinaroroonan niya. “I’ll be home this weekend, Mom, and that is three days before the family meeting that you are telling me.” Lumanghap siya ng sariwang hangin habang pinagmamasdan ang malawak na dagat na tanaw mula sa kinatatayuan niya. Hindi niya pa maiwasang mamangha sa ganda ng tanawing nasa kanyang harapan. “Just be sure, Hendrick. Hindi makauuwi si Shiela. At least, ikaw man lang ay narito,” saad pa nito na ang tinutukoy ay ang kanyang nakababatang kapatid. Katulad ng sinabi ni Teresa ay hindi nga makadadalo si Shiela sa pagtitipon na ang abuelo niya ang nag-organisa. Kasalukuyang nasa ibang bansa ang kapatid niya sapagkat doon ito nag-aaral. “I promise to be home, Mom. Don’t worry,” paninigurado niya rito. “I just don’t want to miss Lorenzo’s wedding. After this, I’ll fly back to Manila.” Ngayon nga ang araw ng kasal ng isa sa matatalik niyang kaibigan--- si Lorenzo Olivar. Kasalukuyan siyang nasa Davao at sa mismong resort ng isa pa nilang kaibigan idadaos ang okasyon. It’s the resort that owns by Ethan Villaver, also one of his closest friends. Doon napiling idaos ni Lorenzo at ng mapapangasawa nitong si Tamara ang kasal dahil maliban sa taga-roon din sa Davao si Tamara, marami rin daw alaala ang dalawa sa naturang resort, bagay na halos ikaangat ng kilay niya nang marinig ang kuwento ng mga ito. Tuluyan na ngang nagpatali sa kasal si Lorenzo at hindi maikakaila ang labis na pagmamahal nito para sa mapangangasawa. He couldn’t help but cringed. Parang hindi niya kasi makita ang kanyang sarili na lalagay sa ganoong sitwasyon… wala nang dahilan pa. Several years ago, he lost the reason to let himself be involved in a serious relationship again. Ikiniling niya ang kanyang ulo upang iwaksi sa kanyang isipan ang alaalang pilit sumasagi sa kanyang balintataw. Pilit niyang ibinalik ang kanyang atensyon sa kanyang ina. “I need to be ready now, Mom. Lorenzo’s wedding will start hours from now. Tatawagan ulit kita bukas.” “Okay,” wika nito na para bang hindi pa kumbinsido sa mga sinabi niya. And because of that, Hendrick couldn’t help but chuckled. “Mom, pinangako ko na, hindi ba? Nariyan na ako sa Manila bago pa ang araw na itinakda ni Lolo para sa family gathering natin. I wouldn’t miss that as well.” Narinig niya ang pagpapakawala nito ng isang malalim na buntonghininga. “I was just thinking… Lorenzo is getting married now. Ikaw kaya ay kailan, Hendrick?” Dahil sa mga sinabi nito ay hindi niya mapigilang magpakawala ng isang malakas na halakhak. “Mom, pag-uwi lang kanina ang hinihiling mo. Ngayon, asawa na ang hinihingi mo?” “Oh come on, Hendrick. Kaedad mo lang si Lorenzo. Bakit hindi ka pa lumagay din sa tahimik, hijo?” “And as if it is just so easy to do that,” napapangiti niya pang sabi. “You are not getting any younger, Hendrick. Kami rin ng iyong ama ay tumatanda na. Gusto ko rin makitang may sarili ka nang pamilya.” Napapakamot na lamang siya ng kanyang noo habang nakikinig sa mga sinasabi nito. Hindi iyon ang unang pagkakataong iginiit ng kanyang ina na mag-asawa na siya. And he couldn’t blame her if she insists it. Trente y singko na siya sa taong iyon at kahit seryosong relasyon ay wala siya. Though, hindi naman nawawalan ng babaeng nagpaparamdam sa kanya. Ang iba nga ay halos ipagpilitan na ang sarili sa kanya. Siya lang talaga itong hindi gustong pumasok pa sa isang malalim na relasyon. Maya-maya pa ay nagpaalam na rin siya sa kanyang ina. Pumasok na siya ulit sa loob ng silid at nagsimula nang gumayak para sa kasal ni Lorenzo. Oras na lang ang hinihintay nila at magsisimula na ang kasal ng mga ito. Kailangan ay nasa baba na siya bago pa man mag-umpisa iyon. Napapailing pa siya habang nakaharap sa salamin at inaayos ang sarili. Dahil tapos na ring maligo ay agad na niyang isinuot ang damit na laan para sa kanya sa okasyong iyon. Hindi mawala sa isipan niya ang naging takbo ng usapan nila ng kanyang ina. She wanted for him to settle down. Bagay iyon na ilang beses niya na ring narinig mula rito. Minsan pa ay binabalewala niya na lang ang mga hirit nito. Of course, siya talaga ang pipilitin nito sa bagay na iyon. Siya ang panganay sa kanilang magkapatid. At ang bunso niyang kapatid na si Shiela ay hindi pa tapos sa pag-aaral nito. Nasa Italy ito ngayon at doon tinatapos ang kolehiyo. He’s thirty-five and he’s twelve years older to his sister. Ni hindi na nga niya naisip na masusundan pa siya. Halos natagalan din ang mga magulang niya na makabuo ulit. Iyon marahil ang dahilan kaya ganoon na lamang ang pag-udyok ng kanyang ina na lumagay na siya sa tahimik. Nababahala itong baka mahirapan na rin siyang makabuo ng pamilya. Hindi niya gustong paasahin ang kanyang ina pero ang pagpapakasal at pagkakaroon ng sariling pamilya ay wala na sa isipan niya. Muli siyang napailing bago kinuha na ang relo. Isinuot niya na iyon sa kanyang palapulsuhan saka nag-spray ng mamahaling perfume sa kanyang katawan. Nang masigurong maayos na ang lahat sa kanya ay lumabas na siya ng naturang silid. Nasa may pasilyo na siya at palapit na sa may elevator nang makasalubong niya ang dalawang lalaki. Wala na sana siyang pakialam sa mga ito kung hindi niya lang narinig ang usapan ng dalawa. “Pababa na si Mr. Olivar. Kailangan naroon na tayo sa venue,” narinig niyang sabi ng isa sa mga ito. Alam niyang ang kaibigan niyang si Lorenzo ang tinutukoy nito. “May dadaanan lang ako,” tugon naman ng isa. “SInabihan ko na si Laica na sumunod na siya sa akin. Pupuntahan ko lang siya sa kuwarto niya.” Nasa tapat na siya ng elevator ng mapalingon siya sa dalawa. Dire-diretso na ang mga ito at tuluyan nang nakalayo sa kanya. Ni hindi niya na rin maulinigan pa ang ibang sinasabi ng mga ito sapagkat lumiko na ang dalawa sa kabilang pasilyo. Ganoon pa man, hindi niya maiwasang matigilan dahil sa pangalang narinig niya--- Laica. He sighed. He must be out of his mind. Ilang taon na ang dumaan pero hindi niya pa rin maiwasang mapahinto sa tuwing naririnig niya ang pangalang iyon. For goodness’ sake, kayraming babae ang may ganoong pangalan! ***** “OO NA, Ate, ayos lang talaga ako rito. Narito naman si Tita Beth. Wala kang dapat ipag-alala,” wika ni Luke mula sa kabilang linya. Hindi mapigilan ni Laica ang mapataas ng kilay habang kausap ito sa kanyang cell phone. “Hindi lang ako sanay na ganitong nalalayo sa iyo ng ilang araw, Luke,” wika niya. “Kung hindi lang talaga mataas ang bigay sa akin sa pagkanta ngayon ay hindi ko ito papatusin.” “Ayaw mo niyon, para ka na ring nagbakasyon diyan sa Davao, Ate. Libre naman lahat kaya hindi ka lugi kahit malayo,” saad pa nito. Totoo naman. Maliban sa malaki ang kikitain niya sa pagkanta sa araw na iyon ay libre naman ang lahat--- mula pamasahe, accommodation saka pagkain. Kasal ang okasyong kakantahan niya sa araw na iyon. Kakilala niya ang event coordinator na nag-asikaso ng naturang kasal at dahil alam nitong naghahanap siya ng raket ay talagang sa kanya na binigay ang nasabing event. Ilang kanta lang ang kailangan niyang gawin sa mismong kasal. Dalawa naman sa reception. Matapos niyon buong-buo na niyang makukuha ang bayad sa kanya. Malaki ang offer, malayo nga lang sa kanila. Sa Davao pa kasi talaga idinaos ang nasabing okasyon. “Basta huwag mong bigyan ng sakit ng ulo si Tita Beth. Baka mamaya, pag-uwi ko ay marami na naman siyang sumbong sa akin.” “Ate naman, para namang elementary pa lang itong kapatid mo. College na ako, Ate.” Bahagya pa itong natawa pagkabangit niyon. Akmang may sasabihin pa sana si Laica nang makarinig na siya ng ilang mahihinang katok mula sa labas. Hindi pa man siya nakasasagot ay bumukas na ang pinto at pumasok sina Adrian at Mike, ang dalawang event coordinator na kumuha sa kanya para kumanta sa okasyong iyon. They are a couple, actually. Kapwa lalaki kung manamit ang mga ito pero parehong parte ng LGBT ang dalawa. Si Adrian ang talagang kakilala niya sa mga ito na kalaunan ay ipinakilala rin sa kanya ang kasintahang si MIke. “Ready ka na ba, Laica?” tanong agad sa kanya ni Adrian kasabay ng tuluyang paglapit sa kanya. “Tatawagan na lang ulit kita, ah. Narito na sina Kuya Adrian mo. Pinaghahanda na ako,” saad niya kay Luke. Nagpaalam na rin ito at nang maibaba ang cell phone ay hinarap na niya ang dalawa. “Kanina pa ako handa, Adrian. Naghihintay na lang ako na magsimula ang kasal.” Totoo naman. Kanina pa siya nakabihis. Isang white long dress ang kanyang suot. Manipis ang tela niyon na halos humulma sa balingkinitan niyang katawan. May maninipis na strap iyon dahilan para makita rin ang kanyang mga balikat. Hindi siya ganoon kaputian pero dahil sa makinis ang kanyang kutis ay nagiging kapansin-pansin siya. Simpleng makeup lang din ang inilagay niya sa kanyang mukha. Manipis lang iyon na sapat lamang para sa okasyon. Ang mahaba niyang buhok ay hinayaan niyang nakalugay lang. “Handa ka na nga at, mare, ang ganda mo,” puna naman sa kanya ni Mike. “True,” segunda ni Adrian. “Kung hindi mo lang kami kabaro ni Mike ay iiwas ko itong kasintahan ko sa iyo. Girl, sa ganda mo, pagseselosan ka ng iba.” She couldn’t help but chuckled. Tumayo na rin siya at kinuha na ang maliit niyang bag at isinilid doon ang kanyang cell phone. “Ang OA ng reaksyon ninyo. Baka nga kapag lumabas tayo rito sa kuwarto ay hindi man lang ako maihanay sa mga babaeng narito. Mukhang mayaman ang mga ikakasal. Panigurado, ganoon din ang mga bisita. Wala tayong panama sa mga iyon.” “Ay, hindi, te,” halos eksaheradang saad ni Adrian. “Maganda ka. Hindi ko lang maintindihan kung bakit sa ganda mong iyan ay wala ka pa ring nobyo.” Natigilan siya. Minsan na rin naman siyang nagkanobyo. And to say that it was the happiest part of her life was an understatement. Higit pa sa kaligayahan ang nadama niya nang maging nobyo niya ang lalaking pinakaminahal niya. But she lost him… sobra niya itong minahal pero siya rin ang naging dahilan kung bakit nawala ito sa kanya. Ilang taon na ang lumipas mula noon at alam niyang kinamumuhian na siya nito. Hinamig na niya ang kanyang sarili. Pilit na siyang ngumiti sa dalawa at nagsimula nang maglakad palapit sa pintuan. “Bumaba na tayo. Baka mauna pa sa atin iyong mga ikakasal,” saad niya habang palabas na. Sumunod din naman sa kanya ang dalawa na hindi pa rin matapos ang panunudyo sa kanya. Tinigilan lang siya ng mga ito nang sumapit na ang oras ng kasal. She inhaled and exhaled. Nakapuwesto na siya sa kaliwang panig ng makeshift altar at nasa harapan na ang mikropono at stand nito. Magsisimula na ang paglalakad ng mga kasama sa entourage, hudyat na magsisimula na rin siyang kumanta. Sa kabila naman ng lahat ay kampante siyang mairaraos niya ang kantang iyon. Plakado niya na rin naman ang naturang piyesa. “From this moment, life has begun,” she started signing. Dinadama niya ang kanta at gusto niya sanang sa kanta lamang ituon ang buong atensyon. But she failed to do so. Biglang natuon ang pansin niya sa mga taong marahan nang humahakbang patungo sa altar. Her voice started to crack as she saw the man walking towards the altar. Nagtagpo ang mga paningin nila at alam niyang parehong emosyon ang nakalarawan na ngayon sa kanilang mga mata--- pagkabigla. Halatang hindi rin nito inaasahang makita siya roon. After how many years, doon niya lamang pala makikita ulit ang lalaking kailan man ay hindi nawala sa isipan niya… ang lalaking sa loob ng mga taong nagdaan ay hiniling niyang makaharap ulit… ang lalaking pinakaminahal niya sa lahat--- si Hendrick Montañez.“Good morning, Sir Hendrick,” magalang na bati sa kanya ng isa sa mga katulong ng kanyang Lolo Benedicto pagkababa na pagkababa niya pa lamang ng kanyang sasakyan. Ni hindi siya tumugon at isang tango lamang ang isinagot dito bago dire-diretso nang naglalakad papasok sa bahay ng kanyang abuelo.Hindi na siya nagtanong pa sa katulong kung nasaan ang lolo niya. Sa ganoong oras ay alam na niya kung saan namamalagi ang matandang lalaki at doon na nga siya dumiretso--- sa may verandah sa ikalawang palapag. Ngunit ilang hakbang na lang sana ang layo roon ni Hendrick nang naging mabagal ang paglalakad niya. Agad niyang natanawang hindi nag-iisa ang kanyang Lolo Benedicto. Kasama nito ang matagal nang kaibigang si Benjamin.“Lolo...” sambit niya sa marahang tinig dahilan para mapalingon sa kanya ang dalawang lalaki.Rumihestro ang isang rekognisyon sa mukha ni Benjamin. Ngayon niya lamang ulit ito nakita makalipas ng maraming taon sanhi para kabakasan ng pagkabigla ang mukha ng lalaki.“Hendr
Dama ni Laica ang panlalamig ng kanyang buong katawan dahil sa nakikitang reaksyon ng mga taong nasa paligid niya. Maliban sa lolo at mga magulang ni Hendrick, pati na rin sa private nurse ng matanda, ay may mangilan-ngilan nang napapatingin sa kanilang direksyon. Lahat ay may pagtataka sa mga mata.“What do you think you’re doing, Laica?” pasinghal na tanong sa kanya ni Benedicto na mas lalong nakaagaw ng pansin ng ibang taong naroon.“T-The water is not safe,” sambit niya sa mahinang tinig kasabay ng pagpalipat-lipat ng tingin sa mga ito. “May inilagay sila sa inumin mo, Mr. Montañez.”“What?!” the old man exclaimed.Itinuon ni Laica ang kanyang paningin sa private nurse ng matandang lalaki at hindi nakaligtas sa kanya ang pagkabiglang rumihestro sa mukha nito. Ni hindi siya maaaring magkamali. Bigla itong nataranta nang marinig ang mga sinabi niya.“What do you mean, Laica?” narinig niyang tanong ni Hendrick. Naramdaman niya pa ang paghawak nito sa kanyang braso.She turned to look
Abot-abot ang kaba sa dibdib ni Laica nang makapasok na siya sa comfort room. Hindi niya mapigilang makadama ng takot. Kung hindi siya mabilis na nakatakbo palayo ay baka nakita siya ng matandang lalaki. Agad kasi ang pagpihit nito patungo sa kanyang direksyon matapos mailagay sa bottled mineral water ang mga gamot na dala ng isa pang lalaki.Binalikan niya sa kanyang isipan ang narinig na usapan ng mga ito. Halatang may binabalak na masama ang dalawa. Kanino ipaiinom ng mga ito ang tubig na iyon? At ano ang klase ng gamot na inilagay ng matandang lalaki sa naturang inumin?Laica heaved out a deep sigh. Naitukod niya pa ang kanyang mga kamay sa lababong naroon saka matamang pinagmasdan ang kanyang sariling repleksiyon sa malaking salamin. Nawala na sa isipan niya ang tungkol kay Hendrick at Tracey at mas natuon ang pansin sa dalawang lalaking narinig niyang nag-uusap kanina.Slowly, Laica walked towards the comfort room’s door. Marahan na niyang binuksan ulit iyon at pinakiramdaman ku
Ilang minuto nang sinisipat ni Laica ang kanyang sarili sa harap ng salamin upang masiguro kung ayos na ba ang hitsura niya. Nakaayos na ang kanyang buhok at nakapaglagay na ng makeup sa kanyang mukha ngunit wari bang hindi pa rin siya kontento sa kanyang hitsura. Lahat ng anggulo ay parang nais niyang siguraduhing wala nang problema.Hindi naman talaga siya mahilig mag-ayos nang magarbo. Sa tuwing papasok sa trabaho o ‘di kaya’y may gig na nakuha ay simple lang naman ang gayak niya. Manipis na makeup nga lang ang inilalagay niya sa kanyang mukha, minsan ay wala pa.Pero iba sa pagkakataong iyon. Iba sa gabing iyon.Ngayon ang pagdiriwang ng anibersaryo ng Montañez Group of Companies. Sanhi iyon kaya kahit hindi siya sanay sa mga ganoong pagtitipon ay kailangan niyang mag-ayos ng kanyang sarili. At hindi lang basta simpleng pag-aayos. She should be glamorously dressed for tonight’s event. Panigurado kasing hindi mga simpleng tao ang bisita ng mga Montañez. Alam niyang lahat ng dadalo
Hi, guys... Gusto ko lang po mag-thank you sa lahat ng nagbabasa ng Savage Billionaire Series 7:Hendrick Montañez at sa lahat ng stories under ng series na 'to... Sa mga nabibitin dahil hindi daily update ang story nina Hendrick at Laica, pasensiya po. May isang story pa po kasi akong sinusulat kaya alternate po ang pag-update ko sa kanila. Anyway, sana ay mabasa ninyo rin po ang ongoing series ko dito sa Goodnovel. HIS HEART SERIES *His Heart Series 1:His Scarred Heart (complete na po dito sa Goodnovel) *His Heart Series 2:His Stone Heart (ongoing pa po as of now (May 2025) at alternate kong ina-update with Hendrick's story) ***ang ibang stories sa series na ito ay mailalagay pa sa Goodnovel soon*** Maraming salamat po...
Tuloy-tuloy na humakbang si Hendrick patungo sa may komedor ng bahay ng kanyang Lolo Benedicto. Ayon sa katulong na nakasalubong niya kanina ay naroon daw ang kanyang abuelo na kanina pa naghihintay sa kanya. Dumaan nga siya sa bahay nito nang makatanggap siya ng mensahe mula matandang lalaki na nagsasabing magtungo siya roon.Sa entrada pa lang ng komedor ay nakita na niya agad ang lolo niya. Nakaupo ito sa may kabisera ng mesa at kasalukuyan nang pinaghahain ng private nurse nitong si Mikael. Agad pa ngang napatingin sa kanya ang dalawa nang humakbang na siya palapit.“Lolo, I received your message. Bakit mo ako gustong makausap?” walang pasakalyeng saad niya rito.Mula sa diyaryo nitong binabasa ay tuluyang natuon ang atensyon ng matanda sa kanya. “Good morning too, Hendrick,” sarkastiko nitong bati sa kanya. “Kararating mo lang at sa halip na batiin mo ako ay iyan agad ang bungad mo sa akin.”Hendrick heaved out a deep sigh. Maaga pa nga ngunit dahil sa natanggap na mensahe mula s
Sunod-sunod ang paglunok na ginawa ni Laica kasabay ng paggala niya ulit ng kanyang paningin sa paligid. Karamihan sa mga taong naroon ay sa direksiyon na nila nakatutok ang mga mata. Samu’t saring emosyon na ang bumabalot sa kanya dahil doon at kung posible lang na magpalamon na lamang sa lupa ay ginawa na niya.Everyone was looking at them with so much curiosity. Maging ang mga kaharap ni Hendrick ay ganoon din ang naging reaksyon. Tanging ang kanyang asawa at si Tracey lamang ang may naiibang emosyong nakalarawan sa mga mukha. Kay Tracey ay pagkabigla. Waring hindi nito inaasahang makikita siya roon. Samantalang si Hendrick, habang mataman itong nakatingin sa kanya at sa lalaking nakabungguan niya ay hindi nakaligtas sa paningin ni Laica ang pagtiim ng mukha nito. Kung sa kanya o sa lalaking kaharap niya ito nagagalit ay hindi niya sigurado.“You ruined my suit!” pasinghal pang sabi ng lalaki sanhi para mapalingon ulit dito si Laica.Hindi maitago ang galit sa mukha nito. Basang-ba
Mula sa pagtitig sa mga pinipritong hotdog ay napabaling ang mga mata ni Laica sa may entrada ng kusina nang sumulpot doon si Hendrick. Halatang kagigising pa lamang nito, tanging boxer shorts ang suot at may tuwalyang nakasabit sa kanang balikat.Hindi niya pa mapigilang disimuladong pagmasdan ang maskulado nitong katawan. Nang lumabas siya kanina mula sa silid nito ay saglit niya pa itong sinilip sa may sala at nakitang balot ng kumot habang mahimbing pang natutulog. Hindi na niya ito inistorbo pa at tumuloy na lamang sa kusina para maghanda ng almusal. Matapos ng naging pagtatalo nila kagabi ay ni hindi niya alam kung paano ito haharapin ngayon. Ni hindi na siya lumabas pa ng silid kagabi dahilan para lumipas ang magdamag na hindi maayos ang lahat sa kanilang dalawa.Well, kailan ba naging maayos ang lahat sa kanilang mag-asawa? Laging nauuwi lang sa bangayan ang bawat pag-uusap na namamagitan sa kanilang dalawa. Mas maigi pa yatang maging abala sila sa kanya-kanyang trabaho para h
“Where the hell have I been?” ulit ni Laica sa tanong ni Hendrick habang inilalapag sa ibabaw ng isang bureau ang dala niyang bag. “Kung impiyerno ang tawag mo sa trabaho ko, puwes doon ako galing.”Hindi niya itinago ang inis sa kanyang tinig. Simula nang magkita sila ulit ni Hendrick ay wala pa siyang natatandaang nagkausap silang dalawa sa maayos na paraan. Galit at pang-iinsulto ang lagi niyang nakukuha mula rito. Katulad na naman sa gabing iyon. Pagod na siya’t lahat-lahat pero ganoon pa ang salubong nito sa kanya. Couldn’t they talk like two civilized persons? Iyong kahit hindi maayos ang lahat sa pagitan nilang dalawa ay may kaunti pa rin sanang respeto?She sighed heavily. Malabo yatang makatanggap siya niyon mula sa kanyang asawa.“Napag-usapan na natin ito, hindi ba? You are not working anymore, Laica,” mariing saad ni Hendrick na agad nagpalingon sa kanya.“Tama ka, Hendrick. Napag-usapan na natin ito at nasabi ko na rin sa iyo na hindi ako hihinto sa pagtatrabaho. Pinapag-