AshleyWalang salitang hinila ako ni Gem palabas ng office matapos tapunan ng tingin si Cindy. Nakita ko ang pagtatagisan ng mga bagang niya at nahulaan kong nagagalit siya sa akin dahil nahuli niyang sinasaktan ko ang pinakamamahal niyang si Cindy!Hindi naman ako nag-abala pang mag-explain. Para saan? Sa nakikita ko kay Gem, sira na ang tiwala niya sa salita ko.Sumakay kami sa elevator at bumaba rooftop.“What is wrong with you, Ashley!” galit na sita ni Gem sa akin.“What is wrong with me? Huh! Hindi dahil iyon ang nakita mo, iyon na talaga iyon,” galit ding balik ko.“Kilala ko si Cindy.”“Oh, yes. Kilala mo ang pinakamamahal mong babae. Kilala mo rin ako, `di ba? Tinatawag mo pa nga aking sinungaling. So, bakit pa ako mag-e-explain, eh, alam ko namang iisipin mo lang na nagsisinungaling ako para makuha ang gusto ko?”Malakas ang ihip ng hangin sa rooftop. Nakatulong iyon para hindi mapansin ni Gem na napapasinghap ako sa tindi ng sama ng loob. I had just been trying to defend my
Ashley Late na akong pumasok sa office. Mahabang oras din pala ang inubos ko kina Cindy at Gem. Kung hindi nga lang dahil may malalaking projects kaming hawak, mag-a-absent na lang ako ngayon.Eksaktong nagpa-park ako ng kotse nang bumaba si Sherry sa sasakyan niya, kasunod lang ng sa akin. Nahiya pa akong batiin siya. Pero dahil kumalma naman na ako, pinili kong batiin siya.Ngumiti naman agad si Sherry. That was a sign na hindi na siya galit sa akin.“Bakit late ka, ghorl? Ngayon ka lang ba papasok o may inasikaso ka rin sa labas kagaya ko?” tanong pa niya. Sumandal ako sa gilid ng kotse ko. Parang may nakitang kung ano mula sa akin si Sherry at biglang nag-form ng ‘O’ ang mga labi niya. “Ano’ng nangyayari sa ‘yo, girl? Bakit mugto ang mga mata mo, `tapos namumutla ka pa?”“Wala ito,” sabi ko na lang. I was not sure if I was ready to tell her everything, lalo na iyong mga ginawa ko kanina.“`Yong totoo, magkaaway pa rin ba kayong mag-asawa?”Hindi ko nagawang magsalita. Hindi lang
Gem “I'll go ahead, pare,” sabi ni Art.Palakaibigan ang tono niya, pero hindi ko magawang maging friendly. So, may deceitful wife was true to her words when she said she’d be with another man kapag hindi ako umuwi. At kailan pa niya ito ginagawa? Kapag nauuhaw siya sa tawag ng laman dahil hindi ko ginagampanan ang obligasyon ko bilang asawa niya?It was a hard blow to my ego. Ah! Hindi lang sa ego ko masakit. Para akong sinuntok nang maraming beses pagkakita sa unfamiliar na sasakyan na tumigil sa tapat ng gate namin at makitang may ibang kasama si Ashley.Magpahanggang ngayon ay hindi matanggap ng isip at damdamin ko na ibang-ibang Ashley ang nakakasama ko ngayon. Kung hindi ko naagapan ang nakakita sa nangyari kanina, malamang na laman na ng social media sina Cindy at Ashley.At nasaan na ba iyong Ashley na kilala ko? Iyong Ashley na pinakaiingat-ingatan ko. Ang babaeng ni ayaw kong mahawakan ng ibang lalaki dahil alam kong hindi siya katulad ng iba. Ganito ba talaga ang tunay na
Ashley Mabigat ang pakiramdam ko kinabukasan. Hindi ko yata kayang pumasok sa trabaho. Sa kaunting pagkilos ay nahihilo ako.Tahimik sa buong bahay. Mag-isa na naman ako. Sa tuwing gigising ako, palaging mag-isa lang ako. Dapat sanay na ako. Simula nang magtrabaho ako, nag-independent living na ako. Ang matulog mag-isa at gumising mag-isa ay dapat na natural na lang.Pero ipinaranas kasi sa akin ni Gem kung gaano kasarap ang matulog na katabi at kayakap siya. At kung gaano kasaya sa pakiramdam na magising na siya ang una kong makikita. Kung gaano kasaya na siya ang babati sa akin sa pagmulat ng mga mata ko. Kaya lang, sandali lang iyon. Sandali lang niyang ipinalasap ang maliligayang araw na iyon.I felt a stinging pain in my heart. Agad kong isinalya sa labas ng bintana ang hindi magandang damdamin. Why was I being too emotional lately? Madalas kong balikan at iyakan ang masasayang alaala namin ni Gem.Pagkatapos ma-compose ang sarili, bigla ang desisyon na hindi na ako muling magpa
Ashley Tulog pa si Gem nang umalis ako sa bahay. Naging maayos ang pakiramdam ko sa buong magdamag at nagawa ko ding tapusin ang iniuwing trabaho nang nakaraang gabi. Sinigang lang pala ang makapagpapagaan ng pakiramdam ko, sana ay naisipan kong magluto niyon. But I doubted if I could cook. Kung hindi dahil kay Gem, baka maski hapunan ay hindi ako nakakain. Talagang wala akong lakas at maging ang pagpunta sa banyo ay effort pa.Sa weekend nga ay magpapa-check up na talaga ako dahil sa madalas na pagsusuka at atake ng pagkahilo.“Okay ka na ba talaga at pumasok ka na? Namumutla ka pa rin.”Ngiti ang isinagot ko kay Sherry. Talagang dinayo niya ako sa puwesto ko para kumustahin. Na-appreciate ko iyon nang sobra. Alam ko, maski hindi siya magsalita, gusto niyang pagaanin ang loob ko.“You know, girl, dapat mag-loosen up ka rin minsan. Kaya ka siguro madalas magkasakit kasi hindi na healthy na dala-dala mo araw-araw iyong bigat ng problema at stress. Kung sumama ka kaya sa akin mamayang
AshleyThe next time I opened my eyes, sina Art at Ms. Lalaine ang nakita ko. Agad akong bumangon.“Nasaan tayo? Ang event? Sino ang nandoon?”“Don’t think about it. Maayos na natapos ang event. Everybody enjoyed the party. Nandito tayo sa infirmary ng hotel,” sabi ni Ms. Lalaine. “You shouldn’t push yourself too hard, lalo at ganyan na may dinadala ka na pala.” Magkahalo ang pag-aalala at saya sa boses niya.“Ano ba’ng nangyari pala?” tanong ko.“You fainted. Good thing Art was there to catch you. God! Ashley, be more careful. Ano’ng sasabihin ko kay Gem kung may nangyaring hindi maganda sa`yo? Hindi mo man lang sinabi sa akin ang kondisyon mo. I would have lessened your workload.”Na-confuse akong lalo sa sinabi ng boss ko. Napalingon ako kay Art na nakatitig lang din sa akin. Anong kondisyon ba ang sinasabi nila? May nakita ba ang doktor na tumingin sa akin na malalang sakit kaya madalas akong nahihilo?“Gem deserves a scolding, too. He was so secretive he didn’t tell me you were p
Ashley “Indefinite leave? So, how long will it be? Two weeks? Three? A month?” Ngiti ang isinagot ko kay Art. “I don’t know either,” sabi ko habang inaayos ang mga gamit ko. In-endorse ko na rin sa kanya ang materials para sa next project namin. “Depende kung kailan ako papayagan ni Gem na bumalik sa work. You know, he is concerned with the baby. I am so sorry I have to leave the team like this—” “Ash…” concerned niyang sabi. “Don’t try to hide it. You can be real in front of me. You can cry on my shoulder. And I swear I’ll never judge you.” “Huh?” Inilayo ko ang tingin sa kanya. “What are you talking about?” “I know the real score between you and Gem. Hindi ka na umuuwi sa bahay n’yo.” Bigla akong napabaling kay Art. “I’m sorry, hindi ko sinasadyang sundan ka kahapon. I was just going to check on you, pero nakita kong umalis ka dala ang maraming gamit. Sa hotel ka tumuloy. And I’m guessing na nandoon pa rin ang mga gamit mo ngayon.” Napalingon ako sa paligid. Luckily, walang
Gem It had been ten days and I felt like going crazy. Gabi-gabi na akong laman ng bar, katulad na lang ngayon. Alak na lang ang karamay ko. Hindi ko na alam kung saan hahanapin si Ashley. Maski ang parents niya na wala palang kaalam-alam na umalis si Ashley ay nagawa kong pagtanungan.Alam kong magagalit si Ashley kapag nalaman niyang pinag-alala ko pa ang parents niya. Pero mas mabuti na iyon para lumabas siya agad mula sa kung saang pinagtataguan niya.Sadly, hindi rin alam ng parents niya kung saan siya nagpunta. Gusto ko nang mawalan ng pag-asa. Saan puwedeng magpunta si Ashley? Dinadala niya ang anak ko at nakita ko naman kung gaano kahirap ang pagbubuntis niya. Dapat ay kasama niya ako at karamay sa mga mahihirap na sandaling iyon. Kung nalaman ko lang, hindi ko sana inuna ang trabaho at ang pride ko. Hindi sana ako naging makasarili.“Damn it!” Yamot na nagsalin ako ng whiskey sa baso at deretsong tinungga iyon.Mayamaya pa ay naramdaman kong may lumingkis ng yakap sa akin mul