AshleyParang bigla akong natauhan. Masarap sa pandinig ang mga salitang narinig ko, pero tama ba ang pagkakaintindi ko sa mga iyon? Totoo ba ang mga salitang iyon?“Dahil ba sa baby?” lakas-loob na tanong ko maski pa hindi naman ako nakakasigurado na makakakuha ako ng totoong sagot.“I want you, with or without the baby. And don’t mistake my words for anything else. When I say I want you, I want all of you—heart, body and soul.”Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Paraan niya ba ito para makuha ang loob ko at pagkatapos ay saka niya sasabihing amanos na kami? No, I wouldn’t let that happen. Sapat na iyong sakit na naramdaman ko at patuloy na nararamdaman. Ayoko nang madagdagan pa. Ayoko nang patuloy na magpakatanga.“Ashley…” Ipinihit ako ni Gem paharap, saka marahang kinabig palapit sa katawan niya. “Kahit minsan ba talaga, hindi ko naiparamdam sa `yo na mahalaga ka sa akin?”Impit na kinagat ko ang pang-ibabang labi. Nananakit na naman ang lalamunan ko sa pagpipigil na maluha. Na
Ashley Tinanghali ako ng gising mula sa halos magdamag na pag-iyak. Akala ko, kapag pinaalis ko si Gem ay tapos na ang lahat at hindi na ako masasaktan. Pero mas masakit pala ang isiping hindi ko na siya makikita pang muli. Hindi ko na maintindihan ang sarili. Itinaboy ko siya, pero ako naman ang nasaktan sa ginawa ko.Nagsusuklay ako ng buhok nang makaramdam ng pangangasim ng sikmura. Tumakbo ako papunta sa banyong malapit sa kusina. Nagkandaduwal ako sa toilet bowl habang nakasalampak sa sahig. Ganito na lang ako tuwing umaga; masusuka maski wala pang laman ang tiyan. Pulos laway lang naman ang inilalabas ko.Naramdaman ko na may humawi sa mahaba kong buhok at itinaas iyon, kasunod ang magaang paghagod sa likod ko hanggang sa tumigil ako sa pagduwal. May nagpunas ng tissue sa bibig ko at nagulat na lang ako nang makilala kung sino iyon.“Ano’ng ginagawa mo rito? Sino’ng nagpapasok sa `yo?”Hindi ako sinagot ni Gem. Sa halip, kinarga niya ako at dinala sa couch sa sala. Nagpunta uli
AshleyI made him mad again. Pero bakit ba siya nagagalit? Ano ang solusyon niya kung hindi annulment? Plano ba niyang manatili kaming kasal habang nagbabahay-bahayan sila ni Cindy? Was that the punishment he wanted to give me?No! I couldn’t take it anymore. Kaya kong i-tolerate ang mga sarcasm at insulto dahil alam ko namang galit siya sa akin. But cheating was another story. Hindi ko mapapayagan iyon. Especially now that we were going to be parents already. Ayokong makita ng anak ko ang harap-harapang panloloko niya sa akin. Ayokong kamuhian siya ng anak namin kapag nakita nito na hindi normal ang setup namin. Higit sa lahat, I didn’t want my child to get hurt knowing that his father didn’t love his mother. So we’d better part ways now, before our child was born.“Look, Gem. Alam kong galit ka sa akin. Malinaw na malinaw sa akin at naiparating mo sa akin nang maayos iyon. At natauhan na ako. Pagod na rin naman akong ipagsiksikan ang sarili ko sa taong hindi ako kayang mahalin.” I c
Gem It had been ten days and I felt like going crazy. Gabi-gabi na akong laman ng bar, katulad na lang ngayon. Alak na lang ang karamay ko. Hindi ko na alam kung saan hahanapin si Ashley. Maski ang parents niya na wala palang kaalam-alam na umalis si Ashley ay nagawa kong pagtanungan.Alam kong magagalit si Ashley kapag nalaman niyang pinag-alala ko pa ang parents niya. Pero mas mabuti na iyon para lumabas siya agad mula sa kung saang pinagtataguan niya.Sadly, hindi rin alam ng parents niya kung saan siya nagpunta. Gusto ko nang mawalan ng pag-asa. Saan puwedeng magpunta si Ashley? Dinadala niya ang anak ko at nakita ko naman kung gaano kahirap ang pagbubuntis niya. Dapat ay kasama niya ako at karamay sa mga mahihirap na sandaling iyon. Kung nalaman ko lang, hindi ko sana inuna ang trabaho at ang pride ko. Hindi sana ako naging makasarili.“Damn it!” Yamot na nagsalin ako ng whiskey sa baso at deretsong tinungga iyon.Mayamaya pa ay naramdaman kong may lumingkis ng yakap sa akin mul
Ashley “Indefinite leave? So, how long will it be? Two weeks? Three? A month?” Ngiti ang isinagot ko kay Art. “I don’t know either,” sabi ko habang inaayos ang mga gamit ko. In-endorse ko na rin sa kanya ang materials para sa next project namin. “Depende kung kailan ako papayagan ni Gem na bumalik sa work. You know, he is concerned with the baby. I am so sorry I have to leave the team like this—” “Ash…” concerned niyang sabi. “Don’t try to hide it. You can be real in front of me. You can cry on my shoulder. And I swear I’ll never judge you.” “Huh?” Inilayo ko ang tingin sa kanya. “What are you talking about?” “I know the real score between you and Gem. Hindi ka na umuuwi sa bahay n’yo.” Bigla akong napabaling kay Art. “I’m sorry, hindi ko sinasadyang sundan ka kahapon. I was just going to check on you, pero nakita kong umalis ka dala ang maraming gamit. Sa hotel ka tumuloy. And I’m guessing na nandoon pa rin ang mga gamit mo ngayon.” Napalingon ako sa paligid. Luckily, walang
AshleyThe next time I opened my eyes, sina Art at Ms. Lalaine ang nakita ko. Agad akong bumangon.“Nasaan tayo? Ang event? Sino ang nandoon?”“Don’t think about it. Maayos na natapos ang event. Everybody enjoyed the party. Nandito tayo sa infirmary ng hotel,” sabi ni Ms. Lalaine. “You shouldn’t push yourself too hard, lalo at ganyan na may dinadala ka na pala.” Magkahalo ang pag-aalala at saya sa boses niya.“Ano ba’ng nangyari pala?” tanong ko.“You fainted. Good thing Art was there to catch you. God! Ashley, be more careful. Ano’ng sasabihin ko kay Gem kung may nangyaring hindi maganda sa`yo? Hindi mo man lang sinabi sa akin ang kondisyon mo. I would have lessened your workload.”Na-confuse akong lalo sa sinabi ng boss ko. Napalingon ako kay Art na nakatitig lang din sa akin. Anong kondisyon ba ang sinasabi nila? May nakita ba ang doktor na tumingin sa akin na malalang sakit kaya madalas akong nahihilo?“Gem deserves a scolding, too. He was so secretive he didn’t tell me you were p