Share

CHAPTER 6

last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-23 21:30:35

“Nasaan si Lolo?” tanong ni Hendrick sa unang katulong na kanyang nakasalubong pagpasok na pagpasok niya pa lang sa bahay ng kanyang abuelo.

Magalang muna itong bumati sa kanya bago sumagot. “Nasa patio po, Sir Hendrick.”

Matapos makapagpasalamat ay humakbang na siya patungo sa binanggit nitong kinaroroonan ng lolo niya. Dire-diretso niyang tinahak ang daang papunta sa patio ng malaking bahay nito at malayo pa lang siya ay natanawan na nga niya ang matandang Montañez. Agad pa nga itong natigil sa pagbabasa ng libro nang mapansin din ang pagdating niya.

“Lolo…” sambit niya nang makalapit dito.

Benedicto looked at him with so much seriousness on his face. Hindi pa man ito nagsasalita ay dama na niyang galit ito sa kanya. And he knew very well why--- hindi siya sumipot sa itinakda nitong pakikipag-usap sa mga Lagdameo para sa plano nitong kasal nila ni Tracy.

“Iwan mo muna kami ng apo ko,” saad ng lolo niya sa isang katulong na nakaupo lamang sa isang silya. Naroon ito para bantayan ang matandang lalaki.

Agad na tumalima ang babae at magalang na nagpaalam sa kanila. Nang tuluyan itong makaalis ay saka siya hinarap ng kanyang lolo. Sa pagkakataong iyon ay talagang hindi na nito itinago ang galit sa kanya.

“Finally, nagpakita ka,” Benedicto said mockingly. “What brought you here now? Sa dinner na inihanda kasama ang mga Lagdameo, ni anino mo ay hindi dumating, Hendrick.”

“You know, why, Lolo,” matapang niyang sagot. “Wala akong planong sundin ang nais mong pakasalan ko si Tracy.”

Marahas nitong itiniklop ang librong binabasa at basta na lamang iyon inilapag sa naroong mesang gawa sa rattan. Umayos ito sa pagkakaupo at sa kabila ng edad nito ay waring handang-handa pa rin itong makipagsagutan sa kanya.

Sa ibang pagkakataon ay ikatatakot niyang galitin ang kanyang abuelo. Matanda na ito at hindi na maganda para sa kalusugan nito ang laging nagagalit. But he knew his grandfather. Mas malakas ito kaysa sa ibang mga kaedaran nito. Despite his age, he’s still authoritative and still manage to be so dominant to all of them.

“Ipinapahiya mo ang mga Montañez, Hendrick,” mariin nitong sabi sa kanya.

“Ipinapahiya?” buwelta niya. “Lolo, hindi ko sinabing pakakasal ako kay Tracy. Ni wala akong relasyon sa kanya.”

“But you know you need to have a wife as soon as possible,” hindi pa rin patatalo nitong sabi.

Halos gusto niyang mapamura ulit. Hindi niya pa rin talaga makita ang koneksyon ng pagkakaroon ng asawa sa pagiging presidente ng kanilang kompanya. Kung posible lang ay parang gusto niya pang kausapin kung sino man sa mga nakatatandang Montañez ang nagpauso niyon. It was such a nonsense rule.

“I will accept the position in our company,” maya-maya ay saad niya matapos hamigin ang kanyang sarili. “But don’t expect me to marry Tracy… or any woman that you want, Lolo. Hindi na ako bata para pakialaman ninyo ang personal kong buhay. Fixed marriage is not my thing.”

“You are already thirty-five, Hendrick. Ni seryosong relasyon ay wala ka---”

“But it’s not a valid reason for you to mess up with my life. Let me decide for me, Lolo. For goodness’ sake, you’re making me feel like I am just a boy.”

“Messing up with your life?” ulit nito sa mga sinabi niya. “Ganyan ba ang tawag mo sa ginagawa ko? I just want what is best for you, Hendrick. Tracy came from a well-off family. Edukada at nagtapos pa sa kilalang unibersidad. She is just fit to be your wife---”

“I’m getting married,” mabilis niyang saad na naging dahilan para matigilan ito.

Mataman sa kanyang tumitig ang matandang lalaki na wari bang hindi mapaniwalaan ang mga sinabi niya. “W-What did you say?”

He heaved out a deep sigh before he spoke again. “I’m getting married, yes… but not with Tracy. I’m sorry to disappoint you, Lolo, pero hindi ako pakakasal sa babaeng pinili mo. I’ll be the one to decide whom I’m gonna marry and give my name.”

Dahan-dahang tumayo si Benedicto matapos marinig ang mga sinabi niya. “At sinong babae ang pagbibgyan mo ng pangalan nating Montañez? Hindi ako makapapayag na kung sino lang ang mapangasawa mo, Hendrick?”

“Lolo---”

“Who is she? Saang pamilya siya nagmula?”

“Does it matter?” matapang niyang balik dito. “Ako ang makikisama sa mapapangasawa ko, hindi kayo.”

“What is she doing in her life?” hindi pa rin tumitigil na tanong nito. “Does she have a job just like Tracy---”

“She doesn’t have to,” mabilis niyang putol sa kung ano mang sasabihin nito. “My work is more than enough to provide for my wife. Besides, I would rather prefer a full-time wife than a working one. Hindi kailangang magkaroon ng trabaho ang asawa ko.”

Benedicto stared at him sharply. “Dalhin mo siya rito. Gusto kong makilala ang babaeng tinutukoy mo.”

For a moment, Hendrick wasn’t able to speak. Matagal muna siyang napatitig sa kanyang abuelo bago nagsalita.

“Dadalhin ko siya rito isa sa mga araw na ito, pero…” aniya na sadyang ibinitin pa ang pagsasalita. “…sisiguraduhin kong dala na niya ang pangalan ko bago ko siya ihaarap sa inyo.”

“You can’t do that, Hendrick!” napataas ang tinig na wika nito.

Again, Hendrick wanted to think about his grandfather’s health. Hindi niya rin naman gustong may mangyaring masama rito. Sadyang hindi niya lang talaga kayang hindi makipagmatigasan sa matanda. Gusto niya lang ipakitang hindi nito maaaring manduhan ang buhay niya, katulad ng kung ano ang ginagawa nito sa ibang tao.

“Buo na ang pasya ko, Lolo. I’m getting married one of these days and I assure you that I can manage the company just like what you want to happen. Pero doon magtatapos ang pangingialam mo sa buhay ko. I will be the one to decide what I am going to do with my life.”

Pagkawika niyon ay agad na siyang tumalikod. Balak na niyang umalis dahil kapag humaba pa ang pag-uusap nilang dalawa ay may tiyansang mas lalo silang magkasagutan. At hindi niya rin naman nais na tuluyang makipagtalo sa matandang lalaki. He has so much respect to his grandfather, just like how he respects his parents. Sadyang hindi niya lang talaga gustong may nakikialam sa buhay niya.

Nakakailang hakbang pa lamang si Hendrick nang agad na siyang natigilan. Muli kasing nagsalita ang Lolo Benedicto niya dahilan para mahinto siya sa paglalakad.

“Siguraduhin mong karapat-dapat pag-alayan ng apelyido natin ang babeng pipiliin mong pakasalan, Hendrick. Hindi na mahalaga sa akin kung ano ang estado niya sa buhay, as long as she is fit to be called Montañez. Alalahanin mo, I don’t allow divorce or annulment in this family. No matter what you think of me, sagrado para sa akin ang kasal. Kaya siguraduhin mong hindi kung sino-sino lang ang pakakasalan mo.”

He instantly stopped in his tracks. Agad ding pumasok sa isipan niya ang babaeng inalok niya, o mas tamang sabihing napilitang magpakasal sa kanya--- si Laica. What’s going to happen between them is a marriage for convenience. They will file for annulment once everything was settled, bagay na kapag nalaman ng abuelo niya ay magiging dahilan para pigilan nito ang plano niyang pakasal sa dalaga.

He turned to look at his grandfather again. Isang paismid na ngiti ang namutawi sa kanyang mga labi bago nagsalita rito. “I’ll just cross the bridge when I get there, Lolo,” aniya bago tuluyan nang nagpaalam at umalis sa bahay nito.

*****

KANINA pa pinagmamasdan ni Laica ang kapatid niyang si Luke na abala sa paggagayat ng mga gulay na lulutuin nila para sa hapunan. Bente-uno anyos na ang kapatid niya at kasalukuyan nang nasa ikatlong taon sa kolehiyo. Mahirap man pero kaya niyang ipagmayabang na naigagapang niya ang pagpapaaral kay Luke.

Ulila na silang dalawa dahilan para tumayo na siya bilang magulang nito. Ang kanilang Tita Beth ang kumupkop sa kanila mula nang mamatay ang kanilang ina dahil sa sakit na kanser. Beth is their mother’s youngest sister. Nasa elementarya naman siya nang mamatay ang kanilang ama sa bansang pinagtatrabahuan nito. Ayon sa kanyang tiyahin, nagkaroon ng pagsabog sa kompanyang pinagtatrabahuan nito na siyang ikinasawi ng kanilang padre de pamilya. Sa tindi ng pinsalang natamo sanhi ng pagsabog, hindi na nadala pa sa Pinas ang kanilang ama.

Ang obligasyon niya bilang nakatatandang kapatid ni Luke ang naging dahilan para hindi natapos ni Laica ang pag-aaral. At the age of nineteen, she needed to stop her studies and worked for them. Kinailangan niya na kasing tumulong sa pagtatrabaho dahil na rin sa karamdaman ni Luke. Sanhi iyon para hindi na niya natapos pa ang kursong Nursing at mas piniling kumayod na lamang.

Napabuntong-hininga siya na ikinalingon pa sa kanya ni Luke.

“Ang lalim niyon, Ate. May problema ba?”

“Wala,” aniya sabay ngiti rito. “Masaya lang akong makitang maayos ang lahat sa iyo.”

“Masaya ba iyong napapabuntong-hininga ka?”

She chuckled. Tumayo na siya mula sa silyang kinauupuan saka lumapit dito. “Tapos na ba iyan at nang maluto na natin? Mamaya ay darating na si Tita Beth,” pag-iiba na niya sa usapan.

Hangga’t maaari ay hindi na niya gustong ipaalam pa sa kanyang kapatid ang mga gumugulo sa isipan niya. Ayaw niyang dumating ang puntong sisihin nito ang sarili kung bakit siya nasa ganoong sitwasyon. Malamang ay ganoon ang mangyayari kapag nalaman nitong nagkaroon ng malaking kapalit ang perang pinangpaopera nito.

Despite everything, Luke’s second life was the best thing that happened before. Nawala man sa kanya si Hendrick, ang pangalawang buhay naman ng kapatid niya ang kapalit.

“Kaunti na lang ito, Ate. Tatapusin ko lang,” saad nito saka pinagpatuloy na ang ginagawa.

Hindi na niya nagawa pang sumagot dito nang biglang may kumatok sa kanilang pinto. Napalingon pa siya sa direksyon niyon bago nagsalita. “Nariyan na yata si Tita Beth, hindi pa tayo nakakapagluto,” wika niya bago naglakad na para pagbuksan ang kung sino mang kumakatok. Dahil sa may ginagawa ang kapatid niya ay nagkusa na siyang lumapit sa may pintuan.

Ang ngiting sisilay sana sa kanyang mga labi dahil sa pag-aakalang ang tiyahin nila ang dumating ay agad nang naawat nang mabuksan niya ang pinto at mapagsino ang nasa labas. Agad siyang natigilan at hindi alam kung ano ang gagawin pagkakita sa lalaking bagong dating--- si Hendrick.

“Magandang gabi,” bati nito sa seryosong tinig.

Para siyang naipako sa kanyang kinatatayuan pagkakita rito. “P-Paano mo nalaman kung saan kami nakatira?” tanong niya pa kahit waring alam niya na rin naman kung paano.

He’s a wealthy man. Parang hindi na imposible para rito ang alamin kung saan siya nakatira. Malamang, matapos ng naging pag-uusap nila nang isang araw ay nag-utos na ito ng tao para alamin kung saan ang address nilang magkapatid. With his money, it would be easy for him to do that.

Bago pa man makasagot si Hendrick ay lumabas na mula sa kusina si Luke.

“Sino ang dumating, Ate? Si Tita Beth na ba---” Nahinto ito at parang natuklaw ng ahas ang naging reaksyon nang makita ang binata. “Kuya Hendrick? Ikaw ba iyan?”

Parang may kung anong nangyari at biglang nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Hendrick. Kanina nang kaharap niya ito, o kahit noong magkita sila sa Davao at opisina nito, laging seryoso ang mukha ng binata. Ni hindi mawala ang galit sa mga mata nito.

Pero ngayon ay hindi niya iyon makita kay Hendrick. The moment he saw Luke, a smile curved on his lips. Sa maikling sandali, parang nakita niya ang Hendrick na nakilala niya noon.

“How are you, Luke?” nakangiting tanong nito sa kapatid niya.

“Ikaw nga!” Luke exclaimed as he walked towards Hendrick. “Kumusta ka na? Ngayon na lang tayo ulit nagkita.”

She watched them talked. Dahil sa paggiya ng kapatid niya ay nakapasok na sa loob ng bahay nila ang binata. Hindi niya pa maiwasang sundan ng tingin ang mga ito. Malapit ang dalawa sa isa’t isa kahit nang magkasintahan pa lamang sila ni Hendrick. Para kasing nakakita ng kuya sa katauhan nito ang kapatid niya. At sana lang, totoo ang ipinapakita nito ngayon kay Luke.

“You’re a grown-up man now. Nag-aaral ka pa ba?”

“Opo, Kuya. Pinapag-aral ako ni Ate.”

Dahil sa naging sagot nito ay awtomatikong napalingon sa kanya si Hendrick. Agad nagbago ang emosyong nasa mga mata nito. Naging seryoso na ulit ang binata, kaiba sa ipinakita nito nang ang kapatid niya ang kausap.

“Bakit narito ka, Kuya?” usisa pa ni Luke sabay sulyap din sa kanya. “N-Nagkikita na ulit kayo ni Ate?”

“Yes,” walang pag-aatubiling sagot nito. “And I am here to visit my girlfriend.”

Agad na napatayo nang tuwid si Laica pagkarinig sa mga sinabi nito. Mataman pa itong nakatitig sa kanya nang sabihin ang mga katagang iyon.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (3)
goodnovel comment avatar
Mrs.Kim❤
ang ganda next please..salamat
goodnovel comment avatar
EDEN
wow gf dw baka fiance n hendrick kc ikakasal n kau
goodnovel comment avatar
analyn Aguilar
nyawaaaa hahaha chrissa ako ng chrissa c laica pala yun...putcha g gala nmn lagot ako nito kay Trace hahaha
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   AUTHOR'S NOTE

    Few more chapters to go for this story. Thank you for everyone who's reading Hendrick and Laica's story. Just some clarification, ang timeline ng Chapter 66 ay ang mga panahong umalis si Rhea at iniwan si Sergio sa SBS5:SERGIO ARGANZA. Baka lang po magkaroon ng kaunting kalituhan dahil may wakas na sa kuwento nina Sergio at Rhea (baka isipin ninyo na nag-away yung dalawa. hehe)I will add a special chapter here, showing some glimpse on my next novel, SBS9:ALTER VLADIMIR SANTILLANES. Abangan...Also, you may now add on your library my new story HIS HEART SERIES 3:HIS RUTHLESS HEART. Available na po rito sa Goodnovel.Thank you...___yvettestephanie___

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 66

    Halos maihilamos ni Hendrick ang kanang palad niya sa kanyang mukha nang makita ang kanyang mga kaibigan. Lahat ng mga ito ay may ngisi sa mga labi nang makita siyang papalapit sa mesang okupado na ng mga ito. Hindi niya pa mapigilang mapailing nang maupo siya sa espasyong inilaan ng mga kaibigan niya para sa kanya.“What is this?” napapangiti niya pang sabi na ang tinutukoy ay ang pagtitipon-tipon nila. Alam niyang abala ang mga ito pero hayun at wala siyang kamalay-malay na magkikita-kita sila.Binigyan niya pa ng tingin ang mesang nasa harap nila. Naroon na ang ilang bote ng alak at iba’t ibang putaheng pangpulutan na hindi na niya lubusang binigyan ng pansin. Mas pinagtuunan niya ang kanyang mga kasama.Hendrick darted his eyes to his friends. Isa-isa niyang tinitigan ang mukha ng mga ito. Naroon, kasama niya sina Lorenzo, Sebastian, Winston, Sergio at si Vladimir na sadyang sumundo sa kanya mula sa Montañez Recording Company.Nabigla pa siya nang sumulpot sa kanyang kompanya si V

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 65

    Awang ang bibig na napatitig si Laica sa mukha ni Hendrick. Nanatili itong nakaluhod sa harapan niya habang naghihintay ng kanyang isasagot. His eyes were full of love while staring intently at her. Kahit ilang saglit na ang dumaan na wala pa rin siyang naisasagot ay hindi niya man lang kinakikitaan ng pagkainip ang mukha nito. He was just waiting patiently as if his life depends on her aswer. Sa loob nga ng ilang saglit ay hindi nakahuma sa kanyang kinatatayuan si Laica at mataman na lamang na nakatingin sa kanyang asawa. Shock was an understatement to what she felt right at that moment. Sa dami ng alalahaning nasa dibdib niya nitong mga nakalipas na araw ay hindi niya inaasahang magpo-propose ito ngayon. Katunayan, hindi na niya naisip pang muli itong mag-aalok ng kasal sa kanya. She swallowed hard and stared at the ring that he was holding. Kumpara sa singsing na suot niya na ngayon, masasabi niyang mas mataas ang presyo ng hawak ng kanyang asawa. It was so elegant and Laica knew

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 64

    Magkatulong na inaalis nina Laica at Luke ang mga prutas na nasa mga supot saka inaayos ang mga iyon sa maliit na tray na nasa ibabaw ng bedside table. Dala ng kapatid niya ang mga prutas na iyon sa ospital kung saan naka-confine ang kanilang ama. Kararating lang nito at agad na niyang tinulungan sa mga dala-dalang prutas na ang mismong tiyahin nila ang bumili.Ikatlong araw na iyon ng kanilang ama sa ospital. Nasa isang pribadong silid na ito at nagpapalakas na lamang. Ayon sa doktor, kung sakaling magtuloy-tuloy ang pagbuti ng kalagayan ni Emil ay maaari na itong makalabas. Wala nang kailangan pang ipag-alala rito dahil base na rin sa paliwanag ng mga doktor sa kanila, masuwerteng walang natamaang ano mang vital organ ang balang tumama rito.And Laica was so thankful for that. Kahit sabihin pang nasa ospital pa ito ngayon, nakahihinga na rin siya nang maluwag.“Ipagsama-sama mo na lang ang mga ito at nang hindi makalat tingnan,” wika niya kay Luke sa marahang tinig na ang tinutukoy

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 63

    Hindi nakahuma si Laica sa kanyang kinauupuan matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Hendrick. Ilang beses na rin niya itong narinig na nagsabing mahal siya nito. Kahit noong magkasintahan pa lamang sila ay sadyang bokal ito sa nararamdaman para sa kanya.But hearing it once again right now made her teary-eyed. Ngayon niya gustong sabihin na sadyang napatunayan na niya kung gaano siya nito kamahal. He was so willing to do everything for her. Kung sakaling hindi lang sila nagkasira noon, maayos sana ang lahat sa pagitan nilang dalawa at hindi sana sila nagkahiwalay sa loob ng maraming taon.“I-I love you too, Hendrick,” aniya sa pabulong na tinig. “B-But please, I don’t want this to happen again. Hindi mo kailangang gantihan ang lahat ng taong nananakit sa iyo.”Alam niyang bahagya itong tinamaan sa huling pangungusap na binitiwan niya. Alam niya rin na nakuha nito ang ibig niyang ipahiwatig at iyon ay ang ginawa rin nito sa kanya--- ang pagplano nitong saktan din siya para makabawi

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 62

    Maingat na ipinarada ni Hendrick ang kanyang sasakyan sa harap ng gusaling nabili nila ni Vladimir. It was now newly renovated. Napadagdagan na rin nila ito ng karagdagang palapag dahilan para magkaroon ito ng mas malaking espasyong maaari nilang magamit.Ang unang palapag nga ay napagawan na nila ng salon and spa, ang negosyong pinili ng Tita Beth ng kanyang asawa. Nakausap niya na si Laica tungkol sa bagay na iyon at nasabi na niyang ito at ang tiyahin na nito ang pumili ng kung anong negosyong gusto simulan sa naturang lugar. They chose a salon and they named it Glow and Glam Salon.Sa ngayon ay handa na ang lahat para sa pagbubukas nila ng negosyo bukas. Ang cafeteria naman na ipinalagay nila sa ikalawang palapag ay balak nilang isunod ang pagbubukas sa susunod na mga araw.Napatay na niya ang makina ng kanyang sasakyan nang kinuha niya ang kanyang cell phone mula sa may dashboard at inilagay sa kanyang bulsa. Sinusubukan niya sanang matawagan ulit si Laica kanina habang nagmamane

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status