Share

Kabanata 4: Date

Date

Hindi ako mapakali nang gabing iyon. Hindi rin ako makapili ng dress na susuotin ko sa date namin ni Arc. I'm overwhelmed and too excited sa maaring mangyari ngayong gabi.

Mabuti ay nasa business trip si daddy ngayong gabi. Nalaman ko lang kay Rosy na umalis sila kanina ni Liz patungong Bacolod City para sa isang business venture.

Sakto dahil hindi na ako magdadahilan pa kay dad kung saan ako pupunta. Nagsabi na rin ako kay Rosy na may dadaluhan kaming birthday party ni Zandy kaya hindi na ito nag komento pa.

Sa wakas ay nakapili na rin ako ng damit na susuotin. I picked a black V shape fitted dress. Sadyang naka-dungaw ang pisngi ng dibdib ko dahil sa yari nito. Pabor iyon sa akin dahil alam kong may ibubuga ang dibdib ko. Isa pa nasa hubog na ang katawan ko't may katangkaran na rin kaya hindi rin ako mapapagkamalan na teen-ager.

Ang mahaba kong buhok ay kinulot ko ang laylayan matapos ay naglagay ng light make-up. Ayoko naman maging OA ang itsura ko sa unang date namin ni Arc. Gusto ko, looking fresh at hot pa rin ako kahit gabi na.

Hindi ko nakalimutan i-chat si Zandy at i-update siya sa outfit ko tonight. Pinasa ko sa kanya ang selfie ko at nag-heart react naman ito agad.

She also said that Arc is heading now to my house para sunduin ako kaya excited na akong bumaba at hintayin itong dumating.

Naabutan ko naman sa sala si Rosy habang nakaharap sa kaniyang laptop. Pansin kong sumulyap ito saglit sa'kin bago ako taasan ng kilay.

"Mukhang bongga ang pupuntahan mong party, ah?" komento niya.

Imbes na sumagot ay naupo ako sa sofa na katabi ng inuupuan n'ya at pinanood ito habang magka-krus ang dalawang hita.

"Hindi kaba nabo-boríng sa trabaho mo? Imagine, buong araw ka nang nasa opisina then, pag-uwi mo trabaho pa rin ang kaharap mo? Alam mo, dapat ka na talagang mag-asawa." Isang ngiti ang ipinamalas ko sa kanya.

Inayos niya ang suot na reading glasses saka sumulyap muli sa'kin.

"I'm happy and contented of my work. Saka nasa edad naman na ako para mag-asawa. But unfortunately, mukhang hindi ko pa nakikita ang lalaking magpapatibok ng puso ko."

I arch my brows at her. Hindi ko mapigilang mainis sa huling sinabi n'ya. I envy her for choosing who she can love. Pero bakit ako hindi pwede?

Ngunit hindi ko pinakitang naiinis ako sa sinabi n'ya. Imbes ay ngumiti pa nga ako.

"Baka si Cedric na ang lalaking para saiyo. Tutal pareho naman kayong business minded diba? Isa pa mukhang hindi kayo nagkakalayo ng edad."

She just hissed. "Kung pwede lang nga, baka bukas pakasalan ko na siya."

Kumunot ang noo ko sa tinuran n'ya. Hindi tuloy mapigilang pukawin ng Cedric na 'yon ang aking interest. Base sa mga ngiti ni Rosy ay tiyak na hindi basta-basta ang itsura nitong si Cedric. Tiyak may ibubuga nga ito. Knowing, Rosy, saiya ang pinakapihikan na kapatid ko sa lahat kaya hanggang ngayon ay hindi pa ito nagkaka-boy friend.

Hindi ko lang maintindihan kay Dad kung bakit ako pa ang pinagpipilitan niyang ipakasal kay Cedric.

"Ma'am may naghahanap ho sainyo." Pukaw sa'kin ng isa sa mga kasambahay.

Dumiretso naman ako agad sa labas ng gate at hindi hinintay na makapasok sa loob si Arc. Tutal ay si Rosy lang naman ang nasa loob kaya okay nang hindi ko ito ipakilala sa huli.

"Hi!" Masigla kong bati dito nang mamataan ko siyang nakahilig sa kaniyang kotse.

He's wearing along sleeve polo na siyang tinernuhan n'ya ng black pants at itim rin na sapatos. Idagdag mo pa ang bago niyang haircut na mas lalong bumagay sa gwapo niyang mukha.

"Good evening, Veronica Para nga pala saiyo."

"Thanks" Halos mapunit ang ngiti ko nang abutin ang punpon ng bulaklak na bigay niya. Kulang na lang ay mamilipit ako sa kilig nang maamoy ko ang bangong hatid no'n.

"Shall we?"

Hindi na ako nagpakipot pang abutin ang kamay n'ya nang ilahad n'ya ito sa'kin. Pakiramdam ko ay nasa alapaap ako wala pa man kami sa sasakyan.

Hindi na rin mapawi ang mga ngiti ko sa labi habang sakay ng kaniyang sasakyan patungo sa sinasabi niyang hotel. Hindi rin kasi ito boring kausap kung saan ang tungkol naging laro nila kanina ang topic namin.

"Alam ko naman na maipapanalo mo ang laban. You only need someone who can support you, ang hirap kaya maglaro na wala kang suporta lalo na ng mga espesyal na tao sa buhay mo. Kaya I stepped in because I know you deserve more than my support." Hindi ko na pinalampas ang pagkakataon nang hawakan ko ang braso n'ya at ngumiti ng matamis.

Arc swallowed hard. Pansin kong nagpawis ang noo n'ya kahit pa malakas ang aircon sa loob ng kaniyang sasakyan. My lips twitched more and turned to face him while he's busy on the road.

"You are blushing!" I teased.

Doon na lumabas ang mga ngipin sa hindi mapigilang ngiti matapos ay umiling sa'kin.

"You're making me feel uncomfortable, Veron," usal niya na bahagya pang sumulyap sa'kin.

"Hmm, how uncomfortable you are right now, huh?" Hinaplos ko na ang braso n'ya at gumawa ng ilang linya doon gamit ang aking daliri.

He blew out a deep breath and clenched his teeth. Mas lalo pang namula ang mukha niya sa ginawa ko.

"Alright, I let you drive in peace," wika ko matapos ay binitiwan na siya bago umayos ng upo.

Gustohin ko man ituloy ang ginagawa ay nilubayan ko muna pagkat kumakalam na ang sikmura ko. Isa pa baka mag cause pa ng problema kung patuloy ko siyang lalandiin habang nagda-drive.

Sa puntong ito ay kampante na ako, pagkat alam ko sa sarili kong nahulog na siya sa bitag ko, at once na mahulog na siya, sisiguraduhin kong hindi na siya makakawala pa.

Dinala n'ya ako sa isang mamahaling restaurant. Hindi naman lingid sa'kin na mayaman din ang pamilya nila. Isa sila nagmamay-ari ng ilang hotel sa bansa at resto-bar na siyang madalas namin puntahan ni Zandy. Hindi na rin ako magtataka kung isa ito sa mga pag-aari nilang restuarant. Dahil kung saan-saan lang naman sumusulpot ang business nila.

Sa sobrang excited ko ay halos hindi ko nga nagalaw ang steak na in-order ko para sa'kin. Mas intresado kasi ako sa takbo ng usapan namin ni Arc dahil nalaman kong nagkakalabuan na sila ni Fina at dahil 'yon sa pinagsaluhan naming halik noong birthday n'ya.

Lihim akong ngumiti. Isang halik lang pala ang paraan upang magising siya sa katotohanan at maisip n'ya na mas deserving ako kesa kay Fina. Syempre di hamak na mas may ibubuga ako sa kanya no!

"Saan mo gustong pumunta kapagtapos nito?"

Tumaas ang tingin ko sa kanya. Halos manlaki rin ang mga mata ko sa narinig. So, ibig sabihin ay wala pa siyang balak na maghiwalay kami kapag tapos nito?

"E-anywhere you want, it's fine with me." Kunwa ay kibit balikat ko.

Matapos nga namin kumain ay dinala n'ya ako sa isa sa mga resto-bar nila upang manood ng gigs ng isang sikat na banda. Hanggang sa nagbaba ng isang bote ng vodka ang waiter sa aming lamesa at isang bowl ng chip nachos.

Sumulyap sa'kin si Arc at kumibot ang labi bago ibaba sa harapan ko ang baso na may lama na alak.

"Pwede ka na bang uminom?" he asked.

Pansin kong may pag-aalinlangan sa kaniyang mukha pagkat wala pa ako sa tamang edad para uminom. Gumuhit naman ang ngiti sa aking mga labi at walang pasabing hinila ang baso ng alak upang tunggain ng inom. Marahan ko 'yon nilapag sa lamesa bago ngumiti. "Yeah, I drink."

Pansin kong lumuwang ang pagkakangiti nito at nakahinga ng malalim dahil sa aking sinabi. Hindi naman lingid sa kanya na wala pa ako sa tamang edad pero umiinom naman ako kasama si Zandy hindi nga lang kapag may kasamang lalaki.

"So what are your plans after graduating college?" He started a conversation.

Sinulyapan ko ang bandang kumakanta sa stage bago ibalik sa kaniya ang tingin.

"I'm going to marry someone," I smirked.

Pansin kong kumunot ang noo n'ya sa sinabi ko kaya mas lalong lumuwang ang ngisi ko.

"You know family tradition." Kibit balikat ko sa kanya.

Pansin ko ang pananahimik niya dahil sa aking sinabi kaya't sinalinan ko ang baso ng alak at nilapag sa kaniyang harapan.

"Matagal pa naman 'yon. Gusto kong i-enjoy muna ang pagiging single ko. Malay mo naman hindi pala ako pabor sa gusto nila?" Muli akong nagkibit balikat at ininom ang baso na meron na ulit laman. Tila gumuhit sa aking lalamunan ang pait no'n kaya't napangiwi ako.

"So, libre ka pa rin mag boyfriend anytime?" Arc asked me with his serious tone.

"Of course I am!" Walang pag-aalinlangan kong tugon.

Pansin kong nagliwanag ang mukha nito matapos ay muling tinungga ang alak sa kaniyang baso matapos ay sinalinan naman ang para sa'kin.

Hindi na ako nagdalawang isip na inumin 'yon kahit pa pansin ko malakas na epekto ng alak sa'kin. Pansin ko rin na medyo nahihilo na ako kaya't sumandal na ako sa aking silya.

"Wanna go for a dance? Tamang tama ang ganda ng tugtog," narinig kong sabi ni Arc.

Inaninag ko siya patay sinding ilaw na siyang nakalahad ang kamay sa akin. Hindi naman ako ang atubiling tanggapin ang kamay n'ya at nagpatangay dito sa mismong gitna ng crowd kung saan melo music lamang ang tugtog.

Sa puntong 'yon ay kinuha ko ang pagkakataon na mapalapit sa kaniya. Agad kong niyapos ang aking dalawang braso sa kaniyang leeg at doon kumuha ng lakas.

Arc look down on me. Agad ko rin sinalubong ang mga titig n'ya.

"Why have I been so blind to your charms?" Umangat ang isang kamay n'ya at hinaplos ang aking pisngi.

I shut my eyes firmly. Tila ninanamnam ang marahan niyang paghaplos sa aking pisngi at ang mainit na hininga n'ya na tumatama sa akin.

"God, you're so beautiful, Veron," he whispered huskily.

Dahil sa sinabi n'ya ay unti-unti akong pumikit at tumingala dito. Ilang segundo rin akong naghintay na lumapat ang halik na 'yon ngunit walang halik na dumating.

"Fina is here," aniya,.

Mabilis akong dumilat at hinahanap ng mata ang tinutumbok n'ya. Naroon nga si Fina kasama ang bestfriend nitong si Anna at ang kaniyang mga alalay. Gaya ng dati cheap pa rin itong tingnan sa suot na pinilit magpaka-sosyal kahit hindi naman.

Ngunit napansin kong may kasama itong lalaki. Kumunot ang noo nang mapansin kong naka akbay dito ang lalaking kasama. Isa rin ito sa mga ka schoolmate namin na siyang miyembro ng soccer team ng school. Hindi rin magkamayaw ang mga babae dito kapag siya ay naglalaro.

I smirked. Sino ngayon sa amin ang malandi? Hindi pa nga sila naghihiwalay nang tuluyan ni Arc heto't may kalandian na siyang iba.

Agad akong sumulyap kay Arc na hindi inaalis ang titig kay Fina at sa lalaking kasama. Pansin ko rin ang pagdidilim ng mukha n'ya pag ganit ng bagang. Huli na para pigilan ito nang humakbang na siya palapit sa grupo nila Fina.

"Sino 'yang kasama mo?" Tila malalim pa sa balon ang boses ni Arc nang magsalita sa nobya.

Fina smiled devilishly at him. Hinila pa nito ang braso ng lalaki at doon kumapit bago tingalain si Arc.

"Ka-date ko, bakit ikaw lang ba ang pwedeng makipag-date, huh?" Tumaas ang kilay nito sa nobyo.

Ganoon rin umangat ang labi sa'kin ni Fina na parang nangiinsulto.

I smirked. Imbes na si Arc ang dapat na sumagot ay ako ang humarap dito na magka-krus ang dalawang braso.

"Really? Ang pathetic lang kasi na inaya akong mag date ni Arc tapos nakipag-date ka rin sa iba kasama ng mga cheap mo pang alalay." Isang ngisi ang pinakawalan ko maging sa mga kasama niyang nasa likod.

"And for the record si Dustin pa talaga ang naisipan mong ayain? Alam mo bang patay na patay sa'kin 'yan?"

Pansin ko ang paninigas ni Fina sa tinuran ko. Doon naman ako bumaling kay Dustin na pulang pula ang mukhang nakatitig sa'kin.

"Hi, Dustin!" I hugged him in front of their faces, I even let him kiss me on the cheek.

"Hindi ko akalain na makikita kita dito," ani Dustin na kumakamot pa sa batok dahil sa hiya.

Ngunit nabigla ako nang biglang hilahin ni Arc ang kamay ni Fina palayo sa amin. Doon naman natulos ang mga paa ko at nanlamig ang buong katawan nang iwan nila.

Doon naman ako hinarap ng mga alipores ni Fina. Humakbang si Anna upang magsalita.

"Well, well, well. . . Ano ang feeling ng iniwan sa ere? Hindi ba masakit?"

Nagtiim bagang ako dito ngunit nagawa ko pa rin ngumiti.

"Sorry ha, hindi kasi ako yung tipo na madaling madala sa mga drama. I'm sure that he will confronted her for showing her face in here tonight. God, wala ba siyang hiya? Habol nang habol kay Arc at kumuha pa ng mga cheap na alalay na tulad n'yo!"

Hindi ko na siya hinintay pang makapagsalita dahil tinalikuran ko na sila upang labasin ang resto-bar para hanapin sana sina Arc ngunit hindi ko na namataan ang mga ito. Maging sa parking area ay hindi ko na namataan pa ang kaniyang sasakyan.

Tiim bagang akong sumandal sa pader habang kuyom ang mga palad sa matinding inis at galit. Wala pang sino mang lalaki ang ang gumawa nito sa'kin.

Hindi ko mapapalampas ang ginawa sa'kin ni Arc ngayon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status