Kulang ang salitang gulantang para mailarawan ang naging reaksyon ni Laica matapos marinig ang mga sinabi ni Hendrick. Parang gusto niya pang ipaulit dito ang mga binitiwang salita dahil baka namali lang siya ng pagkakarinig. O baka naman binibiro lamang siya nito at paglipas ng ilang saglit ay biglang babawiin ang mga sinabi.
Ganoon ang Hendrick na kilala niya. Palabiro at magaan lamang ang personalidad, hindi katulad ng binatang nasa harapan niya ngayon na kung sa ibang pagkakataon ay talagang pangingiligan niyang lapitan. Ang katotohanang naging nobyo niya ito noon ang waring tanging dahilan kung bakit, kahit papaano ay nagkakalakas siya ng loob na harapin ito.
Laica was waiting for him to take back what he has said. Pero lumipas na ang ilang minuto ay hindi pa rin tumitinag si Hendrick sa pagkakaupo sa gilid ng center table at mataman pa ring nakatitig sa kanya.
Nag-alis ng bara sa kanyang lalamunan si Laica upang hamigin ang kanyang sarili. “N-Narinig mo ba ang mga sinabi mo, Hendrick? I-Iyan ang hihingin mong kabayaran?”
“You’re not deft, Laica. I’m sure you’ve heard what I said,” anito sa halos walang emosyong tinig. “Consider yourself paid from all the amount I’ve spent for your brother’s hospitalization once you agree to my proposition.”
Maang siyang napatitig dito. “B-Bakit gusto mong magpakasal tayo?” nagtataka niyang tanong dito. Hindi niya man gustong umasa pero humihiling siya na ang maririnig na sagot mula sa binata ay katulad ng rason na nasa dibdib niya.
Ngunit kung ano man ang katiting na pag-asam na mayroon siya ay agad nang bumagsak nang paismid na nagsalita si Hendrick. Ang mga salitang sunod nitong binitiwan ay ang mga salitang hihilingin niyang hindi na sana niya narinig. Wari kasing nagsilbing patalim ang mga iyon na itinarak sa dibdib niya.
“Walang mabigat na dahilan, Laica. What we’re going to have is a marriage for convenience. No strings attached. No emotions involved. Matagal nang tapos ang lahat sa ating dalawa kaya huwag mong isiping pag-ibig ang dahilan kaya kita inaalok ng kasal ngayon.”
She almost flinched because of the coldness that she heard on his voice. Kung sakaling sinampal siya nito ay baka mas nakayanan niya pa ang sakit kaysa ang marinig ang mga sinabi nito. Those words were enough to break her heart into pieces.
Wala na itong nararamdaman para sa kanya. Ano pa ba ang aasahan niya? Pitong taon na ang lumipas, idagdag pang hindi naging maganda ang huli nilang paghihiwalay. Definitely, the love that he had for her before was gone. Baka nga nagsisisi pa itong nagkakilala silang dalawa.
She forced herself to fake a smile. Pinilit niya rin ang kanyang sarili na magtunog kaswal lamang sa pakikipag-usap dito kahit pa ang totoo, may pakiramdam siyang ano mang sandali ay mababasag na ang tinig niya dahil sa pag-iyak na kanina niya pa pinipigilan.
“Of course,” she said casually. “It’s been seven years. May kanya-kanya na tayong buhay, Hendrick.”
Sukat sa mga sinabi niya ay agad na dumilim ang mukha ng binata. Mistula bang may hindi ito nagustuhan sa mga sinabi niya. Hanggang sa maya-maya ay hinamig nito ang sarili at tumayo na mula sa kinauupuan. Hindi pa nakaligtas sa kanya ang pagtiim-bagang nito.
“Tama ka. May kanya-kanya na tayong buhay, but…” Saglit nitong ibinitin ang pagsasalita habang mataman pa ring nakatitig sa kanya. “Your debt is like a rope that still connects us, Laica. At katulad ng sinabi ko, gusto kong maningil.”
“I will pay you,” aniya sa mahinang tinig. “HIndi ko lang maintindihan kung bakit pagpapakasal ang hinihingi mong kabayaran.”
“Nabanggit ko na sa iyo kung sino ako,” wika nito. “Panganay na apo ako ng Lolo Benedicto ko. At bilang panganay, sa akin ililipat ang pagiging presidente ng Montañez Group of Companies.”
Hindi niya maiwasang mapalunok nang mariin matapos marinig ang mga sinabi nito. Tagapagmana ito ng isang malaking kompanya, bagay na mas nagpamukha sa kanya kung gaano kalayo ng agwat ng mga estado nila sa buhay.
“Nakatakdang isalin sa akin ang posisyon sa darating na anibersaryo ng aming kompanya. And that is one month from now,” patuloy pa nito sa pagsasalita. “Pero may kondisyon para tuluyan kong mapangasiwaan ang kompanyang ang mga nakatatandang Montañez pa ang nagtayo.”
“A-Ano ang ibig mong sabihin?”
“I should be married before I could the company. Iyon ang mahigpit na patakaran ng mga Montañez. For them, men’s success often depends on the support of their wives.” Napaismid ito na para bang maging ito ay hindi rin naniniwala sa bagay na iyon. “It was against my will, Laica. Wala akong balak na magpatali sa kasal, but I have no choice. Kailangan kong pangasiwaan ang kompanya.”
It took her how many seconds to respond. Wari kasing nahirapan siyang iproseso sa kanyang isipan ang mga sinabi nito. Deep inside, gusto niyang manluno sa kaalamang iyon ang rason kung bakit siya nito inaalok ng kasal. Pansariling interes lamang ang dahilan ng binata.
Laica heaved out a deep sigh. Parang gusto niya pang kastiguhin ang kanyang sarili. Ano pa ba ang ibang magiging dahilan para alukin siya nito? Nanggaling na mismo sa binata. Matagal nang tapos ang kanilang relasyon. Bakit mag-aasam pa siya na may damdaming sangkot sa pag-alok nito sa kanya.
“What can you say, Laica?” untag ni Hendrick sa kanya nang ilang saglit na ang lumipas ay hindi pa rin siya nagsasalita.
“W-Why me, Hendrick?” tanong niya sa mahinang tinig. “W-Wala ka bang nobya?”
He smirked mockingly. “If you’re asking if I’m single, well, I am, Laica.”
“Hendrick---”
“Like what I said, wala akong balak magpatali sa kasal, so why not you?” patuloy nito sa pagsasalita dahilan para matahimik siya. “I just need to get married for the company. That’s all.”
“A-Ano ang mangyayari kapag nakuha mo na ang posisyon sa kompanya ninyo?”
“We will have an annulment,” walang kaabog-abog na sagot nito. Para bang isang madaling bagay lamang ang pinag-uusapan nilang dalawa. “At least, kung ikaw ang pakakasalan ko, magiging madali para sa atin ang maghiwalay since, like what I said, there would be no emotions involved.”
Nag-iwas siya ng kanyang mukha upang hindi makita ng binata ang kanyang mga mata. Pakiramdam niya kasi ay sumalamin doon ang sakit na nadarama niya. Ganoon na lamang ba para rito ang bagay na iyon? Para bang simpleng bagay na lang para sa binata ang pagpapakasal.
“P-Paano kung pumayag ako? W-What will happen?”
“Then, we’ll get married,” mabilis nitong sagot. “Habang hindi pa tuluyang naisasalin sa akin ang posisyon, kailangan nating magsama at magpanggap na mag-asawa tayo sa totoong kahulugan ng salitang iyon.”
Agad siyang napatingala rito. “Magsama? Hendrick---”
“Huwag kang mag-alala. Hindi magtatagal ang pagsasama natin,” putol nito sa kung ano mang sasabihin niya. “Magiging asawa lang kita sa papel, Laica. We’ll stay married ‘til I get the company. Once it’s done, we’ll have an annulment. Don’t worry because it would be easy since I don’t have any plan to consummate our marriage.”
Daig pa ni Laica ang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa panlalamig na nadarama niya sa kanyang katawan. Mula nang pumasok siya sa opisina nito at magsimula silang mag-usap, hindi na niya mabilang kung ilang beses na siya nitong ininsulto. Pilit niyang tinanggap ang mga iyon pero ang pinakahuling pangungusap na binitiwan nito ngayon ay waring pinakasukdulan na sa lahat ng pang-iinsultong ginawa nito.
Not wanting to consummate their marriage was an insult for her, not because she wanted it to happen. Hindi niya lang kasi maiwasang masaktan dahil para na rin nitong sinabi na nandidiri itong hawakan siya, much more to make love with her.
“Magsasama tayo,” lakas-loob niyang saad. “B-But we won’t… I mean, hindi sakop ng usapan natin ang… ang bagay na iyon.”
“Hindi, Laica.”
“Can you bear it?”
Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob para itanong iyon sa binata. Naging sanhi pa iyon para sumilay ang isang nanunuyang ngiti sa mga labi nito. Slowly, Hendrick walked closer to her. Tumayo ito sa mismong tapat niya at halos mapasiksik siya sa kanyang kinauupuan dahil sa paglapit na iyon ng binata.
“Don’t worry about my sex life, Laica. Ako ang bahala roon. I can get it with any woman that I know,” buo ang kumpiyansang saad nito na mas nagdagdag ng sakit sa kanyang dibdib.
“Y-You will do it while married to me?” tanong niya pa sa halos pabulong na tinig.
Ikiniling nito ang ulo bago nagsalita. “Hindi ba malinaw ang mga sinabi ko kanina? I said we will be married in papers only, Laica, not in the real meaning of that word.”
“It is still legal, isn’t it?” buwelta niya. “And what you would do is… is infidelity.”
Pagak itong natawa dahil sa mga sinabi niya. Hindi pa maunawaan ni Laica kung bakit niya pa natatagalang kaharap ito ngayon. Bakit hindi pa siya umalis at iwan doon ang binata gayong wala na yata itong ibang ginawa kundi ang pakitaan siya ng hindi maganda at batuhin ng mga insulto?
“Are you saying that I should remain faithful while I am married to you? Ganoon ba, Laica?”
“Yes---“
Ano mang sasabihin niya ay agad nang naawat nang bigla na lamang yumuko si Hendrick sanhi para magpantay ang kanilang mga mukha. Ang dalawang kamay nito ay itinukod pa sa magkabilang armrest ng sofa na kinauupuan niya. Pakiramdam niya tuloy ay hindi siya makahinga dahil sa sobrang lapit nito.
“Ano ang karapatan mong hingin ang isang bagay na hindi mo naibigay sa akin noon, Laica?” halos magtagis ang mga ngipin na saad nito. Anger mirrored in his eyes as he was looking intently at her. “You were never faithful before, so don’t ask me to do the same once we’re married.”
Agad na namuo ang mga luha sa mga mata ni Laica at wala siyang pakialam kung makita man iyon ng binata. Despite the tears, she managed to look at him and talked again.
“If that’s the case, I can do the same, right?” matapang niyang balik dito.
Ang mga sinabi niya ay naging dahilan ng mas pagdilim ng mukha ni Hendrick. Halos maglabasan ang mga ugat nito sa leeg dahil sa galit na nadarama. And to Laica’s surprise, he abruptly held her nape and pulled her clsoser to him, just enough to have a little space in between of their faces.
“Don’t you dare,” he said with so much firmness. His breath was almost fanning to her face. “Huwag mo akong bigyan ng rason para makagawa ng krimen, Laica.”
“Double standard, huh?” sarkastiko niyang saad. “Kapag ikaw ay ayos lang, ganoon ba?”
Binitiwan nito ang batok niya at tuwid na tumayo. Bakas pa rin ang galit sa mukha nito nang magsalita. “Now, you know how it feels to be betrayed?”
Hinamig niya ang kanyang sarili at naupo nang maayos. “I won’t accept your offer, Hendrick,” buo ang loob na pasya niya.
She heard him smirked. “Then, pay me,” saad nito. “Kung magagawa mo akong bayaran sa loob ng isang buwan, magiging maayos ang lahat sa atin.”
“Alam mong hindi ko magagawa iyan sa loob ng isang buwan---”
“Then, I’ll take legal action about it,” singit nito sa pagsasalita niya na agad nagpakaba sa kanya. “I’m sure you wouldn’t like that to happen. Paano ang kapatid mo?”
“Y-You can’t do that…”
“Try me,” mariin nitong saad. “I am a Montañez, Laica. You should know what I am capable to do.”
Sunod-sunod ang paglunok na ginawa niya para pigilan ang labis na emosyong nadarama. Napayuko rin siya ng kanyang ulo dahil may pakiramdam siyang hindi niya kayang salubungin ang mga titig ni Hendrick na punong-puno ng galit.
Then, after a moment, she composed herself and asked him. “K-Kailan… kalian tayo magpapakasal?”
She raised her head and looked at him again. May nakasilay nang isang ngiti ng tagumpay sa mga labi nito.
“My secretary can fix all the needed documents for our wedding in just less than a week. Maikakasal tayo bago sumapit ang anibersaryo ng aming kompanya.”
Tumango-tango siya habang inaayos ang pagkakasukbit ng sling bag niya sa kanyang balikat. “I-I’m going. Tawagan mo na lang ako kung may dapat akong gawin,” saad niya kasabay ng pagtayo.
“Ipapahatid na kita---”
“Hindi na kailangan,” mabilis niyang sabi bago pa man ito matapos sa pagsasalita. “Kaya kong umuwi nang mag-isa.”
“I insist, Laica.”
“Ang sabi ko’y hindi na kailangan---”
“I said I insist,” mas mariin ang tinig na saad nito. Hindi pa naikubli ang galit sa tinig nito dahil sa pagtanggi niya.
Napaismid siya. “Okay. Of course, ikaw ang masusunod,” puno ng sarkasmong sabi niya. Pagkawika ay nagpatiuna na siya sa paglabas ng opisina nito. Hindi na niya matagalang makasama ang binata. Pakiramdam niya, ano mang sandali ay bubuhos na ang mga luhang kanina pa namumuo sa kanyang mga mata…
Mula sa pagkakayuko ay agad na napaangat ng kanyang ulo si Laica nang makalapit na sa kanya si Mikael bitbit ang tray ng inuming ito mismo ang nag-order. Inilapag nito sa mesa ang dala-dala saka naupo sa kaharap niyang silya. Sinundan niya pa ng tingin ang bawat galaw nito. Isa-isa nang inaalis ng binata ang mga nasa tray at ang para sa kanya ay iniusog pa nito palapit sa kanyang tapat.She looked at what he ordered. Pineapple juice ang para sa kanya samantalang ang para rito ay lemonade naman. Bago siya maupo roon ay nagtanong din ito kung gusto niya ng makakain ngunit tumanggi na siya. Sapat na sa kanya ang inumin habang kausap ito.Hindi na nga siya tumuloy sa grocery store. Nang magtanong ito kung gusto niyang malaman ang totoo ay walang pagdadalawang-isip na sumama siya sa binata. Sa isang kainan siya nito dinala malapit lang din sa grocery store na pupuntahan niya sana.Nakayuko pa rin siya sa inumin na nasa kanyang harapan nang marinig niyang nagwika si Mikael.“Malinis ang inu
Tuloy-tuloy ang pag-scroll ni Laica sa kanyang cell phone kasabay ng seryosong pagbabasa sa bawat article na nakikita niya. Lahat ay masusi niyang iniintindi at hinahanapan ng mga impormasyong makatutulog sa kanya. Mga artikulo iyon tungkol sa pamilya Montañez at sa tiyuhin ni Hendrick na si Valentino.Hindi niya alam kung gaano na siya katagal na nagbabasa ng iba’t ibang balita tungkol sa mga ito. It’s not hard to look for some news about their family. Kilalang angkan ang mga Montañez, lalo na sa mundo ng pagnenegosyo. Nakahanap siya ng mga artikulo sa internet na ang paksa ay tungkol sa pamilya ng mga ito. Ang iba naman ay tungkol sa mga business event na dinaluhan nina Hendrick kasama ang iba pa nitong mga kamag-anak.She read everything that crossed her newsfeed. Pero higit sa ano pa man, mga impormasyon tungkol kay Valentino talaga ang hinahanap niya. Gusto niya itong makilala. Gusto niyang malaman kung anong uri ng buhay ang mayroon ito at kung bakit pakiramdam niya ay may malak
“Good morning, Sir Hendrick,” magalang na bati sa kanya ng isa sa mga katulong ng kanyang Lolo Benedicto pagkababa na pagkababa niya pa lamang ng kanyang sasakyan. Ni hindi siya tumugon at isang tango lamang ang isinagot dito bago dire-diretso nang naglalakad papasok sa bahay ng kanyang abuelo.Hindi na siya nagtanong pa sa katulong kung nasaan ang lolo niya. Sa ganoong oras ay alam na niya kung saan namamalagi ang matandang lalaki at doon na nga siya dumiretso--- sa may verandah sa ikalawang palapag. Ngunit ilang hakbang na lang sana ang layo roon ni Hendrick nang naging mabagal ang paglalakad niya. Agad niyang natanawang hindi nag-iisa ang kanyang Lolo Benedicto. Kasama nito ang matagal nang kaibigang si Benjamin.“Lolo...” sambit niya sa marahang tinig dahilan para mapalingon sa kanya ang dalawang lalaki.Rumihestro ang isang rekognisyon sa mukha ni Benjamin. Ngayon niya lamang ulit ito nakita makalipas ng maraming taon sanhi para kabakasan ng pagkabigla ang mukha ng lalaki.“Hendr
Dama ni Laica ang panlalamig ng kanyang buong katawan dahil sa nakikitang reaksyon ng mga taong nasa paligid niya. Maliban sa lolo at mga magulang ni Hendrick, pati na rin sa private nurse ng matanda, ay may mangilan-ngilan nang napapatingin sa kanilang direksyon. Lahat ay may pagtataka sa mga mata.“What do you think you’re doing, Laica?” pasinghal na tanong sa kanya ni Benedicto na mas lalong nakaagaw ng pansin ng ibang taong naroon.“T-The water is not safe,” sambit niya sa mahinang tinig kasabay ng pagpalipat-lipat ng tingin sa mga ito. “May inilagay sila sa inumin mo, Mr. Montañez.”“What?!” the old man exclaimed.Itinuon ni Laica ang kanyang paningin sa private nurse ng matandang lalaki at hindi nakaligtas sa kanya ang pagkabiglang rumihestro sa mukha nito. Ni hindi siya maaaring magkamali. Bigla itong nataranta nang marinig ang mga sinabi niya.“What do you mean, Laica?” narinig niyang tanong ni Hendrick. Naramdaman niya pa ang paghawak nito sa kanyang braso.She turned to look
Abot-abot ang kaba sa dibdib ni Laica nang makapasok na siya sa comfort room. Hindi niya mapigilang makadama ng takot. Kung hindi siya mabilis na nakatakbo palayo ay baka nakita siya ng matandang lalaki. Agad kasi ang pagpihit nito patungo sa kanyang direksyon matapos mailagay sa bottled mineral water ang mga gamot na dala ng isa pang lalaki.Binalikan niya sa kanyang isipan ang narinig na usapan ng mga ito. Halatang may binabalak na masama ang dalawa. Kanino ipaiinom ng mga ito ang tubig na iyon? At ano ang klase ng gamot na inilagay ng matandang lalaki sa naturang inumin?Laica heaved out a deep sigh. Naitukod niya pa ang kanyang mga kamay sa lababong naroon saka matamang pinagmasdan ang kanyang sariling repleksiyon sa malaking salamin. Nawala na sa isipan niya ang tungkol kay Hendrick at Tracey at mas natuon ang pansin sa dalawang lalaking narinig niyang nag-uusap kanina.Slowly, Laica walked towards the comfort room’s door. Marahan na niyang binuksan ulit iyon at pinakiramdaman ku
Ilang minuto nang sinisipat ni Laica ang kanyang sarili sa harap ng salamin upang masiguro kung ayos na ba ang hitsura niya. Nakaayos na ang kanyang buhok at nakapaglagay na ng makeup sa kanyang mukha ngunit wari bang hindi pa rin siya kontento sa kanyang hitsura. Lahat ng anggulo ay parang nais niyang siguraduhing wala nang problema.Hindi naman talaga siya mahilig mag-ayos nang magarbo. Sa tuwing papasok sa trabaho o ‘di kaya’y may gig na nakuha ay simple lang naman ang gayak niya. Manipis na makeup nga lang ang inilalagay niya sa kanyang mukha, minsan ay wala pa.Pero iba sa pagkakataong iyon. Iba sa gabing iyon.Ngayon ang pagdiriwang ng anibersaryo ng Montañez Group of Companies. Sanhi iyon kaya kahit hindi siya sanay sa mga ganoong pagtitipon ay kailangan niyang mag-ayos ng kanyang sarili. At hindi lang basta simpleng pag-aayos. She should be glamorously dressed for tonight’s event. Panigurado kasing hindi mga simpleng tao ang bisita ng mga Montañez. Alam niyang lahat ng dadalo