“Girlfriend?!” bulalas ni Luke na halatang ikinabigla ang mga sinabi ni Hendrick. Pinaglipat-lipat pa nito ang paningin sa kanya at sa binata. “I-Ibig sabihin, kayo na ulit? Kalian pa? Ang ibig kong sabihin---”
“It’s a long story, Luke,” awat na ni Hendrick sa mga sasabihin pa ng kapatid niya. “Sabihin na nating nagkita ulit kami ng ate mo. And we rekindled the relationship that we had before.”
Mariing napalunok si Laica. Mataman din siyang napatitig kay Hendrick at halos mabalot pa siya ng labis na pagkailang, hindi lang dahil sa mga sinabi nito, kundi dahil sa uri ng tingin na iginagawad nito sa kanya habang nagsasalita.
He’s a good manipulator. Magaling umarte at magpaniwala ng ibang tao. Paano nito naaatim na magsinungaling sa kapatid niya? Ganitong Hendrick ba talaga ang nakilala niya noon? Para kasing hindi niya na talaga makita rito ang lalaking minahal niya. Ibang-iba na ang binata.
“Talaga ba?” narinig niyang komento ni Luke dahilan para maputol ang pakikipagpalitan niya ng tingin kay Hendrick. “Kailan kayo ulit nagkita? Bakit wala man lang sinasabi si Ate?”
“Knowing your Ate, hindi ba’t masikreto naman talaga siya?” wika ni Hendrick na alam niyang may dobleng kahulugan. Nang muli niya ngang salubungin ang mga titig nito ay hindi nakaligtas sa kanya ang disimuladong paniningkit ng mga mata ng binata. Duda pa siya kung napansin man iyon ni Luke.
Maya-maya pa ay hinamig na niya ang kanyang sarili. “A-Ako na ang magluluto, Luke,” saad niya sa kanyang kapatid bago binalingan ang binata. “M-Maupo ka. May kailangan lang akong gawin.”
It took him a couple of seconds before nodding to her. Tumalikod na siya at nagtungo sa kusina na halos ilang hakbang lamang mula sa pinakasala nila. Ramdam niya pa ang pagsunod ng tingin sa kanya ng binata na mas nagpadagdag ng pagkailang niya.
“Dito ka ba maghahapunan, Kuya?” narinig niyang tanong ni Luke kasabay ng pag-upo ng dalawa sa pahabang upuang gawa sa kahoy.
Agad siyang napalingon sa mga ito at nahuli si Hendrick na iginagala ang paningin sa kabuuan ng kanilang bahay. Halos makadama pa siya ng hiya rito. Ngayong natuklasan na niya ang totoong pagkatao ng binata ay hindi niya maiwasang manliit lalo pa’t halos isang kahig, isang tuka lamang silang magkapatid.
Maliit lang ang bahay na tinitirhan nila ngayon. Iyon lang ang kaya niya dahil mas mahal ang upa kapag mas malaki ang bahay. May sala, kusina, banyo at dalawang maliit na kuwarto din naman kaya puwede na sa kanila. Siya at ang kanilang Tita Beth ang gumagamit ng dalawang silid. Si Luke naman ay sa pahabang upuang nasa sala natutulog.
Silang dalawa lang din ng kanyang tiyahin ang nagtatrabaho para sa kanialng tatlo. Sa isang malaking tindahan ng mga prutas nagtatrabaho ang tiyahin nila habang si Laica naman ay kumakanta sa iba’t ibang okasyon. Kung walang raket ay kasa-kasama siya ng kaibigan niyang si Melody sa catering service na pinagtatrabahuan nito kung saan nagtatrabaho siya bilang service crew.
Good thing na may mga kaibigan siyang sinasabit siya sa trabaho ng mga ito, sina Melody at Adrian. Kung may raket lang din at alam ng mga itong kaya niyang gawin ay talagang siya ang tinatawagan ng dalawa.
She heaved a deep sigh. Kinuha na niya ang kawali at isinalang na iyon sa stove. Inihahanda na niya ang paggisa ng gulay na lulutuin nang magsalita siya. “Simpleng gulay lang ang ulam namin, Hendrick. Baka hindi mo magustuhan.”
“It’s okay with me,” tugon nito. Ni hindi niya nilingon ang binata nang magsalita ito at itinuloy lamang ang ginagawa. “Dati na rin naman akong nakikikain sa inyo, hindi ba?”
“Oo nga naman, Ate. Laging nasa atin si Kuya Hendrick noon, hindi ba?”
Hindi na siya sumagot pa at itinuloy na lamang ang pagluluto.
Totoo naman ang mga sinabi ni Luke. Noong lagi pa silang magkasama ni Hendrick dahil sa pagbabanda ay madalas itong maglagi sa dati nilang tinitirhan. Madalas din na kasalo nila ito sa pagkain. Dahil sa hindi niya pa alam kung ano ang katayuan nito sa buhay ay hindi siya nahihiyang ipaghanda ito ng mga simpleng pagkain. Magana ring kinakain ni Hendrick ang mga iyon dahilan kaya hindi rin siya nag-isip na lumaki ito sa maalwan na buhay.
Those were just simple things. Minsan nga, kapag natatapos ang gig nila ay street foods lamang ang pinagsasaluhan nila ng binata. Mga simpleng bagay lang ang mga iyon… pero lubos nang nagpapasaya sa kanya dahil sa ito ang kasama niya.
Maya’t maya ang ginagawa niyang paglingon kina Hendrick at Luke habang nagluluto siya. Masayang nagkukuwentuhan ang mga ito na para bang walang pitong taon na dumaan. Kita niya pa rin ang pagiging malapit ng dalawa at mistula bang hindi niya pa mapaniwalaan ang pagkagiliw na pinapakita ni Hendrick sa kanyang kapatid. Kung ano ang trato nito kay Luke noon ay iyon pa rin ang nakikita niya ngayon. Kung bukal iyon sa loob nito o umaarte lang ang binata ay hindi niya alam. Kapag siya kasi ang kaharap nito ay kapansin-pansin ang pagbabago nito.
Natapos siya sa pagluluto at saktong dumating ang kanilang tiyahin sanhi para sabay-sabay na silang kumain. Katulad ni Luke ay kinabakasan din ito ng pagkabigla pagkakita sa binata. Hindi rin ito makapaniwala na ‘nagkabalikan’ sila ni Hendrick.
“Thank you for the dinner,” wika ni Hendrick nang nasa labas na sila ng bahay at inihahatid na niya ito patungo sa pag-aaring sasakyan. Tapos na silang kumain at nagpaalam na ang binata na aalis.
“H-Hindi ka nagpasabi na darating ka kaya ganoon lang ang nadatnan mo,” aniya sa mahinang tinig.
“I don’t mind,” tipid nitong sabi.
Nasa tapat na sila ng kotse nito at hindi niya pa mapigilang isatinig ang tanong na kanina pa nagpapagulo sa isipan niya. “Hindi ko na itatanong kung paano mo nalaman itong bago naming tinitirhan. With your money, madali mo na lang magagawa iyon. I’m just wondering, ano ang ipinunta mo rito? I’m sure, hindi lang para makikain ng hapunan.”
His lips twisted upwardly. Ni hindi niya kayang tawaging pagngiti ang ginawa nito. It was more of a smirk than a smile. Magiliw itong kumilos at magsalita nang kaharap nito kanina ang tiyahin niya at kapatid, kabaliktaran ng ipinapakita na nito ngayon.
“Ipagtataka ng pamilya mo kung bigla ka na lang uuwi at sasabihing nagpakasal ka na sa akin, knowing na ilang taon tayong hindi nagkita. At least, ngayon ay alam nilang ‘nagkabalikan’ tayong dalawa. Madali na lang gawan ng dahilan kung bakit bigla tayong nagpakasal. We can tell them that we don’t want to waste another years being apart so we decided to get married immediately.”
Halos gusto niyang manlumo. So, it’s all for a show. Nagtungo lang ito sa bahay nila para ipakitang maayos ang lahat sa pagitan nilang dalawa. Kataka-taka nga naman kung bigla na lang nilang ipapamalita na nagpakasal silang dalawa. Mas maigi kung malalaman muna ng iba na nagkaayos sila saka nagpasyang magpakasal.
Hinamig niya ang kanyang sarili at pilit na hindi pinahalatang nasaktan sa mga ginagawa nito. Planado na talaga nito ang lahat at pati sa pamilya niya ay nagpapanggap.
“A-Alam ba ng pamilya mo ang tungkol sa gagawin nating pagpapakasal?”
“Yes,” mabilis nitong sagot. “My grandfather already knows about it. Malamang hindi siya mag-aaksaya ng oras para sabihin iyon sa mga magulang ko.”
“D-Dadalo sila sa kasal?”
“Hindi nila kailangang dumalo sa kasal nating dalawa, Laica,” anito sa seryosong tinig na agad nagdulot ng sakit sa dibdib niya.
She’s a typical hopeless romantic woman. Sa kabila ng sirkumstansiya ng pagpapakasal nilang dalawa ni Hendrick, gusto niya pa rin namang makasama ang pamilya niya sa araw ng pag-iisang dibdib nilang dalawa. Ngunit wala yata sa plano ng binata ang ganoon. Kahit pamilya nito ay hindi padadaluhin sa kasal nila.
“You know what kind of marriage we’re going to enter, Laica,” saad pa nito pagkaraan ng ilang saglit. “Hindi na kailangang masaksihan ng pamilya natin ang kasal nating dalawa.”
“You’re right,” sagot niya sa pilit na pinatatag na tinig. Hindi niya gustong magpakita ng kahinaan sa harapan nito kaya hangga’t kaya niya, gusto niyang tapatan ang kagaspangang pinapakita nito. “How I wish na makuha mo agad ang posisyong hinahangad mo sa kompanya ninyo. Gusto kong matapos agad ito, Hendrick.”
Sukat sa mga sinabi niya ay napaismid ito. “Huwag kang magmadaling makalaya sa kasal natin, Laica. We’re not even married yet. Besides, may utang kang kailangang bayaran, hindi ba? So, I’ll be the one to decide when to set you free.”
Agad nagdikit ang mga kilay niya dahil sa mga sinabi nito. “Ang sabi mo---”
“Huwag muna ang paghihiwalay natin ang isipin mo, Laica. Better prepare yourself to be Mrs. Montañez. Dadalhin mo ang pangalang iyan ilang araw mula ngayon kaya iyon muna ang paghandaan mo.”
Mrs. Montañez---ilang beses niya bang pinagdasal noon na maging sila nga ni Hendrick hanggang sa huli? She was only twenty years old that time but she was so sure that he was the man she would love to spend her whole life with. Wala siyang ibang pinangarap kundi ang dumating ang isang araw na ito na nga ang lalaking pakakasalan niya.
And it’s happening. Totoong magpapakasal na nga sila ng binata. Dadalhin na nga niya ang pangalan nito katulad ng nais niyang mangyari noon. Pero bakit hindi siya masaya? Bakit sa halip na makadama ng galak ay lungkot ang bumabalot sa kanyang dibdib? Ang ibang babaeng ikakasal, pananabik na ang nadarama ilang araw bago sumapit ang araw na iyon. Siya ay parang sisintensiyahan ang buhay habang palapit nang palapit ang araw ng pag-iisang dibdib nila ni Hendrick.
Nagpakawala siya ng isang malalim na buntonghininga. “K-Kailan ang… ang kasal natin?”
To her surprise, Hendrick smiled at her lovingly. Gone was the coldness and mockery. Biglang lumambot ang ekspresyon sa mukha nito at may matamis pa ngang ngiti sa mga labi.
“I’ll just call you to inform you about it,” anito bago humakbang palapit sa kanya. Hindi siya agad nakahuma sa kanyang kinatatayuan at halos manlaki ang mga mata nang bigla na lang yumuko sa kanya ang binata upang gawaran ng isang halik ang kanyang kanang pisngi.
She held her breath. Kalian ba nang huling dumampi ang mga labi nito sa kanya? It’s been seven years. Ganoon na katagal ngunit may kaparehong epekto pa rin sa kanya ang halik ng binata. Ganoon na katagal pero halos nasa isipan niya pa rin lahat ng pagkakataong hinahalikan siya nito… niyayakap nang mahigpit at pinaparamdam kung gaano siya kamahal. Lahat ng iyon, waring bumalik sa isipan niya ngayon.
Ngunit agad siyang bumalik sa tamang huwisyo nang bumulong sa kanya si Hendrick. Nanatili itong nakayuko sa kanya at ngayon ay halos nakadikit na ang mga labi sa kanyang tainga. Sa paningin ng iba, iisiping hinahalikan pa rin siya nito.
“Your brother is watching us, so I need to be extra sweeter, right?” anito sa malamig na tinig. “Hindi ko gustong isipin ninuman na pagkukunwari lamang ang kasal na mamamagitan sa ating dalawa, Laica. So if I were you, learn how to act as if we are so in love with each other, lalong-lalo na kapag ang pamilya ko na ang kaharap mo.”
Daig niya pa ang tinarakan ng patalim sa dibdib dahil sa labis na sakit na nadarama niya nang mga oras na iyon. So the gentleness that she saw on him a while ago was all for a show. Hindi niya na ba talaga makikita sa binata ang ganoong damdamin? Kailangan bang paasik na lagi ito kung makikipag-usap sa kanya?
Tumayo na nang tuwid si Hendrick. Bumalik din ang matamis na ngiti sa mga labi nito. “I’m going,” anito bago lumingon sa direksyon ng kanilang bahay saka kumaway. Pagkatapos, binuksan na nito ang pinto ng driver’s seat ng sasakyan nito at sumakay na roon. Ilang minuto lang ang lumipas ay tuluyan nang nakaalis ang binata.
Saka lang siya lumingon sa kanyang likuran. Naroon nga si Luke at nakasandal pa sa may hamba ng pintuan. Alam niyang ito ang kinawayan ni Hendrick. May malawak itong ngiti sa mga labi na wari bang nanunudyo sa kanya. Halata ang galak sa mukha ng kapatid niya dahil sa pag-aakalang nagkaayos nga silang dalawa ni Hendrick.
Ngumiti siya kay Luke bago ibinalik ang paningin sa daang tinahak ni Hendrick. Wala nang bakas ng sasakyan ng binata pero nanatili pa rin siyang nakatanaw sa kalsada.
Learn how to act as if we are so in love with each other--- hindi niya na kailangang gawin iyon dahil ni hindi naman nawala ang pag-ibig niya para rito. He’s still in her heart despite the seven years that passed.
Pero ito? Magpapanggap ito sa tuwing may iba silang kaharap? Pagpapanggap na lamang ba talaga para rito ang lahat? Ganoong pagtrato ba ang mararanasan niya habang kasal dito.
Ngayon pa lang, parang dinudurog na ang dibdib niya dahil sa kaisipang iyon…
Tuloy-tuloy ang pag-scroll ni Laica sa kanyang cell phone kasabay ng seryosong pagbabasa sa bawat article na nakikita niya. Lahat ay masusi niyang iniintindi at hinahanapan ng mga impormasyong makatutulog sa kanya. Mga artikulo iyon tungkol sa pamilya Montañez at sa tiyuhin ni Hendrick na si Valentino.Hindi niya alam kung gaano na siya katagal na nagbabasa ng iba’t ibang balita tungkol sa mga ito. It’s not hard to look for some news about their family. Kilalang angkan ang mga Montañez, lalo na sa mundo ng pagnenegosyo. Nakahanap siya ng mga artikulo sa internet na ang paksa ay tungkol sa pamilya ng mga ito. Ang iba naman ay tungkol sa mga business event na dinaluhan nina Hendrick kasama ang iba pa nitong mga kamag-anak.She read everything that crossed her newsfeed. Pero higit sa ano pa man, mga impormasyon tungkol kay Valentino talaga ang hinahanap niya. Gusto niya itong makilala. Gusto niyang malaman kung anong uri ng buhay ang mayroon ito at kung bakit pakiramdam niya ay may malak
“Good morning, Sir Hendrick,” magalang na bati sa kanya ng isa sa mga katulong ng kanyang Lolo Benedicto pagkababa na pagkababa niya pa lamang ng kanyang sasakyan. Ni hindi siya tumugon at isang tango lamang ang isinagot dito bago dire-diretso nang naglalakad papasok sa bahay ng kanyang abuelo.Hindi na siya nagtanong pa sa katulong kung nasaan ang lolo niya. Sa ganoong oras ay alam na niya kung saan namamalagi ang matandang lalaki at doon na nga siya dumiretso--- sa may verandah sa ikalawang palapag. Ngunit ilang hakbang na lang sana ang layo roon ni Hendrick nang naging mabagal ang paglalakad niya. Agad niyang natanawang hindi nag-iisa ang kanyang Lolo Benedicto. Kasama nito ang matagal nang kaibigang si Benjamin.“Lolo...” sambit niya sa marahang tinig dahilan para mapalingon sa kanya ang dalawang lalaki.Rumihestro ang isang rekognisyon sa mukha ni Benjamin. Ngayon niya lamang ulit ito nakita makalipas ng maraming taon sanhi para kabakasan ng pagkabigla ang mukha ng lalaki.“Hendr
Dama ni Laica ang panlalamig ng kanyang buong katawan dahil sa nakikitang reaksyon ng mga taong nasa paligid niya. Maliban sa lolo at mga magulang ni Hendrick, pati na rin sa private nurse ng matanda, ay may mangilan-ngilan nang napapatingin sa kanilang direksyon. Lahat ay may pagtataka sa mga mata.“What do you think you’re doing, Laica?” pasinghal na tanong sa kanya ni Benedicto na mas lalong nakaagaw ng pansin ng ibang taong naroon.“T-The water is not safe,” sambit niya sa mahinang tinig kasabay ng pagpalipat-lipat ng tingin sa mga ito. “May inilagay sila sa inumin mo, Mr. Montañez.”“What?!” the old man exclaimed.Itinuon ni Laica ang kanyang paningin sa private nurse ng matandang lalaki at hindi nakaligtas sa kanya ang pagkabiglang rumihestro sa mukha nito. Ni hindi siya maaaring magkamali. Bigla itong nataranta nang marinig ang mga sinabi niya.“What do you mean, Laica?” narinig niyang tanong ni Hendrick. Naramdaman niya pa ang paghawak nito sa kanyang braso.She turned to look
Abot-abot ang kaba sa dibdib ni Laica nang makapasok na siya sa comfort room. Hindi niya mapigilang makadama ng takot. Kung hindi siya mabilis na nakatakbo palayo ay baka nakita siya ng matandang lalaki. Agad kasi ang pagpihit nito patungo sa kanyang direksyon matapos mailagay sa bottled mineral water ang mga gamot na dala ng isa pang lalaki.Binalikan niya sa kanyang isipan ang narinig na usapan ng mga ito. Halatang may binabalak na masama ang dalawa. Kanino ipaiinom ng mga ito ang tubig na iyon? At ano ang klase ng gamot na inilagay ng matandang lalaki sa naturang inumin?Laica heaved out a deep sigh. Naitukod niya pa ang kanyang mga kamay sa lababong naroon saka matamang pinagmasdan ang kanyang sariling repleksiyon sa malaking salamin. Nawala na sa isipan niya ang tungkol kay Hendrick at Tracey at mas natuon ang pansin sa dalawang lalaking narinig niyang nag-uusap kanina.Slowly, Laica walked towards the comfort room’s door. Marahan na niyang binuksan ulit iyon at pinakiramdaman ku
Ilang minuto nang sinisipat ni Laica ang kanyang sarili sa harap ng salamin upang masiguro kung ayos na ba ang hitsura niya. Nakaayos na ang kanyang buhok at nakapaglagay na ng makeup sa kanyang mukha ngunit wari bang hindi pa rin siya kontento sa kanyang hitsura. Lahat ng anggulo ay parang nais niyang siguraduhing wala nang problema.Hindi naman talaga siya mahilig mag-ayos nang magarbo. Sa tuwing papasok sa trabaho o ‘di kaya’y may gig na nakuha ay simple lang naman ang gayak niya. Manipis na makeup nga lang ang inilalagay niya sa kanyang mukha, minsan ay wala pa.Pero iba sa pagkakataong iyon. Iba sa gabing iyon.Ngayon ang pagdiriwang ng anibersaryo ng Montañez Group of Companies. Sanhi iyon kaya kahit hindi siya sanay sa mga ganoong pagtitipon ay kailangan niyang mag-ayos ng kanyang sarili. At hindi lang basta simpleng pag-aayos. She should be glamorously dressed for tonight’s event. Panigurado kasing hindi mga simpleng tao ang bisita ng mga Montañez. Alam niyang lahat ng dadalo
Hi, guys... Gusto ko lang po mag-thank you sa lahat ng nagbabasa ng Savage Billionaire Series 7:Hendrick Montañez at sa lahat ng stories under ng series na 'to... Sa mga nabibitin dahil hindi daily update ang story nina Hendrick at Laica, pasensiya po. May isang story pa po kasi akong sinusulat kaya alternate po ang pag-update ko sa kanila. Anyway, sana ay mabasa ninyo rin po ang ongoing series ko dito sa Goodnovel. HIS HEART SERIES *His Heart Series 1:His Scarred Heart (complete na po dito sa Goodnovel) *His Heart Series 2:His Stone Heart (ongoing pa po as of now (May 2025) at alternate kong ina-update with Hendrick's story) ***ang ibang stories sa series na ito ay mailalagay pa sa Goodnovel soon*** Maraming salamat po...
Tuloy-tuloy na humakbang si Hendrick patungo sa may komedor ng bahay ng kanyang Lolo Benedicto. Ayon sa katulong na nakasalubong niya kanina ay naroon daw ang kanyang abuelo na kanina pa naghihintay sa kanya. Dumaan nga siya sa bahay nito nang makatanggap siya ng mensahe mula matandang lalaki na nagsasabing magtungo siya roon.Sa entrada pa lang ng komedor ay nakita na niya agad ang lolo niya. Nakaupo ito sa may kabisera ng mesa at kasalukuyan nang pinaghahain ng private nurse nitong si Mikael. Agad pa ngang napatingin sa kanya ang dalawa nang humakbang na siya palapit.“Lolo, I received your message. Bakit mo ako gustong makausap?” walang pasakalyeng saad niya rito.Mula sa diyaryo nitong binabasa ay tuluyang natuon ang atensyon ng matanda sa kanya. “Good morning too, Hendrick,” sarkastiko nitong bati sa kanya. “Kararating mo lang at sa halip na batiin mo ako ay iyan agad ang bungad mo sa akin.”Hendrick heaved out a deep sigh. Maaga pa nga ngunit dahil sa natanggap na mensahe mula s
Sunod-sunod ang paglunok na ginawa ni Laica kasabay ng paggala niya ulit ng kanyang paningin sa paligid. Karamihan sa mga taong naroon ay sa direksiyon na nila nakatutok ang mga mata. Samu’t saring emosyon na ang bumabalot sa kanya dahil doon at kung posible lang na magpalamon na lamang sa lupa ay ginawa na niya.Everyone was looking at them with so much curiosity. Maging ang mga kaharap ni Hendrick ay ganoon din ang naging reaksyon. Tanging ang kanyang asawa at si Tracey lamang ang may naiibang emosyong nakalarawan sa mga mukha. Kay Tracey ay pagkabigla. Waring hindi nito inaasahang makikita siya roon. Samantalang si Hendrick, habang mataman itong nakatingin sa kanya at sa lalaking nakabungguan niya ay hindi nakaligtas sa paningin ni Laica ang pagtiim ng mukha nito. Kung sa kanya o sa lalaking kaharap niya ito nagagalit ay hindi niya sigurado.“You ruined my suit!” pasinghal pang sabi ng lalaki sanhi para mapalingon ulit dito si Laica.Hindi maitago ang galit sa mukha nito. Basang-ba
Mula sa pagtitig sa mga pinipritong hotdog ay napabaling ang mga mata ni Laica sa may entrada ng kusina nang sumulpot doon si Hendrick. Halatang kagigising pa lamang nito, tanging boxer shorts ang suot at may tuwalyang nakasabit sa kanang balikat.Hindi niya pa mapigilang disimuladong pagmasdan ang maskulado nitong katawan. Nang lumabas siya kanina mula sa silid nito ay saglit niya pa itong sinilip sa may sala at nakitang balot ng kumot habang mahimbing pang natutulog. Hindi na niya ito inistorbo pa at tumuloy na lamang sa kusina para maghanda ng almusal. Matapos ng naging pagtatalo nila kagabi ay ni hindi niya alam kung paano ito haharapin ngayon. Ni hindi na siya lumabas pa ng silid kagabi dahilan para lumipas ang magdamag na hindi maayos ang lahat sa kanilang dalawa.Well, kailan ba naging maayos ang lahat sa kanilang mag-asawa? Laging nauuwi lang sa bangayan ang bawat pag-uusap na namamagitan sa kanilang dalawa. Mas maigi pa yatang maging abala sila sa kanya-kanyang trabaho para h