Share

CHAPTER 7

last update Last Updated: 2025-03-25 16:41:20

“Girlfriend?!” bulalas ni Luke na halatang ikinabigla ang mga sinabi ni Hendrick. Pinaglipat-lipat pa nito ang paningin sa kanya at sa binata. “I-Ibig sabihin, kayo na ulit? Kalian pa? Ang ibig kong sabihin---”

“It’s a long story, Luke,” awat na ni Hendrick sa mga sasabihin pa ng kapatid niya. “Sabihin na nating nagkita ulit kami ng ate mo. And we rekindled the relationship that we had before.”

Mariing napalunok si Laica. Mataman din siyang napatitig kay Hendrick at halos mabalot pa siya ng labis na pagkailang, hindi lang dahil sa mga sinabi nito, kundi dahil sa uri ng tingin na iginagawad nito sa kanya habang nagsasalita.

He’s a good manipulator. Magaling umarte at magpaniwala ng ibang tao. Paano nito naaatim na magsinungaling sa kapatid niya? Ganitong Hendrick ba talaga ang nakilala niya noon? Para kasing hindi niya na talaga makita rito ang lalaking minahal niya. Ibang-iba na ang binata.

“Talaga ba?” narinig niyang komento ni Luke dahilan para maputol ang pakikipagpalitan niya ng tingin kay Hendrick. “Kailan kayo ulit nagkita? Bakit wala man lang sinasabi si Ate?”

“Knowing your Ate, hindi ba’t masikreto naman talaga siya?” wika ni Hendrick na alam niyang may dobleng kahulugan. Nang muli niya ngang salubungin ang mga titig nito ay hindi nakaligtas sa kanya ang disimuladong paniningkit ng mga mata ng binata. Duda pa siya kung napansin man iyon ni Luke.

Maya-maya pa ay hinamig na niya ang kanyang sarili. “A-Ako na ang magluluto, Luke,” saad niya sa kanyang kapatid bago binalingan ang binata. “M-Maupo ka. May kailangan lang akong gawin.”

It took him a couple of seconds before nodding to her. Tumalikod na siya at nagtungo sa kusina na halos ilang hakbang lamang mula sa pinakasala nila. Ramdam niya pa ang pagsunod ng tingin sa kanya ng binata na mas nagpadagdag ng pagkailang niya.

“Dito ka ba maghahapunan, Kuya?” narinig niyang tanong ni Luke kasabay ng pag-upo ng dalawa sa pahabang upuang gawa sa kahoy.

Agad siyang napalingon sa mga ito at nahuli si Hendrick na iginagala ang paningin sa kabuuan ng kanilang bahay. Halos makadama pa siya ng hiya rito. Ngayong natuklasan na niya ang totoong pagkatao ng binata ay hindi niya maiwasang manliit lalo pa’t halos isang kahig, isang tuka lamang silang magkapatid.

Maliit lang ang bahay na tinitirhan nila ngayon. Iyon lang ang kaya niya dahil mas mahal ang upa kapag mas malaki ang bahay. May sala, kusina, banyo at dalawang maliit na kuwarto din naman kaya puwede na sa kanila. Siya at ang kanilang Tita Beth ang gumagamit ng dalawang silid. Si Luke naman ay sa pahabang upuang nasa sala natutulog.

Silang dalawa lang din ng kanyang tiyahin ang nagtatrabaho para sa kanialng tatlo. Sa isang malaking tindahan ng mga prutas nagtatrabaho ang tiyahin nila habang si Laica naman ay kumakanta sa iba’t ibang okasyon. Kung walang raket ay kasa-kasama siya ng kaibigan niyang si Melody sa catering service na pinagtatrabahuan nito kung saan nagtatrabaho siya bilang service crew.

Good thing na may mga kaibigan siyang sinasabit siya sa trabaho ng mga ito, sina Melody at Adrian. Kung may raket lang din at alam ng mga itong kaya niyang gawin ay talagang siya ang tinatawagan ng dalawa.

She heaved a deep sigh. Kinuha na niya ang kawali at isinalang na iyon sa stove. Inihahanda na niya ang paggisa ng gulay na lulutuin nang magsalita siya. “Simpleng gulay lang ang ulam namin, Hendrick. Baka hindi mo magustuhan.”

“It’s okay with me,” tugon nito. Ni hindi niya nilingon ang binata nang magsalita ito at itinuloy lamang ang ginagawa. “Dati na rin naman akong nakikikain sa inyo, hindi ba?”

“Oo nga naman, Ate. Laging nasa atin si Kuya Hendrick noon, hindi ba?”

Hindi na siya sumagot pa at itinuloy na lamang ang pagluluto.

Totoo naman ang mga sinabi ni Luke. Noong lagi pa silang magkasama ni Hendrick dahil sa pagbabanda ay madalas itong maglagi sa dati nilang tinitirhan. Madalas din na kasalo nila ito sa pagkain. Dahil sa hindi niya pa alam kung ano ang katayuan nito sa buhay ay hindi siya nahihiyang ipaghanda ito ng mga simpleng pagkain. Magana ring kinakain ni Hendrick ang mga iyon dahilan kaya hindi rin siya nag-isip na lumaki ito sa maalwan na buhay.

Those were just simple things. Minsan nga, kapag natatapos ang gig nila ay street foods lamang ang pinagsasaluhan nila ng binata. Mga simpleng bagay lang ang mga iyon… pero lubos nang nagpapasaya sa kanya dahil sa ito ang kasama niya.

Maya’t maya ang ginagawa niyang paglingon kina Hendrick at Luke habang nagluluto siya. Masayang nagkukuwentuhan ang mga ito na para bang walang pitong taon na dumaan. Kita niya pa rin ang pagiging malapit ng dalawa at mistula bang hindi niya pa mapaniwalaan ang pagkagiliw na pinapakita ni Hendrick sa kanyang kapatid. Kung ano ang trato nito kay Luke noon ay iyon pa rin ang nakikita niya ngayon. Kung bukal iyon sa loob nito o umaarte lang ang binata ay hindi niya alam. Kapag siya kasi ang kaharap nito ay kapansin-pansin ang pagbabago nito.

Natapos siya sa pagluluto at saktong dumating ang kanilang tiyahin sanhi para sabay-sabay na silang kumain. Katulad ni Luke ay kinabakasan din ito ng pagkabigla pagkakita sa binata. Hindi rin ito makapaniwala na ‘nagkabalikan’ sila ni Hendrick.

“Thank you for the dinner,” wika ni Hendrick nang nasa labas na sila ng bahay at inihahatid na niya ito patungo sa pag-aaring sasakyan. Tapos na silang kumain at nagpaalam na ang binata na aalis.

“H-Hindi ka nagpasabi na darating ka kaya ganoon lang ang nadatnan mo,” aniya sa mahinang tinig.

“I don’t mind,” tipid nitong sabi.

Nasa tapat na sila ng kotse nito at hindi niya pa mapigilang isatinig ang tanong na kanina pa nagpapagulo sa isipan niya. “Hindi ko na itatanong kung paano mo nalaman itong bago naming tinitirhan. With your money, madali mo na lang magagawa iyon. I’m just wondering, ano ang ipinunta mo rito? I’m sure, hindi lang para makikain ng hapunan.”

His lips twisted upwardly. Ni hindi niya kayang tawaging pagngiti ang ginawa nito. It was more of a smirk than a smile. Magiliw itong kumilos at magsalita nang kaharap nito kanina ang tiyahin niya at kapatid, kabaliktaran ng ipinapakita na nito ngayon.

“Ipagtataka ng pamilya mo kung bigla ka na lang uuwi at sasabihing nagpakasal ka na sa akin, knowing na ilang taon tayong hindi nagkita. At least, ngayon ay alam nilang ‘nagkabalikan’ tayong dalawa. Madali na lang gawan ng dahilan kung bakit bigla tayong nagpakasal. We can tell them that we don’t want to waste another years being apart so we decided to get married immediately.”

Halos gusto niyang manlumo. So, it’s all for a show. Nagtungo lang ito sa bahay nila para ipakitang maayos ang lahat sa pagitan nilang dalawa. Kataka-taka nga naman kung bigla na lang nilang ipapamalita na nagpakasal silang dalawa. Mas maigi kung malalaman muna ng iba na nagkaayos sila saka nagpasyang magpakasal.

Hinamig niya ang kanyang sarili at pilit na hindi pinahalatang nasaktan sa mga ginagawa nito. Planado na talaga nito ang lahat at pati sa pamilya niya ay nagpapanggap.

“A-Alam ba ng pamilya mo ang tungkol sa gagawin nating pagpapakasal?”

“Yes,” mabilis nitong sagot. “My grandfather already knows about it. Malamang hindi siya mag-aaksaya ng oras para sabihin iyon sa mga magulang ko.”

“D-Dadalo sila sa kasal?”

“Hindi nila kailangang dumalo sa kasal nating dalawa, Laica,” anito sa seryosong tinig na agad nagdulot ng sakit sa dibdib niya.

She’s a typical hopeless romantic woman. Sa kabila ng sirkumstansiya ng pagpapakasal nilang dalawa ni Hendrick, gusto niya pa rin namang makasama ang pamilya niya sa araw ng pag-iisang dibdib nilang dalawa. Ngunit wala yata sa plano ng binata ang ganoon. Kahit pamilya nito ay hindi padadaluhin sa kasal nila.

“You know what kind of marriage we’re going to enter, Laica,” saad pa nito pagkaraan ng ilang saglit. “Hindi na kailangang masaksihan ng pamilya natin ang kasal nating dalawa.”

“You’re right,” sagot niya sa pilit na pinatatag na tinig. Hindi niya gustong magpakita ng kahinaan sa harapan nito kaya hangga’t kaya niya, gusto niyang tapatan ang kagaspangang pinapakita nito. “How I wish na makuha mo agad ang posisyong hinahangad mo sa kompanya ninyo. Gusto kong matapos agad ito, Hendrick.”

Sukat sa mga sinabi niya ay napaismid ito. “Huwag kang magmadaling makalaya sa kasal natin, Laica. We’re not even married yet. Besides, may utang kang kailangang bayaran, hindi ba? So, I’ll be the one to decide when to set you free.”

Agad nagdikit ang mga kilay niya dahil sa mga sinabi nito. “Ang sabi mo---”

“Huwag muna ang paghihiwalay natin ang isipin mo, Laica. Better prepare yourself to be Mrs. Montañez. Dadalhin mo ang pangalang iyan ilang araw mula ngayon kaya iyon muna ang paghandaan mo.”

Mrs. Montañez---ilang beses niya bang pinagdasal noon na maging sila nga ni Hendrick hanggang sa huli? She was only twenty years old that time but she was so sure that he was the man she would love to spend her whole life with. Wala siyang ibang pinangarap kundi ang dumating ang isang araw na ito na nga ang lalaking pakakasalan niya.

And it’s happening. Totoong magpapakasal na nga sila ng binata. Dadalhin na nga niya ang pangalan nito katulad ng nais niyang mangyari noon. Pero bakit hindi siya masaya? Bakit sa halip na makadama ng galak ay lungkot ang bumabalot sa kanyang dibdib? Ang ibang babaeng ikakasal, pananabik na ang nadarama ilang araw bago sumapit ang araw na iyon. Siya ay parang sisintensiyahan ang buhay habang palapit nang palapit ang araw ng pag-iisang dibdib nila ni Hendrick.

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntonghininga. “K-Kailan ang… ang kasal natin?”

To her surprise, Hendrick smiled at her lovingly. Gone was the coldness and mockery. Biglang lumambot ang ekspresyon sa mukha nito at may matamis pa ngang ngiti sa mga labi.

“I’ll just call you to inform you about it,” anito bago humakbang palapit sa kanya. Hindi siya agad nakahuma sa kanyang kinatatayuan at halos manlaki ang mga mata nang bigla na lang yumuko sa kanya ang binata upang gawaran ng isang halik ang kanyang kanang pisngi.

She held her breath. Kalian ba nang huling dumampi ang mga labi nito sa kanya? It’s been seven years. Ganoon na katagal ngunit may kaparehong epekto pa rin sa kanya ang halik ng binata. Ganoon na katagal pero halos nasa isipan niya pa rin lahat ng pagkakataong hinahalikan siya nito… niyayakap nang mahigpit at pinaparamdam kung gaano siya kamahal. Lahat ng iyon, waring bumalik sa isipan niya ngayon.

Ngunit agad siyang bumalik sa tamang huwisyo nang bumulong sa kanya si Hendrick. Nanatili itong nakayuko sa kanya at ngayon ay halos nakadikit na ang mga labi sa kanyang tainga. Sa paningin ng iba, iisiping hinahalikan pa rin siya nito.

“Your brother is watching us, so I need to be extra sweeter, right?” anito sa malamig na tinig. “Hindi ko gustong isipin ninuman na pagkukunwari lamang ang kasal na mamamagitan sa ating dalawa, Laica. So if I were you, learn how to act as if we are so in love with each other, lalong-lalo na kapag ang pamilya ko na ang kaharap mo.”

Daig niya pa ang tinarakan ng patalim sa dibdib dahil sa labis na sakit na nadarama niya nang mga oras na iyon. So the gentleness that she saw on him a while ago was all for a show. Hindi niya na ba talaga makikita sa binata ang ganoong damdamin? Kailangan bang paasik na lagi ito kung makikipag-usap sa kanya?

Tumayo na nang tuwid si Hendrick. Bumalik din ang matamis na ngiti sa mga labi nito. “I’m going,” anito bago lumingon sa direksyon ng kanilang bahay saka kumaway. Pagkatapos, binuksan na nito ang pinto ng driver’s seat ng sasakyan nito at sumakay na roon. Ilang minuto lang ang lumipas ay tuluyan nang nakaalis ang binata.

Saka lang siya lumingon sa kanyang likuran. Naroon nga si Luke at nakasandal pa sa may hamba ng pintuan. Alam niyang ito ang kinawayan ni Hendrick. May malawak itong ngiti sa mga labi na wari bang nanunudyo sa kanya. Halata ang galak sa mukha ng kapatid niya dahil sa pag-aakalang nagkaayos nga silang dalawa ni Hendrick.

Ngumiti siya kay Luke bago ibinalik ang paningin sa daang tinahak ni Hendrick. Wala nang bakas ng sasakyan ng binata pero nanatili pa rin siyang nakatanaw sa kalsada.

Learn how to act as if we are so in love with each other--- hindi niya na kailangang gawin iyon dahil ni hindi naman nawala ang pag-ibig niya para rito. He’s still in her heart despite the seven years that passed.

Pero ito? Magpapanggap ito sa tuwing may iba silang kaharap? Pagpapanggap na lamang ba talaga para rito ang lahat? Ganoong pagtrato ba ang mararanasan niya habang kasal dito.

Ngayon pa lang, parang dinudurog na ang dibdib niya dahil sa kaisipang iyon…

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Lampel Fernando
wla pa po kasunod? ang ganda po sobra?
goodnovel comment avatar
analyn Aguilar
mapanakit ka tlga Hendrick...kelan ba mka ganti c laica nito...high blood na ako sayo Hendrick
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   AUTHOR'S NOTE

    Abangan...SAVAGE BILLIONAIRE SERIES 9: ALTER VLADIMIR SANTILLANES(Vladimir and Shiela)Soon on Goodnovel...

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   SPECIAL CHAPTER

    ALTER VLADIMIR AND SHIELA MARIEIsang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Shiela kasabay ng pagpalinga-linga niya sa paligid. Huminto siya sa paghakbang at sadyang pinagmasdan muna ang mga tao na waring nagsisiunahan sa paglakad. Katulad niya ay mayroong hila-hilang mga maleta ang mga ito. Ang iba naman ay may mga kaagabay na sa paglalakad habang bakas ang tuwa sa mga mukha.She swallowed an imaginary lump in her throat. Natuon ang kanyang mga mata sa isang babaeng halos nagmamadali sa paghakbang palapit sa isang matandang babae at lalaki. Hindi mahirap hulaan na magulang nito ang dalawang matanda. Agad pa nga ang pagyakap ng mga ito sa anak na bagong dating na kung ilang taon na nawalay sa mga magulang ay hindi niya alam.It might be years... just like her.She heaved out a deep sigh again before she continued walking. Kasalukuyan na siyang nasa NAIA at ilang minuto pa lang ang nakalilipas mula nang lumapag ang eroplanong sinakyan niya mula sa Italy. Katulad ng ibang pasahe

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 69

    “I miss this place,” nakangiting saad ni Laica habang iginagala niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng loob ng condo unit ni Hendrick. Marahan din ang ginagawa niyang paghakbang kasabay ng paghaplos sa ilang figurine at photo frame na nakapatong sa ibabaw ng bureau na malapit sa may entrada ng naturang lugar.Totoo sa loob ang mga sinabi niya. She really missed that place... his condo unit. Sa loob ng ilang buwan ay iyon ang naging tahanan nilang dalawa. Iyon ang una nilang tirahan matapos ikasal sa isa’t isa. Somehow, that place held so much memories of their married life. Kahit yaong mga araw na hindi pa sila magkasundo ni Hendrick at lagi pang nagbabangayan ay naging saksi rin ang lugar na iyon.Matapos nga nilang kumain sa restaurant na matatagpuan sa ground floor ng gusaling kinaroroonan nila ay agad na siyang inaaya ni Hendrick na umakyat sa condo unit nito. Hindi niya pa mapigilang mapailing dito habang nasa elevator sila. Wala pa man kasi pero wari bang nahuhulaan na niya kung

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 68

    PAGKALIPAS NG ILANG BUWAN...Maingat na ibinaba ni Laica ang kanyang apat na buwang anak sa crib nito. Nakatulog na ito ngunit nang ibaba niya ay bahagyang naalimpungatan dahilan para marahan niya itong tapik-tapikin sa hita para muling patulugin. It took Laica how many seconds before she put her daughter to sleep again.Yes, daughter! Babae nga ang panganay nilang anak ni Hendrick--- si Leyla Montañez, ang panganay ding apo ng mga magulang ni Hendrick, ang panganay na apo sa tuhod ni Benedicto.Hindi niya pa mapigilang mapangiti habang bahagya siyang nakayuko at pinagmamasdan ito. She looked so peaceful now while sleeping. Habang pinagmamasdan ito ay wari niya pang nakikita ang mukha ng kanyang asawa. Pagkapanganak niya pa lang ay marami na ang nagsasabing kahawig ni Hendrick ang kanilang anak, bagay na hindi niya kayang salungatin. Talaga nga namang isang Montañez ang mukha ni Leyla.“Hanggang ngayon ay hindi ko talaga alam kung paanong madali lang para sa iyon patulugin si Leyla.”

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 67

    Agad ang pamumuo ng mga luha sa mga mata ni Laica nang mapako na ang kanyang paningin kay Hendrick. Nakatayo na ang kanyang asawa sa may altar at naghihintay na makalapit siya. Patuloy pa ito sa pagkanta habang hindi pinuputol ang pagkakahinang ng mga mata sa kanya.Laica started to walk. Pakiramdam niya, iyon na ang pinakamatagal na paghakbang na kanyang ginawa. Habang naglalakad kasi ay kay Hendrick lamang nakatuon ang kanyang mga mata, katulad sa kung paano rin ito tumitig sa kanya. Wari bang walang ibang tao sa kanilang paligid at sila lamang ang naroon sa loob ng simbahan na iyon.“When loving you keeps me living... It’s the reason why I’m breathing. Baby, couldn’t ask for more. All I want is to love you... forevermore...I can do anything with you by my side... conquer all obstacles as long as we’re fine. Baby, loving you is the only thing that keeps me living... and I couldn’t ask for more... cause all I want is to love you... forevermore...”Patuloy sa pagkanta si Hendrick. Pat

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   AUTHOR'S NOTE

    Few more chapters to go for this story. Thank you for everyone who's reading Hendrick and Laica's story. Just some clarification, ang timeline ng Chapter 66 ay ang mga panahong umalis si Rhea at iniwan si Sergio sa SBS5:SERGIO ARGANZA. Baka lang po magkaroon ng kaunting kalituhan dahil may wakas na sa kuwento nina Sergio at Rhea (baka isipin ninyo na nag-away yung dalawa. hehe)I will add a special chapter here, showing some glimpse on my next novel, SBS9:ALTER VLADIMIR SANTILLANES. Abangan...Also, you may now add on your library my new story HIS HEART SERIES 3:HIS RUTHLESS HEART. Available na po rito sa Goodnovel.Thank you...___yvettestephanie___

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status