Busangot ang mukha ni Laica habang naglalakad na siya papasok sa eskinitang papunta sa kanilang bahay. Pasado alas-dies na ng gabi at papauwi pa lamang siya. Inabot kasi siya ng ilang oras sa paghihintay kay Hendrick sa harap ng pinagtatrabahuan niyang kainan. May usapan silang susunduin siya nito ngunit ni anino ng kanyang nobyo ay hindi niya man lang nakita.
Nakadarama siya ng pagtatampo dahil sa hindi nito pagdating. Iyon ang unang pagkakataong hindi siya sinipot ng binata. Sana man lang ay