Share

Closing Chapter

Ashley

Parang bigla akong natauhan. Masarap sa pandinig ang mga salitang narinig ko, pero tama ba ang pagkakaintindi ko sa mga iyon? Totoo ba ang mga salitang iyon?

“Dahil ba sa baby?” lakas-loob na tanong ko maski pa hindi naman ako nakakasigurado na makakakuha ako ng totoong sagot.

“I want you, with or without the baby. And don’t mistake my words for anything else. When I say I want you, I want all of you—heart, body and soul.”

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Paraan niya ba ito para makuha ang loob ko at pagkatapos ay saka niya sasabihing amanos na kami? No, I wouldn’t let that happen. Sapat na iyong sakit na naramdaman ko at patuloy na nararamdaman. Ayoko nang madagdagan pa. Ayoko nang patuloy na magpakatanga.

“Ashley…” Ipinihit ako ni Gem paharap, saka marahang kinabig palapit sa katawan niya. “Kahit minsan ba talaga, hindi ko naiparamdam sa `yo na mahalaga ka sa akin?”

Impit na kinagat ko ang pang-ibabang labi. Nananakit na naman ang lalamunan ko sa pagpipigil na maluha. Na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Funbun
very good author; ang galing nyo po khit short lng po ung episodes pero binigyan mo ng mgandang detalye ang estorya..make more short stories pa po...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status