Share

CHAPTER 42

last update Last Updated: 2025-07-03 12:36:12

Hindi na alam ni Hendrick kung gaano na niya katagal na pinagmamasdan si Laica habang natutulog. Halos mag-aalas onse na ng gabi at kanina pa nakatulog ang kanyang asawa habang siya ay hindi pa dinadalaw ng antok. Nakaupo lamang siya sa tabi nito at nakasandal pa ang likod sa headboard ng kama samantalang si Laica ay mahimbing nang nakahiga.

Naiangat niya pa ang kanyang kanang kamay at agad na hinaplos ang buhok nito. Ni hindi niya mapuknat ang paninitig sa kanyang asawa. Nakatagilid ito paharap sa kanya dahilan para malaya niyang makita ang mukha nitong may bakas pa ng labis na pag-iyak na ginawa nito kanina.

He couldn’t help but to pity her. Dama niya ang labis na sakit at hinanakit ni Laica at hindi niya ito masisisi kung makaramdam man ng ganoon. Sino nga ba ang mag-aakala na buhay pa ang ama nito? Ang buong akala niya rin ay ulilang lubos na ito at si Luke at tanging ang tiyahin ng mga itong si Beth na lamang ang kasama sa buhay. Iyon pala, ang lalaking matagal na niyang nakilala
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Deth Rosario
update n please miss A
goodnovel comment avatar
Deth Rosario
ang tagal nmn nun update
goodnovel comment avatar
GLEN BERNAL
kay tagal ng update tapos isa lng
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 46

    Sunod-sunod ang paglunok na ginawa ni Laica habang nakatitig siya sa lalaking kanyang kaharap. Napahigpit pa nga ang hawak niya sa doorknob ng pinto at hindi malaman kung ano ang magiging reaksyon pagkakita rito. Ni sa hinagap ay hindi niya inisip na sasadyain siya nito roon sa condo unit ni Hendrick.“A-Ano... ano ang ginagawa mo rito?” tanong niya sa walang emosyong tinig.“Can we talk, Laica?” malumanay nitong wika sa kanya--- ang kanyang ama, si Emil na mas kilala ng iba ngayon bilang si Benjamin.Ilang saglit siyang hindi tuminag sa kanyang kinatatayuan at mataman lamang na napatiitg sa mukha nito. Pilit niyang pinakiramdaman ang kanyang sarili. Gusto niyang hanapin sa kanyang dibdib ang nangungulilang emosyong dapat ay maramdaman niya para rito. All these years, that was what she was feeling for her parents. She was longing for both of them and was wishing to see them again.Pero hindi niya alam kung bakit hindi niya makapa sa kanyang sarili ngayon ang damdaming iyon na namahay

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 45

    “I still can’t believe it. Talagang anak ni Benjamin si Laica? What a small world, indeed,” hindi makapaniwalang saad ni Teresa sa kanila. Nakaupo ito sa pang-isahang sofa na nasa loob ng study room ng kanyang Lolo Benedicto.Hendrick heaved out a deep sigh after hearing what his mother said. Kausap niya ang kanyang ina, kasama ang kanyang ama at abuelo. Kasalukuyan nga siyang nasa bahay ng matandang Montañez at sa totoo lang ay siya ang humiling na magkaharap-harap silang apat. Iyon ang dahilan kung bakit naroon din ang mga magulang niya sa bahay ng kanyang lolo.Nasa loob sila ng study room ni Benedicto. Nakaupo sa swivel chair ang matandang lalaki. Ang kanyang ina ay nakapuwesto nga sa pang-isahang sofa habang magkatabi naman silang mag-ama sa mahabang sofa. Kanina pa sila nag-uusap-usap at hindi pa nga maiwasang maging paksa nila ang tungkol kina Laica at Benjamin.“Sa tagal naming magkakilala ni Benjamin, ni minsan ay hindi niya man lang nabanggit sa akin na may nauna siyang pami

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 44

    Agad na naimulat ni Laica ang kanyang mga mata nang maramdaman niya ang marahang paghaplos ni Hendrick sa kanyang kanang pisngi. They were still lying on the bed and both naked after the lovemaking that they did on that bedroom. Hindi niya pa nga napigilang makadama ng hiya, higit para sa kanyang sarili, sa tuwing maiisip ang nangyari kanina.Nagtungo sila sa ikalawang palapag ng bahay na pinagdalhan nito sa kanya at sa muli ay hindi napigilan ni Laica ang humanga. Kabuuang anim na silid ang nasa ikalawang palapag, maliban pa sa entertainment area at malawak na teresa kung saan kita ang buong bakuran ng naturang bahay.Hendrick guided her to the master’s room that according to him, would be their room. Katulad sa ibaba ay may mga gamit na rin sa itaas. Sa kanilang silid ay may king size bed na tanging puting bedsheet pa lamang ang nakalatag. May walk-in closet din na nang pasukin niya ay halos magpamangha sa kanya. Malawak kasi iyon na pakiramdam niya ay kasinglaki na ng dating bahay

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 43

    “Sa susunod naming laro, baka puwede kang manood, Ate, para naman makita mo kung gaano kagaling maglaro ng basketball itong kapatid mo,” pabirong saad ni Luke kay Laica habang abala sa pagdidilig ng mga halaman sa harap ng bahay ng mga ito.Hindi niya maiwasang mapangiti dahil sa mga sinabi ng kanyang kapatid. “Napakayabang mo talaga,” ganting biro niya.“Yabang?” anito at saglit pa siyang nilingon bago muling itinuon ang mga mata sa mga halaman. “Hindi iyon pagyayabang, Ate.”She chuckled as she was intently looking at him. Hapon na iyon at kasalukuyan pa rin siyang nasa bahay na tinitirhan nina Luke at ng kanilang Tita Beth. Doon na siya nananghalian at naghihintay na lamang na sunduin siya ni Hendrick. Ayon sa kanyang asawa ay maaga itong aalis sa trabaho dahil may pupuntahan silang dalawa. Kung saan man iyon ay hindi niya pa rin mahulaan.Ang mga nagdaang oras ay inilaan niya sa pakikipag-usap sa kanyang kapatid at tiyahin nila. Tamang-tama at walang pasok sina Luke sa araw na iyo

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 42

    Hindi na alam ni Hendrick kung gaano na niya katagal na pinagmamasdan si Laica habang natutulog. Halos mag-aalas onse na ng gabi at kanina pa nakatulog ang kanyang asawa habang siya ay hindi pa dinadalaw ng antok. Nakaupo lamang siya sa tabi nito at nakasandal pa ang likod sa headboard ng kama samantalang si Laica ay mahimbing nang nakahiga.Naiangat niya pa ang kanyang kanang kamay at agad na hinaplos ang buhok nito. Ni hindi niya mapuknat ang paninitig sa kanyang asawa. Nakatagilid ito paharap sa kanya dahilan para malaya niyang makita ang mukha nitong may bakas pa ng labis na pag-iyak na ginawa nito kanina.He couldn’t help but to pity her. Dama niya ang labis na sakit at hinanakit ni Laica at hindi niya ito masisisi kung makaramdam man ng ganoon. Sino nga ba ang mag-aakala na buhay pa ang ama nito? Ang buong akala niya rin ay ulilang lubos na ito at si Luke at tanging ang tiyahin ng mga itong si Beth na lamang ang kasama sa buhay. Iyon pala, ang lalaking matagal na niyang nakilala

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 41

    “Laica!”Tuloy-tuloy na naglakad si Laica palabas ng restaurant na kinaroroonan niya sa kabila ng narinig niya ang pagtawag na iyon sa kanyang pangalan. She also knew who was calling her despite not looking behind her. It was Benjamin Da Silva--- ang lalaking nasisiguro niya na ngayon na ang ama nila ni Luke!Ni hindi niya ito nilingon at nagpatuloy lamang sa mabilis na paglalakad habang patuloy din sa pagpatak ng kanyang mga luha. Hindi niya na rin alintana ang mga taong nadaraanan niya na puno ng kuryosidad habang napapalingon sa kanya. Hindi niya na kasi maitago ang pag-iyak dahil sa halo-halong emosyong nadarama.Dire-diretso lang siyang naglakad hanggang sa marating niya ang parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan ni Hendrick. Ang balak niya ay hintayin na lamang doon ang kanyang asawa dahil hindi niya na kayang makiharap pa kahit kanino.“Laica!” muling tawag ni Benjamin sa kanya. Dama niyang kaunti na lamang ang distansiya nito sa kanya. “Laica, please wait. Anak!”And th

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status