The CEO's Rival Bride

The CEO's Rival Bride

last updateHuling Na-update : 2025-07-16
By:  AOIIn-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
8Mga Kabanata
9views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Para sa kanilang kompanya, si Shaniqua ay pumayag sa isang arranged marriage sa lalaking kanyang pinakakinaiinisan—si Elijah Dominique Falviom. Kilala si Elijah Dominique bilang pinakabata ngunit successful na CEO sa buong Pilipinas. Kilala rin siya because of his looks and being the top student sa kanilang paaralan. Sa kabilang dako, si Shaniqua Vesper Aguincilló naman ay anak ng may-ari ng kompanyang palubog na sa utang. At para maisalba ang kompanya, napilitan si Shaniqua na ikasal kay Elijah, ang kanyang academic rival sa parehong paaralan. Matapos ang kanilang minadaling kasal ay nagkasundo silang magpanggap na sweet married couple sa harap lamang ng pamilya nila at pumayag naman si Shaniqua sa kasunduan na ito. Pero paano kung sa hindi inaasahang mga pangyayari, ang pagpapanggap na iyon ay naging katotohanan? Unti-unting nahulog ang loob nila sa isa’t isa nang hindi nila namamalayan.

view more

Kabanata 1

Prologue

Shaniqua’s POV

 

Hindi ako mapakali. I’m currently walking down the aisle while unfamiliar faces are watching me.

 

Mga nasa sampung tao lang ang dumalo sa kasal na ito, at halos sa kanila hindi ko pa kakilala.

 

I forced a smile.

 

Napatingin ako sa unahang upuan kung saan nakaupo sina Mom at Dad, katabi rin nila ang ama nitong magiging asawa ko kuno.

 

I fixed my gaze on the man in front, looking at me blankly—is he even here with us? Nakatulala siya masyado eh.

 

Upon arriving in front of the altar, rinig na rinig ko ang hikbi ni Mom—tsk, fake tears. Sana masaya sila na magiging maayos na ang mahal nilang kompanya kasi ako, hindi talaga masaya sa mga nangyayari.

 

Sinimulan na ng pare ang seremonya pero hindi ako nakinig, nakatingin lang ako sa lalaking nasa harapan ko ngayon na magiging asawa ko.

 

Hindi na ako magugulat sa pagmumukha niya dahil pamilyar na pamilyar ito sa akin. 

Hmmp! Siya lang naman ang nagparamdam sa akin kung ano ang pakiramdam ng pagiging second place palagi sa klase.

 

Elijah Dominique Falviom, you…

 

“Jerk.” Kaagad akong natigil dahil sa pagbulong ko na iyon. Napatingin siya sa akin at nangunot ang noo niya.

 

Na-rinig niya? Kakahiya ka, Shaniqua.

 

Napa-iwas na lang ako ng tingin at napatikom ng bibig. Akala ko sa isip ko lang ‘yon nasabi.

 

“Will you take this woman to be your lawfully wedded wife, to have and to hold, in sickness and in health, for richer or for poorer, until death do you part?” the priest asked Elijah, gazing at him.

 

Napatingin kaming lahat sa kanya, naghihintay ng sagot.

 

Napatingin pa siya sa akin bago napa-buntong hininga. Aba! Bakit parang ako pa yung pumipilit sa kanya?

 

“I do,” he uttered.

 

Hindi ko maipaliwanag, ngunit parang nabunutan ako ng tinik matapos niyang iyon sabihin. Siguro dahil takot ako mapahiya kung sakaling sabihin niya ang ‘I don’t.’

 

The priest turned his gaze to me kaya napalunok ako.

 

“And will you take this man to be your lawfully wedded husband, to have and to hold, in sickness and in health, for richer or for poorer, until death do you part?” I held tightly on my wedding dress as I was about to answer.

 

Napatingin ako kay Elijah, then shifted my gaze to my parents. Kumawala ako ng malalim na hininga.

 

This is for the sake of the company; I’m willing to do anything para maisalba ang kompanya na pinaghirapan nila.

 

“I-I do…”

 

Ramdam ko ang galak ng mga tao na nandito at nakasaksi sa pagsumpa namin.

 

Matapos ang aming pagsumpa, pareho naming isinuot ang singsing sa isa’t isa. Napalunok ako dahil ito ang unang beses na nahawakan ko siya despite being in the same class with him for almost 4 months.

 

“You may kiss the bride.”

 

I quickly froze on the spot upon hearing what the priest said. Nanlaki ang mga mata ko. I was so determined to save the company and marry this man that I forgot the kissing-the-bride part.

 

Damn, i-it’s my first kiss.

 

He began to lift my veil; I remained nervous. His dark blue eyes gazed into mine. Hinawakan niya ang aking pisngi at unti-unting lumapit sa akin.

 

Sa sobrang lapit niya, I could see clearly kung gaano kamo ang mukha niya. His pinkish lips and pointed nose, tapos sobrang defined pa ng jawline niya—ackkk!

 

Ang gwapo—ano?!

 

Hoy, kilabutan ka, Shaniqua.

 

Napa-iling ako sa kawalan.

 

He slowly leaned towards me, at ang tanging nagawa ko ay pumikit na lamang.

Ramdam ko na sobrang lapit niya na, I could feel his breath. Napakapit ako nang mahigpit sa wedding dress ko ulit.

 

“Don’t worry, this will be quick,” he suddenly uttered to me, na ikinagulat ko. Akmang imumulat ko na ang aking mga mata when soft lips met mine.

 

Wala akong nagawa kundi mapapikit na lamang pabalik.

 

As the crowd began clapping, kaagad siyang humiwalay sa ‘kin kaya napahinga ako nang maluwag.

 

My heart was filled with countless emotions. I was shy but irritated at the same time dahil it’s my first kiss tapos sa kanya lang napunta.

 

Inside, I was planning to not get involved with him after the wedding, but can that plan really work?

 

“So, I’m your first kiss, huh?” Napatingin ako sa kanya dahil sa biglang pagbulong nito.

 

How did he even know that?

 

“A-Ano?” Wala akong nasabi; I’m completely speechless.

 

“tsk, I knew it.” Tumingin siya sa ‘kin at napangisi. Nagulat naman ako sa inasta niya.

 

Iniinis niya ba ako?

 

“A-anong sinasabi mo diyan?” tanong ko pa rito, pero nanatili lang siyang nakangisi.

 

“Shhh.” He put his index finger towards his lips and grabbed my hand.

 

Hindi na ako nagkaroon pa ng oras para magsalita sa kanya dahil bigla niya akong hinigit at naglakad na kami palabas ng simbahan.

 

The wedding ceremony was done. Elijah Dominique Falviom officially became my freaking husband.

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

Walang Komento
8 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status